Sabi ng boxing champ na si Saranggani Rep. Manny Pacquiao, nag-uusap daw sila ng Panginoon.
Sabi niya sinabi daw ng Panginoon sa kanya na huminto na siya sa boxing. Natutulog daw siya ng sinabi sa kanya ng Panginoon itong mensahe.
Ang pinagtataka ko, bakit ngayon lang ba niya narinig yun? Matagal na yan sinasabi ng Nanay Dionisia niya at ng kanyang trainer na si Freddie Roach. Sinasabi rin sa kanya yan ng boxing writer at analyst na si Ronnie Nathanielz. Lumabas yan sa mga media.
Saan nga ba patungo ang direksyun ng buhay ni Pacquiao? Tumatanda na siya. Kahit ano pang galing niya, ang boksing na sports ay para sa mga bata. At ano pa ba naman ang gusto niya, lumalangoy na siya sa pera.
Matalino si Pacquiao. Kaya nga siya nakarating sa kinaroro-onan niya ngayon. Kaya itong kanyang dramang pag-uusap sa Panginoon ay mukhang pinag-isipan. Hindi ko lng alam kung tamang pag-iisip.
Expert na ngayon ni Paquiao sa Biblia. Sobrang galing niya. Ilang linggo pa lang siya nagbabasa ng Biblia, nagsi-sermon na siya. Kumpleto power point presentation.
May kutob akong magpapatayo ng relihiyon itong si Pacquiao katulad ng El Shaddai ni Mike Velarde na maari niyang gamitin sa kanyang ambisyon sa pulitika.
Ayaw ko sanang maghusga ng tao, ngunit halatang peke ang kanyang biglang pagiging relihiyoso. Halatang produkto ng mga marketing expert sa kanyang paligid.
Sa kanyang presentation sa ABS-CBN, para siyang nagpa-praktis. Halatang fake.
Kung totoo ang kanyang pagkamaka-Diyos, bakit ganun ang kanyang reaksyun sa sinabi ng Bureau of Internal Revenue na magsumite ng papeles tungkol sa kanyang mga kinita. Nagwala na kaagad. Parang batang spoiled brat. Hina-harass daw siya.
Nagtaka ang BIR kung bakit bumaba ang binayad ni Pacquiao para sa taong 2010. Mas mababa daw sa n P7 million ang ibinayad niya sa taong 2010 samantalang noong 2008, P125 million ang kanyang ibinayad na buwis. “Hindi naman siya nalalaos, lalo nga siya sumisikat pero bakit bumabagsak ang income niya,“ sabi ng nagtatakang taga-BIR.
Sabi ni Henares,ang hinihingi lang nila ay papeles. Mas madali niyang isumite, mas mabilis matapos ang assessment. Kung tama naman ang computation, di okay. Anong harassment ang sinasabi niya?
Sinabi ni Pacquiao na lilipat na lang daw siya ng tax registration. Sa halip na sa Central Mindanao , sa Laguna o sa Manila na lang siya magbabayad at inis daw siya doon sa BIR regional director na si Rozil Lozares.
Di lumipat siya. Wala namang problema yan basta tamang buwis lang ang ibabayad niya. Ang problema niya ay paano niya ipaliwanag sa kanyang mga taga-Saranggani na dapat kanyang sinisilbihan. Yan ba gawain ng matinong opisyal ng pamahalaan.
Sinabi rin ba sa kanya yan ng Panginoon?
Ako ay naaawa kay Muhmmad Ali kapag nakikita ko siya sa TV. He has a Lots of money $$$$$$$ US dollars, pero hindi niya ma enjoy. why ? Nakikita nyo ba si Ali na magsalita at kumilos.I think no need to explain. Kahit hindi ako doctor alam ko na na-alog ang utak ni Ali. Hindi kaya si Manny Pacman ay gannon na rin. I maybe wrong, kasi kahit obispo O pari ng simbahan ay wala pa akong narinig na nagsabi na naka-usap niya ang DIYOS.
Buti di sinabi ni Manny na ang pag uusap nila ng Panginoon ay sa Cell phone at sinundan ng text messages. Globes yata ang gamit nilang dalawa sa pag uusap eh.
