Skip to content

Pres. Aquino slams Corona at 1st National Criminal Justice summit

Following is the speech of President Aquino Monday at the 1st National Criminal Justice Summit where he slammed Chief Justice Renato Corona. I’ll make my commentary later today.

In your face Magandang umaga ho. Maupo ho tayong lahat.

Ako na ho pala agad. Sana ho hindi ako late.

Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Sonny Belmonte; honorable members of the House of Representatives present; Chief Justice Renato Corona and the honorable members of the Supreme Court, Court of Appeals, and Sandiganbayan; excellencies of the diplomatic corps; Secretary Leila de Lima; Secretary Jesse Robredo; Secretary Eduardo de Mesa: Secretary Cesar Garcia; Chairman Francis Tolentino; Presiding Justice Villaluz of the Sandiganbayan; men and women of the Philippine National Police, led by Director General Nicanor Bartolome; civil society; nongovernment organizations; fellow workers in government; honored guests; ladies and gentlemen:

Ang pagtitipon natin ngayong umaga ay isang pagkakataon para higit na masuri ang lakas at kahinaan ng ating kasalukuyang criminal justice system, at makalikom ng mga makabago at napapanahong inisyatibang pangkatarungan. Masasabi nating napapanahon ito: dahil sa mga araw-araw na headline sa diyaryo at telebisyon, nasasaksihan din ngayon ng buong bansa kung gaano kasalimuot ang trabaho ng mga clerk of court, abugado, at huwes.

Walang duda sa halaga ng inyong trabaho: ang inyong mga desisyon at hakbang ay may makabuluhang implikasyon sa ating pong demokrasya. Dahil dito, mahalagang balikan natin ang nakasaad sa Artikulo 2, Seksyon 1 ng ating Saligang batas: ang ganap na kapangyarihan ay nasa sambayanan, at ang lahat ng kapangyarihang pampamahalaan ay nagmumula sa kanila. Minabuti ko pong ipaalala ito sa inyo dahil minsan sa ating kasaysayan, tila nakalimutan natin ito. Noong panahon ng batas militar, hindi nakatuon ang katarungan para sa kapakanan ng taumbayan, kundi upang sundin ang mga kagustuhan ng iisang tao lamang, ang dating pangulong Ferdinand Marcos. Mismong pamilya ko po ay biktima nito: Iniharap sa court martial ang aking ama, subalit bago pa man magsimula ang paglilitis, malaon nang naitakda ang kahihinatnan niya.

Sa isang hukumang binubuo ng mga mahistrado, abugado, tagalitis, at mga saksing itinalaga ng mismong nagsampa ng kaso—si Ginoong Marcos— ginawa ng diktadurya ang lahat ng kanilang makakaya upang baluktutin ang katarungan at ubusin ang karapatang pantao ng aking ama. Kahit wala siyang kasalanan, pitong taon at pitong buwan po siyang ipiniit at pinagdusa, habang pinagpiyestahan ng mga nasa kapangyarihan ang kaban ng bayan. Tinanggalan nila ng piring ang katarungan, at naibaling nila ang timbangan ng hustisya ayon sa kanilang kagustuhan.

Ngayon, bilang inyong Pangulo, may sinumpaan akong tungkulin: ang pangangalagaan at ipagtatanggol ang konstitusyon, ipatupad ang mga batas nito, maging makatarungan sa bawat tao, at italaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. At bahagi ng aking mandato ang tiyaking hindi na maulit ang mga kadilimang nangyari noong panahon ng Martial law, at kung may gumawa man nito, ang siguruhing managot sila sa kanilang kasalanan.

Kaya naman simula’t sapul pa lamang, naglatag na tayo ng mga hakbang upang bigyang linaw ang mga alegasyon ng korupsyon noong nakaraang administrasyon: mula sa fertilizer scam, na nagpataba umano, hindi sa mga pananim, kundi sa mga bulsa ng ilang opisyal; hanggang sa ZTE deal, na humantong din sa pagkaka-kidnap di-umano sa saksing si Jun Lozada; mula sa alegasyon ng pandaraya ng 2004 at 2007 election, at marami pang ibang katiwalian na nais nating maungkat.

Sinimulan natin ito sa pagbuo ng Truth Commission, na dapat ay susuyod sa mga di-umano’y katiwaliang lumaganap noong nakaraang administrasyon, at panagutin ang mga nasa likod nito. Wala itong ibang layon kundi iwasto ang mali sa lalong madaling panahon. Subalit alam naman natin ang nangyari: labag daw ito sa konstitusyon ayon sa Korte Suprema. Unang hakbang pa lang natin, may barikada na agad.

Tungkulin ng COMELEC na tiyaking malinis at kapanipaniwala ang resulta ng eleksiyon. Kaya naman natural lang na humingi sila ng tulong sa DOJ para imbestigahan ang mga alegasyon ng pandaraya noong 2007. Pangkaraniwan na ang pagbuo ng ganitong mga panel, ngunit kinukuwestiyon ito ngayon sa Korte Suprema. Kinukwestiyon din nila ang legalidad ng warrant of arrest na ipinataw ng Pasay Regional Trial Court kay Ginang Arroyo.

Pansinin po ninyo: Nang naglabas ng TRO ang Korte Suprema, may kaakibat itong mga kondisyon. Subalit hindi nagtagal, sila mismo ang umaming hindi naman pala kailangang tuparin ang mga alituntuning ito. Aba, e naglagay ka pa ng patakaran; wala ka naman palang balak na masunod ito. Lahat na ng proseso ay sinusunod natin, ngunit sa kabila nito, tayo pa daw ngayon ang naghahanap ng away. Sino ba naman ang hindi magdududa sa tunay nilang hangarin?

