Skip to content

Mas makakabuti ba sa bayan na payagan na si Arroyo lumabas ng bansa?

To allow her to leave or not
Mukhang mahirap na desisyon ang gagawin ni Pangulong Aquino sa kaso at kalagayan ni Gloria Arroyo.

Sinabi ng cardiologist ni Arroyo, si Dr. Roberto Anastacio, na delikado ang lagay ni Arroyo dahil sa paggalaw ng metal sa kanyang gulugud (spine).

Nang tinanong si Arroyo kung maaring ikakamatay ito, sabi niya “Oo.”

Mataas ang posibilidad na kapag naka-alis si Arroyo sa Pilipinas, hindi na ito babalik.
At bakit naman siya babalik? May kasong plunder at electoral sabotage siyang hinaharap at marami pang ang isasampa sa kanya. Habambuhay na kulong ang parusa sa mga krimen na kanyang hinaharap at haharapin.

Mahirap na maayos niya ang kaso sa administrayon ni Aquino dahil ipinangako ni PNoy noong nagkakampanya siya na kanyang pananagutin si Arroyo sa kanyang mga ginawang krimen sa taumbayan.

At gustong-gusto ng mga tao kapag inuusig ni Aquino si Arroyo. Pinapalakpakan siya kahit binabaluktot na niya ang batas. Gaya nga naging popular si Justice Secretary Leila de Lima dahil hinarang si Arroyo sa kanyang pag-alis papuntang Singapore noong Nobyembre 2011 kahit wala hold departure order and korte dail hindi pa nasampahan ng kaso noon si Arroyo.

Ang problema sa sitwasyun ni Arroyo, walang naniniwala sa kanya. Sa daming pagsisinungaling na kanyang ginawa noong siya ay nasa kapangyarihan, walang halaga na ang kanyang salita. Walang naniniwala sa kanya.

Para na siyang” boy who cried wolf”. Di ba yung kuwento ng pilyo na bata na nagbabantay ng tupa. Mahilig siyang manloko sa mga magsasaka. Ginagawa niya, sumisigaw ng “Lobo, lobo.” Takbo naman ang mga magsasaka para tulungan siya. Wala naman pala. Tapos, tawa siya ng tawa.

Isang araw, dumating nga ang lobo. Sigaw siya ng sigaw na humihingi ng tulong sa mga magsasaka. Hindi siya pinansin.Ubos ang tupa niya.

Ganyan ngayon ang sitwasyun ni Arroyo. Tanong nga ng iba, kung talagang grabe ang sitwasyun ni Arroyo, bakit siya pinalabas sa ospital.

Sabi ni Anastacio na dapat ang ayusin ang metal sa spine ni Arroyo sa Amerika o Austria dahil walang eksperto daw ito.

Pinabulaanan naman ito ng ibang doctor. Sabi ni Dr. Leo Olarte, bise-presidente ng Philippine Medical Association, kung eksperto lang meron ditto sa Pilipinas. Kayang-kaya yan ayusin dito.

Panukala naman ng Malacañang na maaring papuntahin na lang dito ang mga eksperto sa abroad.

Sabi ng ibang political analyst, mas nakakabuti para kay Aquino na payagan si Arroyo lumabas ng bansa dahil kung may masamang mangyari sa kanya rito at ikakamatay niya, lalabas na masyadong benggatibo ang Pangulo. Marami ang maawa kay Arroyo at ang mga yun ay magagalit kay Aquino.

Samantalang kung papayagan lumabas yun, kung hindi man siya bumalik, siya ang masama, hindi si Aquino.

Kaya lang, paano ang panagutan niya sa taumbayan?

Published inAbanteGloria Arroyo and family

145 Comments

  1. Rudolfo Rudolfo

    This GMA Physical Health Issues, is a test of the “Will Power” of the President Pnoy Aquino..His decision can show how “strong,tough,and principled President or human being he is”?.
    If he make mistakes, and blame later, the Aquino legacy will be in Waterloo..

    He needs 12x, or more to think about,and evaluates of allowing GMA to almost an exile situation,if this could happen. He also needs patriotic advisers to keep him firm on his final execution of decision.