Tanong ko lang kay Manny na sinabihan rin ba siya ng Diyos na tumigil na sa pang babae.
Ito ay payo ng mga asungot niya na mag Pastor at daan sa pag hangad sa mataas na pwesto sa bansa natin. Di naman siya siguradong mangungurakot sa pag pa pastor dahil mayaman na siya. Dahil lang sa politika at hangad ang mataas na puwesto. Ang mga Pastor sa atin ang yumayaman ng husto dahil sa”Alam na ninyo” kung saan galing ang pera at instant yaman agad.
Sana maka usap ko rin si Jesus. Kaso baka si Mommy D ang lumabas sa Cell ko. Diyos ko po sana i text rin ninyo kami at huwag lang si Manny Pac.
Teka Ate Ellen, nakalimutan na ba ni Manny mag patayo ng Univesity at Saksi ni Manny Pac na lang ang relihiyon na itatayo. Wala na ang Pacquiao University (Pac-U). Magulo talaga 🙂
Jojo- I maybe wrong, kasi kahit obispo O pari ng simbahan ay wala pa akong narinig na nagsabi na naka-usap niya ang DIYOS.
Jo, baka si Mommy ? ang naka usap niya. Kasi kung titignan mo si Mommy ? Ay di mo alam kung babae or lalake eh.. Joke lang
Di ba exempted sa taxes ang religious sects? Ano ba ang minimum number of members para irecognize yung isang relligious group? Gusto lang niyang gayahin si Quiboloy, pati ang modus na nakakausap ang diyos kopyang kopya.
Galing kay Nonilon Evangelio:
Tama ka Ellen about Pacman. Kung maayos syang tao bakit napaka-simple lang naman ng hiningi sa kanya ng BIR.
Itong sina Revilla at Recto ewan ko kung nagpapagulo lang o talagang di nila alam yung gusto ng BIR. Kaya sana sa mga susunod na eleksyon dapat yung me mga pinag aralan ang iboto yung bang matino hindi basta sikat ok na.Kaya di aasenso ang Pinas.
Maswerte na nga tayo at nag karoon ng isang Presidente na me concern sa tao. Hindi nga nya lang kaya agad umasenso ang Pinas dahil ng corruption ng mga nagdaang administration.
Ang tagal ko ng nagdarasal ni minsan di ko man lang nakausap ang Diyos.
Ay naku dapat magpatingin muna sa Doktor.
hehehe..parang ayaw magbayad ng tamang buwis! nasa gobyerno na at malakas buddy sila ng mga bigating senadors, atbp dapat di siya ginagalaw sabi ni sen. arroyo?..ngayon religious sect naman…hehehe para exempted na sa tax!! hahaha..di lumabas ang tunay na intensyon…..nakakita kasi ng mga magagandang halimbawa sa mga ginagawa ng ating magigiting na opisyales, justices, at mga religious pipol…onli in da pilipins!!!
If Pacman is sincere in his turn to God against vices, the first person he should convince to join his crusade is his good-times buddy Chavit!
Ang kasama ni Rev. Pacman sa “Saksi Ni Pacman” religious group
Mga Apostles
Sabit Singson = Duty ay Confession
Ate Gloria= Duty money collection
Corona = Duty adviser (Law)
Big Mike = Duty planning ( got the idea for tax fee)
AMEN. , only in the philippines
Why not make Manny a saint.?
San Pacman pray for us!
San Pacman have mercy on us!
Amen!
He should just retire and enjoy his remaining years with his family. He can still do charity work without going about being God’s messenger!
“Those whom the gods wish to destroy they first make mad “..
hindi ba may darating pa siyang laban? baka naman feeling nya matatalo siya kaya inunahan na lng nya ng pasakalye. baka pag matalo siya ang sasabihin niya eh pinagsabihan na kasi ako ng panginoon na huminto sa pag boxing matigas lang ang ulo ko at hindi ko SIYA sinunod kaya natalo tuloy ako.
dadalawang tao lamang sa kasaysayan ng pilipinas ang nagpapatotoong hinirang sila’t kinausap ng diyos (nila) upang iparating sa buong sambayanang pinoy ang mensaheng ni ang mga banal ay hindi namarali noong sila ay nabubuhay.
