Skip to content

Mag-endorso na lang si Erap

Estrada during the 2010 campaign with running mate Jojo Binay
Mabuti naman kung hindi na nga itutuloy ni dating Pangulong Estrada ang kanyang balak na tumakbo sa pagka-mayor ng Manila.

Mas makakatulong si Estrada sa bayan kung gamitin niya ang kanyang popularity para mag-endorso at tumulong sa mga batang pulitiko na sa akala niya may kakayahan at may puso na magserbisyo sa bayan.

Sinabi sa newspaper report na balak daw niya i-endorso si Manila Vice mayor Isko Moreno para mayor . Dati kasi kinikuha niya si Moreno para magiging vice mayor niya.

Kahit daw ang kanyang mga anak, si Sen. Jinggoy Estrada at si San Juan Rep. JV Ejercito ay hindi masyadong boto sa pagtakbo ng tatay nila bilang mayor ng Manila.

Oo nga naman. Dati ka ng presidente, bakit ka pa mag-mayor ng lungsod na hindi ka naman doon nakatira. Kahit na ba doon siya ipinanganak sa Tondo at may bahay siya doon, alam naman ng lahat na taga-San Juan naman talaga siya.

Alam naman ng marami na ang balak ni Estrada na tatakbo bilang mayor ng Manila ay dahil sa kanyang sama ng loob kay Manila Mayor Alfredo Lim.

Dating magka-ibigan si Erap at Lim. Inindorso pa ni Erap si Lim laban kay dating Manila Mayor Lito Atienza noong 2007 na eleksyun. Ngunit nag-away sila dahil sa kontrata ng basura.

Hindi naman yatang magandang rason para tumakbo sa pagka-mayor para lang makaganti sa akala niya pagkawalang utang na loob ni Lim. Madali manalo si Estrada dahil popular naman talaga siya, may pera at may organisasyun. Ngunit ibang bagay ang pagpatakbo ng lungsod ng pinakapangunahing lungsod sa buong bansa.

Itong si Lim, dapat magretiro na rin sa pulitika. Hindi na maganda ang kanyang liderato sa Manila. Lalong nabubulok na ang Manila. Ibigay na niya sa mga nakakabata. Kawawa naman ang mga taga-Manila.

Sinabi ni Erap na wala naman siyang papatunayan kay Lim. Totoo naman. Sa kanyang edad na 75, dapat “kingmaker” ang papel ni Erap sa pulitika. Magiging epektibo siya dito dahil mahal pa rin siya ng masa na kanyang pinatunayan nang naging pangalawa siya kay Pangulong Aquino noong 2010 na eleksyun.

Pagbutihin na lang ni Estrada ang pagbuo nila ni Vice President Estrada ng United Nationalist Alliance or UNA. Kailangan mas marami ang pagpipilian ng taumbayan maliban sa kandidato ng administrasyun at mga kandidato ni Gloria Arroyo.

May mga pulitiko na hindi naman kasama sa Liberal Party ni Aquino at Lakas-Kampi ni Arroyo. Pwede sila ngayon magsama-sama sa UNA.

Kaya lang, dapat dahan-dahan ang UNA sa pagtanggap ng mga pulitiko na dikit kay Gloria Arroyo. Kahit sabihin nilang iba ang kaalyado ni Arroyo kaysa kay Arroyo mismo, kapag kasama sila sa tiket para na ring tinutulungan mo si Arroyo madagdagan ang kakampi sa Senado.

Published in2013 electionsAbante

19 Comments

  1. MPRivera MPRivera

    ito na nga ang sinasabi ko noon pa.

    nagkaroon na ng pagkakataon si erap upang patunayang iba siya kesa mga nauna sa kanya na “matatalino” daw kahit isa isang “bobo” subalit pinakawalan niya ang oportunidad. meron siyang vision para sa bansa. determinado kakambal ng prinsipyo. subalit dahil lamang sa paghahangad niya ng kabutihan para sa ikasusulong ng kanyang mga programa kung saan ang bahagi ng pondo ay manggagaling sa pondo sa binalabalak niyang pagsasalegal ng huweteng, ‘ayun SUMABOG siya! at sinunggaban ang pagkakataon ng isang timawang nagngangalang gloria!

    tatakbong meyor ng maynila?

    erap, magpahinga ka na. amining mong ‘yung kasikatan mo ay hindi na sapat upang mahikayat mo ang mayoryang manilenyo na iboto ka.

    ibalato mo na lamang sa mga mas bata ang pulitika.

    it’s about time to throw your hats off inside the arena and enjoy the remaining years of your life while counting the laurels on your cap.

  2. Manachito Manachito

    Sangayon ako na dapat na lamang na magpahinga sa pulitika si Estrada … at lalong lalo na si Binay na wala namang maitutulong sa ikauunlad ng bansang Pilipinas. Ipagbaubaya na sana ninyo sa mga nakababatang kaanib ng mga iba’t ibang pulitika ng bansang ito ang pamamalakad ng pamahalaan. Ano pa ba ang ibig ninyo..sagana na kayo sa buhay at nadama na ninyo ang maging makapangyarihan.. hayaan na lamang ninyo sa mga kabataan ang pagbabago ng bansang ito.

