Skip to content

Mag rally kaya ang Pilipinong mangingisda sa Scarborough shoal

Akbayan Rep. Walden Bello leads rally in front of Chinese Embassy
Sabi ni retired Commodore Rex Robles, sa usapan daw ng mga opisyal ng Philippine Navy, may nagpanukala na total mahilig tayo mag rally, bakit hindi magrally ang mga mangingisda sa Scarborough o Panatag shoal kun saan nag-gigirian ngayon ang Pilipinas at China.

“Kung may isang daan na fishing boats ang magrally doon sa bukana ng Scarborough shoal, tingnan natin kung anong gagawin ng China. Pagbabarilin ba nila yun? “ sabi ni Robles.

Kapag ginawa ng China yun, tutuligsain sila sa buong mundo, isang bagay na hindi nila gusto.

Oo nga naman, bakit ba hindi natin gawin yun. Kabuhayan nila ang nakataya dito. Kaya dapat tulungan sila dito ng pamahalaan at mga organisasyun para sa mga mangingisda.

Yung mga hindi makapunta sa karagatan, maaring mag-rally araw-araw sa harap ng Chinese Embassy sa Makati. Noong isang araw, nag-rally ang Akbayan doon at pinu-protesta nga nila ang ginagawa ng China na pangbu-bully sa Pilipinas. Dapat mas madalas pa yun.

Nasa balita na na-hack o sinira ang website ng University of the Philippines . May naglagay daw ng mapa ng China sa home page ng UP website at may sulat na, “We come from China! Huangyan island is ours!”
Ang tawag ng mga Intsik ng Scarborough shoal ay Huangyan island.

Pwede rin natin gawin yun. Magaling ang Pilipino sa pag-hack. Di ba noong 2000 may isang batang istudyante na nagkalat ng “I love you” virus. Nawindang ang Microsoft at ang buong Information Tecnology community noon.

Heto na. Filipino hactivists retaliates; defaces Chinese websites. http://www.interaksyon.com/infotech/

Kasama rin ang isang Filipino company, ang JL4 Web Solutions, sa mga kinasuhan ng Twitter sa San Francisco, California kamakailan lang dahil sa ginawa niyang programa na gumagawa ng mga spam messages. Yung isang mensahe napapadala sa libo-libo Twitter accounts.

message to China, the bully
Gamitin ang kalokohan para sa bansa. Yan ang sinasabi ni Robles na may mga bagay na pwedeng gawin ng maliit na hindi magagawa ng malaki. Nakalimutan na ba natin kung paano natalo ng mga langgam at mga lamok ang elepante?

May mabuti naman na nangyari itong girian sa Scarborough Shoal. Unang-una, napilitan si Domingo Lee na kusang mag-withdraw sa pagka-ambassador sa China. Mabuti naman dahil ang kailangan talaga sa Beijing ay isang magaling ambassador na alam ang pasikot-sikot ng isyu at kayang manindigan sa harap ng panggigipit ng China.

Mabuti lang hinarang ni Sen. Serge Osmeña itong appointment ni Lee kaya madali lang ang kanyang pag-withdraw. Sana naman maging leksyun na rin ay Pangulong Aquino na sa pagpili ng ambassador, tingnan ang qualification. Hindi yung relasyon sa pamilya.

May tatlong pangalan na napapabalita para sa puwesto sa Beijing: si dating Foreign Affairs Undersecretary for Policy na si Erlinda Basilio, si Ambassador Luis T. Cruz na ambassador ng Pilipinas ngayon sa South Korea; at ang dating news bureau chief ng ABC News sa Beijing na si Chito Sta Romana.

Ang isa pang positibo na lumabas sa girian sa Scarborough Shoal ay ina-asikaso na ng pamahalaan ang pagdala sa United Nations Tribunal on the Law of the Sea ng isyu ng magkasalungat na territorial claims ng Pilipinas at China.

Siyempre ayaw ng China. Doon bistado na kaagad sila na walang legal na basehan ang kanilang claim. Kaya dapat isumite na yan ngayon sa United Nations. Doon may laban tayo.

Published inAbanteForeign AffairsSouth China Sea

24 Comments

  1. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    My grandfather once told me that the loyalty of a chino will always be with the motherland. I guess he was right.

    Kung maliit lang ang fishing boat mo, nakakatakot pumunta sa scarborough. Kung inabot ka ng masamang panahon mawawala ka nalang.

