Habang ang atensyun ng madla ay nasa impeachment trial ni Chief Justice, may nangyayari sa Department of Justice.
Noong Huwebes, nang ina-nunsyo ni Justice Secretary Leila de Lima na itinalaga niya si Regional Prosecutor Nonnatus Caesar Rojas bilang officer-in-charge ng National Bureau of Investigation, kapalit ni Magtanggol Gatdula, ang pinatalsik ni Pangulong Aquino na hepe ng NBI, pumunta kaagad si dating Police Officer Cezar Mancao kay De Lima.
Sabi ng aming source, naka-confine daw sa isang kuwarto sa itaas ng NBI building si Mancao.
Si dating Police Senior Superintendent Michael Ray Aquino ay nakakulong sa NBI rin ngunit nasa ibaba naman.
Hindi na hinintay ni Mancao na arestuhin siya. Halatang tiwalang-tiwala si Mancao kay De Lima.
Noong Lunes lang (Enero 30) nagsimula si Rojas sa NBI ngunit noong Enero 26, wala na si Gatdula.
Nasa alanganin kasi ang sitwasyun ni Mancao ngayon dahil noong Enero 30, idinismis ng Manila Regional Trial Court ang kanyang petisyun na alisin siya bilang akusado sa kaso ng pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at ang kanyang driver na si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.
Sabi ni acting Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina hindi tama na alisin si Mancao bilang akusado at gawing state witness na siyang kanyang kagustuhan dahil sinabi na ng Court of Appeals at Supreme Court na hindi siya credible o kapani-paniwala.
Paano naman kasi, ilang beses siya tumambling sa kanyang testimonya.
Bilang state witness, dapat nasa Witness protection Program na siyang tinatrabaho noon ng mga galamay ni Gloria Arroyo sa DOJ para idiin si Sen. Panfilo”Ping” Lacson. Inabutan sila ng pagbagsak ni Arroyo sa kapangyarihan. Pinawalang sala ng CA at SC si Lacson. Paano ngayon magiging state witness si Mancao.
Ito ngayon ang nakakahilo sa kaso ngayon ng Dacer-Corbito murders. Parehong akusado si Mancao at Michael ray Aquino. Magkaiba silang testimonya. Sinabi ni Mancao may alam siya. Paano niya ngayon panindigan yan?
Paano kaya mani-ubrahin yan ng kanyang abogadong si Ferdinand Topacio, na siyang abogado rin ni Gloria Arroyo?
Kawawa rin sana si Mancao kasi parang hindi na siya naasikaso nang kung sino man ang kanyang dating mga “sponsor”.
Noong hearing nga noong araw pagkatapos hinarang si Arroyo sa airport noong Nobyembre, hindi nakasipot si Topacio. Napagod siguro.
Kung sabagay, nandyan pa naman sa DOJ ang mga galamay ni Arroyo at sila ang nakapaligid kay De Lima.
Kung sabagay, nandyan pa naman sa DOJ ang mga galamay ni Arroyo at sila ang nakapaligid kay De Lima. – Ellen
And most of all, nandyan si babe! 🙂
Naka-confine daw sa isang kwarto sa itaas si Cesar. Meron kayang wine?