Skip to content

Month: July 2012

Hindi “fun” pagdating sa NAIA1

Interaksyon file photo
Hindi na bago itong reklamo ngunit uulitin ko na naman dito dahil ganun pa rin ang sitwasyun sa arrival sa Ninoy Aquino International Airport 1. Nakakadismaya na nakakainis. Sobra isang oras kaming nakapila sa Immigration noong Sabado ng gabi.

Hindi bale ako dahil tatlo at kalahati oras lang ang biyahe mula Seoul. Ang marami sa mga nakapila ay galing pa ng Amerika at ang iba ay galing Middle East at Europe na humigit-kumulang 14 oras ang biyahe. Siyempre pagod na sila. May mga bata na umiiyak.

It’s not fun arriving in the Philippines via NAIA1.

Ang dalawang J na namamayagpag sa Korea

Jessica Torralba Kang showing Amb Cruz her insurance agent license.
SEOUL,Korea – Nagkita kami ng ating ambassador sa Korea na si Luis T. Cruz at ilan sa kaniyang mga kasamahan sa embassy. Dumalo kasi ako dito sa seminar ng Asia-Europe Meeting (ASEM) tungkol sa relasyon ng human rights at internet.

Siyempre kuwentuhan ng kalagayan ng mga Pilipino dito sa Korea na karamihan ay nagtatrabaho sa mga factories. Ngunit ang marami din ay ang mga Pilipino na dito na talaga naninirahan. Umaabot sila ng 6,000 at marami sa kanila ay asawa ng mga Koreano.

Maraming success stories ng mga Pilipino dito sa Korea. Dalawa sa mga kuwento na yun ay sina Jessica Torralba Kang at Jasmine Lee. Parehong “J”.

Nakita ko sa Facebook ang litrato ni Jessica na pinapakita kay Ambassador Cruz ang kanyang lisensya bilang pinakaunang immigrant na nakakuha ng Insurance Agent Certification in South Korea. Nagtatrabaho si Jessica sa Samsung Fire & Marine Insurance Co., Ltd.