Sana hindi na tuluyan sumama sa mga kaluluwa ang pinaghahanap na dating military comptroller retired Maj. Gen. Jacinto Ligot at ang kanyang asawang si Erlinda.
Update:
Days after they were reported missing, former military comptroller Jacinto Ligot and his wife Erlinda appeared before the Court of Tax Appeals (CTA) on Wednesday to post a P150,000 bail
http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/02/11/ligots-show-post-bail
Kawawa naman sana sila kaya lang parang mas pinapahalagahan naman nila ang perang kanilang ninakaw kaysa ang kanilang pangalan at katahimikan. Kaya ayan,marami nga silang pera, tago na tago naman sila.
Nag-isyu noong isang linggo ng warrant of arrest ang Court of Tax Appeals sa mag-asawang Ligot para sa isinampang kaso ng Bureau of Internal Revenue.
Sinisingil ng BIR ng P153.3 million sa buwis ang mga Ligot kasama na doon ang interes at multa sa hindi nila pagdeklara ng kanilang kinita noong 2003.
Umaasa si Justice Secretary Leila de Lima na magpapakita na ang mag-asawang Ligot sa korte at magpiyansa ng P20,000. Kayang-kaya naman nila yan.
Wala raw sa record ng Bureau of Immigration na lumabas ng bansa ang mag-asawa. Yan ay kung hindi sila lumabas ng patago at ilegal na paraan.Nasa hold departure list na sila.
Si Ligot ay sangkot sa nabulgar na korapsyun sa military na nagdawit sa isa pang dating military comptroller na si Maj. Gen. Carlos Garcia na ngayon ay nakakulong sa Muntinlupa at ang nagpakamatay na si dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines na si Angelo Reyes.
Marami pang ibang opisyal ang sangkot at ang ilan ay nakasama sa kasong isinampa ng dating budget officer ng militaty na si retired Lt. Col. George Rabusa. Bibigyan sila ng oportunidad na masagot ang akusasyun sa kanila sa korte.
Sa mga nabulgar na ari-arian nila, talagang naman nakakalula ang perang ibinulsa ni Ligot samantalang P360,000 lang ang sweldo niya sa buong taon. Umaabot sa P740 milyun ang kailang pera sa bangko sa iba-ibang accounts.
Ang dami nilang bahay. Dalawa sa California: isa sa South Anaheim at ang isa ay sa Buena Park na nagkakahalaga ng P30 million. Mga lupain sa Malaybalay, Bukidnon na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P5 million.
Dito sa Pilipinas, ang ilang nilang ari-arian ay nasa pangalan ng kapatid ni Mrs. Ligot na si Eduardo Yambao. Meron sa Burgundy Plaza sa Katipunan Road, Quezon City. Meron din sa Essensa East Forbes Tower in Taguig City; isa sa Paseo Parkview Tower 2 at isa pa sa Building MC-14 sa Pamayanang Diego Silang.
Ang masakit dito ay pera yan na sana ay para sa ating mga sundalo na nakipagbakbakan sa mga kaaway ng pamahalaan.
Dahil sa mga katulad ni Ligot, kawawa ang sitwasyun ng ating mga sundalo. Mahinang klase ang kanilang mga gamit- boots, helmet, at iba pa- at kulang ang ating mga eroplano, helicopter at barko para ipagtanggol ang integridad ng ating bansa.
Ang nangyayari sa mga Ligot ay leksyun para sa lahat, lalo na sa mga opisyal ng pamahalaan, na mali at krimen ang magnakaw ng perang hindi iyo. Maaring makalusot ka sa ilang beses ngunit kapag nahuli ka naman, paano mo mai-enjoy ang lahat na pera na nakamal mo.
Maybe the Ligots will not fully enjoy their Loot, but just the Same as the Marcosses, their Children and grandchildren will live to enjoy them and may someday become the Governor of Pangasinan, Senate Members or House and maybe one could even be the President…Take a look at all the younger generation of leaders in the Politics and Business and that is how one enjoys the ill-gotten wealth of yesteryear’s.
