Tag-init na.
Kahit na paminsan-minsan ay umu-ulan, talagang summer na. Ang sarap magbabad sa tubig. Dumadami na ang mga tao sa beach at swimming pool.
Sa pinupuntahan kong gym,Fitness First, at siguro sa ibang gym, mas marami na ang nagwu-workout. Siyempre ang gustong pumunta sa mga sosyal na beach, kailangan may ipakita ka.
Napansin ko nga, sa mga department store, naglabasan na ang kanilang mga pang kasuutan para sa summer. Marami na ang bumibili ng swimsuits.
Merong iba kasi na nagpa-fashion show sa beach. Kung ‘yun ang kanilang hilig, pagbigyan. Sa beach naman, busy lahat sa sariling lakad at gimik, hindi na rin naman mahalaga kung pang-Miss Universe ang katawan mo o hindi. Ang mahalaga ay malusog ka, wala kang sakit at nae-enjoy ka sa iyong ginagawa.
Siguro dapat isama sa paghahanda sa summer ay matuto maglangoy.
Magandang ehersisyo ang paglangoy dahil lahat na parte ng katawan mo ay talagang nagagalaw. Napa-practice ang paghinga dahil mahalaga sa swimming ang paghinga. Magandang exercise ang paglangoy sa may asthma. Kaya kami sa aming pamilya, natuto kami manglangoy dahil sa lahi namin ang asthma.
Ang Pilipinas ay nabibiyayaan ng maraming isla. 7,107 lahat. Napaligiran tayo ng tubig. Kaya dapat lang marunong tayo lumangoy.
Lumaki ako sa isang baryo na malapit sa dagat ngunit nalunod muna ako bago natuto lumangoy.
Sa amin kasi sa Antique, kapag ganitong panahon na tag-init, noong bata pa kami (ganito na rin ang mga kabataan ngayon) araw-araw sa dagat kami. Walang nagtuturo sa amin lumangoy. Natututo kami sarili namin. Kaya langoy aso ang aming natutunan.
Kantelado ang dagat sa amin. Ilang dipa lang mula sa tabing-dagat, malalim na. Noong bata pa kami, naglalaro kami sa dagat at may kumapit sa likod ko. Nadala kami sa ilalim na parte ng dagat. Dahil ako ang nasa ilalim at may nakasakay pa sa balikat ko, hindi ako maka-langoy. Naka-inom ako ng maraming tubig at mabuti lang may sumagip sa akin bago ako natuluyan nalunod.
Traumatic sa akin yung pagbukas ng mata ko nang nasa buhangin na ako at lahat na mga tao ay nakayuko sa akin. Ilang araw din akong hindi nakalabas sa bahay sa sobrang hiya.
Kahit marunong ka maglangoy, delikado rin kapag kinapitan ka ng hindi marunong.Nangyari din sa akin yan sa swimming pool nang ang anak ng aking kaibigan ay tumalon sa malalim na parte ng pool. Hindi pala marunong lumangoy. Kumapit sa akin. Siyempre, nawala na rin ang balanse ko at lumubog ako. Hirap ako bago makarating sa parteng mababaw.
Kaya ngayon, kapag sa tubig, umiiwas ako sa hindi marunong lumangoy.
Kaya sa ating pag-enjoy ng summer,ingat.
Kapag Easter Sunday tambak ang mga tao sa beach. Halos taun-taon ay may kilala akong “kinukuha” ang dagat lalo na sa may parteng Batangas. Hindi ko malimutan ang kwento ng mekaniko ko na nadisgrasya sa Nasugbu at nalunod ang dalawang anak niya ng Easter Sunday. Story telling muna tayo.
Nag treat siya sa resort ng customer niya para sa dalawa niyang anak na grumadweyt – isang natapos ng Accounting a UE at isang nakatapos ng High School sa Pasay, parehong babae. Yung panganay na lalaki ay nag-iihaw ng naka-walkman kaya walang pakialam sa paligid habang yung ama ay bumalik sa kotse kasama yung asawa dahil sinusumpong ng hika. Yung bunsong lalaki ay naka salbabida at nakahawak sa kanya ang mga ate niya.
