Skip to content

Ang sinasabi ng hairstyle

Itong mga nakaraang linggo, dalawang hairstyle ang nasa front page ng mga diyaryo at umiikot sa Facebook.

Ang isa ay ang hairstyle ni Navotas Rep. Toby Tiangco nang siya at tumestigo para sa defense sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona at ang isa ay yung kay Charice Pempengco, na ngayon ay talaga namang sikat na sikat na sa mundo sa larangan ng pop music.

Si Tiangco, na tumestigo na ang kanyang pork barrel o Priority Development Assistance Fund ay inipit nang hindi siya pumirma sa resolution para i-impeach si Corona ay dumating sa Senado na ang buhok ay parang kulay ng Dalmatian. Hinaluan ng kulay abo at puti ang buhok at nakatayo na parang nagulat.

Sabi nga ng isang kolumnista, sino ito, lalaking Cruella de Ville? Si Cruella de Ville ang kontrabidang karakter na ginampanan ni Glenn Close sa pelikulang 101 Dalmatians.

Parang hindi tuloy nakatulong sa defense team ang testimonya ni Tiangco dahil mahirap siya seryosohin. Dahil sa hairstyle.

Sa mga mas bata, ang dating ni Tiangco ay karakter sa Anime, ang cartoon na Hapon sa television.Para siyan siyang rocker na hindi maintindihan. Ano yun, rocker-congressman?

Si Charice naman ay naging blonde. Maigsi na ang buhok kontodo may tattoo pa siya. Parang napansin ko nga tumangos ang ilong. Para tuloy siyang Koreanang hilaw.

Karapatan ng bawat tao ang mag-ayos ng gusto niya.

Si Charice ay bata pa ang natural lang yun na dumadaan siya sa punto ng buhay niya na gusto niya pagbabago. Exposed siya sa international showbusiness kaya hindi nakakapagtaka na normal sa kanya ang ganung pagaayos sa sarili.

Ang buhok ang pinakapansin sa lahat na parte ng ating katawan. Ang tawag nga sa buhok ay “crowning glory.”

Kung nakaramdam tayo na kailangan ang pagbabago, kadalasan pupunta tayo sa parlor at magpagupit. Sasabihin natin sa ating hairstylist, kung ano ang feel natin.

Sa mga babae, ang maigsi na buhok ay gusto ng mga aktibo at palaging nagmamadali. Hindi mahirap patuyuin at suklayin. Maganda ang mahabang buhok ngunit magastos sa shampoo. Kailangan ang tiyaga.

Kapag ang tao ay magulo ang buhok na parang hindi nakasuklay, ang sabi natin, “malaki siguro ang problema niya.”

Kapag masyado naming ayos ang buhok na parang hindi gumagalaw kahit nahanginan, ang tingin natin istrikta at masungit. Maganda tingnan ang casual lang ngunit magaan. Sexy nga tingnan ang medyo nalilipad ng hangin.

Naala-ala ko ang isang napag-usapan na hairstyle noon ay ang kay dating mayor ng Calauan, Laguna na si Antonio Sanchez na nakakulong ngayon sa kasong rape ng batang babae. Ang tawang naming ng hairstyle niya noon ay “heinous” o nakakagimbal at nakakamatay. Parang buhok din ni Saddam Hussein ng Iraq nang siya ay nahuli.

Ano naman ang hairstyle nyo?

Published inAbanteArts and Culture

25 Comments

  1. Jojo Jojo

    Baka gusto niyang gayahin si Justin Bieber. O baka idol niya si Apl de ap. Kaya ang buhok ay parang nagulat.

  2. tomtorres tomtorres

    Nakaka aliw itong article mo, nakakatawa na ay malalim pa ang laman o meaning.

  3. chi chi

    Bwahahahaha! Wala akong masabi sa artikulong ito ni Ellen kasi sumasabog ang laway ko sa katatawa habang binabasa. Hahahaha!!!

