Skip to content

Binawi ang ban ng OFW sa 41 na bansa

Dole Secretary Rosalinda Baldoz
Heto na naman. Pumalpak si Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa pag-anunsyo na may ban sa pagpadala ng manggagawang Pilipino sa 41 na bansang hindi pumirma sa kasunduan sa Pilipinas para protektahan ang mga Pilipino na nagtatrabaho doon.

Ngayon, hindi niya alam kung paano babawiin dahil sa masamang reaksyun ng mga bansang apektado. Sabi niya pansamantala daw ang ban hanggang makapag-comply ang ibang bansa. Nahihibang ba siya> Magku-comply ang Saudi Arabia, Korea at iba pang bansa sa kagustuhan ng Pilipinas?

Sabi naman ng ibang opisyal, wala naman talagang ban.

Noong Biernes, sabi na ni Baldoz, ipagpaliban daw ang ban.

Dapat kasi nag-uusap muna ang mga opisyal bago magdaldal sa media. Ang pagiging totoo sa media ay hindi ibig sabihin magiging iresponsable ka sa mga impormasyun na iyong ipalabas.

Sa pahayag ni Foreign Secretary Albert del Rosario, nagbigay sila sa Department of Labor and Employment ng mga listahan ng mga bansa na sa kanilang monitoring ay may mga ginagawa at may mga patakaran na hindi tugma sa ating batas, ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, na ang layunin noon ay proteksyunan ang mga Pilipino na nasa ibang bansa.

Ano dapat ang gagawin kung may mga bansa na ang mga kaugalian, ang mga ginagawa, o ang mga batas ay hindi nakakabuti sa mga Pilipino na nagtatrabaho doon? Ang isang pwedeng gawin ay magkaroon ng ban o pagbawalan ang mga Pilipino magtrabaho doon.

Kaya ba gawin yan? Praktikal ba yan?

Dapat alam ng DOLE na hindi. Sobra 10 milyun ang OFWs, at dumarami pa, kasi kulang na kulang ang mga oportunidad pagkabuhayan dito sa Pilipinas. Ano ang kanilang magiging hanapbuhay kapag pina-uwi sila dito. At mapipilit ba sila umuwi?

Kung ganun, bakit may ginawang listahan pa?

Ang listahan ay simula para malaman kung aling bansa magkaroon ng representasyun ang ating pamahalaan para mapruteksyunan ang mga Pilipino doon. Hindi yun para i-press release na siyang ginawa ng DOLE.

Heto ang sulat ng isang OFW sa Haiti, isa sa mga bansang nasa listahan na hindi tugma ang batas at mga gawin sa batas ng Pilipinas para sa OFW. Hiningi niya na huwag ilathala ang kanyang pangalan:

“I’m one of the OFWs here in Haiti and we are really saddened by the deployment ban which includes Haiti. Ma’am tulungan nyo naman po kaming maipaabot or discussed nyo s kolum nyo na sana wag naman kaming idamay na may mga maayos at disenteng trabaho dito sa Haiti. Ipagpalagay na hindi nag comply ang Haiti pero sana naman tiningnan rin nila kung ano ang kalagayan namin dito.

“ Lahat po kami rito ay may maayos na trabaho at sapat na pasahod at may mga benepisyo, pinagkakatiwalaan at inaasahan ng aming mga employer. Masakit na marinig na palibhasa maliit ang population namin ay itsa pwera na kami at tulad ng mga nabanggit sa news eh hindi raw makakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang pagkawala namin dito.

Wag naman po sana nilang kalimutan na kami man ay merong pamilya na umaasa at binubuhay. Kami po ay nagtratrabaho ng marangal at nagsasakripisyo para sa aming pamilya kaya sa aking punto hindi makatarungan na pati kaming may matatag na trabaho dito at gustong magbakasyon makita minsan sa loob ng ilang taon ang mga anak at kapamilya ay di nila papayagang bumalik.

“Ano po ba ang inilaan nilang trabaho para sa amin dyan? Kaya kaya nilang itaguyod ang pamilya namin. Anong gusto nila dumagdag kami sa mga unemployed sa Pilipinas?”

Published inAbanteLaborOFW concerns

20 Comments

  1. Statement of Sen. Loren Legarda:


    Protection of OFWs Starts with Getting Our Acts Together

    Senator Loren Legarda called on agencies of the government to get their acts together in pursuing the mandate to protect overseas Filipinos. She was reacting to the contradictory positions taken by the Philippine Overseas Employment Administration and the Department of Foreign Affairs on the matter of issuing a deployment ban covering 41 countries.

