Ang lakas talaga ni dating Police Superintendent Cezar Mancao kay Justice Secretary Leila de Lima.
Kahit na dinismis ng Manila Regional Trial Court ang hiling ni Mancao na hindi siya aalisin bilang akusado sa kaso ng pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at kanyang driver na si Emmanuel Corbito noong 2000, ayaw pa rin nilang alisin si Mancao sa Witness Protection Program.
Protektado pa rin nila si Mancao.
Sinabi ng mga DOJ prosecutors na may hawak ng kaso na iapela raw nila ang desisyon ni Manila RTC Thelma Bunyi-Medina.
Kaya nasa WPP si Mancao dahil ginamit siya nina Gloria at Mike Arroyo sa pamamagitan ng kanilang mga galamay sa DOJ na idiin si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kaso ng Dacer-Corbito murders.
Maalaala natin na ilang beses tumambling si Mancao sa kanyang affidavit.
Kasama pa ang intelligence officer ng militar na nagkumbinsi sa kanya na bumaligtad at idiin si Lacson. Nang medyo naghirap siya sa Amerika, nakuha nina Arroyo si Mancao. Si Ferdinand Topacio, na abogado ni Arroyo, ang abogado niya.
Sa tulong ng mga DOJ prosecutors na sila pa rin ngayon ang nakapaligid kay De Lima, naidiin nila si Lacson. Mabuti na lang nakaalis si Lacson ng bansa bago naplantsa nila ang kanilang maitim na balak.
Bumalik lang si Lacson nang wala na si Arroyo sa Malacañang at ibinasura ng Court of Appeals ang pagdawit sa kanya ni Mancao. Sinabi ng CA na “incredible and unworthy witness” o hindi mapaniwalaan si Mancao.
Paano naman siya maging state witness? Ngayon, kung hindi siya state witness, bakit siya protektahan ng taumbayan sa pamamagitan ng WPP?
Ngayon, sabi ng magagaling na bata ni Arroyo na siyang inaasahan ni De Lima, kay Lacson lang daw ang sinabi ng CA na hindi mapaniwalaan si Mancao. Gagamitin pa rin daw nila si Mancao laban kay dating Police Senior Supt. Michael Ray Aquino, akusado rin sa ganung kaso at nakakulong ngayon sa National Bureau of Investigation kung saan nandu’n din si Mancao. Magkaiba sila ng kuwarto.
Talaga naman. Siyempre ipipilit pa rin ng mga bata ni Gloria Arroyo riyan sa DOJ ang kanilang kaso kay Lacson kahit na kung anu-anong pagbaluktot ng batas ang ginawa nila. Si Michael Ray Aquino ngayon ang babawian nila.
Kaya tuwang-tuwa si Topacio pagkatapos sila mag-usap ni De Lima noong Biyernes.
Ang nakakabahala sa sitwasyon diyan sa DOJ ay mukhang pinapaikutan nitong mga bata ni Arroyo si De Lima.
Ganyan ang nangyari sa kaso laban kay Arroyo na inabot ng isa at kalahating taon, hindi sila nakasampa ng kaso. Kamuntik lang nakalaya si Arroyo. Padalian silang nagsampa ng electoral sabotage, ang hina naman. Para bang sinadyang patalunin ang kaso.
Hindi ba ito nahalata ni Pangulong Noynoy Aquino?
Wala namang panganib na galing sa kanya mismong patrons, bakit patuloy na pinagkakagastahan si Mancao ng DOJ? Sino ba ang kakanti sa tao na yan, aber?
@chi, just playing devil’s advocate but Ping is a possible culprit if such a scenario happen.
Tingin ko good question nga bakit nga si Mancao nasa WPP when his position was junked by the courts.
But then again, is it not balanced that Mancao was not removed from WPP all together which would have made Lacson guilty of manipulating the president?
In short, at least lumalabas na “fair” ang gobyerno. Ang question that i think Ellen raised, fair pa ba or may hidden agenda.
Ma’am Ellen, are you saying De Lima is (as Sax said once) a Trojan?