Hindi ito ang unang beses na gumawa ang Korte Suprema ng mga desisyong napakahirap unawain. Ayon sa article 7, section 15 ng Saligang batas, “Ang isang Pangulo ay hindi dapat gumawa ng mga paghirang sa loob ng dalawang buwan bago sumapit ang susunod na halalang pampanguluhan at hanggang sa matapos ang kanyang taning ng panunungkulan, maliban na lamang sa mga pansamantalang paghirang sa mga katungkulang ehekutibo.” Ngunit alam naman po nating pinilit ni Ginang Arroyo na magtalaga pa rin ng Chief Justice. Hinirang siya, hindi dalawang buwan bago ang halalan, kundi isang linggo matapos ang eleksiyon. Base sa batas at sa dati nilang pasya, sumangayon ang Korte Suprema na bawal magtalaga ng pwesto dalawang buwan bago sumapit ang susunod na eleksyon, maliban na lamang kung ito ay pansamantalang posisyon sa ehekutibo. Ngunit bumaliktad sila nang italaga ni Ginang Arroyo, ating kagalang-galang, na Chief Justice Renato Corona: isang pwestong hindi saklaw ng ehekutibo, kundi sa hudikatura. Ang tanong ngayon: lumabag ba ang Korte Suprema sa pagbabaliktad ng dating pag-unawa ng ating Saligang Batas?

Isang halimbawa pa po ng desisyon nilang mahirap intindihin ay tungkol sa paggawa ng mga distrito sa Kongreso: Sa Article 6, Section 5 ng Saligang Batas, kinakailangang mas higit sa dalawandaan at limampung libo ang populasyon ng bawat distrito. Ang problema: may mga hindi nakakaabot sa bilang na ito, tulad na lamang ng isang distrito sa Camarines Sur na may mahigit isandaan pitumpu’t anim na libo lamang ang populasyon. Kaya noong nasa Senado pa tayo, bilang chairman ng Committee on Local Government, kinuwestyon natin ang pagbuo ng distritong ito, subalit naibasura lamang ito ng Korte Suprema. Ang tanong ngayon: kung hindi na nakasalalay sa populasyon ang paglikha ng distrito, ano ang magiging basehan ng mga mambabatas kapag may panukalang redistricting? Ibig bang sabihin, may nakalatag tayong batayan kapag lungsod ang binubuo, pero kapag lalawigan o distrito sa lalawigan, wala na? Nakikiramay po ako sa bagong Chairman ng Senate Committee on Local Government na si Senador Bongbong Marcos: Goodluck po sa pagresolba ng problemang ito; sinubukan ko pong resolbahin noong panahon ko.

Iginagalang po natin ang pagkakapantay sa kapangyarihan ng hudikatura at ng ehekutibong sangay ng gobyerno. Wala po tayong balak na tapakan ang karapatan nila, o bastusin ang kredibilidad ng sinuman. Pero kailangan nating balikan ang mga batayang prinsipyo ng ating demokrasya. Kami pong mga nanumpa sa tungkulin ay iisa lamang ang pinagkakautangan ng loob: kayong mga Boss namin, ang sambayanang Pilipino. Narito kami para maglingkod sa ating bansa; at para may manilbihan nang buong katapatan at sigasig sa mga Pilipino.

Ngayon, kung may isang lingkod-bayan na tumatanaw ng utang ng loob, hindi sa taumbayan na siyang dapat na bukal ng aming kapangyarihan, kundi sa isang padron na isiniksik siya sa puwesto, maaasahan po kaya natin siyang intindihin ang interes ng Pilipino?

Hindi po ako nagtapos ng abugasya. Gayumpaman, lumaki tayong may malinaw na pananaw kung alin ang tama, at kung alin ang mali; kung alin ang makatao, at kung alin ang tiwali. Naninindigan pa rin akong ang katarungan ay hindi manibelang basta-basta naililiko sa kung saan nais sumadsad ng mga mahistrado. Hindi ito laruan ng mga abugado’t hukom na binabaliktad at pinapasirko ayon sa kanilang kagustuhan.

Balikan po natin ang nabanggit ko kanina: ang kapangyarihan ng Korte Suprema, ng Pangulo, at ng Kongreso ay nagmumula sa nag-iisa nilang Boss: ang taumbayan [applause]. Samakatuwid, ang interes lamang ng taumbayan ang dapat naming panigan at ipaglaban. Nanumpa akong pangangalagaan at ipagtatanggol ang konstitusyon, ipatupad ang mga batas nito, maging makatarungan sa bawat tao, at italaga ang aking sarili sa paglilingkod sa bansa. Wala akong balak na lumabag sa aking sinumpaang tungkulin. Wala akong balak na biguin ang taumbayan.

Obligasyon ko, at obligasyon nating lahat na manatiling tumahak sa iisang direksyon, sa ilalim ng nagkakaisa nating adhika: ang paglingkuran at pangalagaan ang interes ng sambayanan. Sa lahat ng nakikibalikat sa atin sa tuwid na daan, manalig kayo: Hangga’t nasa tama tayo, wala tayong laban na aatrasan. Hanggang nasa likod natin ang taumbayan, magtatagumpay tayo. Huwag natin silang bibiguin.