  3. ningcho ningcho

    hindi naman nya deretsahang sinabi na hindi na talaga siya tatakbo as a mayor of manila. wait and see pa. pero sana nga huwag na siya tumakbo pa ulit magbigay daan na lang siya sa mga new breed of politicians. kung gusto nyang tumulong sa kapwa he can do that kahit wala na siya sa pwesto.

  4. dan1067 dan1067

    Erap wag na please! Tulungan mo na lang si Mayor JV na ibangon ang San Juan na napag iwanan na rin.

  5. Eto na. After the Sandiganbayan ordered his arrest last Tuesday, Leandro Mendoza suffered a heart attack DAW! Nasa St. Crooks, eh, St. Lukes pala naka-confine. Nagsasakit-sakitan na yung mga miyembro ng sindikato. Tapos hihingi rin ng hospital arrest ito pihado. O kundi, magpipilit na magpagamot sa abroad. Siyempre emergency.

    Ano kaya’t dalhin yan sa Supreme Court? Meron pang ilang araw si Corona para i-TRO anumang HDO ang ilabas ni De Lima. Tignan nga?

  6. vic vic

    Recycling old politicians may not bad if we are talking good, upright to return once again for another round of mission of self sacrifice , But recycled Erap? A politician who made himself a billionaire and gave a little back to sustain his charm and popularity while living in utter Luxury behind the suffering of His “people”. Voters and the Public should stop looking at these people as demi Gods or Saviours. They are the opposites.

  7. MPRivera MPRivera

    # 6. Tongue, eto na nga ‘yan. Ini-airlift pala kaagad sa St. Loots Hospital, ang kanlungan ng mga magnanakaw!

    http://newsinfo.inquirer.net/163477/mendoza-suffers-heart-attack

    Mendoza, huwag ka munang mamamatay. Kailangan pa namin ang testimonya mo. Ito na ang iyong una at huling pagkakataon upang makagawa ka naman ng kahit katiting na kabutihan para sa bansa – ang pagsisiwalat ng katotohanan tungkol sa inyong tadtad ng anomalyang ZTE broadband deal. Sa iyo na ‘yung naging kaparte mo. Sabihin mo la’ang ang totoo.

    The clock is ticking. Grab this rare opportunity!

  8. MPRivera MPRivera

    # 5. lito atienza?

    inaamag na rin ‘yan sa pulitika, ah. karantso ng mga hudas na arroyo.

    ‘yung iba naman.

  9. andres andres

    Erap has something to prove, he did not finish his presidency. He might just become a good Manila Mayor than the 85-yar old retired general Lim who has caused Manila’s decay. Lito Atienza’s Buhayin ang Maynila’s efforts has gone to waste under Lim’s administration. By the way, reports say that Lim’s girlfriend Gemma is the one calling the shots at the Manila City Hall.

    We should not be narrow-minded and give some people a break. Most of the people here made a mistake in supporting GMA’s assumption to power right?

  10. MPRivera MPRivera

    pareng andres, erap should just rest. he already had his time but only let things slip from his hands. besides, he is seemingly past his prime. medyo mahina na.

    paano kung biglang matigok?

  11. Phil Cruz Phil Cruz

    Hay, naku. Nakakahilo. Nakakasuka. Same old faces, same old antics.

    Erap thinks he is God’s gift to the Filipino nation. And this napoleonic Binay thinks God owes it to him to make him president.

    Erap welcomes Mitos as one of his possible senatorial candidates. He assumes his beloved masa will just follow him without thinking when he declares “vote Mitos because she has not been charged yet of corruption”.

  12. MPRivera MPRivera

    ano ‘yan, naglilihi?

    he he he heeeh!

  13. andres andres

    Phil,

    I think you had it mixed up, its PeNoy who thinks he is God’s Gift to the natin together with his self-righteous civil society circle who feel they are the only ones entitlednto govern and the rest are not!

    PeNoy also said he does not owe anyone favors because he did not seek the presidency, its the presidency which seeked him!

    Wow!!! Iba din ang hangin ng tiyuhin ni Josh!

  14. Phil Cruz Phil Cruz

    Ouch, you got me there, Andres. You’re right. PNoy meditated and contemplated and prayed and talked to God before he decided to run for President.

    Binay said he is not in a rush. He is just waiting for God’s will to show itself. (Really? He is not in a rush?)

    And Erap told ANC recently he always prays to God, that’s why he has always won.

    Pacquiao now also talks to God. So he expects to follow Erap’s footsteps. Presidency or go broke trying.

    Gloria also said she always prayed. Naka video at photograph pa every time mag communion. Bawal makinig sa confession. Ang haba siguro ng “I am sorry”, “I am sorry”.. walang katapusan.

  15. dan1067 dan1067

    Landslide victory ang panalo ni Erap laban kay JDV noon, ganoon nagtiwala ang taong bayan sa kanya. Pero kaunting stand-off lang sa EDSA lumayas at bumigay na siya at iniwan ang poder na ipinagkatiwala sa kanya.

  16. MPRivera MPRivera

    dahil nga sa landmine victory ni erap kaya sumabog bigla ang kanyang kapalaran sa maikling pananatili sa malakanyang, eh.

    kumuha ba naman ng eksplosib ekspert na katulad ni swangit swingson.

    boooom!

  17. baguneta baguneta

    Phil, bakit napoleonic? dahil ba “vertically challenged”?

Leave a Reply