‘yung isa ay pinili “daw” sa lipon ng mararangal upang pamunuan ang pilipinas at ngayon, itong si kagalanggalang na manny pacquiao ay kinausap daw ng diyos upang magretiro na’t ipangaral ang bibliya. kung totoo nga, BAKIT meron pa siyang pasubali na kailangan pa niyang tapusin ang TATLONG labang mahalaga sa kanyang boxing career?
tsk. tsk. tsk.
nilalang na siyang nagbibigay ng kondisyon sa lumikha sa kanya bago sundin ang ipinag-uutos?
walang laman ang mga sinasabi ni paqcuiao KUNDI salita ng diyos bilang patotoo na ganap na siyang nagbago. bakit laging sa harap ng media? bakit kailangang ‘yung kanyang pagdalo sa okasyong katulad ng kanyang huling dinaluhan ay SOBRANG publicized? bakit kailangang sa harap palagi ng camera?
nagpapakabanal na tao ngunit ipinasisibak ang BIR regional director na ginagawa lamang ang trabaho? sakaling maipatanggal niya’t mawalang ng hanapbuhay at magutom ang pamilya, MATUTUWA na siya (pacquiao)? ‘yun ba ay kabilang sa mensahe sa kanya ng diyos?
ipinapakita niyang palagi siyang nagdadasal bago at pagkatapos ng kaniyang laban sa ring. ano ito? nagdarasal na tulungan siyang talunin ang kalaban?
Alog na utak niyan ….. pati nga yong resort niya sa Boracay nakalimutan na kanya pala at pati sa pagbabayad ng buwis nakalimutan din.
I believe and still do, many are faking their own “imaginations” but also many with unimaginable imaginations were able to build Empires, Amassed unimaginable power and wealth as results of their imaginations…one can always Imagine having a Conversation with the Mighty Being and believing in it will drive him to achieve his goals and even Scammers and Fakers were able to fake their way to greatness…just check around, in the past and even now…in Congress alone, and in about every walk of life..what is this world without the diversity of characters to play every role there is…It is a Big Stage and play it good, the audience will scream, applaud, fall, (were they faking it?) cry and laugh…we are just that gullible and we all knew it.
Eksperto na si Pakyaw sa Biblia sa loob lang ng ilang linggo? Either grabe ang delusion of grandeur, nag-explode na ang pride, o gusto lang ni Mani na maligtas sa pagbabayad ng buwis.
Tedanz… naalog na nga ang utak, yung kamao nya na ang nag-iisip. Imagine, magtuturo ng Mahalagang Salita ng Dios pero makakalimutin. Baka sa huli nyan, salita ni taning ang ma-spread nya.
Inglisin natin at mas maganda ang arrive.
Three televangelists were being interviewed about their collections.
Reverend. Your collections are quite substantial. How do you determine which goes to God (charity works) and which is for personal use?
Preacher 1. Simple. I draw a circle and toss the money up. What lands in the circle is God’s, and what lands outside is mine.
Preacher 2. Mine is simpler. I draw a line. What lands on the right is God’s, and what lands on the left is mine.
Preacher 3. I just toss it up. What stays up is God’s, what comes down is mine.
Vonjovi, nakalimutan mo si Lito Atienza sa mga disipulo mo.
Sax, eh di kanya na lahat maliban na lang kung nasa outer space siya kasi mahina ang gravity doon!
Sabi ni Pacman, nagbayad na daw siya ng buwis sa US sa mga kita niya. This is not a reason not to pay taxes to the Phil. When I had my green card only, whenever I renewed my Philippine passport, I had to pay taxes to the Philippines too. Double taxation nga. I did not like to pay but the embassy would not issue my passport if I did not pay.
Oo nga naman, for as long as Manny is in the company of Mang Chavit, he has to be super strong not to resist the call of “sex” and gambling. Dapat siguro i-convert na ni Manny si Mang Chavit…heh,heh,heh.