Tinangay sila ng alon matapos mapunta sa biglang-lalim na parte – yan yata ang “kantelado” na sinasabi ni Ellen. Di nakayanan ng bunsong lalaki ang bigat ng dalawang ate niyang nagpa-panic pati siya’y malalaglag sa interyor na salbabida niya ngunit biglang bumitiw ang dalawa at tinangay ng malakas na alon. Kahit nagsisisigaw yung bata ay walang pumapansin dahil maingay sa beach at maraming tugtugan. Apat na oras bago nakita ang bangkay ng dalawa may dalawang kilometro ang layo sa pinaglunuran.
Awang awa ako sa mekaniko ko nung makita ko. Kahit may tampo ako’t di niya sinisipot, nagpunta ako sa lamay, dalawang kabaong, parehong may timba sa ilalim dahil di maubos ubos ang tubig na tumutulo. Ganun pala yun. Pagka nakainom ka ng tubig, walang problema yung sa bituka dahil pag putol na ang bituka ay di na tutulo, pero pag pinasok na yung baga mo ay matagal bago maubos.
Kaya yan. Gumawa kayo ng house rules pag magpi-picnic sa beach.
1. Ingatan ninyo mga anak nnyo, laging bibilangin kung kumpleto.
2. Ipatupad ang buddy system para may titingin sa bawat isa. Walang lulusong sa tubig ng nagiisa.
3. Alamin ang terrain, kung saan ang malalim kung maari markahan ng tali at palutangan ng mga empty PET bottles.
4. Kung malaki ang grupo, mag-assign ng mga lifeguard na magrerelyebo.
5. Siguruhing merong kahit isang marunong mag-CPR.
6. Huwag magpakalasing.
7. Huwag magbabad sa araw between 10:00am to 2:00pm
8. Huwag magsyadong titigan yung seksi sa kabila baka ka magulpi.
Dagdagan ko pa ang house rules ni TT sa beach:
9. Wag ma-enganyo mag-boating na kasama ang mga maliliit na bata at mga hindi marunong lumangoy
10. Gumamit ng sunglass para hindi masyado obvious ang titig sa kabila.
Thank you sa inyong dagdag. Gagawa ako ng panibagong kolum para dito.
Mahalaga, Tongue, ang no. 3. Kahit bawat lugar iba. Mahirap na nandun ka na sa ilalim saka mo malaman na medyo delikado pala ang lugar. Lalo pa kung nag-iisa ka.
Kapag umuwi ako ngayon sa amin, mga bata ang aking swimming buddies. Umaga pa lang, mga 7 am, tawag na yan sila sa kin para pumunta sa dagat. Sobra sampo kami. Noong una, bilang ako ng bilang ngunit mahirap sila masundan.
Ginawa ko, naki-usap ako sa ibang adults sa amin- nanay o mga ate nila na sumama sa pagbantay sa mga bata. kapag umuwi na kami, palagi ko tinatanong kung kumpleto kami.
Mahirap na baka hindi namin mapansin, may naiwan pala doon sa ilalim ng dagat. Huwag naman sana.
Duane, korek na korek ka dyan sa no. 9. At dapat may life vest na suot kapag tumawid sa lugar na malalim. Papunta kasi sa mga isla, kailangan tumawid ang bangka sa malalim na parte ng dagat.
A vacation should be enjoyable, not a nightmare.
Tinangay sila ng alon matapos mapunta sa biglang-lalim na parte – yan yata ang “kantelado” na sinasabi ni Ellen- Tongue
Korek, Tongue. May mga dagat na ganyan.
Meron din yung mababaw, malalim, mababaw. kaya merong iba na nakatayo sa malayong parte ng dagat ngunit bago ka makarating doon, dadaan ka sa malalim.