Magandang araw po. Maraming salamat po.

Published inBenigno Aquino IIIJustice

65 Comments

  1. baycas2 baycas2

    magandang araw po.

    maraming salamat po.

  2. Sa banat ni PNoy kay CJ Corona, halos nagkakaisa ang mga newspapers sa kanilang headlines or top stories, iba-iba nga lamang ang tirada. Mayroong matapang o nagtatapang tapangan, mayroong iwas-pusoy at mayroong matindi ang dating palibhasa’y pang-masa ang wordings katulad ng dalawang una sa aking listahan:

    Abante: Corona, harapang ‘binoldyak’ ni PNoy
    Pilipino Star Ngayon: Corona walang ‘K’ maging CJ

    ABS-CBN News: PNoy hits Supreme Court infront of Corona
    GMA News: Aquino questions impartiality of SC Chief Justice Corona
    Manila Standard Today: Aquino warned on attacks against Judiciary
    Daily Tribune: Noy attacks, insults Corona to his face
    Daily Inquirer: Aquino lambasts SC in front of CJ Corona
    Philippine Star: Noy takes jab at SC
    Manila Bulletin: P-Noy takes swipe at SC
    Manila Times: President wants war, Corona offers peace
    Malaya: Aquino-Corona: Gloves are off
    Journal: PNOY PRESSES SC ASSAULT

  3. parasabayan parasabayan

    Mukhang humahanga pa nga ang mga tao ngayon kay Corona dahil hindi daw niya pinatulan si Pnoy. Patago nga lang kung bumanak ang isang ito (si Corona). Kunyari hindi nag-rereact pero lahat ng pabot kay pandak ang ginagawa. I can understand the frustration of Pnoy. Gusto niyang maglinis ng bakuran kaso mo ang SC naman gustong magkalat ng magkalat.

    Mabigat itong mga tirada ni Pnoy but at least hindi siya “plastic”! Nawala nga lang ang sinasabing “professionalism” dahil harap harapang binanatan niya si Corona.

    Ano na naman kaya ang gagawin ni Corona from here on? The SC will declare the joint DOJ/Comelec case unconstitutional para makawala na ang padrino niyang si pandak? Kahit na sabihing hindi pinatulan ni Corona si Pnoy, one can see Corona’s reaction! Napahiya siya ng todo todo!

  4. olan olan

    Pnoy is right to say what he said about our justices and justice system as a whole. I have the same opinion and/or sentiment. it’s long overdue for them to hear from somebody elected by the people. If I can tell pnoy, exactly what he said is what many feels for hi8m to say. In my opinion, the judiaciary as a whole most of the time are the ones breaking and misinterpreting the law, nawala na ang prinsipyo. naging partisan o pera ang batayan at hindi ang tungkol sa batas, Idenedelay at kapag malamig na tsaka binabaligtad, considering all of them are appointed! the appointment of justice corona is even questionable…di pala against the law!!!

  5. chi chi

    Ha! Ayos na ayos sa akin ang ginawa ni Pnoy, democracy at work!

    Hayagan kung trabahuhin ni Corona ang pagligtas kay Gloria sa mga asunto nito, tama lang na magsalita si Pnoy sa hindi nya gustong ginagawa ng Supreme Court ni Pidal!

    Totoo naman ang sinabi ni Noynoy na mas mataas sa Supreme Court ang boses ng mamamayan, ano ang reklamo ni Corona?

    Apir kuya Noy!

  6. chi chi

    May mga humahanga kay Corona dahil tahimik daw ito, hindi pinatulan si Pnoy. Paano papatulan e nagsabi lang ng totoo si Pnoy!

    Si Corona kahanga-hanga? What planet did they come from?

  7. chijap chijap

    Did Aquino really expected Corona to have delikadeza?

    Corona volunteered to be SC CJ when others nominated said they would accept the nominated they would like to be appointed only after the election.

    One thing i learned from GMA’s clique, hiya is not in the vocabulary.

    ===

    Twitter – Marquez on criticisms vs Corona: Let’s review the opinion, the decisions of the Chief Justice and let’s judge him for these.

    Funny, Corona’s decision has lean towards a pro-GMA stance. Raissa Robles pointed out a good scenario. Let’s see if Corona would be impartial when the issue about GMA’s MacBookAir/Pro and iPhone comes up.

    Of course, they can always say noon mahina yung lawyer, today magaling yung lawyer. 🙂

  8. janc janc

    We should help/support our president fight the corrupt system of our government.

    Some/most use the “Rule of Law” to get away from their corruption. Billions/Millions were being stole in broad daylight.

    I just want to see those measures implemented on the lower level too.

  9. vonjovi2 vonjovi2

    Okey lng ang ginawa ni Pnoy kahit papaano ay may nasabi siyang totoo. Kapal nman talada ni Corona dahil ang pag appoint sa kanya ay di tama at sila ang unang bumabaluktot ng batas natin. Kung ang sabi ng iba ay Abnoy si Pnoy ay dapat rin tawagin si Corona na kapalmuks. Ang naawa kay Corona ay mas Abnoy kay Pnoy.

  10. Phil Cruz Phil Cruz

    The only language that those Glorious Supreme Court justices understand is plain in-your-face talk. And this seems to be the intention of Aquino.

    His tone wasn’t rough and discourteous. His language too was not.

    But the fact that he said it in the presence of those he was criticizing, especially Corona, was I think very honest and courageous.

