Skip to content

Mas mataas pa kaysa National Artist ang parangal kay Dolphy

Dolphy receiving his Golden Heart award

Kasama sa pagdasal para kay Dolphy ay ang panawagan ng marami niyang kaibigan at tagahanga na ibigay sa kanya ang National Artist Award o Orden ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining, ang pinakamataas na pagkilala ng kontribusyon ng isang Pilipino sa larangan ng Sining na binibigay ng pamahalaan.

Wala namang tutol diyan dahil sang-ayon naman ang lahat sa kontribusyon ni Dolphy sa pagpasaya ng sambayanang Pilipino. Kaya lang may proseso ang National Artist award at hindi naman tama na i-short cut dahil lang sa delikado ngayon ang lagay ni Dolphy.

Sa tamang panahon, maaring ibigay yan ay Dolphy na walang bahid ng paboritismo at anomalya katulad ng nangyari noong panahon ni Gloria Arroyo para kay Carlos Caparas at kay Cecille Alvarez.

Maala-ala natin ang kontrobersya noong 2009 sa National Artist Award para kay Caparas at Alvarez na hindi naman nirekomenda ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Ang anomalya pa kay Alvarez ay pinuno siya noon ng National Commission for Culture and Arts na isa sa ahensya na kasama sa pag-pili ng mga ire-rekomenda para sa award. Banned siya dapat.

Pinilit. Nababoy tuloy ang National Artist Award. Nagkaroon ng protesta at may nagsampa ng kaso sa Supreme Court at pinapahinto ang pagbigay ng award sa kanila. Nag-isyu ng restraining order ang Supreme Court. Hinihintay ngayon ang desisyun.

Paliwanag ni Emily Abrera, chairman ng CCP, “Sa unang taon ni PNoy bilang presidente, binigyan si Dolphy ng Golden Heart Award, isa sa pinakamataas na parangal na ibinibigay sa isang tao para sa kanyang nagawa para mapabuti ang kalagayan ng mga nanganga-ilangan.”

Pangalawa lang si Dolphy sa nabigyan ng pamahalaan ng Golden Heart Award. Ang una ay si Helen Keller, isang bulag at piping Amerikana na ang kanyang Foundation ay tumulong para sa maraming bulag at pipi sa maraming bansa, kasama na ang Pilipinas.

Sa pagbigay kay Dolphy ng Golden Heart Award, kinilala ang kanyang sobra 60 taon na pagbigay ng kaligayahan sa mga Pilipino at ang kawang-gawa ng kanyang “Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation” na nagbibigay ng scholarship sa mga anak ng Overseas Filipino Workers.

Tuwang-tuwa si Dolphy noon at hangang-hanga siya kay Pnoy na sabi niya hindi nga niya binoto dahil si Manny Villar ang kanyang sinuportahan.

Sabi ni Abrera, nilabanan natin ang pambabastos ni Arroyo sa National Artist Award nang hindi niya sinunod ang proseso.

Dagdag pa niya, kung i-short cut ni Pnoy ang proseso para kay Dolphy katulad ng ginawa ni Gloria, ay kung gawin din ng susunod na presidente yun?

Sabihin siguro ni Pidol, “Anong pinagkaiba ng award ko sa iba na produkto ng shortcut?”

Si Dolphy siguro ayaw niya yun. Sabi nga ni Abrera, “Kaya mahal ng lahat si Pidol.Mapagkumbaba.”

Published inAbanteArts and Culture

10 Comments

  1. chi chi

    “Wala namang tutol diyan dahil sang-ayon naman ang lahat sa kontribusyon ni Dolphy sa pagpasaya ng sambayanang Pilipino. Kaya lang may proseso ang National Artist award at hindi naman tama na i-short cut dahil lang sa delikado ngayon ang lagay ni Dolphy.”

    Tamang hakbang, agree!

    Ayaw ni Dolphy na bababuyin ang proceso para ihabol ang parangal sa kanya. Nga naman, kung magkaganyan e di ka-level lang sya ni Carlo Caparas at Cecille Alvarez, ininsulto pa sya! 🙂

    Isailalim sa tamang proceso at ng hindi mag-ala pandak ang award.

  2. Mike Mike

    Agree with Ellen, no need to rush things. Kung ito’y minadali, at ginaya pa ng mga susunod na magiging mga presidente ang kalalabasan niyan ay lima singko nalang ang ating magiging mga national artist. Idaan sa tamang proseso.

    Naalala ko nuong ako’y bata pa. Nakasabay namin si Dolphy sa isang elevator sa isang restaurant sa Binondo, Manila. Siya pa ang unang ngumiti sa amin at nung nakita niya ang aking bunsong kapatid na nasa mga 3 gulang pa lamang. Ito’y kanyang kinuha sa aking nanay at kanyang kinarga. Nag pa kiss pa siya. Tuwang tuwa kami nuon dahil sikat na sikat na siya nung mga panahon na iyon. Sayang lang at di pa uso ang cellphone noon. Di pa uso ang digicam kaya walang pagkakataon na makipag kuhaan ng litrato sa isang future National Artist. 🙂

  3. Walang ere. Nakakabilib.

    Ang pinakagusto ko sa kanya ay nung hinihikayat siyang pumasok sa pulitika. Ang sagot niya, “Paano kung manalo ako?”

  4. chi chi

    Meron ako napanood sa tv na pelikula ni Dolphy at Susan Roces, hindi ko matandaan ang title, una hanggang wakas humahagalpak ako ng tawa. Basta kumibot ang mukha ni Dolphy, natatawa na ako. Sya lang ang komedyante na pinanonood ko noon sa Pinas.

    Tunay, walang makakapantay si Dolphy. Ang kasiyahan na naidulot nya sa tao panonood lang sa kanya ay di mababayaran.

  5. vic vic

    I believe it should undergo the proper process…but why suddenly it becomes the National Issue at the time when the individual concern and his Family has more Concern than the awards? The Order of Canada, the Highest civilian medal awarded by the country, to its citizen is to undergo the process of Approval no less than by the Majority Voting of the Supreme Justices…that is how important the value given the award that it can not be just rushed, and be given to anyone less deserving…although few have to be taken back after the recepients disgraced themselves and some gave them up in symbolic protests…It is to honour the Lifetime Achievement of the Citizen while he still is alive.

  6. MPRivera MPRivera

    #6. “hindi ko matandaan ang title”

    meron ba namang ganyan ang taytol ng pelikula?

    tawa ka nang tawa mula una hanggang wakas at hanggang ngayon tawa ka pa rin ng tawa?

    baka hindi na makuha sa tapal ‘yan, ah.

    basta ‘wag lang ibubuka nang husto ang bibig pagtawa at baka mapasukan ng langaw, hane?

    saka nga pala dapat nakatalikod ka sa tao dahil baka ikaw ay mapaututs.

  7. MPRivera MPRivera

    so, dolphy is a recipient of the golden heart award conferred sa mga taong merong ginintuang puso.

    let’s award naman to gloria the most coveted plum para sa mga katulad niya. ang GOLDEN LIES award. ang pinakaangkop para sa mga taong walang pagkurap ang mga mata sa hindi matingkala at walang patumanggang paghahabi ng kasinungalingan.

Leave a Reply