  2. Jojo Jojo

    Ang aking tanong. Kung totoo nga, I repeat “IF” kung totoo nga na maybe it will cause sudden death as per Dr. Anastacio. At natigok si gloria. If the president Pnoy order the half mast ng ating bandila. Papayag ba tayo mga blogers. As par as I know ang half mast ay para sa mga tunay na Gov’t. official at bayani. Alam natin na hindi siya legal na Presidente ng Bansa.
    Ang if I may add, itong si Dr. Anastacio ito rin ang nagsabi na kailangang maoperahan si ex Rep. Ecleo. Nasaan si Ecleo. Naoperahan ba. Tumakas pa nga at kasalukuyang hinahunting ng mga autoridad.

  3. chi chi

    Meron lang na loose screw ang titanium plate ni Goyang. Kayang-kayang higpitan yan dito sa Pinas. Exaggerated ang sinasabi ng doktoy nyang Anastacio. “IF” not operated abroad mamatay daw. Bakit pinalabas nya ng Makati Med aber?

    Ang gagaling ng doktor natin sa Pinas. In fact, ang daming foreigners na mas tiwala sila na sa St. Lukes at iba pang malalaking ospital sa Pinas na maoperahan kesa sa US or EU or anywhere overseas. Sa Orthopedic Hospital super galing ang experts sa spine at butu-buto.

    Kung malubha talaga si Gloria, matagal na dapat tigok ang babae na yan.

    Mamatay daw si Goyang kundi maoperahan sa abroad? I don’t give a damn!

  4. chi chi

    jojo, napatawa ako sa kaso ni Ecleo. Same reasoning kay Gloria ang linya ni Anastacio. Aba e pinatatakas rin lang pala nya ang babaeng plunderer, hahaha!

  5. From Thomas Tan:

    If gma has to be operated abroad as they have been insisting,why not have a security detail headed by captain faeldon and about 10 of his handpicked men accompany her to the U.S and pay for all the travel and lodging of these men then we can be assured that she is coming back here.

    Surely if she can afford to go overseas she can spend all the money she has accumulated the nine years she was in power.

  6. acibig acibig

    she was already operated THREE times, how many times will anyone of you people let DIFFERENT doctors operate on the SAME site??? i believe the message is clear—- the EXPERTISE is not in Manila, this is a medical issue, bakit pinagpipilitan nyo ipa- opera sa doctor sa pinas, GMA is VIP, for sure , she did her research and thought Dr Mario VER was the best, well, the outcome OBVIOUSLY is not what we expected, Sila Dr Olarte , Sison were obviously not deemed competent by GMA. Please answer this, sino sa inyo ang papayag ma operahan pa after 3 failed surgeries, Pls focus on the medical issue, whether she will seek asylum is not the issue here. Who did the surgeries on knee of Erap, bypass of Ninoy, kidney transpalnt of Marcos?? Di naman kahihiyan pag sinabi na di kaya ang complicated cases sa manila, coz that is the truth, have you seen presidents / sultan / VIP come to manila for medical treatment? where did tony boy cojuangco seek treatment? and now, who made the diagnosis of kidney cancer of zsa zsa– sa amerika pa???? asan ang mga pinoy doktor???

  7. acibig acibig

    to chi- it is true maraming magagaling na doktor sa pinas – but to have SUCCESSFUL outcome- you need, excellent doctor, state of the art facility, new medicine —- parang pelikula yan— great script, great actor , great director equals Oscar— yung mga foreigner na pumupunta sa pinas eh para makatipid and they have run of the mill problems- kung kapatid at pamangkin ni pnoy ang magkaroon ng serious/ rare/ /complicated medical illness, for sure, mabilis pa sa ala kwatro nasa amerika na sila, and dont even bring the fact that they did not bring her mom to US, that was because it was already advanced, now how in the world it was not diagnosed early, well, we have to ask the filipino doktor or better yet ask dr olarte

  8. Hindi makakabuti na siya ay payagan na umalis. Ano siya sinusuwerte. Pagkatapos ng mga ginawa niyang kasalanan sa bansang Pilipinas ay basta na lang niya tatakasan. Papanagutin muna siya, ikulong at pag tapos na ang sentensya ay doon puwede na siyang umalis. Kahit saang lugar pa.

  9. Dalhin na lang ang doktor na gagamot sa kanya sa ibang bansa dito sa Pilipinas. Papayag naman iyon. Bakit kailangan pa sa ibang bansa magpagaling. Puwede sa ibang bansa basta sa bansa na laging nag giyera. Laging may digmaan para lalo siyang matakot.

