Dapat tutukan itong imbestigasyon tungkol sa kayamanan ni Sen. Lito Lapid na isinasagawa ng Ombudsman dahil kunektado ito sa impeachment in Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Senator Lapid’s millions subject of Ombudsman probe
http://www.interaksyon.com/article/28085/senator-lapids-millions-subject-of-ombudsman-probe
Akala kasi ni Lapid, dahil mahalaga ang boto niya sa impeachment, hindi siya gagalawin ng administrasyong Aquino basta ibigay lang niya ang kanyang boto sa pag-convict kay Corona.
Hindi natin alam kung tama nga ang akala ni Lapid. Dati kasi nakalusot siya.
Nagsumbong na dati si dating Tourism Secretary Alberto Lim kay Pangulong Aquino tungkol sa hindi kanais-nais na mga ginagawa daw ni Mark Lapid, anak ni senador na dating gubernador ng Pampanga at ngayon at hepe ng Philippine Tourism Authority . Ngunit sinabihan si Lim na huwag galawin si Mark dahil kailangan nila ang boto ni Lito lapid sa pagpasa ng batas na ipagpabliban ang eleksyun sa Autonomous Region for Muslim Mindanao.
Ganun nga ang nangyari. Hindi ginalaw si Mark (si Lim pa ang natanggal) at nakuha ng Malacañang ang boto ni Lapid sa batas tungkol sa ARMM.
Noong Enero, bumalandra sa balita ang pagkahuli kay Marissa Lapid, asawa ng senador, ng mga US authorities sa Las Vegas dahil nagdala siya ng $50,000. Sa pesos, sobra yan dalawang milyon. Sa Amerika kasi, pwede ka magdala ng $10,000 na hindi ka tatanungin. Kapag sobra na sa $10,000, marami ka ng ipaliwanag.
Lumabas na ang warrant of arrest ay Enero 2012 ngunit noong Nobyembre 2011 pa pala nangyari yung nahulihan si marissa ng $50,000. Ang dineklara lang niya ay $10,000 ngunit nahuli ng mga Amerikano ang tig$10,000 na kanyang tinago sa loob ng kanyang medyas na kanyang suot at ang $20,000 sa loob ng kanyang bag na nakabalot sa tela.
Iba-iba ang palusot ng mga Lapid. Sinabi ng senador magpapagamot daw si Marissa. Meron din nagsabing pambayad daw ng tax dahil dalawa pala ang bahay ng mga lapid sa Amerika. Meron din naman nagsabi na bibili pa raw sila ng isa pang bahay.
Dito sa Pilipinas ang dami ring ari-arian ang senador na kilala bilang “Leon Guerrero” . Nakabili nga siya ng P15 million na bahay sa Magallanes Village sa Makati pagkatapos siya natalo sa pagka-mayor laban kay Jojo Binay noong 2007.
Mukhang malaki ang kinita niya mula kay Mike Arroyo, asawa ni Gloria Arroyo, at dating Pagcor Chairman Efraim Genuino, na siyang sponsor niya sa kanyang pagtakbo laban kay Binay.
Pinagtatawanan ng marami si Lapid na hindi matalino ngunit mukhang marunong siya kaysa karamihan sa atin dahil ang yaman-yaman niya ngayon. May bahay din siya sa Baguio. Nandoon din siyempre ang “Lapid Mansion” sa Porac, Pampanga sa gitna ng 50 ektarya niyang lupain.
Nang nagbotohan ang mga senador kung ipilit nilang pabuksan ang dollar account ni Corona, bumoto siya na buksan dahil yan ang gusto ng Malacañang ( Nanalo ang hindi buksan). Inaasahan daw ni Lapid na hindi na imbistigahan ang kanyang mga kayamanan.
