Nakakalungkot. Wala na si Maita Gomez.
Pumanaw si Maita habang siya ay natutulog Huwebes ng hapon, habang ang buong bansa ay namimighati sa pagkamatay ni Dolphy.
Sabi ni Anna Leah Sarabia, kaibigang matalik ni Maita, natulog si Maita pagkatapos niya kumain ng tanghalian. Ginising siya ng kanyang anak nang tumawag ang kanyang opisina. Hindi siya sumasagot at nang buksan ang kanyang kuarto, patay na siya.
Napaka-payapa ng kanyang pagpanaw.Sabi nga namin ni Human Rights Commissioner Etta Rosales nang magkita kami sa burol ni Maita,kung pwede lang sana hilingin kay Lord, ganun na rin niya kami kukunin.
Nakakatuwa nga kung isipin ang buhay ni Maita na laki sa mayamang pamilya, kolehiyala, naging model, beauty queen, na naging amazona.
Nag-aral si Maita ng medisina sa University of the Philippines. Siguro doon umigting ang kanyang pagka-mulat sa hindi makatarungan na pamamalakad ng pamahalaan at ang maaring papel na gampanan ng bawat mamamayan.
Namundok siya nang maiinit na ang mata ng military sa kanya. Sumali siya sa New People’s Army. Hindi lang ako sigurado kung ito ay nangyari bago idineklara ni dating Pangulong Marcos ang Martial Law.
Doon sa kanyang burol, nandun si Melissa, ang pinakamatanda nyang anak na kasingganda niya. Sumubok mag-artista noon si Melissa ngunit hindi tumagal.
May mga ilan na nagkwento kay Melissa na tumira silang mag-ina sa kanila nang nagtatago pa sila sa military.
Ang pagka-alam ko nagkasakit si Maita sa bundok at nabalitaan ko na lang na nahuli siya.
Ang una kung trabaho dito sa Manila ay sa isang fashion magazine, Style. Modelo pa lang si Maita noon at talagang lutang siya sa mga fashion show. Mataas kasi siya, payat at talagang maganda kumilos.
Nang bumalik siya mula sa bundok, sa mga rally at sa mga seryosong forum ko na siya naku-kuberan.
Simple lang siya. Walang yabang, walang arte. Makabuluhan ang mga sinasabi.
Naala-ala ko noong 2010 na kampanya, nagkita kami sa isang restaurant sa Batangas. Papunta akong Batangas city para mag-cover ng political rally ng Liberal party na si Noynoy Aquino ang tumatakbong presidente.
Siya naman, papuntang sa ibang bayan ng Batangas at nanga-ngampanya para kay Satur Ocampo na tumatakbo noon bilang senador sa tiket ng Nacionalista Party na ang kandidatong presidente naman ay si Manny Villar.
Kung personal lang ang kanyang ini-isip, hindi na sana naging aktibista si Maita. Mayaman ang kanyang pamilya. Pamilyang Favis ang kanyang ina at Gomez ang kanyang tatay. Nakapag-asawa muna si Maita ng isang Perez-Rubio bago siya namundok. Nang bumalik na siya mula sa bundok, nag-asawa siya kay Heber Bartolome, singer-composer.
Hanggang sa huli ng kanyang buhay, aktibo si Maita sa pagpabuti ng kabuhayan ng mga Pilipino na nasa kanayunan, lalo na ng mga kababaihan.
Ang kagandahan ni Maita ay hindi lamang panlabas. Pati ang kanyang kalooban.
Ipagpatuloy natin ang mga itinuro, ibinahagi at isinakripisyo ni Maita. Yan ang pinakamagandang pagpapasalamat natin sa kanya sa serbisyo na binigay niya sa mamamayan.
Related articles:
No way to explain paradox of rich beauty queen/revolutionary
Maita- from highborn beauty queen to ‘Queen of the Toiling Masses’
Maita Gomez, lovely soul:rebel intellectual will always be a beauty queen
Ellen, ipapatawad sa tanong ko kasi parang atake de corazon ang kinamatay ni Miss Maita. Mga ano ang edad nya ng pumanaw?
