Wala palang batas na nagbabawal mag-text habang nagda-drive?
Sa dami ng ating mga mambabatas, dapat may mag-file na ng ganung batas. Huwag nang hintayin pa ng magbuwis pa ng maraming buhay sa aksidente.
Noong Miyerkules, naaksidente ang isang “Don Mariano” bus sa EDSA-Ortigas flyover. Sumampa sa railing. Mabuti lang hindi nahulog . Walong pasahero ang nasugatan. Maulan nang oras na iyon.
Hindi na nga maganda ang panahon na dapat maingat ang pagmamaneho. Ang siste, nagti-text pa ang driver kaya naaksidente, ayun sa mga pasahero.
Kapag nagmamaneho, dapat ang mata ay sa kalsada. Tapos itong driver, na nasa kamay ang buhay ng maraming pasahero, magti-text?
Siyempre kapag nagti-text ka, ang mata mo sa cellphone dahil paano mo makita ang mga letra.
Sabin ng mga pasahero ng Don Mariano bus, may dumaan na motorcycle sa bus habang nagti-text ang driver na si Florencio Beron. Nang makita niya bigla siyang nag-preno kaya sumampa ang bus sa railing.
Maliban sa mga nasugatan, nasira pa ang railing ng flyover at nagkandabuhol-buhol ang traffic sa EDSA ng matagal.
Kasing sama ang epekto ng lasing na nagmamaneho sa driver na nagti-text.
Ngunit samantalang may batas tayo sa mga nagmamaneho na naka-inom, wala pala tayong batas na nagbabawal mag-text habang namamaneho.
Kasi naman nang ginawa ang ating mga batas, wala pa naman text.
Kakasuhan si Beron ng “ reckless imprudence resulting in multiple physical injury” at “ damage to property.”
Sabi ni Elvira Medina ng National Center for Commuter Safety and Protection, panahon na para tuluyan nang ipagbawal ang pagti-text at paggamit ng telepono sa lahat ng driver.
“Ang nakasalalay po dito ay buhay ninyo at buhay ng kapwa niyo,” sabi Medina
Sabi naman ni Roland Simbulan, asawa ng namatay ng namatay na si Chit Simbulan ng VERA Files, at ngayon ay kasama sa grupong “Families of Road Victims and Survivors” kailangan ang mga pasahero, kapag makita ang driver na nagti-text o gumamit ng cellphone, “, dapat sitahin nila eh, right on the spot, at huwag nang maghintay pa na may masamang mangyari.”
Si Chit Simbulan ay namatay nang binangga ng bus ang kanyang taxi na sinasakyan.
Sabi ni Simbulan mas maganda kung makunan ng mga pasahero ang driver bilang ebidensya. Kasi katulad nitong si Beron ng “Don Mariano” bus, itinatanggi niya na nagti-text siya nang mangyari ang aksidente.
Naranasan ko na rin sumakay sa taxi na nagti-text ang driver. Sinasabihan ko na kung importante talaga ang message na ipadala niya, okay lang sa akin huminto para siya makapag-text. Minsan may mga driver na suplado at matigas ang ulo, tuloy sila sa pagti-text. Kapag ganun, bumababa na lang ako.
Ellen dapat kasuhan agad ikulong at e revoke ang lisensiya. Ang problema wala ngang batas para dito.
Sad to say, walang batas against texting/using mobile phones while driving. Mayroong ibang local government units na nagpass ng ordinance against it, ang alam ko dati sa Caloocan.
Higit sa wala ang mata sa kalsada pag nagtetext, yung attention wala sa pag drive. Ganun di sa pag gamit ng mobile phone, maaring ang mata nasa kalsada pero ang attention wala sa pag drive.
Minsan nga Ms. Ellen, may nakasabay ako sa kalsada, nagtetext habang nagdrive ng motorsiklo. Gusto kong bumababa ng sasakyan at batukan yung motorcycle driver.
Ang daling mamatay sa Pinas, texting lang ang dahilan kung nagkataon.
Yan ang mga taong dapat idisiplina talaga, kailangan ibartolina.
Kung nagkataon na may namatay, negligence pa ba ang tawag sa kaso?
Dito sa Saudi, traffic rules and regulations and violation kung nagte-text ka or may kausap sa telepono. SR500 (US150) at kumpiska ang driver’s license mo.
Bakit kaya ang babait naming mga pinoy dito. sunod kami sa batas, pero dyan parang dyahe mag earphone or headset?.. LOL!