Hindi yata nakakatawa itong sitwasyun, na ang isa sa magdidisisyun kung guilty si Corona sa kanyang hindi mapaliwanag na kayamanan ay ini-imbistigahan din sa kaduda-dudang kayamanan.
am not with lapid o sino mang isinasabit ng malakanyang sa mga imbestigasyon tungkol sa tagong yaman pero DAPAT lahat. walang kaibigan. walang kabarilan. walang dating kamag-aral. dapat ay pantay pantay.
kung hindi babaguhin ng mga nasa malakanyang ang sistemang parang sila ang dapat masunod palagi ay para na ring hindi napalitan ang dating magnanakaw na sinungaling na mang-aagaw. nagpalit lamang sila ng mga mukha at pangalan.
kung laging ganyan sa bawat pagpapalit ng mga nangakong lilinisin ang gobyerno, aba’y paano naman kaming lagi na la’ang ‘atang mukhang inuuto!
bakit nga ba ngayon la’ang sila kumilos para imbestigahan si leon tumbling hinggil sa kanyang mga tagong kinulimbat na kayamanan?
Pinagtatawanan ng marami si Lapid na hindi matalino ngunit mukhang marunong siya kaysa karamihan sa atin dahil ang yaman-yaman niya ngayon.
Tama ka ellen wala sa pagiging mahinang umenglish ang kilabot sa pagnanakaw. Kitang kita naman kung paano yumaman si Lapid sa grasyang ibinuga ng Pinatubo. Sabi nga ng isang announcer sa radyo dati daw e patalon talon at patiha-tihaya lang sa pelikula si Leon Guerrero pero ngayon nakahiga na lang sa pera.
Kaya nga ang mga di tunay na politiko ay sumasali na sa politika dahil alam nila na kikita sila at instant millioner agad. Tignan na lang ninyo ang mga anak at kamag anak ng matatandang politikosa atin na pag dating sa tamang edad ay sa politika na ang punta at pati na ang mga laos na artista. Alam nila na pag nasa puwesto sa gobyerno ay yayaman agad sila. Wala naman silang ibang pinagkakakitaan na negosyo pero lalo lang yumayaman.
Mahirap lutasin ang problemang ito hanggang ang mga naka upo sa itaas ay tumatanaw ng utang ng loob sa mga kakilala.
kailangan dito ay i sa public lahat ang mga ari arian ng mga poloitiko at kapag may nakitang bagong ari arian ay imbistigahan agad at alamin kung saan nakuha ang pinang bayad.
Ang alam ko. yung bahay sa Magallanes, iniregalo ni Genuino kay Lapid kapalit ng pangakong papayagang makapagtayo ng casino doon sa Makati pag Mayor na siya.
Kaya nga muntik nang magpagawa ng sandamukal na streamers na may nakatatak daw na “LET’S MAKATI HAPPY”.
Nanangkupow!
Sulit ba ang buwis na binabayad natin na pinapa suweldo sa isang katulad ni Lito Lapid. May naipasa na ba siyang batas na kapaki pakinabang sa taong bayan? Tumakbo siyang mayor sa Makati at natalo pero balik-senador. Only in the Philippines
Dyan kumikita ang mga politiko. Normal na yan na kung may gusto kang ipasa nila, award them with projects, money and perks. Sa mga senador, yung pork barrel nila eh sino ba ang nagiimbestiga kung napupunta ito sa bulsa nila?
Nagugulat pa ba tayo na ganito rin ang gawain ni Lapid? For someone who does not have much to offer in terms of expertise to legislate, bakit super yaman niya? It is no brainer di ba? We do not have to be as “smart” as Lapid to figure this out…heh,heh,heh. Baka mas marami siyang makukuha kung boboto siya pabor sa pagtanggal kay Corona. What else is new?
Leons case may have been addressed Kung totoo si Gutierrez sa sinumpaang pangako bilang ombudsman! Kahit na si conchita at Gagarin ang nararapat pag dating sa korte…patay ka na di pa tapos ang kaso! Hehehe
Why do Filipinos elect people like Lapid, Revilla, Jinggoy and Noli de Castro as their “representatives” to high government positions?
More likely it is because the majority, the masa, are more familiar with them and idolize them. Should that be enough to trust them and give them their votes?
It seems that their fans don’t get swayed by media reports of their anomalies or their lack of ccmpetence. Why?
Lack of proper good citizen training?