Kaya mahalaga talaga na marunong maglangoy. Lalo pa ang treading, yung lumulutang ka lang, nagpapahinga habang nasa malalim na parte ng tubig.
Buti pa sa inyo kantelado…..ganyan din sa Ormoc..may mga lugar talaga na mula sa tabing dagat ay malayo pa ang malalim na bahagi ng dagat……..ito share ko muna isang nakakatawang text na naetext sa akin sa cellphone….
Juan: Dok may problema ako. Bawat gabi lagi akong nananaginip na nagbabasketball daw ako. Hindi ako makatulong ng mahimbing.
Dok: Kailan pa iyan nag-umpisa?
Juan: Matagal na dok, mga isang buwan na.
Dok: Ok. Bibigyan kita ng gamot para makatulog ka ng maayos.
Juan: Huwag muna dok sa ngayon.
Dok: Bakit?
Juan: Championship na kasi mamayang gabi.
Time to discover vacation spots other than Boracay.
Suggestions? Yung hindi masyadong mahirap puntahan and not so commercialized.
I haven’t been to Bohol but they say it’s very good.
My experience with Camiguin was not very good more than 20 years ago. Maybe things have improved, especially the transport going there from Cagayan de Oro.
We went to that islet of white sand (70 steps lengthwise, 45 steps wide, high tide). Good for sunbathing if there’s not much people and if you are fond of sunbathing. But the beach is not so kind to the feet. Full of prickly snails. Ang sakit sa paa.
They have the hot springs up in the mountain. Okay na rin.
I’m a beach person so I’m particular about the quality of the beach. Boracay is till the best when it comes to natural quality – while, cool sand. you can walk hundred of meters away from the beach and it’s still waist high. Parang swimming pool.
But of course, it’s so commercialized now. But it’s still interesting.
Ellen, you workout in Fitness First?
I do too in Q.C. I like their group exercises. There’s a lot to choose from. I like retro, zumba, yoga and body combat. You have a PT?
The DOT should note of all the comments here and initiate corrective measures. Kudos to all of you! We all want a safe summer getaway!
Yes, Becky, I have a PT. He is good.
I am down to my ideal weight 120 lbs. I have to maintain that.
My balance, which was an issue in the beginning, has greatly improved.
Al, Pagudpud in Ilocos (I’m not sure if it’s Norte or Sur) is also good. The beach is good this time of the year.
It was the month of January when we went there many years ago and there were some jelly fish.A bit bothersome.
Yes, it’s summertime. Araw ng mga pagpunta sa dagat. I have never been to Antique, kasama sa yan ng Guimaras Island sa wishlist ko.
This Holy Week, annual visita de boracay. I never really liked the place but it is always the appointed vacation place sa akin kung Holy Week.
Yung sanasabi ni Ms. Ellen na kantelado, maiiwasan ang posibleng aksidente kung mag research muna sa mga satellite maps (google, wikimapia, maplandia et. al) sa lugar na pupuntahan. Yan ang ginagawa ko para malaman kung may biglang paglalalim sa dagat. iba pa rin na magtanong sa mga locals (mga bangkero ang reliable) lalo na kung hindi talaga sentro ng activities ang lugar para malaman din kung saan may under current at yung biglang paglalalim.
Para kay Al sa #7. Ang ma suggest ko ay
1. Bohol (Panglao Island) – although nagiging highly commercialized na ring ang Panglao Island.
2. Coron/Busuanga Island sa Palawan. – mas gusto ko ang lugar na ito kaysa sa Boracay at Bohol.
3. Bantayan Island sa Cebu – dati hassle magpunta rito pero may mga small planes na from Cebu to Bantayan na 15 minutes lang ang byahe.
