I remember that speech to be most obscene.
In her sixth State-of-the-Nation address on July 24, 2006, Gloria Arroyo, amidst cries of parents of University of the Philippines Sherlyn Cadapan and Karen Empeño and relatives of Manuel Merino, a farmer, Gloria Arroyo lavished praises on one of the most feared and hated generals – then Maj. Gen. Jovito Palparan, commander of the 7th Infantry Division in central Luzon, where many of the extra-judicial killings happened.
Arroyo said: “Sa ganitong mga proyekto, palalakasin natin ang ekonomiya ng mga barangay at lalawigan. And we will end the long oppression of barangays by rebel terrorists who kill without qualms, even their own. Sa mga lalawigang sakop ng 7th Division, nakikibaka sa kalaban si Jovito Palparan. Hindi siya aatras hanggang makawala sa gabi ng kilabot ang mga pamayanan at maka-ahon sa bukang-liwayway ng hustisya at kalayaan.”
Times have indeed changed.
Arroyo is now on hospital arrest at the Veterans Memorial Medical Center. Palparan is on the run, hunted by police authorities and National Bureau of Investigation agents armed with a warrant for his arrest for the kidnapping of Cadapan, Empeño and Merino.
He was last seen trying to board a plane to Singapore at the Diosdado Macapagal International Airport in Clark, Pampanga while everybody’s attention was on the tragedy in Cagayan de Oro, Iligan, and other parts of Central Mindanao.
He was stopped on orders of Justice Secretary Leila de Lima and has not been seen since then.
Two of Palparan’s co-accused, Lt. Col Felipe Anotado, Jr. and S/Sgt Edgardo Osrio of the AFP Intelligence and security Group have surrendered tot eh office of the Armed Forces’ Provost Marshal in Camp Aguinaldo.
The role of the military, especially Palparan in the abduction of Cadapan, Empeño, and Merino was related by Raymond Manalo, who together with his brother Reynaldo, survived abduction and torture by the military.
Manalo said six armed men in military uniform abducted him and his brother on Feb. 14, 2006 from their place in Barangay Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan.
From there, they were detained and moved from one place to another, particularly military camps and detachments including Fort Magsaysay and a detachment in Sapang, San Miguel, Bulacan, where they allegedly met Palparan.
From Sapang, Manalo was transported to Camp Tecson under the 24th Infantry Battalion, where three men loaded him in a white car.
Manalo said he was taken to what he learned later a training detachment of the Scout Rangers. He said it was in the barracks that he met Cadapan, with her feet chained to a double bed.
During their conversation, Manalo said Cadapan told him she was abducted from Hagonoy and was subjected to torture.”
After a week, Manalo was reunited with his brother who also brought to the camp, where they stayed from September 2006 until Nov. 22, 2006.
Three days after, Raymond said Empeño and Merino were also brought to the camp.
Raymond further said he saw Cadapan being subjected to torture like water treatment through nose, and electric shocks.
Palparan and Arroyo’s military had denied any role in the abduction of Cadapan, Empeño and Merino as well as extra-judicial killings of activists.
As the family of the three hope for justice with the warrant of arrest for Palparan,we remember the words of Edith Burgos, mother of another missing activist, Jonas Burgos, in the play “Mrs.B”:“ Walang kasing-sakit mawalan ng mahal sa buhay. Kahit gaano ka katibay, kahit gaano ka katapang, kahit gaano ka kabuo, mababasag at mababasag ka rin.”
Ang kapalaran ng Dalawang Mag-kasangga, after 9-years ng pagtatamasa sa pwesto. Yuong isa, GMA “arretsed” almost jailed sa Hospital ( freedoms are very limited ); Yang binigyan ng midalya, sa pag-sunod ng utos, na mga Palpak-di wasto sa mata ng taong wasto ang kaisipan ( human rights violations ), haunted or Wanted !..Sana napag-isipan nila ang mga iyon noong panahon na sila ay powerful…Naging anay sa Bansa, at binahiran ng “putik” ang institusyon ng PMA…Justice prevail at the end, of the tunnels ( good and bad opportunities they have made ).