  2. Kahit balsa nakakapunta sa Scarbourogh Shoal, doon nangingisda ang mga tiga Masinloc noon araw at sagwan sagwan lang ng baloto, doon sila nakakahuli ng maraming isda.Kapag nagalit ang mga Zambalenio dahil nasa Masinloc iyang Scarbourogh Shoal, kawawa ang mga tsikwa na iyan dahil maraming buho sa Zambales na gawin nilang pam Pika at maraming bato sa Lauis river na ibala sa tirador, goma lang ang bibilhin sa China dahil marami ring punong bayabas doon sa Zambales na gawing tirador.

  3. Nakalimutan yata nating maglagay ng muhon doon. Kaya kung sino ang naunang naglagay ng muhon iyun ang umangkin.

  4. acibig acibig

    This is something I dont understand
    1. if the problem involves RICH and POOR in Pinas, the rich gets the favor, they get advantages, pag namatay ang poor pinoys whether natural or accidents, does anyone cares? does anyone compensates them? when rich criminal are in jail, they get favors di ba?

    2. NOW , PUTTING the china problem on the same perspective, CHINA the rich vs Pinas the poor, now you want justice? you want na huwag maapi ang pinas coz we are poor and powerless, SO you want to apply the principle of truth and justice WHEN you dont apply the same principle in your own country?

    3. Apply and institute the same principle in pinas, then maybe China will respect us, baka masupalpal ba kayo , magaling mag preach eh sa sariling bayan di mo nga ma kontrol

  5. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Magsasagwan ka ng 124 miles? Kung doon ka na sa scarborough puede pero hindi papunta doon.

  6. Fishing boats of companies like Frabelle (owned by Francis Laurel, brother of political analyst Herman Laurel) go to those areas, even as far as Spratlys.

    One hundred fishing boats side by side would make a good international statement.

  7. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Dati ang gawain namin, may mga hila hila kami na malilit na banka. Yung malaking banka puno ng yelo at gasolina. Yung mga maliit na banka ang pang gamit sa pangingisda doon. Daming isda! Minsan pag puno na ng huli yung malaking banka, babalik na sa zambales at iniiwan ang maliliit na banka at babalikan nalang pagkatapos ng isang linggo. Puro tuyo at daing naman ang karga pabalik. That was 25 yrs ago.

  8. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Yes. The big companies. They had a lot of bouys in west Philippine sea. AFAIK, they fish close to scarbourough but not in the shoal. They are purse seiners. They cant deploy the nets on rocky bottom

  9. MPRivera MPRivera

    di ba’t itong si bello ay makapulahan? ano’ng ibig niyang palabasin sa pangunguna sa rally sa harap ng embahada ng Tsina na siyang ang halimbawa ng idolohiyang gusto nilang palaganapin sa Pilipinas?

    nakakabanas ng pakiramdam ang mga ganitong uri ng taong walang ginawa kundi manggatong at magbuo ng walang kuwentang pagtitipon. sa ganyan siguro ginugugol ng mga left leaning partylist representatives ang kanilang pork barrel allocations.

    tsk. tsk. tsk.

  10. Oo nga pala Ellen, ang Frabelle Fishing Corp. sa Navotas ay pag-aari ng mga Tiu-Laurel. Isa sa pinakamalaking customer namin noong partsman pa ako ng isang British at Japanese diesel engines company. Marami kaming customer sa Navotas noon pati na sa Gensan at Iloilo.

    More or less mga 80 na fishing boats ang pag-aari ni Francis at yung ibang malalaki ay may built-in ice plants. Madalas akong bumili ngayon ng Frabelle Cream Dory sa grocery. Masarap siyang fish fillet kasi puting puti ang laman at mura pa. Mga P120 lang per kg.

    Pero nagulat ako nung minsan may nakita akong bacon at hotdog na Frabelle ang tatak.

  11. MR, si Bello is Akbayan. Sila yung “Rejectionist ” faction na tumiwalag sa CPP/NDF nina Joma Sison na “Re-affirmist” naman ang tawag ng kanilang faction.

    Ang Akbayan ay sumuporta kay PNoy.

    Ang Bayan Muna at iba kasamang grupo katulad ng Gabriela ay Re-affirmist. Ang kanilang mga lider ay sina Satur Ocampo, Teddy Casiño, et al. Sa US Embassy naman sila nag-rally at kinundena ang PH-US Balikatan military exercises.

  12. Pero nagulat ako nung minsan may nakita akong bacon at hotdog na Frabelle ang tatak.-Tongue

    Baka nag-expand o diversify na rin sila.