    It had to be done. He was the only one who had the stature and position to do it. And it needed to be done now, not later. Now. Because there are still a series of SC decisions to be made regarding the cases against Gloria. He is taking the cudgels for the people. He is counter checking the SC. He is doing his job.

    Who said he was a weakling and a wimp?

    The guy has more balls than Topacio, Lambino, Lagman, Suarez, Magsaysay and Horn combined.

    He has his weaknesses but you gotta give the guy credit for his ferocity to stop corruption and punish the plunderers.

  11. olan olan

    Pnoy is really taking the cudgels for the people when it comes to HUSTISYA! This is what i thought most Pinoys wanted. This is what we cry for all those years in my view and i don’t see that they are doing their job na naaayon sa tama na dikta ng batas. We will not advance as a nation when we let these few play with our laws, considering that they are justices. I mean if us ordinary citizens violate the law we got punish..yung iba mas masaklap pa kahit trump up charges..napaparusahan lalo na nung panahon ni pandak. I am for impeachment of those unethical justices!!!

  12. Mike Mike

    Ano kaya kung pagdadamputin nalang ang mga SC justices at ilagay sa kalaboso. Pati na rin lahat…media, bloggers etc.. na di sumasangayon kay PNoy. Dapat lahat ng sasabihin ng hari este pangulo walang dapat kokontra kundi ikukulong. 😛

  13. Mike Mike

    Mas maganda kung si PNoy na rin ang Chief Justice para gumanda ang buhay ng mga Pilipino. Ayos yan. Hehehe

  14. chijap chijap

    Horn on Aquino’s jabs at SC, Corona: Ako ay may mga anak. Sana yung nakikita nila ay yung hindi nagbabastusan harap-harapan.

    Its really obvious with GMA coming to the rescue of Corona.

    Horn really is well worth GMA’s pay as Chief of Staff. Very very hard working. Better than a rottweiller.

  15. Mike Mike

    #10

    ” I am for impeachment of those unethical justices” – olan

    I agree! That’s the right way of doing, abiding by what is legal and just. The only way to remove sums from SC is to impeach them.

  16. chijap chijap

    #9 “It had to be done.”

    Well said.

  17. Mike Mike

    Kris na Kris ang dating! Ang taray! Hihihi 😛

  18. “Right is right. Wrong is wrong. In the Supreme Court, under my watch, right will always find a sanctuary and wrong will never find refuge.” SC Chief Justice Renato Corona

  19. Tilamsik Tilamsik

    Nagtirahan ang mga damocles.

    Tinira mo ang kanyang amo, tinira niya ang iyong hacienda kaya tinira mo siya ngayon. Hala nagtirahan ang parehong uri habang ang masa ay nagugutom at patuloy na magugutom.

    Tuloy ang tirahan ng mga damocles.

  20. Maganda ang ginawa ni Pnoy. Nagsalita laban kay Chief Justice Renato Corona. Pero ang sinabi niya ay hindi tatalab. Walang epekto kasi si Chief Justice Renato Corona ay makapal ang mukha. Kumbaga ay mayroon bullet proof na kapag binaril ay hindi tatablan. Ang mabuting gawin ay pagsabihan ang mga kaalyadong congressman na maghain na ng impeachment laban sa kanya para ma impeach.

  21. Ang nangyayari ngayon ay tirahan na lang ng tirahan. Labasan ng baho habang wala pa rin pag unlad ang bansa at ang mga pilipino ay marami pa rin ang naghihirap. Hindi matugunan ang pangangailangan. Isang hindi maganda ay ang kampanya laban sa jueting o illegal na pa bookies. Hindi naman nanghihingi ng pera ang isang tao na tumataya bakit pa gustong itigil ang sugal. Masama kung nagnanakaw ng pera para pangtaya sa jueting o illegal na bookies. Pero hindi eh. Samantala ang nasa gobyerno kung magnakaw ay milyon milyon.

  22. Kapag natapos na ang termino ni Pnoy at ang naging pangulo ay kaalyado ni GMA ay tiyak babalikan siya. Ipakukulong din dahil sa ginawa ng kanyang administrasyon laban kay GMA. Kung ganun ay walang mangyayaring maganda sa Pilipinas. Naging epektibo ba ang buko juice. Ano na ang balita sa buko juice.

  23. ocayvalle ocayvalle

    hindi po ang korte suprema ang binabanatan mi pnoy, ang mga mahistrado na itinalaga ni GMA ang mga tiwali, ang mga mahistradong ito sa pangunguna ni corona, ay nagtatago sa mantel ng korte suprema.. sana po mam ellen, ma isulat ninyo ng maganda ang adhikain ni pnoy.. sina corona po at ang mga ibang mahistrado na itinalaga ni GMA ang talagang binabantayan ng mamamayang pilipin..!!

  24. Get GMA to answer for her sins, but do it properly. Your DOJ Secretary is taking her own sweet time filing a case, what’s the matter, it has been one and a half years but no case yet well except for that electoral sabotage case which look half-baked it might just be junked again. Simple lang naman, i-file ang kaso sabay HDO, tapos. When will your DOJ secretary do that?

    And please, Mr President, tone down on your self-righteous indignation, will you? It rings hollow. After all, you dobelong to a feudal family which grabbed more than its fair share of the national wealth in questionable ways, the size of which make GMAs and other’s own loot a pittance, and also utilized and manipulated the rotten system too to keep it.