Palparan did not graduate from PMA. He was a regular officer though. If I’m not mistaken, he was integrated(placed in the same lineal list) with PMA Class 1973.
Remember the time when every week may namamatay na miyembro ng Bayan Muna, Gabriela, KMU o Anak Pawis? Gotta reread the Alston Report on 2007 Extra Judicial Killings.
Kaya ako kapag ang isang tao na naka uniforme ng fatigue or khaki ay madyo asiwa akong maki-pag kaibigan. Kapag hindi maiiwasan dahil naka halubilo ko sa isang party, I just say Hi, kagandahang asal. Pero hanggang doon lang. Lahat na yata sila ay puro mga ……….you what I mean.
Hindi naman lahat ay katulad ni Palparan. Marami pa rin sa kaanib ng sandatahang Pilipinas ang marunong gumalang sa taong bayan.
Ang katulad ni Palparan ay ang dating mga alagad ni Arroyo gaya ni Esperon, Razon, Yano, Versoza at marami pang iba. Alam ng sambayanang Pilipino kung sino sila at maraming naghahangad na sila ay maparusahan at magdusa. Sana naman ay maisunod sila sa kanilang dating pinuno, Macapagal-Arroyo.
Naging ” mga Bato “, ang mga binangit na pangalan..Kung peki ang nag-promote sa kanila, di peki din ang mga strilya y stars sa balikat nila ?…isang pananaw lang at kata-nungan ?..Siguro naman ay nata-uhan na sila, sa 9-na taong pag-galaw sa isang “nightmare” na panunungkulan o kabuhayan… Kung wala si DOJ, de Lima, siguro, mga naka-wala na sila, sa mga ” kumunoy” na problemang iiwanan ki Juan de la Cruz…mabuti’t na harang ang TRO ni CJ-kurunang ( Corona )tinik…Let Justice prevails, at the end…,for Hope and Change in the governance of the country…under the PNOY admin…ang kailangan lang naman sa SC ( Justices ) ay balansing hustisya, kahit na independent body ang iyan, hindi “one sided “. Ito ang pinaka-bottom line….
#4
Jojo, hindi naman lahat. Maaaring nagkaroon ka ng karanasang hindi magandang sangkot ang mga nakauniporme, pero hindi lahat ay parepareho ng gaya nang iyong iniisip. Kung meron kang kamag-anak, kakilala o nakikilalang katulad nang hindi mo itinuloy na tukuying maliwanag ang ibig sabihin ay huwag mong itulad ang iba.
Ang mga nakauniporme ay dumaan muna sa pagsasanay na kayong mga hindi dumanas ay baka hindi kayahin. Gayundin ay napapawalay sila sa kanikanilang mga mahal sa buhay na ang mga kasama ay kapwa nila nakasama lamang sa iisang unit, matagal man o baguhan pa at dahil mayroon silang sinusunod na decorum ay masasabing pawang de numero ang kilos, salita at pagtupad sa mga atas mula sa mga nakakataas. Magkagayunman, pakatandaan mong sila ay TAO ding katulad mo – may pag-iisip, puso at damdaming nasasaktan at napapagod. Katumbas ng pagtupad nila sa tungkulin ay buhay na hindi ipinanghihinayang na ibuwis PARA SA IYONG KALIGTASAN at KATAHIMIKAN – buhay na kaya nilang ibigay alang alang sa ating lahat.
henry90, tama ka. Direct commissioned si retired MGen Palparan – placed in same lineal list (and only) next to PMA Class ’73.
