Noong Sabado, habang atensyun ng bansa ay sa baha sa Metro Manila at Central Luzon, may malagim na nangyari sa Isabela City sa lalawigan ng Basilan.
Binaril si Daryll Kinazo, 45, election officer ng Isabela City pagkatapos ng registration para sa mga may kapansanan (Persons with Disabilities). Namatay siya sa speedboat na sana ay yun ang magdadala sa kanya sa ospital sa Zamboanga City, mga dalawang oras ang layo sa Basilan.
Ayun sa report ng Mindanews, mga 3 ng hapon, katatapos lang ng pagsupervise ni Kinazo ng registration para sa PWD sa gym ng lungsod. Sumakay ang Comelec opisyal sa kanyang motorsiklo pauwi sa kanyang bahay sa Barangay Balobo sa Lamitan City nang tinabihan siya ng motorsiklo na may sakay na dalawang tao (riding in tandem) at binaril.
Ayun kay Superintendent Allan Nazaro, police chief ng Isabela City, delikado talaga ang lugar kung saan tinambangang si Kinazo. Doon palagi nangyayari ang ambush o rape dahil malayo daw sa detachment ng pulis o military.
Ayun kay Army Col. Romy Yogyog, commanding officer ng Task Force Basilan, mukhang may kuneksyun sa eleksyun sa sunod na taon ang pagpatay kay Kinazo.
Unang naka-skedyul ang pagpalista ng mga PWD noong Hulyo 21 ngunit ipinagliban ito noong Agosto 11 dahil nagkaroon ng panibagong registration as Autonomous Region for Muslim Mindanao para malinis ang listahan ng mga botante.
Mahalaga ngunit delikado ang trabaho ng mga election officer sa mga lugar katulad ng Isabela City. Marami doon mga bata na mga 12 o 15 taong gulang ay nagpaparehistro. Paano mo naman tanggihan yan kahit na bata may hawak-hawak na AK-47.
Ang Basilan ay kasama sa ARMM, na hindi maganda ang reputasyun pagdating sa eleksyun dahil doon, palaging sumusubra ang bilang ng boto kaysa listahan ng botante. Sabi ng ng marami sa ARMM, para kang nago-order ng boto kung sino man ang may hawak sa probinsiya. Sa Maguindanao noon ay ang pamilyang Ampatuan. Sa Basilan naman noon ay si Wahab Akbar, na namatay nang siya ay binaril sa harap ng Batasan sa Quezon City.
Doon din sa ARMM kumuha ng boto si Gloria Arroyo para mahabol niya at malampasan ang boto ni Fernando Poe Jr noong 2004 na eleksyun. Doon din kumuha ng boto si Miguel Zubiri noong 2007 na eleksyun kaya siya umupo sa Senado ng sobra apat na taon (sa halip na si Sen. Koko Pimentel) kahit hindi naman talaga siya nanalo bilang senador.
Ang Basilan ay kasama sa ARMM ngunit hindi ang kanyang capital na Isabela City. Pinili ng karamihan sa mga naninirahan doon na hindi sumali sa ARMM noong 2001 na plebiscite.
Siguro dahil abala tayo sa baha o talaga wala masyadong malasakit ang mga ibang bahagi ng bansa sa nangyayari sa ARMM. Isang lang ang nakita ko sa Facebook na bumaggit tungkol sa pagkabaril kay Kinazo – si dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal.
Hindi natin dapat kalimutan na ang Muslim Mindanao ay bahagi ng Pilipinas. Kung ano ang nangyayari doon, may epekto sa buong bansa.
Hindi matapos-tapos ang problema sa ARMM kasi pinalala ni Gloria Arroyo at mga kaalyado.
Sa dami ng analyses na nabasa ko na ay hindi ko pa rin magetz ang psyche ng region na yan. Dapat e magtalaga si Pnoy ng may wisdon at a-tapang a tao sa ARMM… yung hind takot sa baril at dugo, at hindi rin uto-uto.