Skip to content

Dinidiin ni Corona ang sarili

Media blitz
May kasabihan tayo na ang isda ay nahuhuli sa sariling bunganga.

Ganyan ang nangyari kay Chief Justice Renato Corona.

Itong nakaraang linggo, nag-media blitz siya. Pa-interview siya kaliwa’t kanan,mula umaga hanggang hapon. Palipat-lipat ng TV at radio stations.

Siguro ay preparasyon ito sa pagpresenta ng kanyang kampo ng mga ebidensya sa impeachment court mula Lunes. O baka naman dahil sa matindi ang dating ng pahayag ng mga kamag-anak na sina Ana Basa at ang 90-taong gulang na madre na si Sister Flory Basa tungkol sa gulo nila sa kanilang mga minanang ari-arian, naisip niya na kailangan din siya magsalita sa media.

Sinabi ng kanyang abogadong si Atty. Serafin Cuevas na hindi magte-testigo si Corona kaya ang nangyari noong linggo, sa media na lang niya dinadaan. Kahit umangal ang prosecution kasama na si Justice Secretary Leila de Lima, para sa akin okay lang yan. Karapatan ni Corona ang magsalita sa media.

Sa isa niyang interview,sinabi ni Corona na ang nag leak daw ng impormasyun tungkosa kanyang mga deposito sa Philippine Savings Bank ay mismo mga opisyal ng bangko. Noong Nobiembre pa raw niya naririnig na pinagdadaldal ng mga empleyado ng bangko ang kanyang malaking deposito sa bangko.

Kaya nga daw sinara niya kanyang mga deposito doon noong araw na inaprubahan ng House of Representatives ang impeachment sa kanya noong Disyembre 12.

Sabi ng mga opisyal ng PSB, ang total ng tatlong account na isinara nina Corona ay umabot sa P32.6 milyon na sobra-sobra sa P3 milyon lang na inireport niyang kanyang cash at investment sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth.

Hindi pa kasali niyan ang hindi na nabuksan na dollar accounts niya sa PSB na uma-abot raw sa $1.8 milyon.

Sinabi kasi ng Supreme Court sa kaso nina Ferdinand Marcos, na si Corona din ang nagponente na kapag malaki ang agwat ng iyong mga kayamanan at ang iyong ni-report sa SALN, ibig sabihin nun, sa hindi legal na paraan kinuha ang ganung kayamanan.

Balik tayo sa pagdadaldal ni Corona.

Ang ginagamit ng mga abogado niya sa pagharang ng mga record ng kanyang mga deposito sa bangko bilang ebidensya na ay ang prinsipyo na ang bunga ng lasong puno ay lason din. Meron kasi tayong bank secrecy law na nagpu-protekta ng pagka-sekreto ng mga deposito sa bangko. May mga exception na nakasad sa batas at ang isa doon ay ang impeachment court.

Ipinresenta ng prosecution ang kopya ng nakuha nilang dokumento ng deposito ni Corona. Binigay nila yun sa impeachment court para i-subpoena ang mga orihinal at iba pang doumento ng mga deposito ni Corona sa PSB.

Ang tanong, paano nakuha ang dokumento na dapat ay sekreto ng bangko? Kasi kung sa ilegal na paraan nakuha ang ebidensya, hindi pwedeng tanggapin ng korte bilang ebidensya. (Noong isang linggo, nag-desisyun na ang impeachment court na tanggapin ang bank deposits ni Corona na ebidensya sa impeachment court.)

Sabi ng isang abogado, ang prinsipyo ng “fruit of the poisoned tree” ay pwede lang gamitin sa mga kawani ng pamahalaan na lumabag ng batas para makuha ang ebidensya. Hindi yan naga-apply sa mga pribadong tao.

Ang suspetsa noon ni Senate President Juan Ponce Enrile ay mga opisyal ng Bangko Sentral ang nag-leak sa prosecution ng impormasyun tungkol sa mga deposito ni Corona. Ang pahayag ni Corona na mga opisyal ng PSB ang nag-leak ay salungat sa sinabi ni Enrile.

Kung tama si Corona, hindi mag-aaply ang “fruit of the poisoned tree” na prinsipyo dahil hindi naman kawani ng pamahalaan ang mga opisyal ng PSB.

At kung nawalan siya ng tiwala sa PSB dahil nga ang suspetsa niya sila ang nag-leak, bakit hindi naman talaga niya inalis doon. Nilipat lang niya ng ibang account.

Hindi magkatugma-tugma ang mga sinasabi niya. Halata tuloy sa kakapa-interview sa media.