    “How can we genuinely protect the interests and well-being of 10 million Filipinos overseas if our government agencies cannot even get their acts together?” Legarda asked.

    “The POEA Board Resolution had cited that it was on the basis of the certification of the Philippine embassies and consulates that it was issuing the deployment ban, and yet, the Secretary of Foreign Affairs is now calling for a deferment of the ban. These developments suggest lack of coherence in the actions being taken by DFA and POEA”, Legarda, Chair of the Senate Committee on Foreign Relations, added.

    The POEA, in its Board Resolution No. 07 adopted on October 28, banned the deployment of Filipino workers to 41 countries. The resolution cited that Philippines embassies and consulates have certified that 41 countries covered by the ban have not been compliant with the guarantees provided under the Migrant Workers Act or RA 10022.

    “I understand that it was the intent of the POEA to implement the provisions of the law. The question, however, rests on how the decision to impose a deployment ban on 41 countries was reached. Obviously, someone was left out in the cold”, Legarda said.

  2. Tabz Tabz

    Tama po bakit kami napasama sa bansa na banned dito sa Haiti. Hindi ninyo alam kung anu ang mga kalagayan namin dito kung gaano karangal ang aming trabaho kung sa tutuusin kami ang matataas ang position dito sa Haiti. Iginagalang kami dito kahit na undergraduate lang ang iba sa amin. Kung sakali kami ay mapauwi sa Pilipinas. Meron po ba kayo sapat na trabaho ibibigay sa amin gaya ng binibigay namin sa aming pamilya na kumikita dito. Alam namin mahirap makakuha ng trabaho sa Pinas dahil halos kinukuha nila ay nakapagtapos ng Bachelor at Masteral. Masyado gusto magpasikat lamang ang namumuno sa DOLE. Sana naman bago kayo mag anunsiyo ng BAN sa POEA alamin ninyo muna ang lahat ng anggulo para di kayo makakaapak ng kapwa ninyo Filipinos. Hindi ninyo alam kung ganun kami dito nirerespeto sa bansang Haiti dahil ang mga tao dito ay bilib sa kakayanan, talino, abilidad ng bawat Filipino dito. “We are Proud PILIPINO” pero huwag tayo maging crab mentality sa atin KABABAYAN…

  3. vic vic

    Some of the countries listed by the labour dept ban have better labour laws for protection of workers. Some like countries of the ME because of their customs and religions discriminate against women even of their own. Nothing the Phil govt can do about it but adapt to the host countries customs and traditions. Most of the democracies listed have better labour laws.

  4. olan olan

    That’s what you get when the only qualifications of our public servants (kuno) is that they are known in the circle and that they are recycled!!!

    Our government since long time ago don’t know how to create jobs…don’t know what it means to govern…don’t know how to plan for the future…etc etc. All that they know is to make our bureacrazy big..give these people working in the government fat salary increases with no work, improvements against red tape, and find ways to tax people over and over again and then steal the proceeds (like road user tax as an example)!

    I must admit, i like what Senator Legarda said about it but I also know it’s just lip service..as always!

    Government must stay away from OFW by lessening it’s involvement..travel tax is already a burden at mahal..dinadagdagan pa ninyo pa ng mga patakaran na di pinag aralang mabuti! By the way what does our government do with the travel tax, poea fees, etc. everytime you go out of the country? Who benefit from it? What OFW needs is the protection from our government like making deals with host countries defining what is good for the OFW.

    Langya, how many times have we read in the news or talk about mga OFW na napahamak at lalong napahamak ng nainvolve ang gobyerno dahil sa maliit na take!! Ha!!

  5. duane duane

    RA 8042 states that:

    SEC. 4. Deployment of Migrant Workers – The State shall deploy overseas Filipino workers only in countries where the rights of Filipino migrant workers are protected. The government recognizes any of the following as guarantee on the part of the receiving country for the protection and the rights of overseas Filipino workers:

    (a) It has existing labor and social laws protecting the rights of migrant workers;

    (b) It is a signatory to multilateral conventions, declaration or resolutions relating to the protection of migrant workers;

    (c) It has concluded a bilateral agreement or arrangement with the government protecting the rights of overseas Filipino workers; and

    (d) It is taking positive, concrete measures to protect the rights of migrant workers.

    SEC. 5. TERMINATION OR BAN ON DEPLOYMENT – Notwithstanding the provisions of Section 4 hereof, the government, in pursuit of the national interest or when public welfare so requires, may, at any time, terminate or impose a ban on the deployment of migrant workers.

