Photos by Mario Ignacio, VERA Files
Maraming kahanga-hangang personalidad ang aking nakilala nitong nakaraang dalawang araw sa orientation at training na ginawa ng VERA Files sa pag-uulat tungkol sa mga taong may kapansanan (Reporting on Persons with Disabilities) na ginanap sa Eastwood Richmonde.
Nandiyan si retired Capt. Oscar Taleon, ang presidente at Chief Executive Officer ng Alyansa ng may Kapansanang Pinoy (AKAP-Pinoy), na nabulag noong panahon ng martial law (1977) nang napasabak siya sa rally sa underpass sa Quiapo kung saan may nagbuhos ng gasolina na lumiyab. Nasa Intelligence Service siya ng Armed Forces of the Philippines noon.
Nandiyandin si Abner Manlapaz, presidente ng Life Haven Independent Living Center, na nagsabi na hindi nila kailangan ang awa. Gusto nila pantay na oportunidad. Hindi sila dapat i-discriminate dahil normal na tao sila kahit may kapansanan. Magagawa nila ang ginagawa ng mga taong walang kapansanan.
Katulad na lang ni Jessica Cox, ang Fil-American pilot na ginagamit ang mga paa sa pagpalipad ng eroplano at pagmamaneho dahil wala siyang bisig.
Nandiyan din si Emer Roxas, ba itinalaga ng American Cancer Society na “Global Cancer Ambassador”. Itinatag ni Emer New Vois Association of the Philippines, grupo ng mga biktima ng cancer sa larynx (Parte ng lalamunan).
Isang matagumpay na engineer si Emer at nagtrabaho siya noon sa Philippine Long Distance Telephone Company. Isa siya sa mga una sa mga internet service providers.
Noong 2002, na diagnose siya ng laryngeal cancer at nawalan siya ng boses. Sabi niya hindi naman nakapagtataka dahil 27 taong siyang naninigarilyo.
Ngayon, aktibo si Emer sa paghihikayat sa iba na tigilan na ang paninigarilyo at sa pagpabuti ng kalagayan ng may kapansanan sa ating kumunidad.
Si Emer ay nagsasalita sa pamamagitan ng vibrator sa kanyang lalamunan. Kaya ang boses niya ay parang si Darth Vader sa pelikulang “Star Wars.” Ang vibrator ay nagkakahalaga ng $700 at kailangan palitan bawat tatlong taon.
Si Maricar Uli, managing director ng Link Center for the Deaf, ang nagsalita para sa mga bingi at pipi at nagbigay siya ng mga payo paano makikupag-usap sa mga hindi makarinig at makasalita. Ang isa ay huwag magnguya ng chewing gum kapag kausap mo ang mga bingi at pipi na ng li-lip read o ina-alam ang iyong salita sa pamamagitan ng galaw ng labi.
Meron pang ibang kahanga-hangang personalidad sa training seminar, na ang pakay ay pagtulong sa mga reporter sa tamang pagsulat tungkol sa mga PWD’s para naman mapa-alam sa nakakarami ang kanilang kalagayan.
Ang VERA Files training seminar ay bahagi ng programa ng The Asia Foundation na “Fully-Abled Nation” na isinasagawa sa tulong rin ng Australian Agency for International Development.
Ayun sa World Health Organization, umaabot sa 10 hanggang 15 porsiyento ng populasyun ng mga mahihirap na bansa ay may kapansanan. Ibig sa bihin nun, sa 101 milyon na mga Filipino, 15 milyon ang may kapansanan.
Marami ngunit hindi sila masyadong nakakalahok sa mga gawain o programa sa pagsulong ng bayan. Klatulad na lang sa elections.
Ayun sa survey na ginawa ng Social Weather Station noong Disyembre 3-7, 2011, 60 porsiyento lang ng mga PWDs ng mga PWD ang nakaboto noong 2007 na eleksyun at 54 na porsiyento lang noong 2010.
Ang pagboto ay isang karapatan ng bawat Pilipino at dapat magawa yan ng mga PWD para makatulong sila sa pagpili ng mga nanumuno sa atin.
Gumagawa na ang Comelec ng mga hakbang para sa 2013, mas maraming mga PWD ang makaboto.
This is a laudable effort. We need to pay more attention to our PWD compatriots.
Tama lang na bigyan ng kapangyarihan ang PWDs, marami sa kanila ay may maitutulong sa pagsulong ng communities kundi man nasyunal. Empower them, put them to think and work so their talents won’t be wasted. Besides, no room for self pity when they are busy bettering themselves and the community.
Ganito ang gusto kong mga proyekto, tuloy-tuloy sana. Congrats is in order to VERA Files, The Asia Foundation “Fully-Abled Nation”, and Australian Agency for International Development.
ito sana ang bigyang halaga ng magagaling nating mga lider. huwag nilang palaging unahin ang sarili nila, ang kaibigan nila, at ang mga kakilala.
lalo’t higit sa mga organisasyong ganito – kung nagagawa nilang pahalagahan ang mga nagagawa’t kontribusyon nu’ng mga edukado’t mga kilalang may kapansanan o kakulangan, huwag naman sana nilang isaisantabi ang mga pobreng mas dapat tulungan at alalayan.
maraming salamat ellen, sa paksang ito.
isa rin ako sa kanila.