One easy solution to this Lapid dilemma of this administration is to delay the investigation of Lapid until the Corona impeachment trial is over. That’s only a few more weeks to go. Then pursue the investigation to the hilt.
“Why do Filipinos elect people like Lapid, Revilla, Jinggoy and Noli de Castro as their “representatives” to high government positions?”—Phil Cruz
Because, Phil, the Filipinos have found out that people who are genius lawyers, genius economists, genius generals, genius degree holders holding high positions in government are the worst manipulators to pillage and rape the people and country of its wealth and dignity so the Filipinos tend to resort to the movie stars and TV personalities for a change.
How very frustrating.
whoever is entrusted the office of elected Senator and Representative, it will be the same issue all over…and until the day the reforms in Election spending and contribution and the checks and enforcement are in place are done, expect the politicians to exploit every loophole and every opportunity to enrich himself while in office and after, having made the political connections and influence…Lapid was just unfortunate for being exposed via his wife by the US Homeland Security personnel..(the same as with General Garcia. Both are just the tips of the Volcanoes that are waiting to erupt and bury the country with its stinky Lahaar…I can only wish that these corrupt politicians and judges will be rounded up and offered sacrificial offering to the volcanoes to keep them in hibernation for thousands of years.
hindi tayo aasenso o liliit ang gap ng mga mahihirap sa sa mayayaman kung ganitong magnanakaw ang namumuno sa atin.kailan kaya maglalakas loob ang ating mga pulis at NBI na imbestigahan ang mga ito.
sana after ng impeachment trial ni corona regardless of the outcome isa isa ring pa imbistigahan ang mga senators at congressmen na questionable ang SALN.lalo na yung mga halatang gahaman masyado. yung biglang yaman after entering politics.
Sa totoo lang, nakakadismaya na ang magbasa ng mga news item na katulad nito,Nakakagigil ba. Maliit pa akong bata puro katiwalian na nababasa at naririnig sa radyo at TV.
Wala na ba pagtino ang pamahalaan ng pinas? wala na ba tayong talaga maasahang tao na uugit sa ating pamahalaan na tunay na commited para sa isang magandang pamahalaan?
Bakit kapag ang isang tuwid na tao ay nasalang na gumanap ng tunkulin sa pamahalaan, kapag tumagal na siya ng isa o dalawang taon nagiging corrupt na. Tingnan mo itong si Pambansang Kamo, kung kailan dimami at lumaki ang kinita saka pa bumaba ang buwis na binayaran. May nag ma-magic ba ng kinita niya para bumababa ang buwis na babayaran niya? kasi nasalang na siya na isa sa umuugit ng local na pamahalaan?
Ano ba yan? Nakakagigl na!
Dapat matagal nang nasampulan ang mga iyan.
OK lang bang magmura dito?
Masasabi ko langn a malaki rin ang kasalanan ang MASA dito. Dahil bago pa lang sila bumoto ay alam naman nila na walang mapupuntahang tama ang boto nila kaya hanap na lang sila ng politikong bumibili ng boto. Dahil 95% naka upo sa puwesto ay Magnanakaw.
Dapat dito ay gawin na lang fix ang lahat pati na ang pag boto sa mga judges. Gawin 2 term service na tig 4yrs or 3yrs term lang.
Kung matapos na ang term nila ay di na sila puwedeng tumakbo sa ibang posisyon sa Gobyerno or di rin sila puwede ilagay ng pangulo sa ibang sangay ng gobyerno natin. Diyan ay mababawasan ang mga magnanakaw sa atin. Kada taon ay isa publiko ang ari arian nila at lahat ng kayamanan.
