Skip to content

Bakit hindi pa nasampahan ng kaso si Abalos?

Untouchable?
Bakit ba hanggang ngayon ay hindi pa na-isampa ang kasong electoral sabotage laban kay dating Commission on Election chairman Benjamin Abalos na inirekomenda ng joint panel ng Department of Justice at Comelec?

Ito rin ang tanong ni Sen.Senator Aquilino “Koko” Pimentel III noong Biyernes.

From Inquirer:
Comelec Chair Sixto Brillantes Jr. said the case against Abalos and other co-respondents of Arroyo would be filed next week, after Comelec lawyers are able to untangle some “procedural problems.”

“There is some sort of complication, but it is just procedural. But we are definitely filing against Abalos,” he said.
Noong Nob. 18, yung araw ng Biyernes na minadali ng pamahalaang Aquino ang kaso na electoral sabotage kay Gloria Arroyo, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, na kasama si Abalos at si Capt. Peter Reyes , isang intelleigence agent sa Armed Forces of the Philippines,ngunit sa Lunes na isasampa ang kaso laban sa kanya.

Di ba tumakbo si Abalos sa Comelec at nagreklamo bakit daw siya kasama doon pagkatapos pumunta sa ospital. Pero lumabas rin kaagad.

Magta-tatlong linggo na hindi pa rin naisampa ang kaso kay Abalos. Ano ba ang nangyayari?

Sabi ni Pimentel: “Kailangan ipaliwanag ng Comelec kung bakit si Abalos ay hindi pa nakasuhan kahit na marami sa testigo ang nagsabi na siya ang mastermind ng dagdag-bawas noong 2007 eleksyun.”

Nanawagan si Pimentel kay Comelec Chairman Sixto Brillantes na asikasuhin ang pagsampa ng kaso kay Abalos dahil isa siya sa suspected na malaking isda sa dayaan noong 2007 na eleksyun.

“Kahit magdeny ng ilang beses si Abalos na wala siyang kinalaman sa dayaan noong 2007 na eleksyun ngunit hindi pwedeng bale-walain ang testimonya ng witnesses na siya ang nagpalakad ng cheating operations,” dagdag ni Pimentel.

Maala-ala natin na biktima si Pimentel ng dayaan noong 2007 eleksyun. Nalaglag siya sa pang-12 na posisyun sa pagka-senador at si Juan Miguel Zubiri ang nai-proklama. Umabot ng apat na taon ang protesta ni Pimentel at nag-resign lang si Zubiri nag maglabasan ang mga testimonya nina Lintang Bedol, Norie Unas at iba pa kung paano sila nandaya para sa mga senador ni Gloria Arroyo.

Sabi ni Pimentel tigilan na ng Comelec ang pagprotekta ang “kanilang sarili” kung hindi walang pagbabago ang mangyari sa ahensya.

Natakot ba angmarami sa mga taga-Comelec na kapag sinampahan ni Abalos, pati sila maari ring sumabit?
Ang problema pa nito, kakabit ang kaso ni Abalos sa kaso ni Arroyo.

Itong kasong electoral sabotage sa 2007 na eleksyun na siyang ginamit para magkaroon ng warrant of arrest si Arroyo at hindi maka-alis sa bansa ay nakabase sa testimonya ni Norie Unas, administrator ni dating Maguindanao Andal Ampatuan Sr, na narinig niyang sinabi ni Arroyo sa matandang Ampatuan sa isang salu-salu sa Malacañang ilang araw bago Mayo 14, 2007, na kailangan manalo lahat na kandidato para senador ng Team Unity, 12-0.

Sabi ni Unas, dahil sa kagustuhan na yan ni Arroyo, sinabihan ni Ampatuan si Bedol,dating Comelec Maguindanao provincial supervisor, na gagawin ang lahat kahit mandaya para magiging 12-0 ang score para sa Team Unity. Ginawa nga ni Bedol. At siyempre hindi naman maisagawa ni Bedol ang pandaraya para sa national election na walang kasabwat sa national office.

Maliban sa Maguindanao, sabit din si Abalos sa dayaan sa North at South Cotabato ayun sa imbestigasyun ng joint DOJ-Comelec panel.

Hindi pa natin dito pinag-usapan ang 2004 eleksyun ang garapalang pandaraya ni Gloria Arroyo na hanggang ngayon sabi ni Abalos ay hindi raw nangyari.

Published inAbanteElection 2007

17 Comments

  1. Fr Inquirer:http://newsinfo.inquirer.net/104605/comelec-asked-what-about-abalos

    Comelec Chair Sixto Brillantes Jr. said the case against Abalos and other co-respondents of Arroyo would be filed next week, after Comelec lawyers are able to untangle some “procedural problems.”

    “There is some sort of complication, but it is just procedural. But we are definitely filing against Abalos,” he said.

    The complication involves two witnesses—former South Cotabato provincial election supervisor Lilian Suan-Radam and North Cotabato provincial election supervisor Yogie Martirazar—who have implicated Abalos but were themselves allegedly involved in the cheating operations.

    In fact, a case of electoral sabotage was filed against Radam by the Comelec last February but she was never arraigned because she disappeared.

    Brillantes said the Department of Justice wants the two “exonerated,” and Radam and Martirazar have applied to become state witnesses.

    “We have to make certain amendments because his (Abalos’) participation is related to Radam and Martirazar. The DOJ wanted them (Radam and Martirazar) exonerated—that’s the conflict we’re trying to settle,” he explained.

    According to Brillantes, the Comelec would have to decide whether to just amend the case against Radam to incorporate the charges against Abalos and the others, or withdraw the case first and then file a new one to include Abalos and the others.