4. Suquijor via Dumaguete – Kakaunti ang tao dito at kadalasan mga foreigners.
meron mas malawak na dagat ang hindi ninyo nababanggit kung saan ang mga nalulunod ay ‘yung mga hindi lumulusong sapagkat wala silang kakayahang sagipin ang sarili sa pagtulak sa kanila ng mga humuhukay ng dagat na nabanggit – DAGAT NG KATIWALIAN na sinimulang hukayin ng grupo nina goyang arroyo na magpahanggang ngayon ay patuloy na hinuhukay ng kanyang itinalagang enkargadong si renato corona.
ellen, kung ganyan din laa’ng naman na kahit marunong lumangoy ay may panganib pa ding malunod, mas maige pang sa isang batyang tubig na la’ang magswimming at gumamit pa din ng salbabida at para mas lalong para sigurado ay magtali ng lubid sa bewang para kung mapagawi sa malalim na bahagi ng batya ay madaling mahila at masagip ng sino mang makakakita.
ano sa palagay mo?
“..Kaya yan. Gumawa kayo ng house rules pag magpi-picnic sa beach…..” – tongue.
akin la’ang iwawasto ang mga binanggit sa itaas ng ating mabunying tanga este tagapayo:
1. Ingatan ninyo mga anak nnyo, laging bibilangin kung kumpleto. (natural, alangan namang pakialaman mo pa ‘yung anak ng kapitbahay mo maliban na la’ang kung ‘yun ay anak sa iyo.)
2. Ipatupad ang buddy system para may titingin sa bawat isa. Walang lulusong sa tubig ng nagiisa. (kaya nga buddy, eh.)
3. Alamin ang terrain, kung saan ang malalim kung maari markahan ng tali at palutangan ng mga empty PET bottles.
(huwag ding magsuswimming kapag may parating na tren, marami na ang nasagasaan.)
4. Kung malaki ang grupo, mag-assign ng mga lifeguard na magrerelyebo. (siguraduhing ‘yung lifeguard ay marunong lumangoy at kapag bebot ang sasagipin ay sa kamay la’ang hahawakan dahil mahirap na baka parang alakdan ang kamy niyon na kung saan saan gumagapang.)
5. Siguruhing merong kahit isang marunong mag-CPR. (mas lalong siguraduhin ng meron kayong tatakbuhang CR upang hindi magkalat kapag naparami ang kinain. nakakahiya kung lumutang ang inyong bomba sa tubig dagat.)
6. Huwag magpakalasing. (hindi na baleng malasing sa alak huwag lamang lumobo angtiyan sa pulutan nang hindi naman umiinom ng alak. pulutan ‘yan, alalahaning hindi ulam.)
7. Huwag magbabad sa araw between 10:00am to 2:00pm (talaga naman. meron ba namang nagbabad sa araw pagkatapos ng alas siyete ng gabi?)
8. Huwag magsyadong titigan yung seksi sa kabila baka ka magulpi. (gusto mo talaga, Tongue, eh ikaw na la’ang ang mas nakalalamang. ‘yung seksi, kung tititigan ay siguraduhing tunay na babae, ha? at lalo’t higit ay hindi pa kulubot ang balat.)
Dun sa dagat namin sa likod ng bahay sa Bataan, palaging nangunguha ng tao dayuhan at local dahil sa terrain. Palaging sinasabi ng matatanda namin na huwag ‘akala’ mababaw lang ang tingin dahil sa clear na clear ang tubig, kahit malapit sa dalampasigan ay parang hanggang tuhod lang yun pala ligpos tao na.
Anim na magkakapit kamay biglang nilamon ng tubig, nakita ang bangkay sa Olongapo na. Most recent na victim ay isang pari/monsignor na naglalangoy lang daw sa ‘mababaw’ hindi na lumitaw.
Hindi ako nagsu-swimming sa dagat, hindi ako marunong lumangoy tsaka takot ako sa open seas. In fact, nasa beach ako ngayon pero nagko-kodak lang. Mayamaya, lalakad na ako puntang swimming pool ng mga bata na 3ft lang ang tubig. 🙂
Mags, meron akong nakodakan na seksi, with pahintulot. Ang ganda ng tyan, bilog na bilog. Ang mga buntis kasi dito naka string bikini pa, ang gaganda.