Mayroon nga hindi marunong mag english sa Senado pero mas matalino ang labas kesa sa atin dahil napaka yaman niya ngayon 🙁
Cleaning up our government will have to start from all sides. At election time, dapat hindi tatanggap ng pera para sa mga boto. In order to win one has to pay every vote. Kaya yung mga nagbabayad ng mas malaki, sila ang nananalo. Hindi pa man nakaupo, lubog na sa utang ang kandidato. Kaya kapag nanalo, ang unang gagawin ay babawiin ang ibinili sa mga boto. Kaya lahat ng pwedeng pagkakaperahan, eh papasukan ng nanalong kandidato. If this is stopped, half of the problem is solved. The second half is accountability. Kung nanalo na ang kandidato, tuloy pa rin ang pagmanman ng mga kinikilos ng mga ito. Yung biglang paglaki ng bahay, biglang may mga mamahalin at bagong sasakyan, yung may biglang rancho kung saan, at biglang may kabit na ibinabahay, mga anak eh sa US at Europe pa nagpapaaral, ang lahat ng itoay indikasyon na may ninanakawan. Mapagmanman sana tayong lahat at huwag magbubulagbulagan. At kung merong mga politiko na sadyang gustong baguhin ang ating gobierno para sa kabutihan ng lahat, sana naman ay ating pagbigyan at suportahan. Kahit na baranggay captain lang yan nanggagaling, mahalaga pa rin.
Kung ang inaakala ng mga mahihirap at kulang ang edukasyon eh dapat na mayroon din katulad nila sa senado, they should think again. Ano ang maitutulong sa kanila ng isang hindi man lang maalam gumawa ng batas?
Si Sonny Trillianes lang ang alam kong nanalo na hindi bumili ng boto. He was even a victim of the “dagdag-bawas”. But pandak could not shave his votes too much, as much as she stole her votes.
Ang mga mambabatas na Pilipino ay wala na yatang iniisip kundi ang magpayaman. Ang mga naghahalal sa mga mambabatas na ito ay wala ring pagiisip. Wala namang masama kung ang iba sa atin ay sadyang mahirap ngunit isa na ako sa walang galang sa mga taong tumatangap ng salapi tuwing halalan. Ang sabi ng isa kong kaibigan dito sa Cavite na pangkaraniwan (hindi naman lahat)sa mga naghahalal dito ay sapat na ang kasabihang “basta’t may bigas at sardinas, iyang taong iyon ay mananalong tiyak sa halalan”. Ano na ba ang nangyari dito sa bansang Pilipinas. 🙁
We focus too much on punishment; that is desirable of course. But as any physician will say, prevention is better than any cure.
Now read this news item.
http://www.manilastandardtoday.com/2012/04/09/aquino-preempts-summit/
So why construct 1,400 megawatts for a demand growth of a mere 50 megawatts per year?
May titiba diyan.
Ano na ba ang nangyari dito sa bansang Pilipinas.
by Manachito
Nagiging kawatan ang mga naka upo sa puwesto at ni isang kawatan ay wala pang napapakulong.Ultimong kawani or clerk lang ng BIR ay naka Porche pa. Only in the Philippines iyan..
Ang hindi lang yumayaman sa atin at malinis hinahawakan nilang puwesto ay ang mga “Barangay Tanod” 🙂
Isa pang mahirap sa atin ay kapag bago na ang pangulo at bago na rin ang mga nakatalaga sa puwesto ay tiyak na bagong magnanakaw na naman ang kinalalabasan. Ikaw nga ng iba ay kayo noon at kami naman ngayon ang mangungulimbat.
Iyan ang sakit dito sa atin. Tinalo pa ang Aids or Virus sa computer.
Mga magnanakaw na galing sa itaas na pababa sa puwesto ay
Pangulo
Thief Justice
Senate
Tongressman
Governor
Mayor
Barangay Captain
Then sasamahan ng mga kawani ng gobyerno galing sa itaas na puwesto rin.
opss. nakalimutan ko ang mga Militar na mataas na puwesto rin. Ang mga GERM-NERALS.
Siya ay isang artista. Malaki ang kita. Hindi nakapagtataka na kaya niyang bumili ng kung anuman ang inaakusa sa kanya sa ngayon.
meron na bang porac mansion bago naging gobernador si leon tambling?
brewsterbaker: OK lang bang magmura dito?
Bawal dito ang katagang “Putang ina” o mga kagaya nito.
Katas ng lahar at patong ni “Ma’m Baby” ang pinanggalingan ng kayamanan ni Lapid.