    Philippine Constitution states that:

    Section 6. The liberty of abode and of changing the same within the limits prescribed by law shall not be impaired except upon lawful order of the court. Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law

    Pwede makuha nag opinion ng mga legal eagles dito ni Ellen?

    Ang punto ko:

    1. Merong batas na pamantayan para makapagpadala ng workers mula sa Pilipinas PERO ang contract of employment is between the employer and the person, not between PHL and the receiving country. Isn’t that encroaching on the rights of the person who wishes to work in a particular country of his choice?

    2. Hindi makalampas sa immigration ang gustong magtrabaho sa ibang bansa na hindi dumaan sa POEA, pero nakakalampas ang gustong magtago sa batas tulad ni Ramona dahil sa batas na ito?

    3. Ang Saudi Arabia ay hindi papasa kung Section 4-a ang paguusapan, bakit hindi kasama sa listahan ang Saudi Arabia?

  6. Mike Mike

    Urong sulong naman. Paano tayo rerespetuhin ng ibang bansa nyan?

  7. pranning pranning

    06 Nov 2011

    Hinay hinay dapat ang pamahalaan sa pag aanunsyo ng mga bansang hindi (sic) compliant sa batas ng Pilipinas na pina-iiral. Maraming bansa ang hindi compliant, ngunit pinapayagan o hindi mapigilan ang pag punta ng ating mga kababayan sa mga banasang nabanggit.

    Sa tingin ba ng DOLE kung hindi compliant ang isang bansa sa ating batas ay mapwe-pwersa ba nating silang sumunod? Ang dapat gawin dyan ay palawakin ang ang pakikipagusap at pakikipagsunduan sa mga bansa ito kung saan ay maraming Pinoy para sa kanilang proteksyon.

    May mga bansang hindi compliant, subalit may mga batas na pina-iiral na pwedeng gamiting para sa proteksyon ng mga migrant workers.

    Sa isang, banda naman, dapat din namang maunawaan ng ating kababayan na dapat silang dumulog sa ating mga Pasuguan o konsulado para sa kanilang kapakanan, kung sila ay may problema. Ako po ay naniniwala na ang ating mga “assistance-to-nationals” ay totoo namang tumutulong lalo na sa mga naaping mga kababayan natin.

    Uulitin ko po, hindi po porke hindi compliant ang isang bansa ay dapat na magkaroon ng deployment ban agad, may mga batas din po sila na pwede naman gamitin ng ating bansa para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Kaya ang DOLE, hindi dapat sarado ang pananaw sa ibang bansa at dapat palawigin pa ang pakikipag-usap para sa kapakanan ng ating mga manggagawa at ng bansang kanilang pinaroroonan.

    Salamat po.

    prans

  8. piping dilat piping dilat

    Malaki ang kasalanan nang mga nasa poder kung bakit 10M na Pilipino ang nagtratrabaho sa labas.

    Kaya walang oportunidad dito sa Pinas ay dahil sa pamamalakad nang pamahalaan ( corruption and lack of foresight/planning ).

    Unti-unting pinapatay ang mga negosyo dito sa taas ng koryente, tubig, at komunikasyon …at walang efficient means of transportation.

    Sila-sila lang ang nakikinabang sa tubo nang mga kumpanyang may hawak nang mga facilities na ito. Ang taong bayan ang pinapagdusa palagi.

    Walang pag-asa ang Pilipinas sa mga lider na ganito. At imbis na kumonti ang OFW, dadami pa ang kanilang mga hanay dahil sa kagaguhan nang mga nasa poder.

  9. pranning pranning

    06 Nov 2011

    Piping…..

    O nga nama’t may kasalanan ang ating gobyerno sa kawalan ng trabaho sa ating bansa, subalit hindi po lahat ay dapat namang isisi sa ting gobyerno, tayo rin namang mga mamayan ay may kasalanan din naman.

    Tayo rin naman at ang ating mga kamag-anakan ay mas pinipili natin na ang ating mga kamag-anak ay maghanap-buhay sa ibat- bansa para sa ika-uunlad ng ating buhay. Katulad na lang ng ating mga kabukiran, mas ginugusto pa ng ating mga kamag-anak na mangibang bansa ang ating mga anak at kalimutan na ang mga nakatiwang-wang na mga lupain sa ating bansa. Ang mga ibang propesyonal ay mas gustong mangibang bansa para madali ang pag-angat ng buhay ng atin o kani-kanilang buhay.

    Ang isa pa pong problema na dapat ay aminin nating tayo rin nama’y may kasalanan ay ang pag-lago ng ating populasyon. sa dami at laki na rin ng ating populasyon na kahit ano pa ang gawain ng ating pamahalaan, aminin man o hindi ng pamahalaan, ay kulang na kulang na talaga.