  10. jawo jawo

    <<<<political HANGAList

    Ito na yata ang pinaka-inutil na pahayag ng isang political HANGAList. Ang ibig bang sabihin ng ungas na ito ay sa “abroad” lang ang pag-asang bumuti ni Goyang ? Na kung sakaling ma-tigok siya ay kasalanan ni Noy ? Lntek na analysis ito,……walang ka-laman-laman. Hindi pinag-uusapan dito ang makakabuti kay Aquino. What’s at stake here is what is good for all and not pa-pogi points for a few personalities. Political decisions are the hardest to make and some are bound to get burned in the best interest of everybody. If Gloria dies in the Philippines, it is because it is her time to go. Simple as that.

  11. Lurker Lurker

    Just my take on the matter: Even if GMA takes a turn for the worse or dies, that won’t be PNoy’s fault.

    And I don’t believe the Filipino people will blame him, except for those who have always been against him, no matter what.

  12. chi chi

    acibig, kasi milyun-milyun ang pera nila kaya sa abroad sila nagpapaopera, kaya nilang gumastos ng walang limit. Mayrun akong kaibigan na ganyan ang sakit, sa Orthopedic Hospital dyan sa Banawe ginamot, wala syang complaints na gaya ni pandakekak at mga doktoys nya.

  13. chi chi

    Precisely, jowo. Walang pinipiling lugar at oras ang kamatayan. If her condition was really that serious, nabilaukan na at ikinoknek pa sa kaso ng titanium na gulugod, buhay pa!

    Agree with you #11, Lurker.

    Korek ang obserbasyon sa artikulo, walang naniniwala sa pathological liar, kahit sa mga doktoys nya. Talk to the hands na lang sila.

  14. chi chi

    Walang pag-asa ang Pinas kung ang mga pinoy na leaders mismo ay hindi naniniwala sa kakayahan ng pinoy!

  15. saxnviolins saxnviolins

    Mukhang mahirap na desisyon ang gagawin ni Pangulong Aquino sa kaso at kalagayan ni Gloria Arroyo.

    Hindi ang Pangulo ang magpapasya. Si Goyang ay may hold departure order na utos ng hukuman.

    Kung makumbisi ang hukuman na pahintulutan si Goyang, walang magagawa ang Pangulo, maliban lang kung lalabag na naman sa utos ng hukuman.

    In this case, it is the lower courts which will decide, not the Supreme Court. If the lower courts allow the departure, the only basis for the Supreme Court to come in will be to issue a TRO, restraining the lower court from implementing its order of allowing Goyang to leave.

    Baligtad ang magiging labanan, the government asking for a TRO, and Goyang asking that the TRO be denied.

    Kapag discretionary sa lower court, karaniwan ay hindi nakiki-alam ang Kataas-Taasang Hukuman.

  16. Star 1542 Star 1542

    Some people say Ferdinand Marcos was evil, mean, ruthless and heartless dictator…but he allowed Ninoy Aquino to leave the country and seek medical attention in the USA. Marcos, at that time, was the law. He was in control of all government bureaucracies, the legislature and the judiciary. Did he question whether Aquino was faking or not?….He did not only allow Aquino to leave but the entire members of his family.

    Presently, the Philippines is not under martial law and as such, it is the court which decides whether Gloria would be allowed to leave the country and not the President (…and I agree with #15), unless Penoy would like to be a dictator worse than Marcos.

    Almost everybody hates Gloria, myself included. But in a civilized world, rule of law and justice must be observed. The prosecutors of Penoy are so incompetent that they could not gather strong evidence against Gloria. What happened to the unbailable crimes that Gloria had allegedly committed? So far they are only allegations, suppositions and innuendos bloated by media to sow hatred against Gloria and pa-pogi points of Penoy to have his loyalists rally behind him in his alleged campaign against corruption which for more than two years nothing had happened yet.

    As to Marcos, for allowing Ninoy to leave the country, was it a smart move or a stupid move? Conversely, as to Penoy, for not allowing Gloria to leave the country, is it a smart move or a stupid move?

  17. Jojo Jojo

    saxnviolins #15. Saludo ako sa iyo. Man of reality. Nagsasabi ka nang totoo. Ang mga katulad mo ang dapat na tagapayo ng Presidente. Hindi agad ako naka pag reply about UP gahol sa time ’cause I have to fix something sa akin radio station. Palitan mo kaya si Mr. AK-47.

  18. hilman hilman

    #16 Star magkaiba ang sitwasyon ni Ninoy at ni goyang. Si Ninoy walang ninakaw sa kaban ng bayan , si goyang maraming kasong pagnanakaw na dapat harapin. Tama si jojo kung oras mo na oras mo na,,,,pero si goyang tingin ko hindi basta matitigok yan ….