  4. chi chi

    Parang nagulat ang buhok ni Toby Tiangco pero ang mata ay parang patay. 🙂

  5. dan1067 dan1067

    sabi mo nga chi pinayagan na rin ng impeachment court mag testify si Toby kasi irrelevant witness naman siya pero ginamit at inaksaya ang oras at pera ng taong bayan sa walang saysay na pag upo nya sa witness stand. Mabalik tayo sa controversial hairdo nya baka sa malalaking salon puweding sumikat ang Toby Tiangco hair look called “lutang”.

  6. dan1067 dan1067

    at least si Charice nasa entertainment industry at walang agenda pero itong si Tiangco e kabaligtaran feel at home pa sa senate hall kasi doon pa nagtanggal ng footwear LOL

  7. parasabayan parasabayan

    I did not recognize Charice. If she wants to look different, let her. Yes, I agree, she is in the entertainment industry.

    In Hollywood, may mga rainbow colored hair. Normal na lang sa amin yun.

    Itong si Tiongco, ok lang sana ang salt and peper hair niya kaya lang dapat naman eh nagpa-haircut muna siya para naman mas presentable ng konti. Nagtanggal pa ng sapatos…hah,hah,hah.

  8. parasabayan parasabayan

    Parang may sungay si Tiongco sa picture na yan…heh,heh,heh.

  9. Yung kay Miro Quimbo ang kursunada ko, di gaanong bulgar, mas bagay sa isang congressman. Yung faux hawk ni Quimbo ay tempered na “mohawk” style na patok sa London since the 80s. Nung 90s ay sa Japan naman, at ngayon ay sa S. Korea.

    Pinakasikat sa mga naka-faux hawk ay sina David Beckham at Cristiano Ronaldo na parehong mga football stars.

  10. xman xman

    Ang illuminati ay isa sa maraming secret societies na ginawa ng Black Pope sa Vatican na ang purpose ay kontrolin ang mundo patungo sa pagkakaroon ng New World Order. Sa tingin ko itong Illuminati at ang Freemason ay ang pinaka major organizations ng secret societies na kontrollado naman ng Black Pope o Jesuit sa Vatican.

    Ang Illuminati ay kino kontrol nila ang mga tao sa pamamagitan ng mga Satanic rituals,sacrifices, Devil worshipping,etc…..Yong mga kilalang Artist sa America ang karamihan ay miyembro ng satanic illuminati katulad ni Bob Dylan ay inamin nya na ika nga ay sinabi nya na, “I Sold My Soul to the Devil for Money, Glory, and Fame.” Marami pa jan miyembro ng Illuminati katulad ni Beyonce, Lady Gaga, Michael Jackson, Britney Spears, Kanye West, Justin Bieber, etc……

    Yong ibang artist ay gustong umalis bilang miyembro ng illuminati pero yong iba ay hindi makaalis, yong ibang nakaalis ay nawala naman ang kasikatan nila katulad ni M&M, yong iba naman na nakaalis o lumaban sa kanila ay pinatay katulad ni Michael Jackson, Tupac, at Big.

    Ang mga artist na binanggit ko ay mga talented talaga pero kung walang susuporta sayong entertainment media ay balewala rin yang talent mo, hindi ka sisikat internationally. Yang entertainment media ay control ng illuminati at ang mainstream media naman sa US ay control ng cia na ka alyado din ng illuminati, na pareho naman silang kontrolado ng black pope sa Vatican. …. All Roads Lead to Rome.

    Hindi lahat ng Artist sa US ay miyembro ng illuminati. Pero halos lahat ng sikat na international artist ay miyembro ng Illuminati dahil kailangan mo ng entertainment media ng US na suportahan ka para sumikat ka internationally.

    Paano mo malalaman na miyembro ang artist ng Illuminati o ika nga ay “ They Sold their soul to the Devil?” Sa pamamagitan ng mga hand gestures na ginagawa ng artist katulad ng pyramid o yong one eye symbol, object na idini display katulad ng star of david, , mga symbolism na ginagamit katulad ng black and white checkered floor, clothes,etc….

