In last Monday’s commemoration of Bataan day, Japanese Ambassador Toshinao Urabe once again expressed his country’s “heartfelt apologies and deep sense of remorse of the tragedy” that occurred 70 years ago.
It’s good that we commemorate what happened on April 9, 1942 so the younger generation would be told what our forefathers sacrificed for us to enjoy the freedom that we have today.
Time heals wounds but it is something to be concerned about when history is revised and mistakes are justified.The book “Under the Stacks” by Saul Hofileña, Jr. tackled a number of those historical distortions.
There is a chapter “The Yasukuni Shrine and the Japanese War Monuments in the Philippines” where he talked about his visit to the Yasukuni Shrine in Tokyo which pays homage to the millions of Japanese war dead.
Hofileña said, “In the Yasukuni Shrine, the spirits of Japan’s war dead are enshrined as deities. They are their country’s guardians. The guardians or protectors of the Japanese nation who sacrificied their lives for their country.”
Hofileña said 11 of the enshrined heroes have been classified by the International War Crimes Tribunal as Class “A” war criminals. They include Hideki Tojo, Tomoyuki Yamashita, and Masaharu Homma.
He said in the shrine is an Imperial War Museum which displays countless weapons, guns, armaments, military impedimenta and war memorabilia.
Hofileña said, prominently displayed in the halls of the museum is a “ strange looking midget plane called an Oka aircraft.”
“It is an engineless, cigar-shaped suicide aircraft. When called to use, its nose was packed with explosives and bore a single kamikaze helmsman who would guide the plane’s deadly cargo to its predetermined target,” he wrote.
There is also a statue of a lone kamikaze pilot prominently displayed on the museum grounds, he said.
Hofileña continued his account of the Yakusuni Shrine: “ The statue is an identical twin of another statue which stands in an enclosed shrine in Mabalacat, Pampanga and erected by the Japanese with the help of a former mayor of the town.
“It is outrageous that a government official would agree to the establishment of a kamikaze statue on the Philippine soil when Filipinos suffered so much in the hands of the Japanese during the Second World War.
“Aside from that kamikaze monument in Mabalacat, there are two other objectionable war memorials erected by the Japanese and situated in Los Baños, Laguna. One honors the memory of Japanese general Tomoyuki Yamashita, the ‘Tiger of Malaya’, who was given the mission by Tokyo to defend the Philippines during the waning days of Japan’s militaristic empire.
“His monument is erected on the very site where he was hanged before dawn. There is a plaque written in Japanese without an English or Tagalog translation. Some say it is the last haiku written in Japanese by Yamashita.
“ The other monument shamelessly honors Gen. Masaharu Homma as a martyr to world peace when we know it was he who led the 14th Army responsible for the fall of the Philippines and for the infamous “Death March”.
“The twin monuments are disgraceful because Laguna was ground zero for the numerous massacres perpetrated by the Japanese in their ‘subjugation’ campaigns in Southern Luzon.
“The existence of these monuments on Philippine soil are beyond comprehension to those who have read their history. Maybe the alleged haiku extols Yamashita for a job well done.
“Why we have forgotten our past so soon should be the subject of another monument to remind us of our collective amnesia.”
Hofileña’s book is good material to jolt us out of that self-induced amnesia.
The eminent Carmen Guerrero Nakpil, former chairman of the National Historical Commission, said some of the essays in the book are “packed with historical dynamite…this is precisely what we need to rouse the dead souls among us from their colonial stupor.”
*( Under the Stacks – a phrase which means “buried under a pile or heap of books, papers, musty documents, unread volumes, and treasured ephemera bearing words embalmed by time. In a metaphorical sense, as used in this book, it refers to history interred in our nation’s bones and collective memory, long hidden and concealed, either to be retrieved and remembered or to be altogether forgotten.”)
Unfortunately, Laguna was the stronghold of the Sakdalistas in the 30s. In Sta. Rosa, Laguna, the Makapilis were very strong. An American pilot who bailed out after his plane was hit, thought he was being saved by guerillas, but was turned over to the Japanese based in the town. He was executed.
I think that is the reason why monuments to the Japanese exist and are tolerated in Laguna.
Not all Filipinos love the Americans (or hate the Japanese).
An apology and just compensation must also be rendered to our COMFORT WOMEN.
# 1 “…….I think that is the reason why monuments to the Japanese exist and are tolerated in Laguna…..” – romy
Mr. Romy, puwedeng pakibigay ng lugar kung saan merong monumentong itinayo bilang pagpupugay ng mga taga Laguna sa mga Hapon?