  13. I’ve just Googled Frabelle’s website. Mayaman na sobra itong si Francis. Easily, Billionaire na siya. 100 na fishing boats nila, it’s anywhere from P5M to P25M each. You are right, they have expanded into meat importation and processing kaya pala merong hotdogs, bacon, etc.

  14. Golberg Golberg

    Sa akin, walang epekto sa mga beho yung rally ng mga Pinoy sa harap ng embassy ng China. Mga letra lang kasi iyon at mga ngawa ngawa. Maganda yung mungkahi ni Rex Robles. Kaya lang maliliit na fishing boats lang ang mga iyan. Yung sa Frabelle? Saan ba ang loyalty ng mga ito? Yung fishing boats nila worth 5M to 25M each? WooooooWWWW!!!!
    Yung mga ganung kalalaking barkong pangisda, magandang kargahan ng armas at pwede naman iyon. Di tayo dapat basta malimos na lang ng kung ano ang pwedeng ibigay sa atin ng ibang bansa. Dapat nating patunayan sa kanila meron tayong kayang gawin. Ang daming tambay dito sa Pinas, bakit hindi ihanda iyang mga iyan para sa isang sitwasyon na pwedeng mangyari na di natin inaasahan? Mayroon tayong DOST. Siguro naman hindi lang para sa pwedeng maging kabuhayan ang kaya nilang gawin? Yung ROTC namin noon, walang kwenta. Pinagkakitaan lang naman kami.

  15. Golberg Golberg

    Yung mga opisyal naman natin dito, ngawa din ng ngawa tungkol sa mga hakbang na gagawin nila. Pwede ng maghain ng reklamo sa UNCLOS at ITLOS. Sabi nga ni Atty. Roque, ayon na rin sa pagkakaintindi ko 2 ang pwedeng puntahan at pwede ring magsabay.
    Kung gusto nating pumatay ng elepante kahit langgam lang tayo, di ba pwedeng mangyari iyon? Nagboboycott ako ng mga
    Chinese products. Kahit Nike pa iyan basta gawa sa China, kahit gaano pa kaganda iyan, di ko bibilhin. Matigas din kasi ang ulo ng mga kababayan natin.

  16. Golberg Golberg

    At eka nga ni Lacson, tingnan sa ibang “perspective” ang pangbabraso ng China sa Pinas at ibang karatig bansa kung saan sila ay nasa South China Sea. Ang gustong mangyari ng mga beho, sila ang mag control sa trade sa silangan kung saan ang mga barko ay dadaan ng China Sea. Kanila daw kasi iyon. Hayup diba?

  17. Simple lang ang solusyon diyan. Magkontrata ng survey tapos exploration sa Chevron ng US a Scarborough Shoal mismo. Bakit sa Submarines at warships ng Kano sigurado ang magbabantay sa dagat sa paligid ng Zambales. Tuwing merong didikit na barkong Intsik, pasadahan ng F-16 galing Sokor o Marianas.

    Libre pa tayo sa security guard.

  18. Malampaya Gas field eyed to produce oil

    Under the gas fields in Malampaya, 43 million barrels of oil will be subject to exploration. A new bidding will be held since the previous contract was canceled by DOE for non-performance. Buti naman, nawala na yung Burgundy Global which I suspect is a crony of GMA or a GMA front.

    Eto pa: Recto Bank has gas reserves greater than that of Malampaya!

    If Malampaya has 2.7 TRILLION Cubic feet of gas, Recto (Reed) Bank could possibly contain more.

    Aba e huwag sayangin ang pagkakataon. Ikontrata na yan sa Amerika libre na sa security. Di ba’t yung Malampaya, labas-masok ang mga Kano dahil sa Chevron?

  19. parasabayan parasabayan

    Tongue, pinakinggan ka! Pupunta na raw ang Pinas sa Washington para sa isyong ito. Sumbong agad kay big brother.

  20. Yan naman talaga ang natitirang baraha ng Pinas pagdating sa barasuhan sa Spratlys. Kakabitaw lang ng commitment ni Hillary na hindi tayo pababayaan sa isyu laban sa China e di dikdikin na habang mainit pa. Kundi tayo babatuhan ng armas gaya ng binibigay nila sa Israel o Pakistan o Egypt e di sila na mismo ang magbantay.

    Natural magroronda yan pag Chevron na ang nagdi-drill sa dagat. Letseng Gloria, pati CNOOC ng China isinasali pa sa exploration noon e di para kang nag-imbita ng espiya. Traydor talaga yung ….

Leave a Reply