Nakakapanghilakbot, nakakagalit, at nakakasuka ang nangyari sa pitong taong gulang na batang babae na hinalay at pinatay nang dalawang menor-de-edad.
Ang isa sa dalawang nanggahasa ay 17-taong gulang at ang isa naman, ayun sa report, ay Grade 5. Kung pitong taon ang batang lalake nang siya ay Grade 1, mga 11-taong gulang ang batang sinasabing Grade 5.
Dahil menor-de-edad ang mga gumawa ng krimen, hindi sila makukulong dahil meron tayong batas na hindi maaring makulong ang mas mababa sa 18 taon gulang.
Ayun sa report noong Pebrero 20 huling nakita ang biktima na si Clariza Pizara mga ika-lima ng hapon sa harap ng isang sari-sari store sa Barangay San Dionisio, Paranaque City.
Nakita ang bangkay ni Clariza na palutang-lutang sa Balitahar Creek sa Barangay San Dionio noong Marso 5.
Nahuli ang dalawang batang lalaki na gumawa ng krimen ay noong Linggo.Inamin nila ang krimen.
Ayon kay Chief Inspector Ferjen Torred, hepe ng intelligence unit ng Paranaque police, dinala ng dalawang batang lalaki si Clariza sa damuhan.
Chief Inspector Ferjen Torred, intelligence chief of the local police.Umiiyak ang batang babae ay sumisigaw kaya nilagay nila sa sako at nilunod sa creek.
Sabi ni Torred kilala daw sa komunidad na palaging humihitit ng solvent ang dalawang batang lalaki.
Sabi ni Torred, itong ganitong pangyayari ay magtulak sa ating mga mambabatas na amyendahan ang batas, Republic Act 9344 (Juvenile Justice Act of 2006).
Ganun din ang paningin ng EngendeRights, isang non-government organization na lumalaban para sa proteksyun ng karapatang pantao ng kababaihan.
Nilalakad ng EngenderRights na ang mga batang lampas ng 12 taong gulang na sangkot sa rape ay dapat pananagutin ngunit i-suspend muna ang pagkakulong hanggang aabot sila sa 18 taong gulang. Dapat rin silang dadaan sa counseling ng Department of Social Welfare and Development.
Maraming krimen na ang nangyayari na sangkot ang mga bata. Sa mga bukas-kotse gang at snatching. Merong nangyari nga noon sa loob mismo ng Camp Crame.
Mukhang nasilip ng sindikato ang RA 9344 kaya ginagamit nila ang mga bata. Marami sa mga kabataang ito ay mahihirap. Walang makain at palaboy-laboy sa kalsada.
Talagang maitim talaga ang kaluluwa at hindi pinapatawad ang mga bata.
Hamon ito ngayon sa ating mga opisyal ng ating bansa, kasama na ang mambabatas, kung paano balansehin ang proteksyun ng karapatang pantao ng mga menor de edad na nagkasala at ang karapatan ng nakakaraming tao o madla sa mapayapa at ligtas na pamumuhay.
First hand experience ko ang manakawan ng akyat bahay gang. Napakadaling inamin ng dalawang bata na sila daw ang nagnakaw. Sabi ng barangay mababa ang sampung beses nang nahuli at umamin itong mga ito.
Tapos ng isang oras na lecture ng DSWD, laya na, minsan nga may libre pang Jollibee. Kagaguhan yang Pangilinan Law.
Parang na-“noted” lang din yung pagnanakaw sa akin at sa iba pang biktima. Mula sa juvenile delinquents ay magiging hardcore criminals itong mga ito. Sigurado.
14 Mar 2012
NOTED!!!!!!! I agree 110%, pakiramdam ko wala ka kalaban laban e, problema, karamihan sa sindikato, ginagamit ang kabataan para gumawa ng mga karumal-dumal, sumunod, marami na rin kasi sa mga napapanood ay pulos patayan, nakawan at kung anu-ano pang mga madaling gayahin ng mga kabataan na mapupusok ang damdamin.