I spent part of my childhood in Sta. Rosa and I did not find any monument built honoring the Japanese. My late father, being a guerilla himself had no knowledge and never told us of stories about the strong presence of Makapilis in Sta. Rosa during those times. Not even my late mother and and her siblings who were from a lakeside barrio of said town.
oh, i’m sorrow. nasa itaas nga pala. monuments built during that brief Japanese occupation.
again, my sorry.
sa panahon ngayon, ang mga binanggit na monumento ay hindi na kahiyahiya dahil ang bansang Hapon ang isa sa pinakagustong puntahan ng ating mga OFW’s partikular ang mga kababaihang sanhi na rin ng kahirapan sa Pilipinas ay buong tapang na sinusuong ang panganib na dulot ng pagtatrabaho sa banyagang lupaing wala silang kakilalang maaari nilang hingan ng kalinga sakaling masadlak sa hindi magandang sitwasyon. mas gugustuhin pa nilang makipagsapalaran sa ibang bayan kaysa maghintay sa wala at umasa sa mga hindi maaaring asahang pulitikong walang iniisip kundi ang magpayaman habang nasa puwesto.
gibain ang mga sinasabing monumento at para na ring isinara ang pintuan ng pag-asang kumakaway sa mga nagnanais makarating sa bansa ng mga sakang.
Mr MPRivera… Walang taga-Sta Rosa ang aaminin na naging Makapili siya. Nang bata pa ako, nag-evacuate kami sa bayang iyan, pero dahil ang tatay ko’y nagtrabaho sa isang kumpanya ng Amerkano (Koppel Phils.) at saka galing Palawan, ay masama ang tingin sa kanya…kaya bumalik na lang kami sa Maynila.
Tama rin naman ang iyong pananaw.
Mr. Romy,
Nakakalungkot na ganu’n pala ang inyong naging karanasan nang nag-evacuate kayo sa Sta. Rosa. Pero, saang banda? Saang baryo?
Maaaring ang dahilan kaya akala ninyo ay hindi kayo welcome sa lugar na inyong pinuntahan ay dahil bagong mukha kayo doon. Alam naman ninyo noong mga panahong yaon na konti pa lang ang mga tao at halos magkakakilala. Banggitin mo nga la’ang ang apelyido ay alam kung taga saan at kaninong pamilya nabibilang. Maaaring kabaliktaran din ng iyong sapantaha ang dahilan.
Magkagayunman, aminin natin, kahit saan, kahit kailan ay hindi nawawala ang kalawang na sumisira sa bakal. Ibig kong sabihin, maaari ngang merong ilang Makapili sa bayan ng Sta. Rosa, subalit ‘yung sinasabi mong malakas ang presensiya ng Makapili sa lugar na ‘yun ay hindi naman siguro katanggaptanggap dahil parang nilalahat mong kampi sila sa mga Hapon.
Hindi na ba puwedeng ‘yung mga taga-ibang lugar ay maging espiyang itinalaga o ipinadala ng mga Hapon bilang maniniktik sa bawat kilos ng mga naninirahan doon? Katulad marahil nang maaaring naging hinala ng mga taga Sta. Rosa sa iyong ama?
Sorry Ms Ellen at naging sagutan na ang blog ninyo…
MPRivera… Sa mismong bayan po kami nag-evacuate, sa kamalig ng mga Perlas na malapit sa kanto ng Kalye Real at patungo sa Aplaya. Naging kapitbahay pa namin ang pamilya si Mekawa nang nakulong siya bago dumating ang Hapon, kaya medyo pinagsabihan lang ang tatay ko ng asawa na mag-ingat… Hindi ba maraming inilibing sa garrison ng Hapon sa likod ng eskuwelahan na mga naituro ng mga Makapili? Doon din dinala ‘yung Kanong piloto na ibinigay sa Hapon.
Kakaunti lang ang alam ko sa kasaysayan ng Sta Rosa, pero may mga kamag-anak ako (Arambulo at Bascon) na makwento at ngayo’y nasa States na.
Mr. Romy, sa bayan pala mismo at ang sinasabi mong eskuwelahan ay maaaring ‘yung malapit o nasa harap ng palengke sa may arko.
Sa Aplaya kami nanirahan at du’n ako nag-aral ng unang dalawang taon ko sa elementarya bago lumipat at lubusang nanirahan sa Tanauan, Batangas sa bayan ng aking nasirang ama.
Katulad din nang aking nabanggit sa itaas, hindi na kailangan pang suriin kung naging masama man ang ating naging karanasan noong panahon ng Hapon sapagkat ‘yun ay bahagi na ng ating kasaysayan at mananatiling batayan upang maiwasan ang muling madugong digmaan lalo na ngayong walang ikakaya ang Pilipinas sakaling merong nagbabantang pagsiklab ng panibagong delubyo mondiyal.