Walanghiya talaga yang mga driver ng Don Mariano Transit. Dinadaan sa laki kaya walang takot kung pinahan ang mga katabing kotse.
Kundi ako nagkakamali, kasama yung ilang driver, konduktor, at inspektor, nila ang na-busted noon sa Susana Heights pati ilang tauhan ng ibang bus companies sa shabu session doon sa isang karinderya doon.
Ang gandang kombinasyon: walanghiyang driver na bangag sa shabu na nagtetext habang bumibiyahe! Sementeryo o ospital ang kakambal niyan.
Kailan ba maisasabatas yong bill na murder ang ipapataw sa driver na makakadisgrasya at makamatay ng tao? Shoot na diyan yong tanong mo chi! Ang tanong lang…. kailaaaaaannnn?
dan, I fully agree murder kailangan ang kaso sa mga driver na ganyan na walang pakundangan sa buhay ng iba. Ok lang sa akin kung sila na lang ang mamatay kasi nagpapakamatay naman sila!
For the texting while driving – expensive FINES!
Last i heard sa Southern California, parang city specific pa ata, its at least $300. No warning, fine agad sa 1st offense.
Oregon suppposedly has fines at least $700.
(http://articles.cnn.com/2008-11-14/living/aa.texting.while.driving_1_text-messaging-hands-free-kit-cell?_s=PM:LIVING)
Di lang Texting Ma’am Ellen. Dapat Handsfree cell usage (bluetooth), di pede yung walkie talkie type sa paghawak sa cellphones. Your hands should only be on the wheel, eyes on the road.
Ellen here is the excerpt of penalty if get caughtof using being distracted while driving in our Province and the consequence other than the direct penalty of violation:
For starters, if you are found guilty of using a handheld cell phone while driving, the fine could be as high as $500, plus you’ll get an added ticket to your driving record, which could have an impact on your car insurance premium. This infraction applies to more than just using a cell phone while driving. It also includes other electronic devices such as portable GPS units.
Do note that you will still be able to use your portable GPS unit, provided that you program your destination into your GPS prior to driving with no further manipulation of the device while driving.
If you are talking or texting and are involved in an auto accident, you could be charged with “Careless/Driving with Undo Care and Attention,” and could face a serious conviction that comes with a fine of up to $1,000. This type of conviction, coupled with all the implications that are tied to a car accident, could impact your automobile insurance premium by thousands of dollars every year for at least six years. Not to mention the risk of injury that you pose to yourself and others on the road.
If you need to make a call while driving, take a couple of minutes to pull over and make your call while your car is shut off and in park. Driving requires your full time attention. As a driver, you have a responsibility not only to yourself but to your passengers as well – not to mention everyone else on the road
Note: Cars equipped with Blue Tooth and can make call with voice command is still legal to use as long as there is no hand manipulation whatsoever is needed except pressing the on button right on the steering wheel and also to accept call by a press of the button on the steering column…but I notice that even with “no hands” call as my car is blue tooth equipped it still distract thE attention unless it is just a very short and very necessary call…
Dapat nga naman, may batas na, against cellphone habang nag-mamaneho..$400.00, sa peso, ay almost more or lessPhp 18k depende sa value ng dollar..Gawin na lang, 20k first offense, at pataas habang, “buhay pa ang driver”, at laging nahuhuli sa parehong offense..
Inu-una yata ng mga mambabatas ang “RHBILL-Abortion” bago, magkaroon ng batas, patungkol sa usapin-issue na ito, Anti-Cellphone while driving.Dapat isipin ng mga drivers, at kina-uukulan, buhay ng mga pasahero at property damages, ang pinag-uusapan dito…tsktsktsk !..
my sis got caught using her cell while driving in NY and the cops give her a ticket with a $ 300 fine and how did I find out? call her once and asked her what take her soo long to answer, she replied, she make sure no cops around and she told me she got caught already once and make it snappy and we talk later…
9 Aug 2012
Dapat naman talaga kasuhan yang mga bus driver na yan e, lahat o karamihan sa mga yan ay walang hiya sa kalsada.
Tapos pag naka-aksidente wala “daw” silang kasalanan, mga bwisit.
Pag pribadong sasakyan makita ng pulis o mmda huhulihin, pero pag mga pam publiko na sasakyan, warning lang. Tapos ang masakit nito ang dahilan ng mga hinayupak na mga driver e “naghahanapbuhay” lang naman daw sila. e, tayo ba hindi ba tayo naghahanap buhay na katulad nila? sila lang ba pwedeng mag sabi ng naghahapbuhay lang?