Published inAbanteSupreme Court

41 Comments

  1. vic vic

    The Fact that the Corona has cash that is far more that his legal source of income is good enough evidence that he is guilty of ‘ill-gotten’ wealth syndrome…plus his criminal mind of pointing the business end of the firearm to someone he is not supposed to shoot as alleged by the Basa’s caretaker is enough testimonies that this man is not even fit and qualify to any position of Public Trust..how he managed to fool everyone all the way to the CJ of the SC is the reflection of how influence peddling can corrupt even the Judiciary…he should be convicted, removed and be further investigated for all allegations of “criminalities”…I’d love to have that Winchester if it is a vintage l894 model, if not he can have it.

  2. Noon, dahil wala raw matibay na ebidensya, inakusahan ng kampo ni Corona ng “fishing expedition” ang Prosecution panel.

    Ngayon, animoý isang isda si Corona sa malimit niyang pagbuka ng kanyang bibig para madaling mabingwit at tuluyang mahuli dahil na rin sa kanyang mga pinagsasabi.

  3. Lurker Lurker

    Mahirap talaga ang magsinungaling. Magbubuhol-buhol ang mga sinasabi at sa bandang huli ay HULI Ka!

  4. xman xman

    In China, they can build 30-story building in 15 days.

    Dalawang taon na yang sinto-sintong tamad bilang smartmatic pekeng presidente, ano ang nagawa nya para sa ikauunlad ng bayan.

    Wala syang economic plan para sa Pinas. Ang economic plan nya lang ay yong Hacienda Luisita 10 Billion Cojuangco plan.

    Inaaliw lang ni Noynoy ang taong bayan sa mga kasong walang katapusan habang nagugutom ang bayan, pataas ng pataas ang elektridad, fuel, at iba pa.

    http://www.youtube.com/watch?feature=player_embedded&v=Hdpf-MQM9vY

  5. chijap chijap

    In China, you are assumed guilty and locked up before given such freedom to do a round of interviews on TV.

    Please don’t consider other nations as lazy or slow simply because we treasure or value safety first (as well as proportional wage to living conditions).

  6. chijap chijap

    “At kung nawalan siya ng tiwala sa PSB dahil nga ang suspetsa niya sila ang nag-leak, bakit hindi naman talaga niya inalis doon. Nilipat lang niya ng account.”

    Exacto Ma’am Ellen!

    He only closed the Peso Account but he kept the Dollar ones which the PSBank President admitted na meron si CJ. (He stopped short of providing more information).

    I can not imagine how fellow judges can sikmura such a person who can’t make consistent statements among their ranks.

    Its getting more clearer and clearer everytime Corona speak, daming nagcocounter argument.

    Di pa ba obvious Corona is a liar?

  7. parasabayan parasabayan

    In his intent to sway the people’s perception of his being unfit to head the judiciary, he goes on media blitz. But he is not a pro on this. It is hurting him much more that helping him win his ase. All these interviews are done in desperation. I bet you his lawyers are saying “What the f__k is he doing?”

  8. martina martina

    Bakit naman kayo ganyan? Akala ko unbiased ang me ari ng blog na to, pero bakit hindi pa tapos ang trial my verdict na kayo. Sino ba ang mas proven na sinungaling? Di ba nagsinungaling ang prosecutor na si Tupas tungkol sa 45 properties na nirelease niya at ng kanyang mga kasamahan sa media? May mga ipokrito rin dito, nakupo, mga kaanib nga ng yellow armies.

  9. chijap chijap

    @Martina, I for one believe in free speech and of course not being stupid. Di pa ba obvious sa iyo yung mga pinaggagawa ni Corona?

    Not unless you only believe in the rule of law, meaning, pagalinggan na lang ng abogado at makahanap ng lusot gamit ang batas.

  10. Nathan Nathan

    @Martina,

    Are you blind? Are you an idiot????? Or you are just a mere THIEF like CJ Corona? Saan kaba nag-aral????

    Thief Justice Renato Corona has a deposit of More than 30,000,000.00 an explain wealth. Meron pang dollar$$$$$ account pa na ayaw pabuksan. Eh… maliwanag pa sa sikat ng araw hindi niya yan isinama sa SALN niya. Besides, paano naging BIAS ang blog ni Ate Ellen… sya ang may-ari ng BLOG at taga MEDIA siya. Hay naku!!! Ano ba yan??? Mag-aral ka nga ulit kung paano magnakaw, para hindi ka mahata. Hahaha!!!

    I remembered during may high school days, it was saying……..

    Never argue with an idiot because he will drag you down and bet you with experience. Amen!!!

