Skip to content

Ang ‘fun’ at hindi ‘fun’ sa Pilipinas

Nagsu-surf ako sa internet kagabi para sa pinakahuling balita tungkol sa landslide sa Compostela Valley at napansin ko na ang balita ay nasa bandang ibaba na sa mga websites ng mga diyaryo, TV stations at Facebook at ang nasa itaas ay ang bagong ad slogan ng Department of Tourism na “It’s more fun in the Philippines.”

Hindi yata ‘fun’ ang ganun.

Ayun sa balita, 27 na ang patay sa Compostela Valley at marami ang sugatan. Malungkot itong trahedya lalo na malaki na naman ang kagagawan ng tao.

Mayaman kasi sa ginto ang Compostela Valley kaya namimina doon. Siyempre, binungkal mo ang bundok. Sinira mo na ang pundasyun nun. Kaya kapag lumambot ang lupa dahil sa ulan, mangyayari talaga ang landslide. Lumalaban na ang kalikasan.

Malaki ang responsibilidad ng pamahalaan sa trahedyang ito, katulad ng trahedya sa Cagayan de Oro, Iligan at ibang parte pa ng bansa.

Hindi ‘fun’ ang sunod-sunod na trahedya sa ating bansa.

Binabatikos ang bagong slogan ng DOT dahil pagkatapos nila napresenta sa publiko, may nakadiskubre na ang slogan nay an ay ginamit na ng Switzerland noong 1951 pa. Parang balik na naman tayo sa palpak na “Pilipinas kay ganda” ng DOT sa ilalim ni Secretary Bertie Lim na kopya pala sa Poland.

Pinanindigan ni Tourism Secretary Ramon Jimenez na hindi nila alam ang Swiss na tourism slogan nang ginagawa nila itong kasalukuyang kampanya.

Sa totoo lang nagustuhan ko ang ad slogan. Simple lang.

Tutal nandyan na. Wala naman yatang copyright ang Switzerland sa slogan nay an, kung totoo man. Ang mahalaga ay magpakatotoo at mapanindigan ng Pilipinas ang sinasabing,”It’s more fun in the Philippines” o mas masaya sa Pilipinas.

Dalawa ang nakita ko sa kanilang “It’s more fun…” na kampaya: ang “Commuting. More fun in the Philippines.” Tapos may litrato ng mga turista na nakasakay sa Bangka. At isa ay “Getting upstairs: more fun in the Philippines” . Ang litrato ay rice terraces.

Maganda at talagang masaya ang dating.

Kaya lang dyan sa commuting o pagbibiyahe, kailangan ayusin ng pamahalaan yan lalo pa ng Department of Transportation and Communication, Department of Public Works and Highways, at local na pamahalaan.

Matagal nang problema sa turismo sa Pilipinas ang kawalan ng maayos na kalsada at organisadong paraan bg transportasyun papunta sa ating mga tourist spots. Dagdag pa ang peace and order na sitwasyun.

Numero uno ang taksi sa airport. Hindi ‘fun’ ang magiging biktima ng manloloko paglabas mo kaagad sa airport. Sa ibang bansa katulad ng Bangkok, Singapore at Malaysia, maayos ang sistema nila sa transportasyun.

Siyempre, pagdating sa ‘fun’, nakakabilib ang Pilipino. Kumakalat sa social media ang mga litrato na gawa ng iba hango sa campaign slogan ng DOT. Ang isa doon ay galing kay Dennis Garcia. “Car pool. More fun in the Philippines.” At litrato ay ang jeepney na hitik na hitik ng pasahero na karaniwang tanawin sa probinsiya.

‘Fun’ talaga ang Pilipino.

Published inAbanteTourism

22 Comments

  1. chi chi

    Hindi fun sa akin ang magkasunod na trahedya na Sendong CV na malaking bahagi ay kagagawan ng tao. Kahit na ang Facebook hindi na fun sa akin! 🙂