  25. Phil Cruz Phil Cruz

    The in-your-face speech of Aquino is a well-thought out deliberate move I’m sure. This is just the opening bell.

    The succeeding rounds bear watching. The desired end game is clear. A careless slip could turn the tables around. The way I see it, the public is going to again be engaged in this battle in a big way in various ways.

  26. saxnviolins saxnviolins

    Agree with Mike. Palaaway ang tono. Hindi kahanga-hanga or kagalang-galang. Parang two-bit notario.

    Sino bang damuho ang speech writer? Abigail Valte? Mai Mislang? Quiet mild-mannered indignation is more effective than Kris style taray.

    Remember this line?

    At the third UN General Assembly, held in Paris in 1948, the USSR’s deputy foreign minister, Andrei Vishinsky, sneered at Rómulo and challenged his credentials: “You are just a little man from a little country.” “It is the duty of the little Davids of this world,” cried Rómulo, “to fling the pebbles of truth in the eyes of the blustering Goliaths and force them to behave!”

    Had Romulo replied with: “Shut up you Russky wannabe Pollack” (Vishinsky was actually born to Polish Catholic parents.) it would have been all heat and no effectivity.

    Humor also would have worked. I remember the late Perfecto Fernandez (Constitutional law expert – the rival of Justice V.V. Mendoza) flaying Turing Tolentino after Tolentino’s defense of Amendment No. 6 in a talk in UP. Stinging criticism was made, while making the students (me included) roll over with laughter. The style was similar to the late Louie Beltran’s, or that of Joe Guevarra.

    Humor with pointed criticism was also the style of the late father. Noy should dig up old radio talks of Ninoy where he was lambasting Macoy but also entertaining people. I was eleven turning twelve when I first heard Ninoy. Damn that guy could talk. At hindi palaaway mind you; just plain deadpan facts about Macoy, and the stinging punch line.

    Kung hindi baduy, palaaway ang mga speech. Ang DOJ, slow-mo; ang mga spokespeople, saliwa ang sinasabi. Ang galing namang humanap ng incompetent ni Noy. Parang perde gana ang presidency na ito.

  27. The desired end game is clear…

    Phil Cruz, I am not sure about your desired end-game but I would think you are wishing that all of them eight justices resign in shame so that PNoy can fill them eight positions with his choices. Then he will have a cooperative Supreme Court all of them beholden to him then, to give imprimatur to his bold, sweeping reforms and rid our society of all the corrupt and the greedy.

    Do you think PNoy is Plato’s idea of the Philosopher-King? Then, that would be good for you.

    Unfortunately, some like me think he’s a mentally imbalanced spoiled rich brat who’s just beginning to feel the power of his office, and boy it’s goddamn good! No, he’s not ranting about injustices in our society. He’s hurting because of Hacienda Luisita.

  28. saxnviolins saxnviolins

    Yung pinaparatang kay Goyang, ginagawa din ngayon – redefining poverty to improve the stats.

    newsinfo.inquirer.net/105955/lawmakers-score-poverty-dip-via-%E2%80%98statistical-magic%E2%80%99 [ilagay ito “http://” sa harap)

    Bawas ang nabibilang na gutom, pero hindi bawas ang nagugutom. Parang ostrich ang dating. Ilubog mo ang ulo mo sa buhangin, para hindi mo makita ang panganib. Of course, hindi mawawala ang panganib.

    Sa halip na put the little girl to sleep. Better yet, wake up the little boy.

    Noy tanghali na. What about the economy? Yang kay Corona, bayaan mo na. Anyway, nakakulong na si Goyang. Para kang naglalaro ng Super Mario. Ulit-ulit.

    Move on to something else that needs presidential attention. Kaya ka nga may DOJ.

  29. henry90 henry90

    Noy said what he said because he knew something about Corona’s posse and their pledge to GMA that we all don’t know about. Can’t use it though because it came from an illegal source. He can’t have them impeached or killed either. My classmate at ISAFP told me. 😛

  30. Tedanz Tedanz

    Yong pag-uwi na lang ni Corona ng maaga na imbes manood ng laban ni Pacquiao para lang ayusin ang problema ni Glorya …. di pa ba sapat na katibayan na pinapaboran niya ito at hindi ang ineteres ng taongbayan?
    Palagay ko tapat ang hangarin ni Pnoy sa kanyang tungkulin bilang hinalal ninyong Pangulo kanya’t tulungan niyo para naman umangat ng inyong Bansa sa kanyang kinasasadlakang putik na kagagawan ng mga tangnang mga Arroyo at ang kanyang mga goons. Kahit si Gng. Suarez na aso ni Glorya ay bilib kay Pnoy …. kayo pa kaya????
    Tanong ko lang sa inyo na tumutuligsa sa ginawa ni Pnoy dito sa CJ ni Glorya ….. papano kung sangayunan lahat ng SC ang mga hinaing nila Glorya ano ngayon ang sasabihin niyo????? Puweeee minsan minsan mag-isip din kayo …. di ba Pareng Henry?

  31. Well,the perfect endgame would be a cleansing of our institutions, starting with getting rid of the illegitimate appointees of an illegitimate president. Never mind the few who have delusions of superior intelligence who really believe they can diagnose mental imbalance via anonymous blogging deluding themselves that anyone actually listens to them.
    Hey you can’t make an omelet without cracking a few eggs.
    I’m worried about the economy though, 3.1% is not a good number especially when you’re presenting statistics to foreign investors but what the heck even Singapore is not bullish about their economy.
    Its strange, we read this hunger this hunger that in the papers, on tv, in this blog, but you can’t find parking in the malls on the weekends, take a look at the bars at night – their full, from Quezon Ave to Roxas boulevard, to the beer gardens. At times you’d think the hunger issue is just in the papers?
    Gloria Arroyo and her ilk represent what is monumentally wrong in the country – greed. These are the people who obsess for excess, and in a society like ours, some people must go hungry, some people must die, so that these people can have excess.