Sa mga kwento tungkol sa Pinas beauty queens, sya lang ang naiiba ang buhay, inialay sa kanyang paniniwala at pagmamahal sa bansa.
Paalam Ka Maita, isa sa dalawang beauty queen na pinaglaban ang “tunay” na kapakanan ng kababaihan.
Paalam Ka Maita … sa iyong sinimulan…”Padayon”.
“Walang masama sa kaliwa; mabuti ang kaliwa.”
Angkop na angkop ito na maging epitah ni Maita, mahal na kasama, kabaro’t kaibigan! Maita, sa puso ng sambayanan, itatayo ang iyong bantayog!
Pagpupugay kay Ka Dolor mula kay Judy Taguiwalo:
http://pinoyweekly.org/new/2012/07/pagpupugay-kay-maita-gomez-walang-masama-sa-kaliwa-mabuti-ang-kaliwa/comment-page-1/#comment-47969
Chi #1, Maita was 65 years old.
sana may mag produce ng pelikula for true to life story ni Maita Gomez. Very unique ang kanyang life kumpara sa mga beauty queen and showbiz personality na alam natin.
Napanood ko na rin ang isa sa mga pelikula nya, di ko lang matandaan.
ayan na naman. pangalawang taytol ng pelikula na ganyan ang pamagat. katulad ni chi, meron din daw ganyan pamagat ng pelikula ni pidol na kanyang napanood.
ano naman ang naging silbi ng buhay ni maita? sumama sa NPA, naging amasona. makabuluhan ba?
tama ba ang ginagawa ng mga rebeldeng ‘yan na manira ng ariarian kapag hindi nasusunod ang pangingikil nila?
kailan ba naging makatarungan ang pag-aaklas laban sa pamahalaan sa pamamagitan ng armas at dahas?
baluktot na idolohiya ba ang dapat upang maging matahimik at mapayapa ang pilipinas?
marahil, kaya bumaba sa pamumundok si maita ay dahil naisip niyang walang saysay ang kanyang pikit matang pagsunod sa isang baluktot na paniniwala at ay siya MISMO ang nakasaksi sa mga walang katuturan at hindi makatwirang pagpapairal ng maling batas na sinusunod ng mga rebelde lalo na ‘yung pagpatay sa mga dating kasamahang kumalas upang magpanibagong buhay kasama ang pamilya.
marahil ay napagtanto niyang wala sa dulo ng baril ang katarungan at paraan upang maipaglaban ang sinasabi nilang karapatan at kapakanan ng mga inaaping dukha.
Thanks Ellen, bata pa pala. Nag-search ako sa kanya, ang gandang pinay si Miss Maita, ang ganda-ganda.
Maraming salamat sa iyo MPRivera.Napakaganda ng paliwanag mo.
Ang mga yan mismo ang maging tema ng pelikula at hindi lang NPA dapat nakatuon dahil sa lugar namin sa Mindanao ay marami ring biktima ng pang aabuso ng mga maka kaliwang kababayan natin.
Minsan ng naniwala at nagpasakop ang isang mayaman, maganda, intelehente at respetadong Maita Gomez, pero wala ring napala. Ang ordinaryong tao pa kaya?
http://lifestyle.inquirer.net/57603/maita-gomez%E2%80%93from-highborn-beauty-queen-to-queen-of-the-toiling-masses
Ito pa Chi:
http://lifestyle.inquirer.net/57491/no-way-to-explain-paradox-of-rich-beauty-queenrevolutionary
Remembering Maita by Rodne Rodiño Galicha
“I was then tempted to ask her if she were afraid. If my memory is right, she answered back, “Why would I be afraid? You have to face all these if you want to serve the people. If it is your time, then it is your time – it is natural.”
http://akolikasan.blogspot.com/
Maita Gomez–from highborn beauty queen to ‘Queen of the Toiling Masses’
Maita did. She wanted to change the world—change things as it were, as they are—from the ground up. She left her privileged world and lived the life of a warrior for the little people who have no voice. And so, salute,
Maita! A life well-lived and work well done!
http://lifestyle.inquirer.net/57603/maita-gomez%E2%80%93from-highborn-beauty-queen-to-queen-of-the-toiling-masses
Thanks for the link, Ellen. I love this kind of story of a feminista, beauty inside out a-tapang pa.