  11. Jojo Jojo

    chijap & Nathan,,,no need to argue. Halatang-halata na they belong to Brigade or brigada. Kumikita sila diyan. sila yung one person pero sampu ang used ID sa ibang site.

  12. Corona never expected something like this to happen, he’s super smart, veledictorian, all the laudes, top this, top that, he probably thought he’s got the law all figured out -hell, he thought he wrote law, maybe even – he is the law! and for a while there being SC Chief, whatever he says – is the law! and all these martinas would want us to scamper off like mice and take the unsolicited lectures, insults, talkdowns from the likes of Miriam and Enrile masochistically with bowed heads muttering yes suh, yes mam, sorry po mam. Well, unfortunately for the martinas, not all Filipinos are spineless, yagboless, masochists – some are descended from Lapu-Lapu, Andres Bonifacio, and all the heroes combined.
    Like it or not, more and more Filipinos are educated already and will not be easily cowed down by bullying, better yet, a lot of Filipinos are fully aware that not all people who tell you that you are gago – are smart.
    And these clown keeps pulling out the Hacienda Luisita spectre, lumang tugtugin, panahon pa ng election yan, hindi nga bumenta. Even the Iglesia ni Corona is using the HL issue too, as if whats happening in their religion is not modern day slavery itself.
    Personally, I don’t give a hoot about Hacienda Luisita, I don’t believe in getting money, property, etc., from the wealthy and giving it to the poor. These poor farmers won’t even know what to do with the land anyway, but thats another story.

  13. Phil Cruz Phil Cruz

    The P10B perhaps may be a little too high. But CBCP would stand on moral high ground on this issue about how our taxes will be spent if it paid taxes to government.

  14. Phil Cruz Phil Cruz

    Renato is destroying Renato. He should be allowed to speak more on his friendly media.

  15. Phil Cruz Phil Cruz

    I doubt if Corona can regain his name or reputation even if he personally stands as witness for himself. Renato has already destroyed Renato. And Renato will further destroy Renato sitting on the witness stand.

    Nowhere to go. No way out. His last plane out (resignation) is too late.

    His name and reputation is all smashed up. All the Queen’s lawyers and all the Queen’s image makers can never put this Humpty Dumpty back together again.

  16. jorgejr jorgejr

    xman – ano ngayon kung kayang magtayo ng 30 storey building sa China in 15 days.. Anong kinalaman nito sa kaso ni Corona?

    Kung ayaw mo sa Pinas e di lumipat ka na sa China at tumira sa 30-storey building na tinayo nila in 15 days.

  17. chijap chijap

    #13 It also is unfair that religious organizations like the Catholic Church are tax exempted.

  18. vic vic

    Firstly we can judge the CJ by the evidence since substantial evidence are for the judges eyes only. Like the bank signature cards. But the allegations were so serious that even the family feud is getting into the middle of it. The ommision of substantial amount in theSALn is beyond dispute. The influence theCJ on the partial decisions of the collegial body we’re more than obvious.

    But like the Senate sitting as IC has been saying all along … This drama is more of Political exercise than Judicial…so fasten your belts and get ready for the Political Verdict.

  19. Rudolfo Rudolfo

    May mga bloggers na “hot-na-hot” o atat-na-atat sa madaliang pagbago-asinso sa ekonomiya ng bansa ?…laging sangkalan ang HL, at mannerism ng Pangulong Pinoy, ngunit di nila alam ang kanilang sarili, kung “malinis din sila, o gasing dumi ” ng nakaraang halos 10-taon ni GMA…Isipin na lang, halimbawa, sa lindol, 9-magnitude-intensity ang inabot ng bansa, daming nasalanta, nasira, dahil sa sobrang greed at kurakot ???..kailangan lang yata muna na ayusin, at linisin, ng maayos ang “haharaping responsibilidad “, na katulad na gina-gawa ni PNoy..para, mas mapadali ang pag-unlad. Sinabi nya naman na hanggan 6-years lang sya, one term lang. Ngayon,bakit di maintindihan, ang mga ganitong hamon, ng pangulo, na halos, 24-months pa lang na naka-upo..Dahil ba siguro, malakas ang kabig-dugo ng karamihang “Pinoy DNAs”, ingit, o inis dahil talunan ba sila,(weather-weather lang ito. sabi ni Erap ) kulang ng sportsmanship ?..saan nga ba kaya patutungo ang bansa, kung walang pasensya ang karamiham ?..a comment for the good of the next generations !…

  20. Rudolfo Rudolfo

    As my food for thought,..” You Never Know What You Have, Until…..You Clean the, or Your Room ” !!!…I think this is what the PINOY admin is doing and his present situation…I guess !..