  32. pranning pranning

    06 Dec 2011

    What ever happened in the summit already happened, anyone of us cannot change it anymore. What Pnoy did maybe right in the eyes of many Filipinos and allies, especially to those who are seeking justice. On the other hand, to those who are still loyal to gloria, what Pnoy did is unethical unbecoming a president and uncalled for.

    However, the problem here is either your pro or anti gloria.

    People are questioning CJ corona’s “midnight” appointment, I’m not a lawyer, I guess, it is safe to leave that issue to the law luminaries and politicians to decide.

    The point being raised is the “midnight” appointment of corona. What I’m trying to say is, as long as members of the Supreme Court is/are appointed by the President will not end. Anybody who is/are intelligent enough to understand, if you are appointed by the President, he/she will be have gratitude with the appointing authority.

    That is why, it is better that the members of the Supreme Court be chosen by all the Magistrates among themselves in the country, so the truly chosen Chief Justice will not be beholden on the President and is shielded from controversies. That my friends we can truly say that the Justices of the Supreme Court will not be obligated to the President and can truly function as an Independent Constitutional body.

    The issue on gloria is the real cause of the rift between Pnoy and corona and is becoming a zarzuela pitting the anti and the pro gloria.

    Before anyone of us really sees and realize it, other people or group will use the animosity between the executive and the judiciary to their advantage. Everything that the government do, issuing AO’s DO’s and even passing laws will be questioned in the SC to disrupt the government’s operations… and before we know it…..BANG….. constitutional crisis.

    prans

  33. I really wonder what it would be like if the Philippines achieves 14% GDP? Will there be no more hungry people? or will the rich just gets richer and still we have hungry people?
    We have businessmen complaining not really because of the economy but because their profits just took a beating, not really losing just not making enough (or whatever is enough for them)? The thing is, whether the economy is up or down, the poor people never really feel it. The likes of Henry Sy will never regularize the bulk of their mall workforce, most workers will never get a decent salary, much less a raise. Hell, even during Arroyo’s heyday with 8% or so GDP, the poor hungry people were still hungry.

  34. What I still can’t understand is why it was so easy booting out and imprisoning an overwhelmingly legit president like Erap but its almost frustrating to see how we should treat this congresswoman with kid gloves?

  35. saxnviolins saxnviolins

    One of the issues is the redistricting that favored Dato Arroyo. Bakit daw constitutional?

    Simple lang ang solution. Repeal the law. That pulls the rug from under Dato. Wala kang distrito, wala kang opisina. Goodbye Congressman Dato.

    Now that cannot be questioned at the Supreme Court, because the decision to repeal a law or not is the absolute prerogative of Congress.

    Puro ngawa. Get to work. Change what can be changed, yung hindi kaya, live with it.

    Wala sanang problema sa TRO kundi slow-mo ang DOJ mo. Nandiyan pa ba ang Raul Gon mafia? Get cracking. Ilan na ang executed na Pinoy sa China? Yung mga boss dito, konting suhol lang, laya na.

  36. Suggestion lang. Its the season for sharing anyway, why not contact the most convenient charity and give a little? Buy a couple of boxes of sardines, noodles, crackers, etc, and just drive to the nearest eyesores ie “hungry people” and just give? Why cajole the government or the president to do something about the hungry when we can do it it ourselves? The president can’t appropriate money without too much paperwork – we don’t need paperwork. Lets just share what we can, maybe with enough people sharing, giving, a little, we might lessen the hungry people?

  37. chi chi

    Sabi ni Tedanz, “Yong pag-uwi na lang ni Corona ng maaga na imbes manood ng laban ni Pacquiao para lang ayusin ang problema ni Glorya …. di pa ba sapat na katibayan na pinapaboran niya ito at hindi ang ineteres ng taongbayan?”

    Anofangava?! Kaya let us leave Corona in his ‘silence’ mode sana lang forever na. Pero may niuluto lang yan para patakasin ang kanyang patrona putot.

  38. Tedanz Tedanz

    chi,
    Ang pananahimik nitong si Corona ay walang pinag-iba sa pananahimik din ni Glorya …… na para silang kinakawawa …. style nila talaga yan para makakuha sila ng simpatya …. na nakikita mo na kahit dito sa ellenville ay medyo may mga ilan ng nakikipag-simpatiya sa kanila. Epektib di ba?
    Elib na ako dito kay Pnot …. ipinakulong niya yong nagpakulong sa idol ko 🙂 🙂 🙂 Ayos na sa akin yon ….. banat pa Pnoy!!!!! Malapit na …. konti na lang magiging idol na kita.

  39. I really wonder what it would be like if the Philippines achieves 14% GDP?

    The formula for GDP is really a simple equation: GDP=C+I+GS+(x-M) where C is consumption, I is private investment, GS is government spending, x is export and M is import. I do not think this is a new one to you but if you take sometime to review this you might see some revelations. For instance, what happens to the 20%-50% that is stolen by corrupt people from government projects that should be reflected on GS? Some goes to C, some to I, some to X, some is lost to Swiss banks. Interesting isn’t it?