Dapat sa mga walang hiyang mga driver na yan tanggalan na ng lisensya at wag ng bigyan pang muli. Buhay ng tao ang pina-uusapan dito.
prans
And eating, reading book/newspaper, putting a make up on, shaving, all made while driving are NOT of part of the “distraction law” in America or sane countries . These are equally dangerous activities behind the wheel.
Drove to California last week and took Rio Vista (hwy 12) to Travis AFB, on this particularly dangerous highway, first time I saw a road sign which reads “call 911 if you see drunk drivers”. If you have no hands-free device, would you make the call?? I won’t.
No matter how strict laws are, they will be violated. Thou shalt not steal, I assume is God’s law….look who steals?!
Ano ang dapat parusa sa nagti-text habang nagmamaneho?
Palakarin sa CommonWealth Ave habang nagti-text.
Kapag hindi sumunod kasi nakamamatay, ipakain yung cellphone.
Superlike #15.
@tru blue #13 and #14, it doesn’t mean that a law can be violated/ignored, its pointless.
People will always do what they want to do. But we are social beings. Any action an individual make, there will be a corresponding reaction that may impact the community.
If the action violates a rule, then expect and accept the penalty as written and enforced by the community/city/state/country.
And to your statement: “If you have no hands-free device, would you make the call?? I won’t.”
Buti naman pala may common sense ka. But if you did have bluetooth and you did see drunk drivers, you should do you part in calling to have those stooge arrested.
Napaka mura na lang ng bluetooth sa amazon, (http://www.amazon.com/s/ref=nb_sb_noss_2?url=search-alias%3Daps&field-keywords=bluetooth), there is one for less than $10. Wag mong sabihin wala kang $10 (gas is more expensive than that).
Sa latest na car crush sa EDSA, sa lakas ng bangga ng SUV sa isang sasakyan tumilapon at napunta sa kasalubong na lane at nabangga ng bus. sabi ng pulis basta raw may nasaktan dahil sa pagmamaneho mo ikaw daw ay may kasalanan. dapat bang managot ang nasabing bus. anong klaseng batas mayron ang Pinas. Kung ako ang driver ng bus ako pa ang magsasampa ng reclamo dahil napinsala ang bus ko dahil sa banggaan nila.
Buti naman pala may common sense ka. But if you did have bluetooth and you did see drunk drivers, you should do you part in calling to have those stooge arrested. – chijap
Absolutely! especially your likes, hehe…
@18 jojo it is different when every vehicle and driver is cOvered by sufficient insurance that one needs to fight it out if he believes he was on the right in an Accident. Because other than losing the driving Merits, Insurance Premiums could triple or even more. and in case Fatalities of not settled out of court, Damages awarded by courts could be in the millions.
But enforcement of traffic violation is one great deterrent. I usually beat ther red lights before until it became a habit that one occasion I went through a Red Light missed the signed that it is one of the Camera monitored intersections. No license demerits just monetary fine of $325 inclusive of victims of crimes fund of 25% added for every Fine. That hiets
“Absolutely! especially your likes, hehe…” -tru blue
My ‘likes?’ Ano yan facebook?
#4. mr. a10syon.
paano ba namang hindi babait ang mga kababayan natin dine sa saudi eh kapag pinalayas sila dito, saan sila pupulutin? wala silang makukuhang trabaho sa pinas katulad ng kanilang pinapasukan dito, d ba?
kaya, kapag umuuwi sa pinas, doon nila ibinubuhos ang katigasan ng ulo.
dapt parusa sa mga drayber na ganyang hindi mapigilan sa paggamit ng celphone sa pagmamaneho ay pagtext-in na la’ang maghapon araw araw at huwag nang pagdraybin.
walang biyahe, walang kita.
tingnan natin kung puwede nilang kainin ‘yung celphone nila!
#15. papalakarin mo nga sa kahabaan ng commonwealth avenue habang nagti-text eh, sa bangketa naman naglalakad, ano’ng delikado doon?
dapat habang nagti-text ay pabalik balik sa magkabilang panig ng kalsada at tatawid pa sa bakod sa gitna.
‘yun ang siguradong katatakutan ng mga kupal na matitigas ang ulong drayber na ‘yan!