The sea possesses a power over one’s moods that has the effect of a will. The sea can hypnotize. – Henrik Ibsen
Agree, lalo kung may super cute na mga serena. 🙂
Wow! Ang lalaki ng alon sa picture mo Ellen. Masisiyahan dyan ang mahilig ng surfing.
My grandnephew, (my brother’s grandson, Joshua) who is with me here, started his swimming lesson at 6 years last year, courtesy of the City funded children sport program conducted by YMCA as to stard the Children the safe swimming attitude as they grow up and start the Water sports..the Lake is wide open for all kind of sports during winter, from swimming to sports boating, yatching, and even fishing and now it is required that all engaged in operating water craft must have a license and also must not have the same alcohol contents in the blood the same as surface vehicles..DUI can kill either on the road or on the water…Enjoy your summer over there, we still have until the Queen Victoria day to open the Summer Season, and that would be sometimes in May. (one good thing here though, we have clothing optional beaches, and in some if men can go with out tops so do women…equality i supposed.)
For me, the best place to be during the holy week is in M. Manila. Walang tao! Paranaque to QC is only 15 min away.
To the beachgoers,dont forget the sunscreen. The sun is acting a little strange this year.
Agree, Jake.
We usually just stay in Manila for the Holy Week, besides the kids like to go with the grandparents to visit the cemetery. After Holy Week though, we spend a whole week in Batangas, a place called Canyon Cove in Nasugbu. Its like you own the whole resort at times as there aren’t many people, sometimes you’re alone in the pool.
This time around, I am going to spend a lot of time there with my new hobby – fishing. 🙂
In addition to TT’s #3, watch out for breaking waves, as rip currents or riptides will likely occur. If you’re not a good swimmer or doesn’t have a clue about riptides, most likely you are the type that will be dragged seaward. Stay knee deep, puede ka pang makatakbo.
Jug, unsure of the name of a prestine beach my wife and her two sisters went to last October in Batangas, maybe it’s the same…it’s somewhere in the town of Lobo or Lubo. But there were not a lot tourists around as it was described to me. They visited her youngest sister’s husband’s birthplace. Lots of banana plants daw sa lugar na yun, alam siguro ni Magno what I’m talking about.
tb, that is Lobo town. maybe during the time when we were not in a situation as today, noon ay libre ang pagpunta sa beach like you own a place but now, dahil na rin sa widespread commercialization at kailangan ng tao ang income, what mother nature had give given us free are presently offered by the moneyed for a fee.
napakasaklap! wala na nga ang bayanihan, wala ka na rin mapuntahang hindi ka babayad upang pagbakasyunan tuloy makapagdilidili at magpahinga.
MPRivera,
Ang ganda ng lugar nyo! Last weekend in Laiya we went trolling for Dorado and we did get Dorado, ang ganda ng isdang yan sarap pa lumaban. Buhay na buhay ang dagat, there were dolphins, “page” or stingray. probably a manta gliding over the water it seems and I tried jigging in calubcub at only 80 meters I got into a big fight with pargo. We saw at least 2 schools of fish, one I forgot the name the other one was bangus, really nice big ones.
What bothered me was the broken corals strewn all over the bottom, clear signs of dynamite fishing, sana maalis nila ang gawaing to kasi masasayang lang ang lugar na to.
After holy week sa Nasugbu na naman for mackerel and barracuda. Ang ganda ng Batangas!
Thanks Ellen and Oblak.
jug,
hindi ako taga-Lobo. my late father was from Tanauan City but hindi namin kababayan sina perez and corona. napapadaan lamang ako sa mga bayang ‘yan na binanggit mo and tama ka, dahil sa dynamite fishing kaya maraming lugar na sira ang corals. dati naman ay hindi gumagamit ng dinamita ang mga mangingisda diyan. marahil ay dala na rin ng mahigpit na pangangailangan at hirap sa buhay o dili kaya ay sa paghahangad na matustusan ang kinalulungang magastos na bisyo.
chi, nagsawa na ako sa Gapo kaya baka gumawi kami sa Bataan. Dun daw sa Coral View sa Morong, meron ka bang tips? Wala kaming pang Palawan o Boracay this year dahil sa operasyon ko.
