Sa Martes,Nob. 29, ay pang-apat na taon makalipas ang tinatawag natin na “Manila Peninsula siege.”
Kinumusta ko sa aming abogado na si Romel Bagares ng Roque, Butuyan law office kung ano na ang nangyari sa aming isinampang kaso laban sa mga pulis at military na nanghuli sa amin (ang iba sa amin ay pinusasan) na inapela naming sa Court of Appeals. (Kinampihan kasi ni Makati RTC Judge Reynaldo Laigo ang mga pulis at military kahit na sinabi ng Commission on Human Rights na ang paghuli sa amin a”constitutes arbitrary arrest/detention in violation of human rights standards.”)
Related links:
http://www.ellentordesillas.com/2007/12/14/media-concerns-in-nov-29-incident/
http://www.ellentordesillas.com/2007/12/02/bibeth/
http://www.ellentordesillas.com/2007/11/30/hours-media-grit-in-the-manila-pen/
http://www.ellentordesillas.com/2007/12/14/maria-ressasposition-paper-on-media-at-the-pen/
http://www.ellentordesillas.com/2007/12/14/nhks-chairmaine-deogracias-on-manila-pen-incident/
Sinabi ni Romel, nandun pa rin sa CA ang aming kaso, natututulog.
Marami na ang nangyari sa nakalipas na apat na taon mula noong Nob. 29, 2007. Nang araw na yun, habang nanghi-hearing ng kasong coup d’etat sa mga Magdalo na military opisyal tungkol sa nangyari sa Oakwood noong Hulyo 27, 2003, nagwalk-out ang mga akusado sa pangunguna ni Sen. Antonio Trillanes IV at Brig. Gen. Danny Lim na siyang nasa witness stand.
Siyempre, kaming mga reporter na nagku-cover ng hearing sumunod. Ibang kaganapan yun at kailangan tutukan.
Nagmartsa ang mga opisyal, kasama ang kanilang mga guwardiya, papuntang Makati Avenue habang nanawagan silang sumama sa pagpatalsik kay Gloria Arroyo. Nang mga panahon nay un, maiinit ang usapan tungkol sa NBN/ZTE kung saan sangkot ang mag-asawang Arroyo sa anomalya tungkol sa isang telecommunications project na gagawin ng mga Intsik. Sa sobrang “tongpats”, para daw mapagbigyan sina Mike Arroyo at iba pang mga buwaya, inabot ng P14 bilyun ang kontrata na pwede naman daw yun P3 bilyun lang.
Habang naglalakad kami, maraming pumapalakpak. Maraming sumali sa amin na mukhang mga military. Ang iba nakasibilyan na damit.
May mga nagsabing sasali daw ang dating NEDA chief na si Romy Neri, na isa sa nakaka-alam tungkol sa anomalya sa NBN/ZTE.
Wala kaming nakitang pulis habang nagmamartsa ang mga rebeldeng sundalo. Walang nangharang, walang nanghuli.
Pagdating sa Manila Peninsula, biglang pumasok sina Trillanes, Lim at lahat na kasama sa walkout sa gilid sa Nielsen’s restaurant. Walang magawa ang guwardiya na nakabantay sa pintuan.
Marami ang nagtatanong kung bakit doon pumunta ang mga rebelde sa Manila Pen. Yun ba talaga ang plano? Ang alam ko sa Ninoy monument sa kanto ng Paseo de Roxas at Ayala Avenue ang punta. Mukhang may mga pumalpak na grupo at walang tao doon kaya sa Mla Pen ang punta nina Trillanes at Lim.
Sa halos pitong oras na nandun kami sa Manila Pen, kumilos na ang military at pulis. Siyempre gusto ng pamahalaan na tapusin na kaagad kaya pinapa-alis ang media. Para sa mga rebelde, umaasa silang pagdating ng gabi, magkakaroon sila ng re-inforcement.
Alam na natin ang conclusion ng nangyari ng araw na yun. Nang dumudilim na, pinasok na ng Philippine National Police at military ang tangke sa lobby ng Manila Pen at nag-tear gas, Nagdesisyun sina Trillanes at Lim na magsurrender para maiwasan ang pagdanak ng dugo.
Alam na rin naman ng lahat ang nangyari na hinuli ang miyembro ng media na nag-cover at pinusasan. Naikuwento ko na hindi ako, kasama ko rin ang ibang reporter na sina Ces Drilon ng ABS-CBN at si Charmaine Deogracias ng NHK TV, pumayag na pusasan dahil iginiit namin na kailangan kasuhan muna nila kami bago hulihin.
Wala na si Gloria Arroyo sa Malacañang at siya na ngayon ang nakakulong. Si Trillanes ay nakalaya na at ginagampanan ang kanyang katungkulan bilang senador. Si Lim naman ay deputy commissioner sa Bureau of Customs.