  21. MPRivera MPRivera

    who destroys who?

    glaring evidence of guilt na ‘yan, eh. just trying to drag others along to a pit he digged for his own grave.

    let us send him flowers for peace offering.

    may renato corona just rest in peace!

  22. MPRivera MPRivera

    mahirap talaga ‘yang ang sinasalag ay ‘yung mga batong walang direksiyong siya na rin ang pumukol sa itaas. hindi lang bukol ang kanyang inaabot kundi unti unting paglubog sa kumunoy na kanya ring ginawang patibong subalit siya rin pala ang magiging unang biktimang hihigupin pailalim tungo sa pagkalibing nang buhay.

  23. MPRivera MPRivera

    sa mga ginagawa nitong si renato corona, siya ay hindi nakakatuwa. lalong hindi siya nakakaawa. hindi naman siya nakakainis BAGKUS nakakabuwisit!

    sige pa, renato corona. ibuka mo pang lalo ‘yang bibig mo’t hayaang lumabas ang mga natatagong baho ng iyong bulok na pagkatao!

  24. Lurker Lurker

    I’m sensing desperation. All his media blitz does is to further bury him in the muck, as well as anger more people. His defense team must be having nightmares!

    It’s really hubris that will bring him down.

  25. chi chi

    Inilipat lang sa ibang account, same bank ang kanyang milyunes na deposito. Tanga na lang ang paloloko na nawalan sya ng tiwala sa PSB kung ganito ang napakatangang rason kaya nya winidraw ang pera on the day mismo of his impeachment. He forgot his lessons in remedial law, nagkakamot na ng ulo si Prof. Cuevas kasi hindi na iyan mareremedyuhan dahil ipinangalandakan na ng kanyang kliyente sa publiko.

    Even if Corona realized inconsistencies in his media blitz, too late… he’s already ruined, doomed by himself, a goner.

  26. chi chi

    Enrile to quit if senator-judges disrespect Corona at witness stand -gmanews

    Iba na ang tinititigan kesa sa tinitingnan lang!

    Enrile has nothing to worry about, Brenda the gaga will be very nice even help friend Corona to weather the storm.

    Di ako takot na magresyan ka lolo Johnny, Corona is already dead at this point convicted or otherwise.

  27. chi chi

    Letsugas itong si Enrile, ang daming kieme sobrang inarte!

  28. rabbit rabbit

    whats the difference between thief corona and other withness that he should be given the respect,, hindi be tao din mga ibang withness and the procesutors..but di sila bigyan ng respect..
    what the sauce for the gooose is not good for the ganther?
    showing true colors itong si enrile,,inanounce pa.

  29. chijap chijap

    Iba si Corona dahil he is a co-equal branch.

    That is exactly the point, Corona is a man representing a part of our government. A man who has power as provided for by our constitution. Sabi nga, with great power, comes great responsibility.

    Respect him, yes. But scrutinize him, yes as well.

  30. Phil Cruz Phil Cruz

    Itong si Lolo Juan at si Aleng Gaga parang Batman at Robin team.

    And talagang birds of the same feather….arrogant, huge egos, volatile temperaments, consistently inconsistent, chameleon-like.

    These two are the models of greatness that could have been but could never be. Intelligence without character.

  31. baycas2 baycas2

    walang ibang bunga ng nakalalasong puno kungdi siya mismo!

    si renato corona’y bunga ng lasong gloria arroyo…

  32. Rudolfo Rudolfo

    “Dinidiin ni Corona Ang Sarili”,..I think so !.Silence is more powerful than talking..” ang dila daw, o salita ay makamandag, at kahit sarili, ay ma-aaring malason, kung di maingat sa pagsasalita..Because of some frustrations, and failures in the SALN, Basa-Guidote Case, Bank Accounts,the CJ can’t control his tongue anymore, forgetting that, it will be his downfall..Di nya alam, kapag-may “di tamang mga salita-words or pangungusap na nagawa sya “, tiyak, maybweltada iyon sa mga pinatungkulna nya ( senator o prosecutor, witness man ). Tiyak iipitin sya, para magsalita ng totoo ( ito ang pangamba o anticipated na remark ni JPE, na baka sya mag-resign )..Sana,si Corona ay less words, less mistakes na lamang !..Lalo syang maraming salita-sinasabi, lalo namang, mababaon sya na parang naka-apak sa “kumonoy”..maaaring malason sya ng sarili nyang laway !..