Hindi talaga siya PMA’yer dahil dehins siya magnanakaw yon nga lang pumapatay. Pero tandaan ninyo ang mga pinapatay ay yong mga maka-kaliwa. Sino ang mga ito? Siguro naman alam niyo ang ibig kung sabihin … mga kaaway ng lipunan. Ang mali lang niya ay kung bakit dinededo niya … yon lang.
about the subject na general. siguro iyan ang naging role niya para, magkaroon ng strilya o stars, tawagin ang pansin ng nasa itaas na pamunuan, na isa siyang magiting na sundalo !..dapat nga lamang, binigyan ng “pagkakataon mag bagong buhay ang mga nawala na hanggan ngayon pinaghahanap pa “..?..pa-ano kung ang isang anak o kamag-anakan niya ang na-biktima, ano na lamang ang “konsyensya niya ( kung mayroon man ?..Dapat sa sundalo, una maka-Diyos ( tinatawag palagi sa oras ng kagipitan y problemas, na siguro tinatawag niya ngayon, sa kanyang pagtatago, bilang isang wanted ng DOJ..?..)..Maka-Bayan, at maka-Tao siya ( hindi katulad sa isang pusakal )…dahil lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan o limitasyon, at sa ngayon, dumating na nga ang hangganan niya ?…tiyak, sasalubungin siya ng mga biktima sa ika-lawang buhay, kung totoo na ginawa nga ng tropa niya, at may-paniniwala siya sa Diyos, katoliko man or being Christian. Nasa huli palagi ang mag-sisi…Kung tunay siyang heneral at matapang, matapang din niyang “harapin” ang batas o katarungan, at ipagtanggol ang kanyang sarili !.my analysis…
I am in no defense of MGen Palparan but please compare the atrocities done by our ever patriotic and the masa defenders CPP/NPA to the crimes they alleged committed by the general during his tour of duty. Alin ba ang mas nakakapanindig balahibo?
The only fault I think MGen Palparan did was being identified and flaunted by the queen of rascals, the woman who killed and grabbed the future of all Filipinos, Gloria Macapagal Arroyo.
Ang hirap kasi sa Human Rights Commission kuno natin ay sobrang kiling sila sa mga makakaliwa at mapanligalig at hindi muna tinitimbang ang consequences ng pagtupad sa tungkulin ng sinumang nakauniporme sa alinmang krimeng kanilang ibinibintang.
Kapag nanunog ang mga NPA (o alinmang grupo ng mga rebelde’t kriminal) ng ariarian, pumatay ng mga sundalo sa kabila ng pagpapairal ng ceasefire, bakit walang human rights advocates na nag-iingay at tinutungayaw ang mga ‘yun na ihahabla? Bakit walang naghahabla sa mga rebelde kapag pumatay sila ng mga sibilyang kanilang kinikikilan ng revoutionary tax na hindi malaman kung kailan naging legal ang pangongotong?
Siguro mas maige ngang ang mamuno sa atin ay mga makakaliwa at mga rebeldeng walang pinangarap kundi magpalaganap ng kaguluhan sa bawat sulok ng kapuluan. Baka makuntento na ang magagaling ng human rights advocates na ‘yan.
#11, while i agree that human rights violation exist on both sides (the NPA are never a model of human rights themselves), i beg to differ that Palparan’s only fault is being associated with GMA.
Per the victim’s testimony, Palparan was involved directly/indirectly to the kidnapping and/or violations made by the military over civilians suspected of being rebels.
Yes to capture rebels is one thing but to willing know that you are kidnapping unarmed “civilians” is the fault in itself. Kung may sala, then capture and prosecute. Turn them over to the courts.
Let’s assume he did not participate directly but the atrocities were made by his team, then his fault is not to stop this from happening.
Palparan’s mistake was to take action that is illegal; or to do nothing on actions made by his team that were illegal. His association with GMA is the least of his faults.
I also don’t get the NPA nor the Communist. If they really are fighting for socialist efforts, why “tax” or scare off capitalist? Sabotage, kidnapping, and murder are crimes these rebels do all the time.
I say, if they really want to make their cause really for the people, then provide real livelihood for the people and not invoke calling people to be up in arms.
Violence leads only to further violence, and in the end, they become part of the problem themselves, and push the solution further away.
Why train sight of a gun solely to anyone (especially to a high profiled one, that is) only accused of a crime the left leaning are shouting? Why not also dig on the side of these defenders (NPAs)?
The two students’ total disappearance may also be caused by the purging the NPAs are doing in their ranks. They may have suspected that these students may have leaked something during the interrogation the NPAs believed would be affecting their operations. It should also be noted that the left are used to sacrificing their comrades/supporters and make it appear the military as the perpetrator.