  2. Rudolfo Rudolfo

    Sa aking pananaw sa ngayon, “funny” ang almost karamihang ka-ugalian ng mga Pilipino, kasama na ang sari-sariling kultura ng bawat probensya, o sa bawat lugar ng 7107, islands ng Bamsa. May lugar sa amin, bawat halos, 500km, ang layo,umiiba ang salita, pati na accent. Sa ibang lugar naman, pangalan ng pagkain, ay masamang salita-words sa ibang lugar, minsan trouble ang nangyayari ( katulad ng Hamtak, sa South L. ito ay gulay, sa iba daw ay di maganda ?..)At marami pang iba ?. Kaya, paano ba magkakaroon ng Solidarity and Bansa, masyadong marami ang ” Funny ” na kultura ?… Siguro, kaya maraming sakuna o di magkabagay na mga alituntunin ( local y national laws, e.g.)dahil di na din magkaintindihan ?..Tulad ng illegal logging, baka sa ibang lugar, iyan legal loging ?…Ang edukasyon o paraan ng edukasyon marami ding mga funny na nangyayari, maraming “padding” at lagay, bago ka maka-pagturo ng regular ?..Mga “pork barrel” distributions, mas lalong nakaka-tuwa-nakaka-inis, dahil may-kumukuha nito, mayroong namang sugapa sa pag-hakot, at kulang pa daw ?…Talagang ang pinaka-bood o imahinasyon sa bansang Pilipinas, ng bawat isang ( katulad ng mga sobra at delikadong mga sasakyan, mga tricycles, motors,etc..) banyaga-foreigner, Its really “Fun and Funny ang Pilipinas”, kahit delikadong mga bagay,ina-alay ang buhay, buhayin lang nila ang kanilang pamilya..dapat dyan, para di ma charge ng pa-ngo-ngopya ang DOT,gawing ” MORE FUNNY THINGS in the Philippines “, na lang..or ” THE FUNNY PHILIPPINES”@ COMMUTE !..my analysis..

  3. It is more fun reading the debates on the new DOT slogan. But it is no fun to know that it cost P5 million taxpayers money to come up with the new slogan. They won’t admit it but perhaps, DOT is really red-faced to realize that it used to be the slogan by Switzerland which they failed to google earlier.

  4. perhaps there is no genuinely original idea left anymore, thats why we say “been there, done that.” So what is left do do, nothing? It would be a lot better to take a used idea and give it another twist, we do that all the time, our very lives are copies of other live, even our democracy was copied somewhere.
    There is never fun in change, especially concerning national issues, hell, we’re even lucky we’re just seeing, hearing, reading, a bunch of hecklers who heckle just about everything. As Lim put it before “we are a nation of hecklers.”
    Status quo would have been simpler, playing safe, let the old system be, leave Gloria alone, leave Corona alone, don’t rock the boat, just pretend everything is well, let bygones be bygones. Eh di walang gulo?
    Change is never pleasant, even the simple act of changing clothes will result to “getting caught with your pants down” if you’re not lucky. Change is not fun at all, at times it takes bloodshed, revolutions, executions, genocides, billions of money, and sacrifice.
    We just have to open our eyes and see that we are seeing some changes in the country but we have to more patriotic enough to force ourselves to shift paradigm, instead of being true to ourselves as a nation of hecklers why not take the high road and roll up our sleeves, set some worthwhile goals and stick to them?
    Some people have to work with whatever resources they have to make this country run, to make the place,the experience pleasant, to make a business, to feed the people, maybe some of us can help out? Its not fun if you’re the one trying to make others have fun really, its not much fun if you’re the one doing the work while others who obviously have too much time on their hands have taken this noble duty of critiquing the job of others,but somebody has to do it.

  5. srcitizen2000 srcitizen2000

    Ellen, alam mo bang me bagong acronym yang bagong DOT slogan? Sabi ng iba ito raw ay IMF in the Philippines

  6. If we looka at the devastation, the corruption, the injustice, the poverty, criminality, etc, happening all around us its not fun at all, but being a parent personally I have to make it fun still for my kids, why be miserable and
    pass on the misery to others when we have an opportunity to celebrate life and not wallow in death and misery?

  7. chi chi

    “It’s more fun in the Philippines”. Kinopya na wala pa ring kagat. 🙂

  8. well, we can always subscribe to the idea that the country is one big shithole, hopeless, nothing works, everything stinks, and all the government workers, waiters, drivers, sales clerks, everybody who is making a living serving our needs as shitheads.
    thats why so many leave the country, to get out of this stinking, no future, no dirty, dangerous, worst country in the world, gigantic toilet.

  9. baycas2 baycas2

    i posted on the other thread my comments for this much-awaited blog post. i read the word “humor” in ma’am ellen’s “anything but the evidence” blog item.

    lagi dapat may baong sense of humor. ‘yan ang Pinoy. laging may “fun” kahit hindi “fun” (especially impeachment trial).

    ‘wag lang siempre sosobra at may mga “pulis” diyan, ‘di ba chijap?

    —–

    chi,

    time to watch muna the vid here:

    http://www.propinoy.net/2011/12/26/finding-hope-and-joy-in-sendong-ravaged-cagayan-de-oro-city/

    —–

    ma’am ellen’s blog posts are the other “Daily Bread” for me. my pang-araw-araw na FUN-desal, pardon the pun!

    kaya, again, to borrow the words of a tweeter…na daragdagan ko pa ng isa pang tweet from another tweeter:

    Blogging is more fun in the Philippines!