    “This will require some documentation and some arguments for motions to be filed in court,” he said.

  2. Amparo Socorro Amparo Socorro

    Baka kailangan pa ng mas maraming testigo para makasuhan si Abalos?

    Wala bang bayaning testigo galing sa Namfrel, media organizations, simbahang Katoliko?

  3. hilman hilman

    ito na ang pagkakakataon ni abalos upang isiwalat ang kanyang nalalaman,upang makuha nya ang simpatiya nang masa …pag hindi sya nagsalita baka makasama sya sa hawla ni LOLONG …

  4. May sinasandalan yata na pader na matibay talaga si Abalos kaya hindi man lang masampahan. Napakasinungaling pa ng tao na iyan. Kung imbitahan man sa hearing wala rin mapapala kasi todo deny.

  5. hilman hilman

    sa aking palagay siya na mismo ang pader na dapat gibain ….

  6. Dan D. Amante Dan D. Amante

    madiliin na yang si Abalos. Shoot sa electoral sabotage at plunder.

  7. Galing kay Raul Reyes:

    Tama, bakit wala pang kaso si Abalos?

    Pumasok si Koko Pangilinan dahil nag-quit si Zubiri. Bakit si Zubiri lang ang nag-quit sa listahan ng mga senador ni Arroyo? Siya lang ba ang nandaya?Bakit hindi imbestigahan ang mga nakaupong senador na nasa Arroyo’s party? Kung 12-0 ang ikinampanya ng matakaw na Miguel Arroyo, nandaya din ang lahat na nakalista sa partido nila. Tama ba?

    Malaki ang iuunlad ng bayan kung ang mga nakaupo ay may nalalaman sa pagpatakbo ng gobyerno. Kung ang mga artista lamang na ang mga utak ay nasa puwit ang sasahod sa malaking pabuya ng bayan na wala namang nagagawa, showbiz nga ang lalabasan ng Senado.

    Malaki ang paniwala ko na ang Pilipinong publiko ay hindi mga mangmang at bulag para hindi nila makita kung paano aasenso at sino ang nararapat na magpatakbo ng gobyerno. Marunong silang magbasa ng dyaryo at nakakapanood sila ng TV. Alam nila kung sino ang “fake” at “plastic,” na may magandang maibabahagi sa ating mga batas. Pero gapos ang kanilang kamay at may tape ang kanilang mga bibig para bigkasin ang kanilang saloobin lalo na pag malakas at malaking tao, although BOBO, ang kanilang sasalungatin. Ganyan din ang ating mga militar na napapasunod ng kanilang mga corrupt na lider.

    Malaking hakbang ang hinaharap ni Pnoy. Ipinakikita niya na pantay-pantay tayo sa mata ng batas. Walang malakas, malaki, mayaman, matalino at pogi kung ikaw ay nagkasala. Ang magandang halimbawang ito ay magiging “empowerment” sa mga kababayan natin. Sama ako riyan.

    Sa maga taong katulad ni Edcel Lagman, mga abogado ni Arroyo, mga manunulat na anti-Pnoy, na ang laman ng mga ulo ay coconut juice and meat (kwarta), I wish I have the power to just “delete” them and be gone. Tigilan na ninyo ang makasariling pangungurakot at intindihin ang ikabubuti ng buong bayan – Luzon, Visayas at Mindanao.

  8. Bob Bob

    Siguro ay dalawang bagay kung kayat di pa nakakasuhan si Abalos:
    1.) May mga sasabit na com.comm.na katulad ni Sarmiento at iba pa.. , na alam natin na may hocus pokus din na ginawa wala man ay nagbulag bulagan..

    2.) Di pa kasi paalis ng bansa si abalos para tumakas..kaya wala pang sinasampang kaso…

  9. myrna myrna

    ellen, please, paki add naman, so i can post too. i forgot my old password, kaya hanggang basa ng lang ako.

    best regards,
    myrna

  10. Malyn Malyn

    Ang sinungaling ay kapatid ng mandarambong at magnanakaw, imposibleng walang alam si Abalos sa electoral sabotage noong 2004 at 2007, iisa lang ang likaw ng bituka ni Gloria Magnanakaw Abalos. Karapat dapat ding itangkal si Abalos Mike Arroyo tulad ng kanyang amo na si GMA upang hindi na pamarisan pa sa mga susunod na election. Wala na kayo sa posisyon para mag-asal siga.

  11. Chi Chi

    What’s happening with Ellenville? Tagal ko ng hindi makapasok.

    Why I have to give my name, email (and website) every time I’d like to comment or leave a reply? The previous setup is more convenient, register lang OKs na.

  12. Chi Chi

    Ayan, yung parrot ko ang pumasok na gravatar, not my Venetian mask which I use only here at Ellenville. Ganun ba talaga, Ellen?

  13. Chi Chi

    Malakas ba si Abalolos kay notso-Brilliant o kahit sinong Trojan na sikat sa Aquino administration?

  14. vic vic

    Abalos case should be prosecuted, I believe by the Ombudsman as it may fall under the Graft practices of the Criminal code as he was alleged to have participated in the crime for monetary gain…Abalos could also be charged for a few other transgressions including conspiracy to defraud the Government in a ZTE broadband deal…

  15. Nathan Nathan

    Pag kinasuhan yang si Abalos kunwari mag sasakit-sakitan yan para hospital arest lang.

    Ngayon palang, sana baliin na ni Abalos ang kanyang leeg para naman realistik ang sakit niya.

Leave a Reply