    Yung binanggit mong mataas na singil sa kuryente, pagsasamantala ng mga nasa pribadong sektor, lalo na ang mga kompanya ng mga langis sa pagsasamantala sa ating mga kababayan.

    Nasa pagpili na rin natin sa mga liderato yan. Karamihan sa ating mga kababayan ay kulang sa edukasyon sa pagpili ng ating mga lider o mamumuno.

    Kaya sana bago ka magalit sa akin ay pang-unawa lang ang aking hinihiling sa iyo. Sama-sama tayong baguhin ang dapat baguhin para maiwasto ang mga kamalian, hindi lango po pamahalaan o gobyerno ang may kasalan, kundi kasama na rin tayo.

    Para sa pagbabago sa makatwirang pamumuhay, ang pagpili sa mga liderato ay dapat baguhin.

    Pangunawa po at marami pong salamat.

    prans

  10. lifen lifen

    Dati rin akong ofw ng 15 taon. Tama po si prans. Bilang mamayang pilipino may karapatan po tayo sa ikauunlad ng ating bansa. Huwag PO nating la at iasa sa gob. Katulad ng tama/responsableng pagboto ng lider/pinuno ng bansa. Ganoon din sa pagtulong ng kalnisan ng ating paligid.Disiplina. Totoo rin na ginagawang gatasan ang ofw. Magmula sa Kung ano anong clearance, nbi, police etc etc, medical na saksakan ng mahal, pa ulit ulit pa, mga red tapes, talagang piga ang ofw. Basta papalabas hanggang makabalik ang ofw lagi na lang may kotong. Ang masakit pag may problema na, super bagal naman ang aksyon minsan no pansin pa. Dapat pareho tayong magtulungan Hindi turuan.

  11. olan olan

    piping dilat – November 6, 2011 9:34 am

    Agree with you! sana ang gobyerno ay gobyerno ng bayan at di ng iilan but what can one do, the government is in the hands of oligarchs! no wonder me milf na gustong magsarili..may npa na gustong baguhin ang gobyerno…kundi lang dahil sa matakaw na iilan..they can share by not hoarding so much but by helping build the country and pay it’s people right..sa kanila bakit pa eh nag tratrabaho na nga sa ibang bansa buwisan na lang at bentahan ng mahal na koryente, telepono,atbp ang mga kaanak nito!
    Now you know why they want recycled bureacrats..bayaran at masunurin!! (just my observation!!!)

  12. MPRivera MPRivera

    again, may i repeat for the nth time what we have been saying before that we should not forget remembering must be done this time and in the future: PUMILI TAYO NG TAPAT, MATINO AT MATUWID NA MAMUMUNO. TAMA NA ANG PANGONGOTONG NG MGA NASA KAPANGYARIHAN.

    ibalik na lang muli ang two party system sa ating political arena at huwag nang hayaang malahukan ng negosyo katulad ngayon sa pagsusulputan ang kung ano anong partido. TANGGALIN na rin ang pestelist na ‘yang kunwari ay kumakatawan sa marginal sectors subalit sa katotohanan ay kanlungan ng mga gahamang ang hangad ay magkamal ng salapi gamit ang pork barrel na siyang pinaglalawayan at pinagpapakamatayan ng mga hindi na gustong bumitiw sa poder.

    paigtingin din ang kampanya laban sa iba’t ibang uri ng krimeng kinasasangkutan hindi lamang ng mga pobreng kumakapit sa patalim bunga ng paghihikahos KUNDI PINANGUNGUNAHAN ng mga nagkukunwaring lingkod bayan. gawing halimbawa ang nakaraang administrasyon at ang kasulukuyang pamahalaan na sa halip ibangon mula sa pagkakalugmok ang bayan ay pinalalala pa ng kung ano anong pangakong dinadaan sa islogang pinagkukublihan ng lihim nilang kutsabahan.

    baguhin ang justice system sapagkat sobra na ang pagtitiis ng taong bayan. humuli ng matatabang isda upang maging masarap naman ang pagsasaluhan sa hapag at hindi ‘yung mga tilapyang payat, hipong walang laman at talangkang hindi na gumagalaw.

    huwag pakialaman ang mga endangered species sa kagubatan, karagatan at maging nasa himpapawid bagkus ay LIPULIN ang mga clones nila sa batasan, sa senado, sa malakanyang, sa hanay ng mga opisyal ng sandatahang lakas at pambansang kapulisan at sa lahat ng sangay ng pamahalaan upang ang taong bayan ay makawala sa tanikala ng paghihikahos.