Una nakikiramay ako sa pamilya niya. Pangalawa ay hanga ako sa ginawa niya. Pinagpalit ang marangyang buhay para maging NPA na sa bundok manirahan. At maging kalaban ng gobyerno. Hindi natin siya o ng mga naging kasamahan puwedeng sisisihin bakit nagkaganun sila. Mayroon silang hindi nakikita na hindi maganda sa pamamalakad ng gobyerno na dapat ituwid kaso hindi naitutuwid kaya sila na lang na mga nag rebelde ang nais mag tuwid. Sino kaya ang nag convince sa kanya para maging NPA. Hanga ako sa mga tao na nag coconvince sa isang tao para pumasok sa grupo nila. Magaling silang mag convince at puwede silang maging ahente ng kung ano kagaya ng mga medicina at beauty products kagaya ng Royale. Bakit kaya ang ibang mga NPA hindi na lang mag ahente ng kung ano at kikita pa sila ng malaking pera.
Kung ang mga NPA ngayon ay katulad ng mga NPA noon ay maganda sana. Kaso malaki na masyado ang pagkakaiba ng mga NPA noon kaysa sa ngayon. Ito ang patunay kung bakit ko iyon sinabi.
http://arvin95.blogspot.com/2011/01/npa.html
Mabuhay ka Ms. Maita…isa kang ulirang Pinay, nananalaytay sa iyong dugo ang pagiging bayani…sa kabila ng lahat e minabuti mo na magsilbi sa Inang Bayan di tulad ng mga ipokrito sa ating lipunan na pahirap sa bayan.
A good NPA is a dead NPA! Same goes for NPA lovers.
#16. “Kung ang mga NPA ngayon ay katulad ng mga NPA noon ay maganda sana.”
Walang pinagkaiba ang Npa noon sa ngayon. Pare-pareho silang mga bandido at mamamatay tao. Ang mga sumusuporta sa mga NPA ay mamamatay tao rin. Wala silang pinagkaiba.
N – nice
P – people
A – arround
Sumama ba ito sa mga rally laban sa mga chekwang nangangamkam ng mga islang hindi naman kanila?
Correction:
Laban sa China na nangangamkan ng mga islang hindi naman sa kanila?
April 12, 2012 – Bayan Muna stagged rally at Chinnese Embassy denouncing Chineese incursion.
The day after – Teddy Casiño and Neri Colmenares have filed House Resolution 2330 assailing China for its latest incursions and investigating the failure of government to assert the country’s sovereignty and enforce illegal fishing laws against the Chinese fishermen.
May 12, 2012 – Rep. Colmenares stressed: “Again we are reiterating our demand for the Chinese to stop their aggressive actions and for the House to immediately set an inquiry on the full context of the Chinese incursions. China’s aggressive act is a way of pushing for a Joint Venture Agreement (JVA) in the area, which will be unequally in favor of China and detrimental to the Filipino people.
Same day – Colminares, again, stressed: The Supreme Court should now resolve the Bayan Muna petition on the JMSU and declare joint ventures with China on Spratly’s and Panatag (Scarborough) shoal unconstitutional” .
Leftist ang nauuna, tuwiran at diretsong pupapalag sa pangyayari, sana may mga Kanan na di matatakot sa usok ng tear-gas at di nababauhan sa masang-sang na amoy ng uring manggagawa at magsasaka.
From Bagwis:
The phenomenon of Maita Gomez passing is known as the last supper/meal.
It happened to my young brother when he was very young, mid 20s. The coroner suspected foul play so he conducted an autopsy. The cause of death was asphyxiation. The last meal went back up to the throat, thus blocking the air passage. My brother went to sleep right after eating , hardly sufficient time for the food to settle down into the intestine.