Kahit sina Trillanes at Lim, siguro maraming leksyun na natutunan sa nangyari sa Manila Pen. Isa na doon ay kung sino-sino sa mga personalidad o grupong maingay sa media ang puwedeng maasahan kapag gipitan na.
Nakita ko rin doon kung sino talaga ang may prinsipyo at marunong manindigan para sa kapakanan ng bayan. Lalong tumaas ang respeto ko sa kanila.
Maraming salamat sa paalaala ng ikapat na taon ng Manila Pen. Hangang ngayon ay labis pa rin ang aking pagalang kay Senador Trillanes at Heneral Lim at sa lahat ng mga kasamahan nila (Heneral Miranda at iba pa na hindi ko matandaan ang mga pangalan.) Umaayon ako sa iyo na sila ay maraming natutunan sa nangyari noon. El senador y los otros son caballeros y patriotas con cojones. Mabuhay sila.
Please translate the Spanish sentence. Thanks.
El senador y los otros son caballeros y patriotas con cojones.
The senator and the others are gentlemen and patriots with balls.
Cabellero – horseman in Spanish; related to cheval (horse) in French, the root word for chivalry. Courtly and honorable behavior was the hallmark of the mounted knights, so gentlemanliness is usually associated with them.
By the way, cavaliers din ang tawag ng mga PMAers sa sarili nila.
Harks me back to “an officer and a gentleman”. Still the best movie on officers for me.
Salamat po, saxnviolins. Hindi ko alam sa Tagalog ang “caballero y patriotas” at ayaw ko naman isalin sa Pilipino ang “cojones” dahil baka naman masagwa para sa iba. 🙂 Salamat din, Ellen.
Manchito, hindi kasama si Gen. Miranda sa Manila Pen.
Kasama si Gen. Miranda doon sa mga nagtangkang magwithdraw ng support (hindi natuloy) kay Arroyo noong Feb. 2006.
Ano na nga ba ang nangyari kay Romulo Neri? Ayaw pa din mag salita?
ang ganda naman ng gulong ng palad ni GMA, siya naman ang nakakulong..sana tuloy tuloy na ito, idamay narin si FG the pig ay si mikey the pigley or horsey. ang kayabangan nga naman, laging me katapusan..!!
Salamat, Ellen. Ang akala ko kasama si Heneral Miranda sa Manila Pen. Maintanong ko rin, iyon ba si Martir(naging heneral ng hukbong dagat na mandirigma ng Pilipinas) ay kabilang sa pamahalaan ni Pangulong Aquino? Hindi maganda ang ginawa niya noon kay Teniente Trillanes (ngayon ay senador). Hindi malaking bagay, naitanong ko lamang.
Parang kahapon lamang, nagtatalak ako dito sa Ellenville kasama ang mga sumusuportam kina Trillanes at Ellen. Apat na taon na pala, at hindi na lucky ang bitch. Malaya na ang grupo ng Magdalo, samantalang ang kaso nina Ellen ay pinatulog na yata ng tuluyan, si Putot naman ay tuloy na nag-aartista na kunwari e may sakit. Iniintay ko pa ang pagkulong kay Gloria Arroyo sa tunay na selda!
Re # 9, John Martir was one of the earliest appointments of Aquino. He is very close to Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Lalo pang napabuti si Jhoanna under Pnoy’s admin, di na kailangang mag-linta ng todo gaya nung Putot’s time. Di ba Magno?
Hi Ellen, what happened to ex-Metro Manila police chief Gerry Barias, the one who gave Trillanes a jab in the chest?
#11 Ang ganda naman ng kapalaran niyang si Martir! Iba talaga sa bansang Pilipinas kung mayroon kakilala ang isang tao. Maraming salamat muli Ellen at nalaman ko na si Martir nga iyong may katungkulan sa tangapan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Nagtakbo ng P21M OFW fund pangalanan!
http://abante-tonite.com/issue/nov2811/news_story07.htm
this is off topic, pero pasingit na rin.
wala na bang katapusan ang mga kawalanghiyaan ng mga nasa gobyerno?
mga tinamaan kayo ng magaling kung sino man ang mga kawatang ito!
magtrabaho kayo at huwag nakawin ang hindi para sa inyo!
nagtataka pa ba kayo kung bakit hiniwalayan ni Shalani si PeNoy?
dahil meron na siyang sinisintang Jhoanna!
wala na. malabo na siyang makabuo pa ng sariling pamilya.
ngayon ko lang nalaman na ito palang si PeNoy ay mahilig ding maglaro ng sakla. palaging sa sotang espada tumataya.
#13
Chi,
Dapat dibdiban din ni Barias si Gloria. Ay wag nalang at baka mag leak. 😉
Miss Ellen,kailangang praktsin mo na ang inaalamag mong spanish dahil parami ng parami ang spanish speakers sa Filipinas and they want it back as our official language alongside english and tagalog