    What if we borrowed big time from foreign banks and invested it all on big government projects, that would swell GS, right? and so with GDP? Pero utang yun na dapat bayaran. Ngayon tanungin mo, saan ka ba dapat magbuildup para sustainable ang GDP growth?

  40. perl perl

    Hinirang siya, hindi dalawang buwan bago ang halalan, kundi isang linggo matapos ang eleksiyon. Base sa batas at sa dati nilang pasya, sumangayon ang Korte Suprema na bawal magtalaga ng pwesto dalawang buwan bago sumapit ang susunod na eleksyon, maliban na lamang kung ito ay pansamantalang posisyon sa ehekutibo. Ngunit bumaliktad sila nang italaga ni Ginang Arroyo, ating kagalang-galang, na Chief Justice Renato Corona: isang pwestong hindi saklaw ng ehekutibo, kundi sa hudikatura. Ang tanong ngayon: lumabag ba ang Korte Suprema sa pagbabaliktad ng dating pag-unawa ng ating Saligang Batas?

    Malinaw pa sa sikat ng araw. It’s a go signal from the president to impeach Corona. Pinagbigyan na sila ni PNoy pero tahasan pa din silang naglabas ng desisyon na hindi patas at halatang halata na pinapaburan si Gloria. Impeach na yan si Corona! Go go go, Mr President!

  41. vic vic

    Jug @ 38 Many of us here fore-go exchanging gifts among ourselves and instead spend them on non-perishable food and drop them on collection boxes located on Grocery Stores, Firehalls, Workplaces and many more public places for the FoodBanks…these food will fill the Gap for the low income and Social Assistance recipient between their pay cheques and government allowances…and also the money is appreciated for the Children warm clothing during the winter…especially now the economy is still on the recovery mode…Merry Christmas to all, and to some a Joyous Holiday…

  42. saxnviolins saxnviolins

    Hind pa ba binibitawan yang usapin tungkol sa Truth Commission?

    Ang isa sa mga layunin niyan ay nagampanan na ng COMELEC sa pagsampa ng demanda laban kay Goyang. Yung iba, helicopter, ginagawa na ng Ombudsman. Kung may iba pa, sakop din ng kapangyarihan ng Ombudsman. Sa katunayan, maaaring mag-imbestiga ang Ombudsman kahit walang reklamo (Article XI, Section 13 (1).

    Kung slow-mo ang DOJ, bibilis ba kung si Davide ang tratrabaho? Di ba’t yan ang nagluklok kay Goyang, along with Panganiban, at dipa-basa-basa pa ng Biblia? Baka ang dismissal ang dumali diyan. O baka naman lalong maging mabagal ang trabaho hanggang matapos ang termino ni Noy.

    Dagdag gastos lang yan, wala namang pakinabang.

    To paraphrase Ted Failon, Noy gising.

  43. chi chi

    Tedanz, ang ginawa ni Pnoy ay nangangahulugan na may check and balance pa sa pagitan ng Executive at Judicial hindi tulad nung panahon ni Putot na sabwatan sila.

    Aware or unaware, pinalakas ni Pnoy ang ‘healthy’ relationship ng dalawang departments, basta wala lang mapikon sa kanila.

    Ang function ng Judicial ay interpretasyon ng batas kung ito ay kaduda-duda at hindi para mag-take side. Ganyan ang ginagawa ngayon ng Supreme Court ni Goyang kaya dapat lang na magsa-boses si Pnoy ng saloobin ng majority ng tao na siyang nagboto sa kanya sa poder. Bakit ps sya ibinoto kung tatameme lang sya habang iniisahan ni Corona ang tao at bayan?!

    Bastos o hindi ang pagka-deliver ni Pnoy ng mensahe, tumpak lang na sinabi nya ito sa tamang panahon kasi kung huli na ay maiisahan ule ni Goyang ang pinoy.

  44. chi chi

    #40. Elib na ako dito kay Pnot …. ipinakulong niya yong nagpakulong sa idol ko 🙂 🙂 🙂 Ayos na sa akin yon ….. banat pa Pnoy!!!!! Malapit na …. konti na lang magiging idol na kita.

    Hahahahaha! Babaw ng kaligayahan mo, fren! 🙂 🙂 🙂

  45. vonjovi2 vonjovi2

    Ang the best dito ay para di tumanaw ng utang ng loob ang mga damuhong SC ay ilipat sa taong bayan ang boto. Di ang presidente ang pipili ng ilalagay nila sa SC. Kailangan ay iboto rin ng mga pang karaniwang tao gaya natin at para maiwasan ang utang ng loob sa taong nag lagay sa kanila.

    Bakit di na lang gawin ng mga TONGRESS at SERADOR ay mag hain ng bagong law na ang pag pili ng ng tao sa SC ay gagawin rin national vote.

    Di maka porma si CORONA dahil tiyak na nabigyan rin iyang ng pera galing sa nakaw kaya di maka angal sa among pandak.

    Okey lang na maging bastos ang isang presidente kung ang kanyang pinag lalaban ay sa tamang paraan. Talbog lang sa mga SC ang pag ka bastos sa kanila dahil sila rin ay puro BASTOS.

    Ano ba iyan.. BASTOS , ay BASTOS

  46. Mike Mike

    #47

    “Ang the best dito ay para di tumanaw ng utang ng loob ang mga damuhong SC ay ilipat sa taong bayan ang boto.” – vonjovi2

    Agree! SC justices should not be picked by the president alone. In the US, I think the president picks his choice for Chief Justice but the senate will decide by voting.

