Nakakapanghilakbot ang nangyari sa Negros Oriental at sa ibang parte ng Visayas na tinamaan ng Intensity 6.9 na lindol.
Makikita sa mga litrato na bumuka ang lupa. Ayon sa report kahapon, sobra 50 ang namatay at mukhang tataas pa dahil meron pang mga nadaganan na hindi naalis. Patuloy pa rin ang mga aftershocks na nakakatakot dahil ang mga gusali o lugar na nauga at mahina, maaring bumigay na.
Marami daw sa mga nasawi ay dahil sa landslide. Nadaganan ng mga bato at mga gusali. Meron ngang isang bata na namatay nang madaganan ng pader sa punerarya. Kawawa naman talaga.
Mabuti lang hindi totoo ang kumalat na tsismis na may darating na tsunami.
Hindi katulad ng bagyo na maaring malaman bago dumating, ang lindol ay hindi napi-predict. Kaya hindi nakakapagtaka na nagulantang ang lahat.
Sanay ang Pilipinas sa disasters. Ngunit palagi tayong hindi handa.
Naala-ala ko ngayon ang handbook na ginawa ni Sen. Loren Legarda “Disaster Preparedness and First Aid Handbook”. Merong parte tungkol sa lindol.
Heto ang ilang payo mula sa handbook kapag may lindol:
• Huwag magpanik. Madali ito sabihin ngunit mahirap gawin. Pero kailangan. Makaktulong ang magdasal.
• Kung nasaloob ka ng gusali na medyo matibay, tumigil ka doon kaysa naman makipagsabayan ka sa mga nagtatakbuhan at maippit ka pa.
• Protektahan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtabi ka sa matitibay na parte ng gusali. Ang tip ay “Duck, Cover and Hold” o Yuko, Magtago, at Kumapit. Pwede sa ilalim ng mesa.
• Huwag tumabi sa mga glass windows, mga cabinet na natutumba at mga mabibigat na bagay.
• Kapag, nasa labas, doon sa bukas na lugar na malayo sa mga gusali na maaring matumba. Umalis rin sa mga malapit sa gawad ng kuryente.
• Kapag nagda-drive, huminto at tumabi. Huwag magtangkang tumawid sa tulay or overpass at baka bumigay yun habang tumatawid.
• Kapag malapit kas sa dagat, umalis kaagad papuntang mataas na lugar.
Kapag tapos na ang lindol, kalma lang sa paglabas.
Kung hindi naman hindi masyadong mahalaga, huwag muna gumamit ng telepono dahil sigurado ang linya ng telepono o cellphone ay gagamitin ng mga rescuers.
Huwag pumasok sa mga gusali na maraming sira.
Tingnan ang mga paligid. Baka may mga mapanganib na kemikal na naggkalat. Tingnan din ang kuryente. Baka may sira.
Kapag umalis ka sa iyong bahay, mag-iwan ng mensahe para naman hindi masyadong mag-alala ang mga kamag-anak o kaibigan.
Magdasal. Magdasal.
Ang mga tao kadalasan ay hindi sumusunod sa warning. Nagkarun ng tsismis, kanya-kanya silang takbuhan sa mataas na lugar. Nakabuti ang tsismis, naalerto ang mga residente sa maaaring mangyari pagkatapos ng lindol.
there should be a regular drills especially in schools and offices of what is to be done during emergencies to avoid the Panicking which is mostly the cause of fatalities and injuries…since Earthquakes can not be Predicted, the more the necessity to have a good plan of exits and evacuations.
Sa kaso ng Negros Oriental at Occidental, wala sa programa ng gobyerno at maski ng iskwelahan ang earthquake drill or earthquake preparedness program. Unlike sa Metro Manila na nakapatong sa active fault at ilan pang lugar sa Luzon at Mindanao, bihirang bihira na dalawin ng lindol ang mga isla ng Panay, Negros, Cebu at Bohol.
Kung tatanungin ang mga taga Negros Occidental, kahit na lagpas ng 50 years old, sasabihin nila na noong LUnes lang sila nakaranas ng ganung kalakas na lindol.
Ang nangyari noong Lunes ay “Act of Nature” na wala dapat sisihin.
Nasa Negros ako nung Lunes, kahit na busog na busog ako sa sa earthquake drills sa Manila lalo na nung matapos ang 1990 earthquake, iisa lang ang pumasok sa isip nung lumindol: ang tumakbo palabas sa open ground.
Grabe ang pinsala, bumuka ang lupa. Just saw the footages, nakakaawa sila dun. Matanda na yata talaga si mother nature, napapagod na.
For those bloggers criticising or defending Corona in Ellenvile might want to read this link.
http://raissarobles.com/2012/02/09/i-become-part-of-the-corona-story/
What’s happening to the Philippines as seen in the Corona Impeachment, must we be the way we are that an act of nature is the only solution for change. Nakakahiya? HINDI PO. Nakakalindol, nakakabaha, nakaka landslide. Nakakamatay ng mga mabubuting tao. The good die first.
Seems like QC Mayor “Bistek” Bautista is getting ready for the “big one”.
http://www.gmanetwork.com/news/story/247483/news/metromanila/qc-mayor-warns-residents-businesses-to-stay-away-from-marikina-fault-line?ref=latest