    Si Charice ay mayroon pa syang kanta na ang pamagat ay Pyramid na simbolo ng illuminati at ginawa nya pa yong pyramid symbol sa kamay nya. Nakita ko rin yong video nya noong kumakanta sya sa Italy ata yon na ang hikaw na suot nya ay yong star of david. At hindi sisikat si Charice internationally kung walang suporta ng US entertainment media bagamat may akin syang talento. Susuportahan kalang ng entertainment media ng US kung ipagbili mo ang kaluluwa mo sa demonyo.

    Kaya palagay ko ay puwedeng masabi na si Charice Pempengco sold her soul to the devil already.

    E google o e research sa youtube and decide it for yourself ika nga.

    Itong link sa ibaba ay palagay ko ay magandang first step sa research:

    http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=byNKuQdcKAA

    Yong film industry ng Hollywood ay ginagawang preview ng illuminati kong anong gagawin nila o mind conditioning nila sa mga tao pero that’s another story.

  11. MPRivera MPRivera

    kailangang mag-file ng kasong discrimination laban sa may ari ng blog. sobrang panlalait na ito sa mga taong hindi maaaring makapag-istayl ng buhok dahil ubos na at walang maaarin i-sitayl DAHIL kalbo na!

    ellen, hintayin mo ang subpuwena na i-i-isyu ng international criminal court laban sa iyo buhat sa MGA KALBO!

  12. MPRivera MPRivera

    “…….Kapag masyado namang ayos ang buhok na parang hindi gumagalaw kahit nahanginan, ang tingin natin istrikta at masungit. Maganda tingnan ang casual lang ngunit magaan. Sexy nga tingnan ang medyo nalilipad ng hangin…..”

    eh, paano naman kung WIG na ang nililipad ng hangin? seksi pa ba ‘yun?

    ellen, grabe ka talaga!

  13. chi chi

    Sa lahat ng artikulo ni Ellen ito ang paborito ko. 🙂

    Nagulat na buhok, masungit na buhok, parang Koreanang hilaw, nakakagimbal na buhok, casual na sexy at medyo nalililipad ng hangin… yun pala wig, sabi ni Magno, hehehe!

  14. chi chi

    Sexy rin na magdala ng faux hawk si Josh Duhamel. Gaya-gaya sila lahat kay Maddox. Pero yun kay Toby ay nagulat na faux hawk talaga.

    Si Charice kahit ano pwede nyang gawin dahil baka maiwan sya sa pansitan ng Hollywood.

  15. dan1067 dan1067

    ellen former Navotas mayor si toby, He’s now a representative of that lone district.

  16. vic vic

    well, Lito Lapid, Sotto, Revilla started in the entertainment industry to politics, Tiangco is going the Reverse route…and it looks like he was already an expert in one very particular part of it…the one that makes them High, or Lucy in the Sky w/ Diamon.

  17. bayonic bayonic

    Ang dapat tanungin ay ang barbero ni Renato … Marami tiyak alam yun

  18. bayonic bayonic

    O baka naman si Midas Marquez ang hairstylist niya hehe

  19. vic, Toby has been there, done that. Before becoming mayor, he was a regular in PTV-4 like Ram Antonio (who later became active in Mandaluyong politics) and some other showbiz stuff much like Cong. Dan Fernandez of Laguna during the time of Makoy. He was close to Imee, if I remember right. We’d bump into each other in some affairs that involved the youth, he’s a dyed in the wool pro-Marcos. Which explains why he is an avid follower of Ewap (that’s Erap as he pronounces it with a lisp) and a rabid anti-Gloria.

    Why he has turned around since the impeachment of Gutierrez is still a puzzle to me. Maybe its just because he was a Marcos diehard, therefore anti-Aquino? Or something that involved the Navotas dumpsite in his legal battle with Regis Romero’s RII now in the Supreme Court?

  20. Ano naman ang hairstyle nyo? – Ellen

    Sawa na ako sa spike and faux hawk na two-year old hairstyle ko. Short Wave and Natural Curl na ako na match sa multicolored hair ko na black-brown-gray-blonde-gold-silver with little splashes of red and orange. All natural.

  21. dan1067 dan1067

    Ellen hindi kita masisisi pinaka boring at nakakaantok talaga noong mag testify si Tiangco hehe.

Leave a Reply