Ang mahirap dito ay marami pa rin mga taong nag papaloko at sasapi sa mga religious group lalo na ang magiging Rev. Or Pastor ay sikat. Iyan sng sakit natin at di nila alam na kinukurakotan lang sila ng mga bagong religious group at sino ba ang yumayaman sa mga iyan walang iba ang mga Pastor nila.
Hanep ang pag ka alam ko na at least more than one year bago malaman ang ibig sabihin ng mga nakasulat sa bibliya. Pero si Rev. Pacman ay just in one week. Dapat rin siyang isama sa Guinness Book of Record.
Sana sa mga tao dito sa atin ay huwag naman mag padala at mag paloko. Kayo rin puro donation ang ipapa abot sa inyo at kadalasan ay direct to the bulsa ng mga pastor iyan at mga alalay rin.
Tignan ninyo ang mga Heads ng ibang relihiyon at sino ang pinaka mayaman ngayon..
1) Manalo
2) Villanueva
3) Quiboloy
Etc…..
“Aquellos a quienes los dioses quieren destruir, primero enloquecen” (Those whom the gods wish to destroy they first make mad.)
If something is wrong with your cellphone, you do not consult your washing machine manual.
If something is wrong with your tv, you do not consult your DVD manual.
When your life is in disarray you don’t consult your business manual. You consult your Bible. Do not master the Bible. Let the WORD master you…
– Francis Kong
Pacquiao is beginning to get too big for his trunks. It has gotten to his head. All the adulation and now the seeming adoration of those around him. Too mind boggling for his simple mind. Thinks nothing is impossible for him.
I have seen some of his latest interviews and he is actually saying that the poor should see him as their model and example.. that they can be like him and achieve all that he has achieved because he always prays to God. Well, I guess his God also blessed him with all his vices in the past. and present.
And the Gloria senators Joker the Grouch and the boBong Revilla chimed in and hit the BIR… Harassment daw. Join the Pacquiao religion, dear senators. Birds of the same feather chirp the same tune.
Mommy D, is this what you’ve been praying for all these years? A Church and a religion all your own with son as head preacher and later President of the RP (Republic of Pacquiao)?
Several businessmen have also complained about this “harassment” from the BIR. Personally, I see that this is the only time the BIR is actually chasing after them to pay their CORRECT taxes. Some are blaming the president for this even, citing so many other reasons but the bottomline is always this harassment from the BIR. Only problem is, the BIR personnel are not asking secret commissions this time but for them to justify the taxes they are paying.
Will the current president be impeached or replaced via coup because businessmen and powerful individuals are being forced to pay the correct taxes? How about the abolishing of the PABAON of outgoing generals? or the COA strictly auditing AFP/PNP projects? Hmmmmm. Abangan.
Si Pacquiao ay relihiyoso mula pa noong unang nakikipaglaban sya sa boxing. Tingnan nyo sa youtube yong mga una nyang laban at hanggang sa huling nyang laban, halos lahat ng pagkakataon bago sya makipag bakbakan ay nagdadasal sya sa loob ng boxing ring.
Porke ba nagbanggit sya ng Diyos ay magtatatag na sya ng relihiyon? Si pandak, sabi nya ay sinabi daw ng Diyos na magigiging presidente sya, nagkaroon ba sya ng relihiyon? Sinabi ni pandak yon para magkaroon ng legitimacy kuno ang pagka pekeng presidente nya.
Bakit si pandak lang ba ang nagsabing kinausap daw sila ng Diyos na tumakbo bilang presidente?
Ang kay Pacquiao ay bakit sya lang ang gustong e audit ng BIR? Andiyan si Tupaz at Drillon na kung ilang milyon milyong mansion ang pinagawa nila pero na audit ba sila? Para patas ang labanan at pagsabayin na e audit silang tatlo. Di ba si Pacman hindi nag endorse sa impeachment ni Corona?
Who were the other people that said God talked to them to run for presidency?