#18. kagaguhan ng mga pulis ang ganyang kakasuhan pa ‘yung drayber ng nakabangga doon sa tumilapong sasakyan sa kabilang kasalungat na linya.
ganyan naman ang mga pulis, palpak na katwiran ang pinapairal kahit alam nilang palpak!
#23. Mags, walang kalusot-lusot sa kawit ni kamatayan ang punishment na ganyan, magkakatakot nga at baka magsitino.
Galing kay Manny Flores:
Bilang isang kasama sa media (news correspondent ng GMA-7 dito sa bansang Qatar) ako po isa ring OFW na ang trabaho ay gumawa ng mga materials para sa aming driver training center na pag aari ng gobyerno ng Qatar.
Bilang isang training materials developer, ako po ay dumaan sa maraming pagsasanay sa defensive driving sa ilalim ng National Safety Council of America, Royal Society for the prevention of accidents (ROSPA) of United Kingdom, at isang certified trainer ng International Road Transport Union (IRU) Academy.
Ayon sa mga nabanggit na mga international safety driving bodies, iisa ang naging resuta ng kanilang mga pag-aaral kung saan kanilang nakita na ang utak ng isang tao ay hindi pwedeng gumawa ng dalawang trabaho na may kaparehong atensyon.
Kung ang isang tao ay nagtitext habang nagmamaneho, masasabi natin na ang nasabing tao ay isa ng distracted person dahil ang kanyang buong atensyon ay wala na sa pagmamaneho maaring nahati na ang kanyang atensyon 50-50 o higit pa kaya’t napakadelikado na para sa taong ito ang magpatuloy sa pagmamaneho dahil hindi na matutugunan ng lahat ng kanyang senses ang mga bagay na dapat gawin habang mabilis na tumatakbo ang sasakyan.
Bilang isang distracted person pa rin, maging siya ay nagmamaneho ng kanyang pribadong sasakyan, dapat ay wala sa kalsada ang taong ito dahil batid natin na ang aksidente ay maaring maganap sa loob lamang ng ilang segundo kaya bilang isang defensive driver, dapat iwasan ang distracted person sa kalsada dahil wala siya sa tamang wisyo sa pagmamaneho kaya’t napakadelikado ng taong ito dahil maari siyang mandamay ng ibang motorista o pedestrian sa kalsada.
Kaya nga aking itinuturo sa mga nag aaral ng defensive driving dito na kahit magulang mo pa siya, kapatid, asawa, anak o kaibigan, dapat ituring ang taong ito na enemy on the road kahit kadugo natin siya kung siya ay maituturing na distracted person dahil maaaring siya ay makapagdulot sa ng pinsala sa buhay o ari-arian kaya dapat siyang ituring na kaaway sa kalsada.
Dito sa Qatar, limang taon na pong ipinagbabawal ang paggamit ng celfon text man tawag kung saan kapag nahuli ay magmumulta ng 500 riyals o 5500 pesos.nkakalungkot na diyan sa pilipinas ay wala pa palang batas na nagbabawal para gawin ang delikadong bagay.
Manong Mags, iyon po ang ibig kong sabihin. Paumanhin po at hindi ko nabigyan ng empahsis.
Dapat nga dun mismo sa gitna ng lane na papuntang fairview o papuntang circle palakarin habang nagti-text.(hindi dun sa aisle ha).
Maraming salamat po Ms. Ellen sa pagpost nyo ng email ko sa inyong blog. Mabuhay po kayo!
Dapat sa ganung driver eh itali sa harapan ng isang bus na ang magmamaneho ay isa ring kaskaserong driver. 😛
Anong parusa? Putulin o baliin ang hinlalaki.
Another very useful issue about driving…it is very common practice that once a Licensed driver have seen a Physician (a specialist in Neurology) with issues that will cuase the patient to have dizzy spills or episodes, partial seisures with obvious triggers or none, convulsion or epelictic symptons, the Physician will immediately inform the Ministry to have the License suspended for a minimum of One year and the patience will have to Clear a one year Period of episode Free before being considered for reistatement and will be FOREVER SEEING the Physician to have the Lisence renewed…such is my case for a bout of Dizzy spills that have been successfully treated and was suspended for 16 months and now have to check with my Neu every 6 months as required…to keep my license active…Just Imagine having a Seisure while Driving?
My ‘likes?’ Ano yan facebook? – fartsee
As usual, nag mamarunong sa english, but you’re below average. Go back to elementary and learn what the word “likes” really means in many ways.