Sa survey ng Pulse Asia ng mga tsansa ng mga gustong tumakbo para senador sa 2013, nakasama ang pangalan ni Rodolfo “Jun” Lozada,Jr., ang star witness sa $329 NBN/ZTE deal.
Pang 32-40 ang kanyang ranking. Sa mga 1,200 na tinanong, 56 percent ay kilala si Lozada. At 5.8 per cent sa mga tinanong ay boboto sa kanya.
Medyo malayo sa Magic 12 na kinabibilangan halos ng mga re-electionist o pangalan ng mga kilalang pulitiko. Ngunit pwede pa naman trabahuhin dahil may 11 na buwan pa bago eleksyun.
Kahit na isinama ang kanyang pangalan sa pagpipilian, hindi naman talaga kasi sa isip ng mga tao na tatakbo siya para Senado dahil wala naman siyang sinabing interesado siya.
Dati kasi, noong 2010, inisip niya noon tumakbo. Gusto niya noon independent kasama ang ilang kandidato na ayaw sumali sa tradisyunal na partido katulad ng Liberal Party at Nacionalista Party.
Sabi ko sa kanya noon, mahirap manalo ang isang independent na kandidato para sa isang nasyunal na posisyun lalo pa kung wala naman masyadong pera.
Nasa Malacanang pa si Gloria Arroyo noon at nakatira pa siya at ang kanyang pamilya sa La Salle Greenhills. Hindi sang-ayon ang mga madre na nagpu-protekta sa kanya na pumasok siya sa pulitika.
Ngayon, payag na ang mga madre. Nakita siguro nila na sa mga pagbabao ng pulitika na sinusulong ni PNoy, kailangan ang mga matitinong tao – maykakayahan, matalino at hindi kurakot – sa loob ng pamahalaan.
Maliban sa executive department, kailangan may pagbabago sa kalidad ng ating mambabatas.
Ngayon pwede sumali si Jun sa Liberal Party at sumama sa tiket ng administrasyun.
Sa integridad, siguro naman hindi na pagdudahan si Jun sa ginawa niyang pagtestigo sa Senado tungkol sa ma-anomalya na kontrata na niluto ni Comelec Chairman Benjamin Abalos kasama ang kumpanyang Intsik na ZTE para magpatayo ng internet koneksyun sa buong bansa para sa pamahalaan.
Okay naman ang proyekto. Ang problema ay sobra-soba ang tongpats. Ang orihinal na presyo ay $130 milyon lang. Sa kakadagdag ng para sa kupit ng kung sino-sinong Pontio Pilato, inabot ng $329 milyon dolyares. Triple. Sa pesos, P14.8 bilyon.
Kaya nung sinabi ni Abalos si Romy Neri ng NEDA na ”Sec, may 200 ka dito” , para lang siyang nagbibigay ng barya, pambiling kendi.
Kamuntik lang nakidnap si Jun nang siya bumalik dito sa Pilipinas. At nabaligtad ang buhay niya nang tumestigo na siya sa Senado.
Balik na sa normal ang buhay ni Jun. Ang pinagka-abalahan niya ngayon ay ang electronic textbooks na ginagamit sa mga exclusive schools katulad ng La Salle at St. Paul University.
Sabi ni Jun, marami pa siyang magawa at matulong sa kapwa Pilipino kapag bigyan siya ng pagkakataon sa Senado.
I would rather he not join politics. It was politics that got him into trouble in the first place (yes, politics and corruption are intertwined here in PH). So why join? He should avoid it like a plague. He can be useful elsewhere like the private sector or NGO, but not gov’t or politics. Please!!!
Para sa akin, OK si Jun Lozada sa pagiging senador. Kung ihahambing sa ilang nakaupo, di hamak na may binatbat siya at may balls. Nga laang, sa pakilasa ko, mukhang hindi pa siya makakalusot kung ang pagbabatayan ang ay resulta ng pinakahuling survey. Siguro, subukan muna niya bilang Congressman, pwedeng sa distrito niya sa Albay.
Yes, start as Congressman muna. No need to jump over the moon immediately.
But when I see the list of wanna-be senators that Erap, Binay and Enrile are foisting on us, I would say, “Go, Jun!”