  33. MPRivera MPRivera

    si renato corona ay katulad ng isang gagambang gumagawa ng bitag gamit ang sapot ngunit dahil sa kanyang kawalan ng pag-iingat bunga ng pagiging mayabang ay siya mismo ang unti unting nagiging biktima sa mismong kanyang patibong.

    hayaan na lang siya sa kanyang walang tigil na katabilan!

    isama na rin si enrile na hindi man tuwiran ay ipinapakita ang lihim na pagkiling sa kaalyado ng kanyang dating (hanggang ngayon ay) kinikilingan.

    sila sila ang dapat magsamasama sa kumunoy ng kanilang kasinungalingan.

  34. MPRivera MPRivera

    kapag binastos si CJ, magre-resign ako! – enrile

    hindi ipinananakot ‘yan, ginagawa ‘yan. sino ba ang mawawalan ng kakampi kapag nagresayn ka? kami ba?

  35. Rudolfo Rudolfo

    Ganyan, yata ang Ginawa ni JPE noong panahon ng Martial Law,sinaktan ang Ego nya ni FM, sumama ki FVR, at nagkaroon ng Edsa-1. Ngunit sa hinaba ng panahon, 26-years ago, nabisto ng husto ang ugali-kaugalian nila, Self-Serving pa din..Tumatanda ng halos lahat ay pangsarili pa din na adhikain, at karangyaan. Sana sa panahon nilang nalalabi,mga bilang na taon pa (3-5-years..) alang-alang ki Juan de La Cruz at sa susunod na henersayo, gumawa na sila ng tunay na Kabayanihan !..Huwag na yong parang wala na silang kamatayan. Aanhin ang yamang lupa, kung bulok ang kaluluwa, at minumura-curse ng mga iniwanang lahi ( silipin na lang ang pinag-gagawa ni Manuel Q,..50/50 ang History = ay zero….sabi nya, gugustuhin nya ang Pilipinas, patakbuhin ng mga Pilipino, katulad sa impyerno (hell), kaysa sa mga puti, na patatakbuhin ng maayos-mainam, as Heaven..hanggan ngayon saan ang Pilipinas ???…si Emilio A. naman, inubos ang lahi ni A. Bonifacio, wala din naman palang, magandang resulta ???…Si DrJPRizal, bigong-bigo sa kaugalian ng kabataan sa ngayon ???…)…Sa ngayon lamang, karamihan ay buhay pa, nndyan sa Impeachment arena, may mga sama na ng loob ang karamihang “Bossing” ni Pangulong Pnoy ( siguro nag-ka-curse na ) ???…Dapat ang pananaw o silipin dito, ay ang mahabang panahon na kapakanan-kinabukasan ng Pilipinas, at mga susunod na lahi, hindi yong iilang pangalan lamang ( Enrile, Corona, Tupaz, Aguirre, Santiago, o Cuevas, Arroyo, Marcos lamang )???..Ang dapat titigan, ay ang 96-milyon na Pilipino at magiging 150-milyon sa darating na panahon ???…Kaya sila ibinoto, dahil sila ay pinag-katiwalaang mga visionaries, at mga tunay na haligi ng bansa ???…my food for thought and analysis of the future ???..and my “Lent” of sharing..

  36. yan yan

    Alam nyo madali lang naman kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling kasi kung wala talagang tinatago si Corona aboout sa kayang tagong yaman bakit di nya na lang ipakita ang lahat ng kanayng bank account para matapos na ang lahat ng usapin, kasi kung ikaw alam mo sa sarili mo na wala ka talagang alam o inosente ka sa mga bintang sayo malakas ang loob mo na gawin ang lahat para mapatunayan na ikaw ay inosente..db?almost 4 months na ang kaso..hays naku..maraming pang corrupt sa gobyerno at sana umpisa na yan para sa paglilinis ng ating bansang pantay at walang kinikilingan..GMA7 #1

  37. yan yan

    Alam nyo ba kung bakit hind umaasenso ang bansa naten dahil sa mga matatandang opisyal na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa pwesto at sana sa susunod na eleksyon ay matuto na tayo..alam nyo kasi kahit anong tigas ng ulo ng mga pilipino o kahit anong pasaway pa ng mga yan kung ang namumuno ay “corrupt” at sakim sa “kapangyarihan” walang mangyayari sa bansa naten…sariling interest ang una bago ang bayan ganyan ang mga nakaupo ngayon sa gobyerno, sa totoo lang wala na talagang kunsensya ang mga ganyang tao..sana ay magising na po kayo, tayo hind pa huli ang lahat.

Leave a Reply