I also agree that the NPA can, have, and potentially will disavow and destroy/kill their own.
And yes, these left leaning folks really should actually rethink what they are doing. Have they truly contribute anything “socially” to progress for the needs of the people. Yung actual tulog.
Superficially, to me, the NPA is nothing more than just a pyramid scheme which only benefits the top ranks. Did we know of any low level member actually progressing in society?
I say, the left leaning folks should actually do what greenpeace, WWF, or the Red Cross do. Instead of exerting energy complaining and protesting, why don’t they act on the actual needs.
There is so much more and better things to do in this day and age than simply insist communism or socialism is the way to go. Because clearly, even China has abandoned that ideology.
As for the government, this NPA rebellion should actually be extinguished and it must be done in transparency and finality.
Hindi yung pananakot lang. That type of tactic will only lead to further episodes and episodes of melodrama. The military should actually finish the job, and to do so, it must be done with decency and clear expression of the objective.
Pero that does not make Palparan and people with gun carry out murder or kidnapping as they please and expect no punishment.
I doubt kung magagawa nga nina Gen Palparan na patayin ang ganung inosenteng sibilyan lalo’t mga babae pa. I know him from head to foot. Parang nakikita rin niya ‘yung dalawang anak niyang babae sa katauhan ng dalawang ibinibintang sa kanya.
It’s just a pity na pumutok nang husto ang pangalan niya during the term of the most corrupt leader (kuno) the kapampangans ever produced. He was (just) used and exploited para naman magkaroon ng diversion ang atensiyon ng mamamayan at hindi laging ‘yung pagnanakaw ng pamilyang kawatan.
Anyway, MGen Palparan has already sent surrender feelers to Sec De Lima and he might surface one of these days to clear all allegations leveled to him.
Kailangan niyang linisin ang pangalan niya and all this administration must do is to make sure the general gets a fair trial. Huwag basta magpapadala sa sulsol ng mga kaliweteng walang ginawa kundi manggulo at magpagulo sa mga isyu samantalang hindi nila maputol ang mga kawalanghiyaan ng kanilang hanay.
Marami namang gumagawa ng paraho ng ginawa ni Palparan, naging matunog lang ang pangalan niya, talo dito ang AFP sa propaganda, baka ang totoo pa nga nasobrahan lang sa dagdag-kuwento? Bakit kasi may mga nangangaliwa pa? Umayos na kasi dapat wala nang sumama sa mga leftists na yan, kahit kailan panggulo lang ang mga yan.
jug, alam naman natin na ang labanan ay psychological at madali para sa mg kaliwete ang mag-immerse sa masa, magkunyaring kaisa nila hanggang sa unti unting maisagawa ang agitation tungo sa pagpapaalab ng galit ng taong bayan lalo na sa militar. isang taktika ng makakaliwang grupo ang ay paglilihis ng paniniwala ng tao sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng MISMONG kanilang hanay at palalabasing kagagawan ng taong gobyerno.
ang batayan unang una ng mamamayan ay ang talamak na korapsiyon sa burukrasiya, pangalawa sa nakikita nilang pagsasawalangbahala ng mga lokal na opisyal sa kanilang karaingan at kalagayan. itong mga nabanggit ang mahigpit na kinakapital ng propaganda team ng CPP/NPA at isama na rin natin ang pagkakaroon nila ng representasyon sa kamara, ang ilang leftist leaning partylist groups gayundin ang mga legal front na samahan at kabilang din dito ang mga kilalang personalidad sa ating lipunang malinaw ang kiling sa mga pulahan partikular ang mga pulitikong hindi natin malaman ang talagang kulay.