Yang bangungot sa tanghali, epekto ng sobrang carbohydrates sabi nung doktor ko. Tignan nyo kung ano ang sinusuka ng mga lasing. Spaghetti, pansit, basta noodles, akala natin madaling tunawin, hindi pala. Nag-eexpand iyan sa esophagus at aakyat kung saan naghihiwalay ang papuntang lungs at yung papuntang bituka. Pag doon nagbara, pati intake ng oxygen sa lungs apektado kaya tama si Bagwis, asphyxiation nga ang resulta.
Kahit pa sa gabi, huwag agad matutulog tapos kumain ng Noodles.
Hindi ko gaanong kilala yan si Maita, pero si Nelia Sancho, medyo inabutan ko na. Aktibista si Nelia pero hindi yata namundok.
Maraming kagaya ni Maita sa UP. Yung iba nga hindi na nakatapos “sumama” na. Karamihan disillusioned sa society, aangal sa gobyerno, pag dating sa huli, magrerebelde. Ano naman ang naaccomplish? May nabago ba? Mas lalong wala.
Kung siya ba naman e nagtapos ng Medicine at naging ganap na doktor, mas marami siyang mahirap na matutulungan.
Makulay ang buhay at pakikibaka ni Maita, ang bagong Gabriela, isang buhay na umaayon sa pagsalarawan ni Laurie Barros noong 1971:
“ The new woman, the new Filipina, is first and foremost a militant…She is a woman who has discovered the exalting realm of responsibility, a woman fully engaged in the making of history…” (Ma. Lorena Barros, “Liberated Women II” in Pugad Lawin, Taon 18 Blg 3, Enero-Pebrero 1971: 32)
Tulad ni Laurie Barros, malinaw kay Maita ang bukal ng ganitong paninindigang maging bahagi sa paglikha ng kasaysayan. Sa pagkaalaala ng isa sa mga kasamahan ni Maita sa pinakahuling National Executive Council meeting ng Makabayan kung saan pinag-uusapan ang tagline sa posibleng pagkandidato ni Teddy Casiño sa pagkasenador, inihapag ni Maita ang ganito:
“Walang masama sa kaliwa; mabuti ang kaliwa.”
Angkop na angkop ito na maging epitah ni Maita, mahal na kasama, kabaro’t kaibigan!
Maita, sa puso ng sambayanan, itatayo ang iyong bantayog!
Bayani ng Puso… Kasamang Maita.
tongue, sumama cum laude ba ‘ika mo?
meron bang gano’ng onor sa koleyds?
tongue, ang mas nakakatakot sa pagtulog pagkatapos kumain ay ‘yung affixation. ‘yun ‘yung humahaba ang noodles at tumataba kapag nahiga agad lalo at beer ang ininom.
Si Kasamang Maita ay isang natatanging babae na sa kanyang pagyakap sa kilusang mapagpalaya sa kababaihan at mamamayan ay nagwasak ng tradisyunal na pakahulugan at pagpapahalaga sa kagandahan
Kilala bilang kababaihang aktibista at bahagi ng henerasyon ng kabataan at intelektuwal na lumahok sa armadong rebolusyon bago at matapos ideklara ang batas militar ng diktadurang Marcos
We shall always remember her invaluable contributions to advance the strugle and the liberation of women. Her unrelenting revolutionary commitment through more than forty years of her outstanding life, shall be a source of inspiration for the present and future generations of of the masses.
Long live the revolutionary spirit of Kasamang Maita Gomez!
Young lady martirs who died without seeing the dawn:
Ma. Lorena Morelos Barros, Baguio City
AB Anthropology (magna cum laude), U.P. Diliman, 1970.
Lorie taught English at U.P. and wrote activist poems. She organized the all-women MAKIBAKA (Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan) and became its first chairperson. She went underground, charged with subversion with a price on her head. She was captured alive by constabulary soldiers on March 24, 1976 in Mauban, Quezon. She was shot in the nape when she refused to reveal the whereabouts of her comrades. She died at age 28.
