Skip to content

Sana hindi na mag-apela ang mga kamag-anak ni Pnoy sa Hacienda Luisita

Photo by Homer Teodoro
Ang desisyun ng Korte Suprema na ibalik ng mga may-ari ng Hacienda Luisita ang halos 5,000 na ektaryang taniman ng tubo sa Tarlac sa mga magsasaka sa 6,296 na magsasaka ay pagkakataon ni Pangulong Aquino na ituwid ang pagkakamali ng kanyang pamilya, kasama na ang kanyang inang si pangulong Cory Aquino.

Ang Hacienda Luisita ay pagmamay-ari ng pamilyang Cojuangco. Nasabi na ni Pangulong Aquino noon na maliit lang ang kanyang parte sa Hacienda at hindi siya ang nagde-dedisyun kungdi ang mga kapatid ng kanyang ina.

Update: Just compensation for HLI may reach P5 billion

The farmers, however, said the valuation should only be P50,000 per hectare provided under the 1989 stock distribution plan.

Ito ang isang isyu laban kay Aquino noong eleksyun. Mas maganda sana kung hindi na niya hinintay ang SC mag desisyun na ibalik ang lupain sa mga magsasaka na siya talaga dapat ang magmamay-ari ayun sa sa desisyun noong 2005 ng Presidential Agrarian Reform Council. Kaya lang hindi ganun ang nangyari.

Maala-ala natin na ginawang exemption ni Pangulong Cory ang Hacienda Luisita sa kanyang pinirmahan ng Agrarian reform program nang siya ay nilagay sa kapangyarihan ng People Power noong 1986.

Hindi na bale. Nandyan na yan. Sana kausapin ni Pangulong Aquino ang kanyang kamag-anak na huwag na mag-apela para masimulan na ang pagpamahagi ng lupa na ilang dekada ring pinagkait sa mga magsasaka na siyang dapat makinabang. Maraming buhay na ang nalagas sa pakipaglaban para sa lupang ito.

Sa kanyang komento tungkol sa desisyun ng Supreme Court (nagka-isa ang mga justices sa desisyung ito), halatang medyo hindi madali para kay Aquino tanggapin ang isang bagay na maka-apekto sa kayamanan ng pamilya.

Kasama kasi sa desisyun ng Supreme Court na ibalik ng may-ari ng HLI ang mga pera nakuha nila sa pagbenta ng ilang bahalgi ng lupain sa Bases Conversion Development Authority. P1.33 bilyun din yun.

Sa halip na matuwa na matuldukan na ang isyu na parang hindi mahilom-hilom na sugat na sabit ang kanyang pamilya, ang ginigiit pa rin ni Aquino ay “just compensation.”

Ano ba naman? Ilang taon nang nakinabang ang kanyang pamilya sa lupain na dapat ay matagal nang pinapakinabangan ng mga mahirap na magsasaka.

Parang-alalang-alala siya sa kalagayan ng kanyang mga mayayamang kamag-anak. Hindi sila maghihirap, ano, katulad ng paghihirap ng mga magsasakang pinagkaitan ng lupang kanila ng maraming taon.

Dapat ang asikasuhin ng pamahalaan ngayon ay matulungan ang mga magsasaka kung paano nila gamitin itong kanilang napanalunang lupain at pera sa makabuluhan na paraan para maka-ahon sila sa kahirapan.

Nakakatuwa ang mga reaksyun ng mga simpleng magsasaka sa desisyun ng Supreme Court. Sa tagal kasi ng kanilang paglalaban, parang sanay na sila na palagi silang natatalo. Ngayong nanalo na sila parang hindi sila makapaniwala.

Sana tuloy-tuloy na ang hustisya para sa kanila.

Published inAbanteBenigno Aquino IIIHuman Rights

5 Comments

  1. Mike Mike

    Ako, naniniwala ako na di na mag aapela si PNoy (kahit may konting sama ng loob). Ngunit ang kanyang mga kamaganak, di mo masisi kung sila ay aalma. Malaking luapin ang pinaguusapan at ang halaga ng mga lupain na ito ay di biro sa laki ng halaga. Kahit sino siguro sa atin, kung mayroong ganoong kalawak na lupain, at isang araw ay bigla nalang sasabihin ng Korte Suprema na ipamahagi nalang sa mga magsasaka talagang sasama ang ating kalooban lalo’t na ito’y ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno na ating pinagkakahalagahan.

    Ang isang nakikita ko na pupwede nilang (mga Cojuangco) gawin ay pwersahang ibili ulit sa mga magsasakang naghihikahos sa hirap sa mababang halaga. At kung ito’y kagatin ng ilang mga magsasaka ay di mo rin masisisi. Una sa lahat, mayroon nga silang mga lupain ngunit wala naman silang puhunan para sa mga gamit at mga materyales para sa pagsasaka. Hindi naman maasahan ang gobyerno sa suporta, maaring sa umpisa pero di sa lahat ng panahon. Isa pang problema sa ating mga magsasaka ay hindi naman sila mga negosyante at maaring di nila mahawakan ng maayos ang hingil sa pinansyal na aspeto.

  2. Update:

    Just compensation for HLI may reach P5 billion
    abs-cbnNEWS.com

    The farmer-beneficiaries of Hacienda Luisita fear that they will have to pay more to own a chunk of the 4,915.75-hectare sugar estate.

    The government could pay as much as P5 billion in just compensation for the Hacienda Luisita Inc. (HLI) before it will be distributed to 6,296 farmers.

    The valuation is based on the HLI sale of the 80.51-hectare lot for the Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) road network. One hectare was valued at P1 million.

    The farmers, however, said the valuation should only be P50,000 per hectare provided under the 1989 stock distribution plan.

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/27/11/just-compensation-hli-may-reach-p5-billion

  3. Kris Aquino’s tweets (@itsmekrisaquino):

    “Since Luisita is very much in the news, may I share a beautiful story? When our Dad was imprisoned during Martial Law, our lolo Pepe Cojuangco visited him (lolo Pepe died in the mid 70s).

    “Our Dad was being offered a deal, everything taken away from our Mom’s parents would be “given back” by the Marcos regime as long as my Dad signed papers admitting his guilt in the made up charges leveled against him.

    “My Dad lost his own father at 15 & Lolo Pepe was really like his own father. My Dad told our lolo he’d sign the papers because he didn’t want to see my grandparents suffer & lose so much.

    “Lolo Pepe told Dad, Ninoy kaya namin. I’ll take care of Cory & the kids. U fight for what is right because we believe in u.

    “I hope that gives most of u a clearer picture of what my Mom’s family is like. How they suffered & stood w/ my Dad & took care of us through the worst. To think, Ninoy Aquino was only their in law.

    “We respect the Supreme Court, we survived even when they took everything from us, including our Dad’s life- & we will survive even this.”

  4. chi chi

    Wala na nga sanang apela na gawin ang mga Cojuangcos. Sa panig ng mga farmers/workers ng Hacienda Luisita, sana kung mapasakanila na ng tuluyan ang lupa ay huwag nilang ibenta, pagyamanin nila at ng meron namang kahinatnan na maganda ang kanilang ipinaglaban ng napakahabang panahon.

Leave a Reply