Whistle blower si jun bakit hindi na lang bigyan ng puwesto sa intelligence service ng gobyerno baka mahirapan siyang manalo bilang senador.
Alam ko ECE si Jun kasi may kaklase ako nung high school na barkada niya sa UST. Pwede siyang pakinabangan ng gobyerno kung tungkol sa high-tech na mga proyekto ng gobyerno. Pwede siyang maging consultant ng isang NGO para sa mga proyektong pang-masa gaya ng Solar power generation, road traffic automation, kahit na yung naudlot na national backbone project na NBN. Pwede naman siyang consultant din ng House o Senado para sa mga ganyang project o pwedeng siya mismo ang magtayo ng NGO sa pondo ng ADB o JICA sa paggamit ng teknolohiya para sa kabutihan ng nakararami.
Kundi rin lang siya popondohan ng taumbayan mismo, baka maging alipin lang siya ng magba-bankroll ng candidacy niya.
# 5:
“Kundi rin lang siya popondohan ng taumbayan mismo, baka maging alipin lang siya ng magba-bankroll ng candidacy niya.” – Tongue
Mismo!
kung gusto niyang tumakbo as independent candidate, simulan na niyang mag open ng twitter at facebook account para maka-connect ang mga supporters nya sa campaign niya.
Pagkapahiya lang ang mapapala niya dahil hindi siya mananalo.
Agree with Tongue, sakto ang rason #5 kung bakit huwag na lang.
My first hand experience in politics taught me that if you have no money to pay voters or if no one will pay the voters for you, talo ka sa mga politikong may kakayahang bumili ng mga boto. We do not have the maturity yet to vote for those whom we think can help the country to improve. Sorry but “pera pera” lang din and botohan. Even a monied party can not make him win. Kita ninyo, yung mga nakaupo lang ang mga nananalo? May pambayad sila ng mga boto.
Trillanes won dahil sa galit ng mga tao kay pandak! One like it will never happen again.
I agree, mas mapapakinabangan ang kakayahan niya sa high-tech.
Toungue #5 : (Agree ako dito)
“Kundi rin lang siya popondohan ng taumbayan mismo, baka maging alipin lang siya ng magba-bankroll ng candidacy niya.”
JohnMarzan #7 : He should start this soon.
#10, ay nagsasabi ng 100%, totoong-totoo, dahil nag-involve din ako sa politics ki Sen Raul Roco RIP, 1998, siya sa Panguluhan, at kinuha nya akung tumakbo Mayor ng aming Town na mayroong 50-Barangays, and 27,000 voters…Ang nanalo ay gumastos ng almost 18M, akala kasi, ma $$$ ang isang balikbayan. Na-ipamud-mud at naitulong sa mahihirap, sa pamamagian ng mga Bigas, etc..Medical Missions 4x, ay 401k…na 10-taon…
3-months pweding bidang-bida ang isang kandidato, dahil sa magagandang prinsipyo at adhikain, ngunit ang huling, 1-week, at 3-araw, then, the critical 24-hrs, bago mag-eleksyon, nandyan ang “tsunami” ng larong politika…pera-pera lang, at “highest na maibibigay”, mga primyo sa mga “king Makers”, Barangay leaders. Kahit mga pamilya-kumpare-kaibigan, nawawala-naglalaho ang “human-maka-Tao na spiritual”,nagiging higante y lumalaki ang ” Money-values spirit”..kasama na din yata, ang sinasabi na ggg,o, harassment etc…
Ang talagang lunas sa bansa, ay mismo yata na Comelec y Decree-Batas para “ma-Educate ng husto”,at magkaroon ng puntong “maturity, 85%-95% ang mga botante”, lalo sa nagative values ng vote buying and other dirty tricks-magics in politics in the country…
Tungkol ki Jun Lozada, kung kulang ang kanyang puhunang pera, magsimula sya sa mababang rango-as Congressman, sa lugar nya, at ipakita ang kanyang malinis na layunin, etc..
O di kaya nga, sa NGO na lang na akma ang kanyang talino para sa Bansa. Bata pa naman sya, para mamuhunan patungo sa itaas,bilang Senador ng Pilipinas. Kababayan nyang Joker, ganyan ang ginawa, kaya lang di din nag mature,yata…