Jennifer Kintanar Cariño, Baguio City
Maryknoll College, Quezon City in 1968, then U.P. Baguio, BS Math and Physics, 1969-71.
Jennifer joined the Baguio Chapter of KM (Kabataang Makabayan) in 1969. At 26, she died in an accidental firing in Hungduan, Ifugao.
Christina F. Catalla, Tondo
U.P. Los Baños, College of Agriculture, 1967-71.
Christina was a member of UPSCA (U.P. Student Catholic Action), Delta Phi Omiron and SDK (Samahan ng Demokratikong Kabataan) UPLB Chapter. She was an education committee member UPCA Cultural Society and Editor of campus paper Aggie Green and Gold, She organized the STMCL (Southern Tagalog Movement for Civil Liberties) in 1972. She disappeared July 31, 1977 and was reported killed in an encounter in 1978. She died at age 26.
Nimfa “Nona” Borras Del Rosario, Naga City, Camarines Sur
BS Chemistry, U.P. Diliman, 1971-73.
Nona is a graduate of Colegio de Sta. Isabel in Naga City and Philippine Science High School. She was a member of SDK (Samahan ng Demokratikong Kabataan) and KM (Kabataang Makabayan) in 1970 – 1971 during the First Quarter Storm. She was arrested and detained for 10 months in 1973 for opposing martial law. She later became a propagandist of rebel groups in Ifugao and was killed in battle in 1976 in Banaue, Ifugao at age 21.
Rizalina Parabuac Ilagan, Los Baños, Laguna
U.P. Los Baños, 1972.
Rizalina joined the local chapter of KM (Kabataang Makabayan) when she was a senior high school student. She was active in the cultural presentations of the group Panday Sining. She became an editorial staff member of Kalatas, an underground newsletter. She disappeared in July 31, 1971. News came that she was abducted by military operatives along with two others in a meeting held in Makati. She was then 23 years old and was never found ever since.
Ma. Leticia Jimenez Pascual-Ladlad, Carigara, Leyte
U.P. Los Baños, BS Agricultural Chemistry, 1966-1967.
Letty was co-founder of U.P. Cultural Society and the first woman Editor of U.P. student paper Aggie Green and Gold. She was a member of the CEGP (College Editors’ Guild of the Philippines), League of Editors for a Democratic Society and SDK (Samahan ng Demokratikong Kabataan). She was 25 when she disappeared along with a group of comrades in Paco, Manila. They were never found.
Lourdes Garduce-Lagman, Manila
U.P. Diliman, BS Statistics, 1970.
Lourdes was a member of SDK (Samahan ng Demokratikong Kabataan) and organized the Conchu Youth Society. She was killed in a chance encounter June 23, 1979 in Bungabong, Nueva Ecija at age 24.
tilamsik, paanong ibabantayog ang mga tinuran mong yumakap sa maling paniniwala at idolohiya?
ganyan ba ang halimbawa na nais mong tularan ng iyong mga anak? ng iyong mga apo?
mga gumagamit ng dahas upang isulong ang isang mapaniil na layunin at adhikain?
kailan ba naging huwaran ang mga rebeldeng terorista?
Di matatawaran ang taas ng academyang kaisipan kayat itong mga kabataan sa Universidad ng Plilinas naging skolar ng Bayan.
Di matatawaran ang itelektuwal na kakayanan nitong kabataan kayat di natinag at bulag na sumama sa bulok na sistemang umiiral at pagkabulok-bulok na sistemang na ang gobyernoy pamamaraan.
Iniwan ang rangya ng buhay at mas pinili ang hirap sa kabundukan at mapalapit sa mga latak ng lipunan, mapalapit sa mga masang daang taong echa-puwera ng lipunan.
Mga kabataan na humayo upang maghanap ng karunungan, subalit ngayon ang mga magulang ay hahayo upang salubungin ang tropeong pagkabanal-banal, ang malamig na bangkay nitong martyr na Kabataan.
Ngayon ko lang nabasa ‘to… and I was deeply saddened by this news. Bihira ang mga babaeng katulad ni Maita….sayang, kawalan s’ya sa ating lipunan.