pansinin din, bakit karamihan sa mga aktibista natin ay nangagsisipag-aral sa ating mga state universities and colleges? hindi pa ba sapat na ebidensiya ito na meron tayong tunay na demokrasya? deomokrasyang sila ring mga iskolar ng bayan ang sumisira? saan at kanino ba nanggagaling ang ipinantutustos sa kanilang pag-aaral? hindi ba’t galing sa buwis ng mamamayang palagi nilang ipinangangalandakang ipinagtatanggol ang karapatan subalit sila ring kanilang hinahayaang linlangin at “gamitin” ng mga armadong kapanalig? hindi ba’t dapat bilang mga iskolar ng bayan ay mas matimbang sa kanila ang pagsusulong ng adhikain ng pamahalaan sa halip na sila mismo ang tutuligsa dahil lamang sa bulag nilang pagtalima sa idolohiyang hindi tugma sa ating lipunan?
karapatan. desaparecidos. hustisya. selda.
ano’ng grupo ba talaga ang mga ito?
ano bang malinaw nilang layunin?
nagagawa ba nilang tuligsain ang CPP/NPA sa mga kaguluhan at kriminalidad na inihahasik sa atign lipunan?
KARAPATAN. DESAPARECIDOS. HUSTISYA. SELDA.
Ano’ng grupo ba talaga ang mga ito?
Ano ba ang malinaw nilang layunin sa lipunan?
Ginagawa ba nila ang ganitong pagtuligsa sa CPP/NPA sa mga kaguluhan at kriminalidad na inihahasik nila?
Napakabilis nilang magpakalat ng litrato ni MGen Palaparan at para silang mga asong ulol sa lakas ng walang tigil na pagkahol. Ipinapakita lamang nila na parang ginapos ang kanilang mga kamay noong nasa serbsiyo pa ang ngayon ay retirado ng heneral. Sinasamantala nila ang pagiging sunudsunuran sa kanilang kapritso ng kasalukuyang gobyerno.
Itong pagbibigay ng PNP ng pabuyang PhP500k sa sino mang makapagtuturo sa kinaroonan ni MGen Palparan, katumbas na ba nito ang kanyang ulo? Ito ba ang gantimpala sa kanyang pagpupursige upang mabawasan kundi man masugpo ang rebelyon sa ating bansa? Katumbas ba ng halagang ito ang lahat ng kanyang sakripisyo sampu ng kanyang mga tauhang ibinuwis ang buhay subalit nilagom ng ingay ng makakaliwang grupo dahil naging epektibo ang mga hakbang upang humina ang hanay ng CPP/NPA? Na, dahil sa walang humpay na information drive na ginagawa ng grupo ni MGen Palparan mula pa noong 1988 hanggang sa kanyang pagreretiro sa serbisyo ay nagbunga ng pagbabalik loob sa gobyerno ng nakakaraming tagatangkilik na namulat sa tunay na layunin ng mga pulahan matapos mabatid na hindi para sa kanilang kapakanan kundi sa bulag na simulaing pinapalaganap ng mga nagkukunwaring makabayang namumuno sa kilusang kubli ang maitim na pansariling hangarin?
Kung ang kahihinatnan ng pagtataya ng buhay sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin ay pagtuturing na isang berdugo at kriminal, paano na ang kapakanan ng nakararaming mamamayan sakaling ang ating mga kawal ay magpasyang magsipagbitiw sa serbisyo at mawalan na rin ng mga kalalakihan at kababaihang pipiliin ang pagsisilbi sa Hukbong Sandatahan?
Sige pa, panigan ang mapanligalig na CPP/NPA at kanilang mga kapanalig na propagandistang walang ginawa kundi manggulo at magpagulo. Pakinggan ang mga kasinungalingang ipinagsisigawan ng mga legal front na samahan at paniwalaan ang bawat akusasyon laban sa mga tumutupad sa tungkulin at huwag magtataka kung sa sandaling hinaharap ay mawalan na rin ng interes ang sinumang handang maglingkod sa bayan.
At para sa DILG at PNP, bago ituring na kriminal at tugisin animo’y wanted sa batas si MGen Palparan ay linisin muna ang kanilang hanay sapagkat naglisaw sa loob ng kanilang bakuran ang mga salot sa lipunang anay, linta, buwaya, buwitre at sawang laging namimintog ang mga tiyan at tila mga walang kabusugang hindi tumitigil sa pag-aabang ng masisilang biktima.