Below was taken by someone else from another online forum:
One thing that really struck me was the parallel between Cory and Pnoy’s ascendance to presidency:
Cory’s case:
1. Got a lot of sympathy after the assassination of Ninoy
2. Prior to Marcos’ announcement of snap elections, did not express desire to be president.
3. After praying in the Pink Sister’s Convent, she claimed that God asked her to run for president.
4. Doy Laurel, the candidate endorsed by UNIDO to run as president, dropped his presidential ambition to give way to Cory.
Pnoy’s case:
1. Got a lot of sympathy after the death of Cory
2. Prior to 2010 elections and his mother’s death, did not express desire to be president.
3. After praying in the Carmelite’s Convent, she claimed that God asked him to run for president.
4. Mar Roxas, the leading presidential candidate of the Liberal Party, dropped his presidential ambition to give way to Pnoy.
Luckily for Roxas, Pnoy did not abandon him just like how Cory abandoned Laurel.
Ay nag kamali ako at di lang si Rev. Pacman ang may kayang kuma usap kay God. Ako rin ay lagi ko nakaka usap si God eh, halos araw araw pa.
Ang God ko ay ay aking asawa na lagi sinasabi naman na mag trabaho ako ng husto para sa pamilya, maglaba, maglinis etc. Iyan ang God ko at pag humangal ako ay walang happy ending sa gabi…
🙂
vonjovi2,
Baka nga napasigaw pa si pacman ng “Oh my god!” 🙂
lalong lagot ang mga taga BIR ngayon dahil sa pagbagsak ni pakyaw sa P4P standing nang ungusan siya ni flower gayweather agawin sa kanya ang korona.
http://www.abs-cbnnews.com/sports/04/03/12/report-pacman-loses-ring-p4p-crown
Juggernaut, sabagay may katwiran si Rev. Pacman na nakaka usap niya ang God dahil ang kampon ni “SatAnas” ay lagi niyang kasama at ka usap eh. So, baka nga totoo na nakaka usap niya ang “God” gaya ng mga Pastor natin dito nA yumayaman ng husto dahil maraming nag papalokong tao.
Biro mo ang mga SatAnas ay nakaka usap niya at nag a advice pa lagi. Kung si God ay may 12 Apostles ay Ganoon rin Si Satanas. Alam na ninyo kung sino ang 12 na iyan at kung sino ang head nila.
Kung alam ninyo kung sino ang 12 Apostles ni Satanas ay isulat ninyo dito. 🙂
Kung naging famous si Pacman, bilang pambansang Kamao, kapag naka-kuha o naka-hila sya ng milyon-milyon na mga taga-hanga, y kapanalig-kasanga, tiyak, ala El Shadai iyan o INC..lalo dodoble ang kanyang pagiging pamoso-famous sa buong mundo..dadami ang “Pacman Churches”, uusbong-susulputan na parang mga mushrooms…bawat simbahan mayroon syang, mga disipolos..kung malakihan ( milyon $$$ ) ang kanyang, ibibigay-donations sa mga Obispo-y-Roma, magkakaroon pa sya ng Obispong Spiritual Director o advisers…Who knows ?…malaki na ang lamang nya, sa pag-takbo bilang pangulo ng bansa, at mga disipolo nya, tiyak mga party list-congressmen na din…sabi ni Erap, weather-weather lang daw !…tsktsktsktsk !..buhay nga naman, very mysterious..
let any one of you who is without sin be the first to throw a stone at him
Isang pananaw. Palagay ko mabuti na din ang mayroong adhikaing maka-Diyos, o kaisipang spirtual, mga pag-aaral at kaalaman sa bibliya, kaysa sa mga politikong, wala ng ginawa sa loob ng 24-oras, paano sila tatagal bilang mga politiko. At mas okay pa yata, ang kaisipang Pacman, kaysa katulad ni Koronang tinik, nililigw ang bayan sa kung saan, pinag-tatago ang kayamanang di naman lahat kanya..Kaysa, sa ibang Pilipino na mga tuso-ganid, hanggan di na bubuking, patuloy sa pagnakaw sa “bulsa” ni Juan de la Cruz..Kaysa mga illegal loggers, miners na sumisira ng kalikasan, at nagiging cause ng maraming sakuna, y kalamidad..kaysa mga Utak-brains ng mga druga na, maraming kabataan, at pamilya na nasira-nalulong ang buhay..kaysa mga “human rights violators, at mga human traffickers na marami ang lumabo ang kinabukasan ng kabataan, mga tao at pamilya nila..kaysa mga taong babaero, sugarol at lasingero at mga tamad, walang magawang mga tao,sa mga ma-ngo-ngotong sa kanilang mga serbisyo, iba pa.. nagsasayang ng mga Oras, araw-araw !…my analysis and food for thoughts..