    The FUN Philippines where Asia is…minus the language barrier.

    notice the banig in the logo of the map of PH in the latest DOT campaign? sa akin, mixture of Asian culture ‘yun.

    what is “amazing”, “incredible”, “truly asia”, etc. to them…still…

    It’s more fun in the Philippines!

  10. chijap chijap

    haha ay baycas2 you seem to be taking things a little on the personal side perhaps? i’m fine with it, but let me correct you right now: not a po-po, not unless symbolism ulit yan.

    let me remind you what i put as a challenge on the other thread:

    I wonder what have you contributed to promote the PH?

    (enough of the cheap talk and analysis, what have you done to help the country? iPhone pa rin ba ulit yan?)

    There is no need to tell us what you did. Conscience na lang ang pupulis sa iyo.

  11. MPRivera MPRivera

    “It’s more fun in the Philippines”. Kinopya na wala pa ring kagat. – chi.

    Ikaw ba naman, kung hainan ka ng pagkaing pinagsawaan na at namumutiktik sa mga tirang iniluwa, kakagatin mo pa ba?

    Ito ngayon ang isang napakalaking hamon hindi lang sa DOT secretary ni PeNoy kundi sa buong gobyerno at sa ating sangkapinuyan.

    Kailangang malipol ang lahat ng natitira at naglipanang salot na remnants ng nakaraang administrasyong walang habas na sumira sa ating pamayanan at pagiging isang bansa.

    Goyang generals. Garci generals. Goyang midnight appointees. Goyang cabals. At higit sa lahat – ang pamilya ni goyang mismo!

  12. baycas2 baycas2

    Chijap,

    I’m glad to indulge you and I thought you won’t inject the symbolism. Here it goes again…one of these is a symbol of my vocation:

    The Symbol.

    …and Tourism is not far behind.

    A FUN-filled New Year to you and everyone here!

  13. chi chi

    #13. Mags, when that happened… walang kasing-FUN in the Philippines!

  14. chijap chijap

    #14, not sure why you thought your comment is any indulgence at all. I for one don’t see it that way.

  15. luzviminda luzviminda

    It would really be ‘MORE FUN’ in the Philippines….if everybody will FEEL SAFE and BE SAFE from all criminalities that are rampant in our cities! Tapos ang mga authorities ay very lax pa sa pag-maintain ng peace and order at minsan sila mismo ang mga kriminal. we need moral reformation. Kailangan palakasin pati ang capabilities ng mga barangay in coordination sa mga pulis. Sa ibang bansa, lalo na sa Switzerland na ginamit ang parehong slogan ay talaga namang napakaligtas ang mga turismo…dahil walang mandurukot, walang magnanakaw, walang holdaper maski dis-oras ng gabi…maski maiwan mo ang gamit mo ay sigurado kang mababalik sa may-ari.

  16. MPRivera MPRivera

    luz,

    kahit noong panahon ni magsaysay ay walang ganyan. noon, ang mapagmamalaki natin bilang pinoy ay may paggalang at pakundangan pa ang mga tao sa kapwa tao. hindi pa gaanong uso noon ang mga tulisang pulitiko. kung mayhukbalahap man noon(CPP/NPA sila ngayon) ay tunay na pagiging makabayan ang kanilang layon at ang puntirya nila ay ‘yung mga abusadong mayayamang asendero.

    naglipana ang mga masasamang elemento sa ating pamayanan sapagkat pinamumunuan tayo ng masasamang ehemplong ang hangad ay magpayaman lamang at manatili sa kapangyarihan at habang buhay na magpasasa sa puwesto.

    idagdag na rin nating kaya tayo nagkaroon ng mga gahamang nasa gobyerno ay dahil sa katangahan ng ilang kapwa pilipino.

  17. MPRivera MPRivera

    Mike Arroyo kinasasabikan din sa likod ng selda

    http://abante.com.ph/issue/jan1012/news05.htm

    ito ang isang dagdag katuwaan kapag nagkatotoo. pero sana lang, huwag sasabihin ng mga kaliwete na utang sa kanila ng taong bayan ang lahat ng mga kaganapan ngayon na kinasasabikan natin noon.

  18. myrna myrna

    bakit hindi na lang gamitin ang “Only in the Philippines”?

    di ba yan palagi ang sinsabi natin noon pa?

  19. chijap chijap

    #21 yes we use that line a lot, but mostly in the negative sense, rather a positive one.

Leave a Reply