  19. Sinong nagsasabing nasubukan na nila lahat ng magaling na doktor ng Pilipinas?

    Sikreto natin ito, expert din akong doktor. At ang forte ko yang spine. O para matapus na ang problema, ako na mag-
    oopera. LIBRE.

    Sa PGH gagawin, para matikman ni Gloria ang lupit ng karma, ang gamot na gagamitin yun lang nasa infirmary ng PGH dahil yun lang ang budget ng PGH. Yung alcohol, cognac. Yung instrumento, kung ano lang ang meron, basta walang kalawang.

    Pipila siya sa regular schedule ng surgery na inaabot ng hanggang anim na buwan ang waiting time.

    Magiging generous naman tayo dahil exclusive sa kanya at bisita niya yung isang elevator na ipinagawa niya ilang taon ang nakakaraan. Oo nga pala, sira na yung chipipay na overpriced elevator, Hanggang ngayon walang kahiya-hiyang nakapaskil pa litrato nya, sira naman.

    Ang mga nurses na mag-aasist, yung mga pumasa lamang sa board dahil naglagay sa PRC at hindi matanggap sa abroad.

    Kung mamatay si Gloria? E ano. Meron bang garantiya ang sinomang doktor? Kahit saan sa mundo walang garantisado.

    Nasa kwestiyon na naman tayo ng Humanitarianism. Hindi ako humanitarian. Hindi ako kumakain ng tao. Vegetarian ako. Vegetarian.

  20. chi chi

    tongue, takot lang ni Goyang na subukan yan baka bigla syang gumaling e wala na syang rason para humingi ng humanitarianism reason sa kapinuyan.

    Basta ang topic e si pandak , piggy wiggy at ampaws ay di ko ma-feel ang humanitiarism na kanilang hinihirit.

  21. Robert Robert

    Tongue, sagot ko ang surgery knife na gagamitin mo, pero hindi talaga surgery knife ito pero pwede na rin. Matagal ko na talaga itong itinatago para gamitin talaga sa ganitong pagkakataon—isang gillette blade na medyo may kalawang na. Aalisin ko ang kalawang bago ko ibigay sa’yo. Dahan-dahan lang ang hiwa para naman hindi masaktan, kawawa naman.

  22. MPRivera MPRivera

    # 19. “……..Hindi ako humanitarian. Hindi ako kumakain ng tao. Vegetarian ako. Vegetarian.” – TT

    ipinagdiinan pa ‘yung vegetarian daw siya.

    eh, ano naman kung vagi, este vegetarian ka?

    peanut lang naman ang alam kong paborito mo, ‘noh?

    Eid Mubarak sa inyong lahat!

  23. MPRivera MPRivera

    okey, sige. payagan nating umalis si goyang upang maipaoera ‘yung kanyang gulugod sa ngalangala dahil ‘yung inilagay na metal ay gumagalaw na maaaring maging sanhi ng kanyang kamatayan PERO dito natin siya ipa-opera sa kinalalagyan ko.

    in sense of humanitarinisation, LIBRE din ang operasyon. special ang anaesthesia na ituturok sa lalamunan niya upang hindi niya maramadaman ang sakit AT highly prioritized siya. meaning na ibig sabihin, dahil naging pwesidente siya ng pilipins ay siya lamang ang pasyenteng tatanggapin dito. lahat ng gamit ay state-of-the-art and ultra modern.

    ang anaesthesia? kagat ng scorpion at talantula!

  24. Sige kung papayag si Magno sa abroad, payag na rin ako, basta walang special treatment. Nga pala, yung airport magbi-bid ako ng metal scanner/detector, kabitan ko kaya ng pinakamalakas na magnet, yung Samarium Cobalt o kaya Neodymium Iron-Boron para oras na dumaan siya doon hatakin yung titanium niya sa leeg papuntang permanent magnet. Permanent display na rin siya sa airport hehehe.

  25. saxnviolins saxnviolins

    Court:

    The request for permission to travel is conditionally granted.

    Permission is granted on the condition that the accused take an Aviatour plane to Singapore, and that she be escorted by PNP Abrazado.

  26. MPRivera MPRivera

    The People of the Philippines:

    No objection provided that the patient be positioned tied at the propeller of the plane.

  27. chi chi

    #23, #24. Nyahahaha!

    Ang labas ay nagsabog na giniling na karne #26. Ang tindi nyo! 🙂

Leave a Reply