let any one of you who is without sin be the first to throw a stone at him
– jr
——————————-
Pwede bulok na kamatis?
Ako ang unang babato kahit na may kasalanan rin ako. Napag utusan rin ako ni God na gisingin si Pacman at huwag mag pa uto sa mga taong gAnid na mga advicers niya.
Kung totoong maka diyos si Pac ay ipakita muna niya na inalis na niya ang kanyang bisyo lalo na ang “pang Babae at ang pag Susugal”
SABONG….
Alisin niya ang mga “HUDAS” na nakapaligid sa kanya.
Mag bi bible na naman siya eh di nga niya magampanan ang tungkuljn niya sa kanyang lalawigan. Unahin muna niya ang kanyang distrito bago ang pag hAngad ng mataas na puwesto.
SALUDO kami kay Pacman dahil binigyan niya ng karangalan ang bansa natin.
Sana, kasanga ni Madame Ellen, sa blog na ito, si Pacman at para, maipa-abot sa kanya ang pros vs cons tungkol sa kanya..Dapat dito sya mahinog ng husto, katulad, ni Sen. Sonny Trillanes, ng kampihan ng husto ni madame Ellen. Kung di ko nagkakamali, sapag-damay nya sa Peninsula Hotel, na pati yata sya ay na “harass” ng PNP ni GMA noon…Isang pananaw lamang.
let any one of you who is without sin be the first to throw a stone at him
– jr
hindi naman kailangan maging napakalinis upang punahin ang taong nagmamalinis sapagkat tayo sa mundong ito ay marapat lamang na magpakatao hindi ‘yung pawang pakitang tao.
lalong hindi sapat na puro salita lamang ang sinasabing kawanggawa at sabihing gawin siyang halimbawa kung sa katotohanan ay hindi maiahon ang mga nakapaligid na naghihirap na kapitbahay lalo pa ‘yung mga nasasakupan bilang namumunong hinalal hindi lamang sa pagiging sikat KUNDI nangakong maglilingkod sa kanila habang nangangampanya KAHIT hindi mismong tagaroon sa lugar.
aminin nating likas na sa taong nagbabago ang mga pagpapalaganap ng salita ng Diyos katulad ni Pakyaw SUBALIT sapat na ba ang pangangaral na ito at pagpapatotoo kung hindi naman sinasamahan ng gawang paglayo sa mga taong talamak sa kasamaan katulad niyong taga kabailang dulo ng pilipinas na ginagawa siyang panabong na pinagkakamalan ng salapi sa bawat laban at SIYA ring halimbawa ng lahat ng luhong ngayon ay ipinangangalandakan at buong kapalaluang sinasabi?
Happy Easter sa inyong lahat!
Si Rev. To be Pac ay magaling sa larangan ng pag boboksing lang at iyun ang binigay niya sa atin bansa na makilala. Sa kawang gawa ay marami lang siya natulungan ng husto sa mgA asungot at alalay niya. Lalo na ang mga “HUDAS” na advicers niya. Sumusuporta siya sa mga hayup sa gobyerno natin. Kung sino ang magnanakaw at mangloloko sa Goverment natin ay doon siya. Iyun ba ay sugo ng Diyos at iyun ba ay utos ng diyos sa kanya na kay Hudas ka kakampi.
Ipakita muna niya na nilalabanan niya ang mga corrupt sa atin. Bago siya mag sermon tungkol sa “Bible”.