Kung itong si Mr. Noted ay kontra sa pagbaba ng edad ng mga kabataan na pwedeng makulong e, masasabi ko na, kahit na mahirap at masama ang manalangin e, sana maranasan nya ang mga nararamdamang pighati ng mga magulang na nawalan ng mga anak sa murang idad.
Kung talagang nagakasala e ikulong, kesa naman balikan yan ng mga kamag-anak ng mga pinaslang at lalong madagdagan ang mga patayan sa kalye.
Salamat po.
Prans
Nakakaiyak ang balita na ito.
Urgent ang pag-amend sa Pangilinan Law. Lower the age to 12 and tighten up the law kundi ay marami pang kawawang biktima ang lulutang sa ilog at kanal, at sirang buhay ng mga batang gumawa ng krimen kung susundin ang batas na butas ni Mr. Noted!
Ang 17 years old ay pwede ng i-bartolina kasi adult na isip nyan, iba nga sa edad na yan ay responsableng tatay na.
Ang 11 years old ay isailalim ng intensive reform at parusahan ng ayon sa krimeng ginawa sa tamang edad na hopefully ay ibaba sa 12 years old.
Wala pa akong nababalita na kahit isang puno ng sindikato na binigti sa current times. Initial sampol lang sa harap ng publiko para panyanig sa mga duwag na demonyo na gumagamit ng mga bata para sa kanilang krimen.
Canada also has the same law to protect minors, but for henous crime the crown can petiotipn the court to try the minor as an Adult. But at child at a certain age can only be tried as a minor and can only be only sentenced as a minor, usually to be released at 18 or before. But , well at say age 8 or 9 , then perhaps the parents should or guardian be held responsible.
Another good solution in dealing with young offenders is the Boot Camp rehab program as punishment for most minor crimes and less serious ones and also for habitual offenders. It will perhaps in the case of most lost and desperate youth the last chance to give them the self worth. many youths who been thru our Boot Camps don’t were known to not re-offend.
That’s logical, vic. Heinous crimes should be stopped by any means.
But what about recidivist juveniles who easily own up for the crimes of their elders in order to cover up and save their seniors from the stiff penalties? I’ve seen this kid’s (Boy Luga) files in the barangay hall, two folders full of complaints and records of past crimes and yet he is a regular customer in the temporary cell in the barangay hall.
He’s only 14 years old but he’s been caught from petty theft, to snatching, holdup, drug possession, up to akyat bahay and there’s nothing we can do about it.
One of the cops told us, “Matagal nang may gustong irampa (salvage)yan, kaso naaawa, tignan mo, kaya mo bang patayin yang ganyang itsura?
# 6 tongue , dealing with young offender is a balancing act..but the beauty of legislated laws is they can always be reviewed and amended if necessary. This week an omnibus Crime Bill will get the final step of becoming law. The sitting govt calls it “tough on Crime Act” it deals in all aspects of criminal code including getting tough on Youth Crime, including snooping in the Internet to catch the perpetrators mostly youth bullying and sex crimes against minor. It also deals with steer and gang crimes by minors and it got the nods by all parties
So if it is not working well , do something and if it is not working at all overhaul or amend the youth offender law. There are 300 reps and 24 senators altogether they can come up with effective law.
Good news!! Bill C-10 is now the law of the land after more than five years in preparation and one attemp of introduction during the minority government. One notable in the omnibus Act is the minimum sentence to be serve for CHILD abuse which is quite very stiff. Anyone convicted of child abuse must Serve the minimum sentence before considered for Parole. And also the authority granted the Police to spy on Internet for Criminal Activities in particular , terrorism and Child pornography. It is an all encompassing bill that was the main election promise that help the party won the Majority. Promise Kept.
Pnoy must keep his promise to clean Corruption , otherwise the trust will be lost.