Yung pari, yan ba yung matandang taga-La Salle? Nablitaan ko rin yan. Mas matindi yung disgrasya sa El Nido, Palawan involving 12 foreign divers.
Kabilin-bilinan nung divemaster, wag lalayo sa rope oras na pumasok sa underground cave. First time yata nakakita ng ganoon kagandang kweba, nagkagulo sila pag pasok, binitiwan yung pisi at namasyal sa mga alleys sa kaloob-looban ng cave.
Ang siste, nung low pressure na ang mga tangke saka sila nagdecide na bumalik sa boat kaso, di na nila makita yung pisi dahil nung nabulabog nila yung tubig, nawala ang visibility. Nag panic sila kaya lalong naging malabo ang tubig. Wala ni isang survivor, pati divemaster at guides nalunod kasama yung 10 German and Canadian tourists. Tatlo doon ay babae.
Yung sa Lobo, Batangas, maganda yung mga beach resort pero napakahirap puntahan. Sampung bundok muna yata yung dinanaanan ko na puro zigzag coming from Batangas City.
Isa pang safety tip pag nasa beach. Iwasan maglagi sa dagat kung nag rerecede ang tide o yung mag lo low tide.
#33 Isa pang safety tip pag nasa beach. Iwasan maglagi sa dagat kung nag rerecede ang tide o yung mag lo low tide.
Why? tsunami?
Tongue, re #32. When did this happen?
Tongue, korek. Pupunta ka na ba? Tell me at pasasamahan kita,
Nandyan sa Morong beach ang mansion ni Soriano ng Dating-daan (ba yun?).
Tongue, dun din sa Fish Lab sa Bagac, superganda. Sa Napocor yata yan.
Ms. Ellen, according to a guide sa Bohol, kapag nag re recede daw ang tide or mag lo low tide, hinihila ang tubig papunta sa laot kaya malakas ang current na papunta sa laot. Posibleng madala yung tao ng hila papunta sa laot. I don’t know kung tutuo o may scientific basis pero sinusunod ko yung sinabi nung guide na yun.
Thanks, Oblac.
Ellen, mid- to late 90s yan. Nung kinuha akong electrical consultant nung isang resort sa Taytay, Sta. Isabelle, North Palawan naikwento sa akin nung kapatid ng isang divemaster na namatay.
Later, na-confirm ko rin yung kwento sa El Nido mismo sa mga dati kong tauhan Ten Knots, ipinagbawal na ng mayor ng El Nido ang pagsisid papuntang kweba. Yun nga palang mga dati kong tauhan, ayaw nang umuwi sa Maynila. Pati doon sa Club Noah, may mga ex-technicians ko ang nagtratrabaho doon.
Sarap na sarap sila sa buhay sa El Nido, sawa sila sa sugpo, alimango, lobsters at lahat ng mamahaling seafood sa Maynila na napakamura nilang nabibili sa mga bangkang suppliers ng mga resorts garantisadong sariwa pa!
Isang gabi nagpainom ako sa grupo ko, nagpabili ako ng pulutan nag-abot ako ng P1,000 pinapalitan sa akin ng P100! Wala raw panukli sa isang libo dahil makikiusap lang sa kitchen ng resort para maghagilap sa freezer at papalitan na lang kinabukasan. Aba, pag balik nung tauhan ko, may isang malaking Pompano, at dalawang Lapu-lapung mahigit tig-isang kilo. Napakamura!
Hi TonGuE-tWisTeD! I am a researcher from a TV network and gusto ko po sana malaman yung aksidente po na nangyari sa mekaniko niyo nung nasa Nasugbu, Batangas sila. I am currently working out a story about po sa mga dagat na “nangunguha” ng tao or maraming nalulunod. I hope to hear from you sir. Thank you po.