Si Sen. Trillanes ay di nga siya kilala sa buong mundo pero mas hamak na napakalaki ng utang natin sa kanya dahil nilabanan niya ang mga advicer ni Pacman. Si Pac. Ano ang ginawa niya? Boksing pero ni isang salita ay di mo narinig na nilalabanan niya ang mga corrupt sa atin.
Kaya di na kailangan maging malinis ka parA batuhin ang isang tao na doble kara.
HAPPY EASTER to all
Binigyan nga ni Rev toPac ng karangalan ang bansa, dahil sa kanya nakilala muli ang Pilipinas sa buong mundo sa galing niya sa larangan ng “basagan ng mukha” dapat nating ipagmalaki yan – mamangha sila sa atin kasi magaling tayong makipag patayan para sa malaking halaga! Ang galing galing talaga, hehehe.
Ano bang pinaglaban niya na prinsipiyo? nagpalakpakan tayo (kasama ako dyan) para sa kanyang pagkamit ng limpak limpak na salapi para sa sarili niya. Hindi siya bayani kundi entertainer, sa mga nagawa niya panandaliang nakalimutan natin ang mga problema, na distract tayo pati na ang mga masasamang loob, para panoorin kung paano niya pulbusin ang mukha ng kalaban niya. Dahil dun bayani na siya? Hmmmmm.
Malaki ang inambag na karangalan ni Pacman sa Pilipinas pagdating sa larangan ng boxing period. Ngunit ang pagpasok niya sa pulitika para sa akin ay lihis sa kagustuhan at paniniwala ng mas nakararaming Pilipino na humahanga sa kanya.
sobra kasing abala sa pagharap sa mga aktibidades na hindi naman niya talagang kailangan at nakakabawas pa sa kanyang kredibilidad kaya hindi niya namamalayang pinagsasamantalahan na siya’t ginagamit ng mga nakapaligid sa kanyang ang layunin ay yumaman sukdulang hilahin siya pababa.
kung totoong kinausap nga siya ng diyos, bakit hindi siya binigyang babala tungkol sa mga taong ito?
http://sports.yahoo.com/news/boxing–manny-pacquiao-faces-yet-another-unseemly-scandal-as-his-foundation-comes-under-scrutiny.html
Si Rev. TO be PAC ay napaka luwag niya at mapag bigay ng salapi sa mga hudas na nakapaligid sa kanya. Pero sa totoong mahihirap ay iilan lang ang nagawa niya.
Labanan muna niya ang mga corrupt sa atin bago siya mag sermon sa bible. Linisin niya ang mga hudas na nakapaligid sa kanya at asikasuhin ang kanyang lalawigan bago umakyat sa mAtaas na puwesto. Hindi pa siya puwede sa Pangulo pero ang alam ko ay binabalak niya sa Senado.
Kung nakakatakbo siya sa senAdo ay sana ang ating bansa ay isipin muna kung karapat dapat ba siya sa puwesto hindi iyun na dahil siya ay sikat.
masdan ninyong mabuti ang mukha ni pakyaw sa larawan niya sa itaas. walang aliwalas na mababakas. ganyan ba ang kinausap daw ng Diyos? ganyan ba ang mukhang ihaharap sa mga mananampalataya ng isang magpapalaganap ng salita ng Diyos?
mukhang duda sa mga taong nasa harapan niya subalit buong tiwala ang ibinibigay sa mga hudas na sa kanya ay nakapaligid.
ano’ng uri ng mga batas ba ang kanyang ipinapanukala sa kongreso?
TUSO rin si PACMAN ah.. patalon talon ng partido kung sino ang malakas ay doon siya. Alam niya malakas ang partido ni Binay-Erap doon siya naman pupunta. Hanep talaga at dito mo makikita kung ang isang tao ay matapat sa kanyang mga sinasabi. pa bible bible pero salawahan naman…
vonjovi2, bunga ‘yan ng mga tusong nakapaligid kay pakyaw. hindi man nila turuan si most reverend ay mas advance na ang takbo ng utak kaysa kanila. bukod kasi sa kanyang pagiging fast learner (imadyin ang mga inggels, este inggles niya ngayon) ay ginagamit din niya ang mga taktikang ginagamit sa boksing – hit wer da enemi is les ekspekting mden ran arawnd.