    ipatupad ang pagkakahiwalay ng estado at simbahan. ang mga alagad ng simbahan ay DAPAT nang ilagay ang kanilang sarili sa lugar na DAPAT nilang kalagyan. HUWAG na silang makialam sa mga usaping pulitikal at bumalik sila sa kung ano ang kanilang papel sa lipunan sapagkat mula nang tuwiran nilang panghimasukan ang suliraning pulitikal ay MAS lalong gumulo ang pamumuhay ng sangkapinuyan. pati ang usaping pampamilya ay kanilang pinakikialaman gayong hindi nila magawang tumulong sa panahong dumaranas ng pagdarahop at kagutuman ang mga sumusunod sa sinasabi nilang HUMAYO’T MAGPAKARAMI.

    at bilang bahagi ng daloy pagbabagong ito ay MATUTO na rin ang karaniwang mamamayang sumunod sa dapat sunding batas at huwag maging pasaway. matuto na ring igalang at ipaglaban at HUWAG ipagbibili ang sagradong karapatang bumoto at pumili ng mamumuno sa bayan.

    kung hindi pa tayo kikilos para sa pagbabago ay magiging kawawa ang kalagayan bunga ng mga maling nagdaan at atin muling tatahakin.

    at ang tama at tumpak na panahon upang simulant ang pagbabagong ‘yan ay NGAYON.

  13. MPRivera MPRivera

    pumapapel na naman si loren. ano na naman kaya ang motibo ng mariposang higad na ‘yan?

  14. MPRivera MPRivera

    alalahanin ng pamunuan ng DOLE at ng mga nasa malakanyang na balak nang IPINAPATUPAD ang saudization dito sa kinalalagyan ng malaking bilang na OFWs at kung ipagpapatuloy ng mga kinauukulan ang pagpapalabas ng IRESPONSABLENG ganyang pahayag ay baka masampolan ang mga pinoy na kung mapapauwi sa bansa ay magiging dagdag sa pasaning hindi gustong balikatin ng pamahalaan.

    trabaho munang sigurado bago ang pilantik ng matabil nilang dila!

  15. Kailan pa ba yang batas na yan?

    Sinong gagong mga mambabatas ang gumawa, hindi naman pala maipapatupad?

    Sino’ng ungas naman ang pumayag magdeploy, wala naman palang proteksyon ang manggagawa?

    Namputa, saaan pwedeng magresign ng pagka-Pilipino?

  16. Ay talaga, Tongue. #15

    The points raised by Duane #5 make sense.

  17. saxnviolins saxnviolins

    Idemanda na yan, para mapawalang bisa yang offloading na yan.

    Get some offloaded passenger to file a case before the Supreme Court, asking for a TRO and preliminary injunction, with prayer to make it permanent; the executive should be enjoined from offloading passenger on the strength of the RA they invoke.

    The Constitutional guarantee should trump the mere legislative act.

  18. MPRivera MPRivera

    ang pamahalaan natin ay katulad ng isang magulang na tamad, batugan, iresponsable, walang pangarap sa mga anak na animo’y mga alilang nangangamuhan upang ang dapat sanang gumagabay, tumutustos at may pananagutan ay masunod ang bisyo at kapritso sa katawan.

    nagpasalinsalin na sa iba’t ibang mga kamay ang mga anak na patuloy na umaasam na ang mangangalaga sa kanila ay may pagkalinga at malasakit sa kanilang kapakanan subalit, nananatili ang pag-asam na iyon sa kawalan sapagkat ang nababago lamang ay ang mukha at pangalan ngunit ang asal at pag-uugali ay mas masahol pa sa mga nauna.

    saan ka ba nakakita ng isang langgam na humamon sa kawan ng mga elepante?

  19. Manachito Manachito

    Ang hindi ko po maintidihan ay kung bakit maraming alintuntunin ang pamahalaang Pilipino na bukod sa hindi na tugma sa mga panahong ito ay nakakapinsala pa sa mga mamayan na mahihirap at ibig lamang maghanap buhay sa ibang bansa. Kung ang mamamayan naman ay masalapi, walang makapigil sa pangingibang bansa kahit na ang taong ito ay may usapin sa hukuman. Alam ko na ang Pangulo ng bansang Pilipinas ay walang hangad kundi ang makatulong sa mamayan at maituwid ang mga likong daadanan ngunit paano makakamit ito kung ang mga namamahala at mambabatas ay hindi naman tumutulong? Nagtatanong po lamang. Salamat po.

Leave a Reply