Ano’ng ilalaban natin sa mga puwersang datin ay tayo ang tinitingala subalit ngayon ay pinamamalimusan ng awa ng mga nasa gobyernong masisiba sa kunyaring para sa mga pagawaing bayan subalit diretso sa kanilang hindi mapunopunong mga bulsa ang pondong inutang?
Sino ang lalaban at magtatanggol sa ating soberenya? Mga kawal nating kulang sa mga gamit pandigma?
Sino ang tutulong? Mga kalalakihang sibilyang kumukulo ang sikmura?
Paano tayo lalaban? Duraan? Ano pang idudura eh, tuyong tuyo nga ang katawan dahil hindi na halos kumakain ng dalawang beses isang araw?
Nakakalungkot na nabangit dito ang nakaraang ikalawang digmaang pandaigdig at ang mga karahasan ng mandirigmang hapones. Ang aking ama(hukbong katihan ng bansang America) ay isa sa mga nakipaglaban laban sa bansang hapon, gayundin ang aking Lolo (hukbong dagat ng bansang America). Ang kapatid(hukbong katihan ng bansang America) ng lola ko ay sa Kampo O’donell, Tarlac namatay at hindi nakuha ang kanyang bangkay. Ang kanyang pangalan ay nakaukit ngayon sa Libingan ng mga kainib ng hukbong Amerika sa Pacifico diyan sa Manila. Bagaman at pinagsisihan ng bansang Hapon ang kanilang ginawa sa Pilipinas sa iba pang bansa sa Asia, sana ay hindi naman natin malimutan ang ating kasaysayan noong nagdaang digmaan..sana ay huwag rin nating malimutan ang mga Pilipino at mga Amerikano na nagbigay ng buhay para lamang tayo maging malaya.
Panahon pa pala ng giyera ang Koppel Phils. Pero malamang ay ibang kumpanya na iyan dahil ang Koppel sa Parañaque na dati kong kumpanya ay gumagawa ng Aircon. Wala pa sigurong aircon nung panahon ng WWII.
**********
Tama ka, Magno. Sino’ng lalaban para sa soberenya? Paano kung yung piyesa ng missile ng North Korea ay direktang tumama sa kabahayan sa Pilipinas?
Paano kung yung nag-iisang BRP Gregorio Del Pilar ay palubugin ng torpedo ng China?
Paano kung angkinin ng Malaysia ang ilang isla ng Mindanao?
Paano kung ispreyan ng Taiwan ng F16 ang exploration sa Recto/Reed Bank?
Ipakukulam na lang natin?
pagkatapos ng Phil-american war ang hindi sumuko na si Gen.Ricarte ay napadpad sa japan.kasama siya pagdating ng mga hapones sa Filipinas sa paniniwalang kakampi natin ang mga hapones at makakamtan na natin ang ating tunay na kalayaan.Gen Aguinaldo even sided with the japanese.asian for asian sabi ng hapon.kaya tayo nadamay sa geyera dahil hawak tayo ng mga kano…madali nga tayong makalimot ng historia ng ating bansa
sakaling dumating muli ang pagkakataon na giyerahin ang pilipinas ASAHAN natin at tandaan ninyo ito – UNANG UNANG magsisitakas patungo sa lupaing hindi sila matutunton ang mga kurakot na opisyales ng gobyerno tangay ang mga kinulimbat nilang salapi mula kay pobreng Juan.
Mauuna pang magiging kakampi ng mga nag-giyera sa atin ang mga “kurakot na opisyales ng gobyerno”. Yayaman pa sila sa pagiging “collaborator”; bihasa na silang umunlad sa gayong paraan. Kakampi sa sinumang manalo.
M Tongue-Twisted… Ang Koppel (Phil) noong bago pa magkagiyera ay nagtitinda ng mga tractora. Hindi pa gaanong uso ang air-con. After the war, sa tabi ng dating Jai-Alai sa tapat ng Luneta Park ang opisina. Natamaan ng bomba ang dati nilang opisina sa Port Area nang magpa-pasko noong 1941. (Kamuntik nang mamatay ang tatay ko kung hindi siya nag-CR. Dati kasi pinapanood nila sa itaas ng kanilang building ang mga areplano ng Hapon na nagbobomba sa mga bapor.)
Matanong ko lang romy. Yun bang traktora ay yung Massey-Ferguson?
alam kaya ni carmen nakpil, ang tungkol sa 100 billion in cash and gold mula sa kaban ng unang republica ng Filipinas na kinuha ng mga amercano?