Oo nga eh MPR.. Iyan va ang bulong or utos ng diyos sa kanya. Naka ilan talon na siya sa partido at lumalabas lang na nangagamit lang siya ng kung sino ang in demand na partido para tiyak ang panalo niya.
Kung talagang mahusay siya ay di na niya kailangan ang ibang partido at puwede naman siyang tumakbo mag isa. Diyan mo nalalaman kung gusto ka ng mga botante.
Sana naman sa mga kapwa kong botante ay gamitin ninyo ang karapat dapat na ihalal. Hindi iyun dahil siya ay sikat at iyun na ang iboboto ninyo.
Galing kay Ramoncito de la Pe:
Kung totoo na nakausap niya ang Panginoon sa kanyang panaginip at inutusan o tinagubilinan siya na Diyos na sa lalong madaling panahon ay dapat na siyang tumigil sa pagboboksing, kailan ba dapat natin sundin ang mga utos at mga tagubilin ng Diyos? Sa isang buwan, sa isang taon o saka na lang? Nakasulat sa Deuteronomio 10:13: “ Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang Kanyang mga palatuntunan na aking iniutos sa sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti.”
Kung gayon, hindi na niya dapat pang ituloy ang pagboboksing sa nakatakda niyang laban kay Tim Bradley sa Hunyo. Kung tunay na maka-Diyos at maka-tao si Pacquiao ay dapat din niyang sumunod sa sinabi ng Panginoong Jesus: “
Sinabi sa kanya ni Jesus , na kung ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang mga tinatangkilik mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit, at pumarito ka, sumunod ka sa akin.” ( Mateo 19:20)
Sa aking opinion, kung bakit nagkaroon ng ganitong drama si Pacquiao ay kung natatandaan pa ng iba, bago ang ikatlong laban nila ni Juan Marquez ay nagdeklara siyang kakandidato sa 2016 National Election bilang Vice- President ng PHL at may balita naman ngayon na kakandidato siyang gobernador sa kanilang probinsya sa 2013 Mid-Term Election.
Kaya ngayon pa lang ay nililinis na niya ang lahat na maaring ibato sa kanya ng mga makakalaban niya sa Pulitika. Sukdulang gamitin niya ang pangalan ng Panginoon Diyos at ang Biblia masiguro lamang na mananalo siya sa pinupuntirya niyang posisyon. Sana ay maging matalino tayo at huwag padadaya, sapagkat si Satanas man ay gumamit din ng Kasulatan upang tuksuhin at dayain ang Panginoong Jesus.
Ito ang araw ng pagkatalo ni pacquiao ky marquez!!!!HAnggang round 6 lng… Namalayan ko ngayon kay pacquiao na iba na ang ikinikilos niya ngayon!!Kung noon palagi siyang nagdadasal sa panginoon bago sya lumaban sa ring..at iniisip niya ang panginoon bawat minuto palagi siyang nag sign of the cross dahil roman chatolic siya noon..Ngayon hindi ko na siya nkitang nag sign of the cross man lang, dahil siguro tinalikuran na niya ang nakagisnan niyang relihiyon at sumali na siya sa Born again..Nakakalungkot isipin na ang relihiyon kung saan siya sumikat at biniyayaan ng panginoon at naging famous siya ay basta basta na lang niyang tinalikuran dahil sa paniniwalang nakausap daw niya ang panginoon sa kanyang panaginip kay siya sumanib at naging iba na ang relihiyon niya ngayon!!Sana matauhan na si pacquiao!! totoo naman na hindi nag ma matter sa relihiyon unless my tiwala ka sa panginoon ngunit sa aking pananaw kay pcquiao ay ginagamit lang niya ang pagiging maka diyos niya para sa kangyang pansriling kapakanan at upang mging kaakit-akit siya sa mga tao para sa pgsabak niya sa politika..Mukhang naiimpluwensyahan na si pacquiao sa mga impluwnsya ng kasamaan!!