Skip to content

Pwede naman ang makahulugang Pasko kahit walang pera

Everything in moderation
Nagsimula na ang Christmas traffic. Ang biyahe na dapat 30 minutes at nagiging dalawang oras.

Lahat yata namimili na para sa Pasko.

Ganyan ang maganda sa mga Pilipino. Kahit mahirap, talagang buhay na buhay ang diwa ng Pasko.

Pilipinas yata ang may pinakamahaba na Christmas season. Pagkatapos ng All Saints at All Souls Day, simula na kaagad ang tugtug ng Jingle Bells sa mga department stores at labasan na ng mga Christmas decors sa mga bahay.

Hindi yan natatapos sa Disyembre 25 o sa New Year. Hanggang Jan.6 yan, ang Three Kings.

At siyempre kapag panahon ng Pasko, kainan. Kaliwa’t-kanan ang Christmas party. Sigurado, pagkatapos ng Pasko, magtatabaan na naman tayo. At ang cholesterol, dios mio.

Nagbigay ng paala-ala si Health Secretary Enrique Ona dahan-dahan lang sa litson at sa alak nitong Kapakuhan dahil yun ang ilang sa sanhi ng atake sa puso.

Ayon kay Dr. Dante Morales, isang cardiologist, mataas ang insidente ng heart attack sa mga buwan ng Disyembre at Enero . Maliban siguro sa pagkain ng marming mantika at alak, nakaka-stress ang traffic at siyempre,ang budget. Kung marami kang anak o ina-anak at kukunti lang ang pera mo, masi-stress ka talaga.

Ngunit ako, palagi ko pinapaalalahanan ang sarili ko na nang maliliit kami sa aming baryo, wala kaming pera at masaya ang mga ala-ala ko ng Pasko. Kung pwedeng noon, pwede rin ngayon.

Sa lifestyle ngayon na maraming oras nasa harap tayo ng computer, talagang hindi nakakabuti sa ating kalusugan. Kaya ang mga nagta-trabaho sa mga call centers, maraming sakit ang lumalabas sa kanila. Dagdagan pa yan ng sobrang kain at alak ngayong panahon, talagang bibigay ang katawan.

Ito ang ilang tips para natin ma-enjoy ang Pasko na hindi tayo magkaroon ng kumplikasyun pagkatapos:

* Hinay-hinay lang sa kainan

* Iwasan ang mamantika at maalat na pagkain

* Kung iinom na alak, konti lang. Huwag mag-drive kapag naka-inom.

* Mag-exercise. Kung hindi sa gym, maaring maglakad, tumakbo at magsayaw. Basta kailangan magpapawis.

* Iwasan ang magpupuyat. Mahalaga ang tulog. Hindi ka makapag-isip ng maayos kapag puyat.

At isa pa: sa sobra din nating abala sa panglabas na parte ng Pasko –handaan at regalo-, minsan nakakalimutan ang diwa ng Pasko- ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating kapwa tao.

Magbigay tayo ng oras nangangailangan. May kaibigan ka bang maysakit? Magandang regalo ang pagbisita.

May kaibigan ka bang matagal nang hindi kayo nakapag-usap. Bakit hindi mo tawagan para kumustahin?

Published inAbanteArts and Culture

6 Comments

  1. lifen lifen

    Masyadong OA ang pasko sa pinas kasi pinabongga ng negosyante. Very commercial. Dinahilan lang ang spirit kuno ng christmas.

  2. patria adorada patria adorada

    mas masarap pa rin ang pasko sa probinsya…

  3. Golberg Golberg

    Ganito na yata talaga sa Pinas ngayon. Masyado na kasing commercialized ang utak ng mga tao lalo na ang mga negosyante. Pagsapit ng December kahit hindi pa 25th ang party kaliwa’t kanan na. Napakarami ang hindi na nagtatanong sa sarili kung bakit kailangan mangyari ang pasko.

    Ito na ang Pilipinas ngayon. Talagang sumusunod sa yabag ng mga taga kanluran na ayaw ang salitang ‘Merry CHRISTMAS” kundi Happy Holidays lang.

  4. MPRivera MPRivera

    paanong hindi kailangan ang maraming pera upang ipagdiwang ang pasko kung ganyan sa larawan ang ihahanda?

    litsong baboy na lang, isang buo magkano na?

    parang may mali, eh.

  5. MPRivera MPRivera

    sa mayayaman nga pala ‘yung simpleng paskong ganyan na umaapaw ang handa. di ba, Tongue?

    hilo pa talaga.

Leave a Reply