  47. Mike Mike

    If we go by the argument that Corona should inhibit or better yet resign since he is appointed by Gloria. And that majority of his decisions were in fact favorable to Gloria, does it follow too that the 3 justices appointed by PNoy inhibit themselves too since majority of their decisions are favorable to PNoy? Just asking.

    I say, impeach Corona if we think he is not worthy to be a justice of the SC and committed wrong doings as Chief Justice. The president has the numbers in congress that he can rely on… to gather enough votes to oust Corona.

  48. Mike Mike

    Tama na ang ngakngak, ipa impeach na si Corona.

  49. chi chi

    Mabuti ang pinaplantsa ni Pnoy ang daan sa pag-impeach kay Corona giving Congress a go signal. This time, with Pnoy’s very high approval ratisng, who would dare do antics they did to Erap?

  50. chi chi

    Kahit ang CBCP, kapon na ngayon. They better not mediate, stay on the sideline muna sila at exciting ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Exective at Judiciary.

    I am waiting for Corona to make his own banat to Pnoy! O baka naman kaya nananahimik sya ay dahil ayaw nyang mahalungkat lalo ang baho ng kanilang pinagsasamahan ni Gloria!

  51. chi chi

    Bukod sa taas ng approval at trust ratings ni Pnoy, wala ngayon na mangangahas na gumawa ng pang-aagaw ng panguluhan ganun sa ginawa ni Gloria kay Erap. Si Gloria lang ang natatanging walang kasingsama at greedy for power na makikipagkutsaba sa Supreme Court para agawan ng power ang pangulo.

  52. Do you people expect that Corona and his company should now junk GMA to please PNoy? hahahaha! Would you be so pleased then because they would be more honorable? No, we have a name for people of that kind and it is not nice.

    You have to force their hand to rule in your favor. You do that by building up your case with overwhelmingly convincing evidence and logic that ruling against your case will make them think it will cast them in truly bad light as ignoramuses. You don’t do that by presenting a half-cooked case and pleading that oh please rule in my favor because we are on the right and the people would be mad if you don’t.

    Somebody please try enumerating some of Corona’s rulings that are totally, I mean, like totally indefensible, that lawyers would be rolling on the floor laughing their asses out for their utter senselessness.

    The last time the SC ruled in such a manner was when it ruled that Erap has constructively resigned. That was one big big blot but only one lawyer deigned fight it out and got suspended indefinitely.

    Joker is suggesting a way out: declare a revolutionary government or impeach the justices you don’t like

  53. You have to force their hand to rule in your favor. You do that by building up your case with overwhelmingly convincing evidence and logic that ruling against your case will make them think it will cast them in truly bad light as ignoramuses. You don’t do that by presenting a half-cooked case and pleading that oh please rule in my favor because we are on the right and the people would be mad if you don’t.
    – ricelander
    ——————————–

    Good point. That should be their next move. Aquino took a big gamble with that latest salvo, if the people took it the other way it would have been disastrous but it actually endeared him more to the masa. Now its his legal team/political strategists/movers/shakers move, get the numbers and push these jokers off the precipice.

  54. Phil Cruz Phil Cruz

    There is a multi-pronged strategy being played out here by the Executive branch. One is legal. The other is political. Each has its own separate targeted impact.

    Aquino’s camp is not exactly bereft of brains. It is also not bereft of balls.

  55. Phil Cruz Phil Cruz

    One does not fight the Gloria mobsters in the purely legal front. That is being naive. That is being a babes in the woods.

  56. Manachito Manachito

    Masaya na makabasa ng mga haka-haka dito na hindi gaanong laban sa sinabi ng pangulong Aquino tungkol kay punong hukom Corona. Ang dami din matatalinong Pilipino dito na nagbibigay ng kanilang mga kuro-kuro at paniniwala. Sana lahat ito ay makatulong sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Dati ay nagbabasa ako ng Tribune noong ang pahayagang iyon ay nakakaintindi sa damdamin ng mga mamayang Pilipino. Ngayon ay hindi ko na malaman kung ang pahayagang Tribune ay nalalaan lamang tungkol sa pagsalungat ng pamahalaang Aquino. Salamat at mayroong pang pahayagan Malaya at salamat din at mayroong Ellen Tordesillas na lahat ay maaring magbigay ng paniniwala at kuro-kuro ang bawat isa.

  57. jawo jawo

    No truth to the rumor that KRIS is Pnoy’s speechwriter. 🙂

  58. MPRivera MPRivera

    tedanz,

    kulong ba talaga si goyang o pinagbabakasyon lang? ang alam ko kasi na kinulong ay ‘yung walang karapatang gumamit o magkaroon ng mga bagay na hindi dapat ginagamit ng sino mang preso.

    isa pa, malapit na din akong bumilib na ginagawa din lamang tayong engot ng administrasyong ito!

    parang pinagkasunduan at pinag-usapan na nila lahat, eh!

  59. olan olan

    Pandak said she was prejudged! hahh??? Who can forget when you openly bribed almost everyone in congress so that you don’t get impeached…kahit mga kaso ng ilang congressman at kaanak nito nilaglag mo pabor sa kanila sa tulong ng mga mahistrado…bukod sa pera ng bayan na pinamigay mo na parang sayo…prejudged? yeah right!

Leave a Reply