The disappearance and the photo of Gen. & Mrs. Ligot tells it all… GUILTY!
Sa mga kurakot pang AFP officials, makonsensya sa pagdurusa ng mga kasundaluhan at habang may panahon pa, magkusa nang aminin ang pagkakasalang ginawa at isuli ang perang kinulimbat. Alagatain ninyo ang inyong kahahatungan. Sa ngayon, ang taumbayan ay matamang nagbibilang ng mga mapaparusahan. Nauna na si Gen. Angelo Reyes (@Libingan ng mga Bayani?!). Sinundan ni Gen. Carlos Garcia (@Muntinlupa).
ang katulad ngayon ng pamilya ligot ay mga dagang hindi malaman kung saan magtatago. pero sa lahat naman ng daga, sila ang class dahil hindi kumakain ng tira tira at galing sa basurahan, kaya lang maaaring ganu’n na din kung tutuusin dahil walang malinis na galing sa nakaw. saka kayang kaya nilang enjoy-in ang pagiging pugante ngayon tutal, matagal na silang nagpapasarap sa hindi nila pinagpaguran.
gaya nang lagi kong sinasabi, hindi pa tayo nagpapalit ng gobyerno dahil ganu’n pa din ang mga nangyayari – WALANG masalaping magnanakaw na nakakasuhan at nakukulong.
mahilig kasi sa publisidad ang kasalukuyang pamunuan. kahit wala pang charges, ngawngaw dito ngawngaw doon lalo na si PeNoy kaya huwag ipagtataka kung bago pa man masampahan ng kaso ang kanilang gustong kasuhan ay nakapagtago na at kakamot-kamot na lang ng batok ang magse-serve ng warrant.
hohuuumm!
hindi kaya katulad ng MILF ay kampi din ang mga nasa malakanyang sa kagaya nina ligot? pati ang mag-asawang kawatan, parang nakikinikinita kong hindi makakasuhan o kung makasuhan man ay hindi makukulong dahil magtatago na sa ibang bansa kapag nakaalis upang magpagamot daw ang inang bruhang si goyang.
malabong mahuli ang dalawang ‘yun dahil magpapa-face transplant silang pareho. puputulin ang ulo ni goyang at ikakabit sa katawan ni baboy at ang ulo ni baboy ang ikakabit sa katawan ng daga. ano kaya hitsura nila?
Was wondering, why didn’t the DOJ put them on the watchlist or hold departure order earlier? Kung sa mga Arrovo ang bilis nila ilagay sa watchlist kahit wala pang actual na kaso ang naisasampa. Kung pwede sa mga Arrovo, pwede din sa mga Lagot. Hindi nila ma enjoy ang mga kinamal nilang yaman? Who knows, maybe they’re already enjoying their loot somewhere in the Bahamas.
But knowing how people in the immigration works, malamang natapalan na ng pera kaya sila nakalusot. Thats is, kung naka labas na nga ng bansa.
@4 MPRivera, sir — sa aming munting bayan, ang ngaw-ngaw ay baligtad ng Wang-wang!
Kung hindi pa nakalabas ng bansa baka itong fugitive couple ay mayroon na ring ATS (Area of Temporary Stay). Kahit alam ng mga magse-serve ng warrant of arrest kung saan nagtatago si Gen. Ligot, nandun ang pangamba na baka sila naman ang malagot.
Ano naman kaya ang gagawin nila dito sa asawa ni Gen. Reyes? Di ba ito yong kasa-kasama ng asawa ni Ligot pag ito’y lumalabas sa inyong Bansa? Excuse na ba siya dahil sa nagpapatiwakal na si Reyes?
Di ba kayo nagtataka dahil itong mga General na involved sa nakawan ay puros mga Ilokano? Maliban lang siguro itong si Reyes. Isama niyo na rin si Tabako sa hanay ng mga yan.
Walang kasalanan na di pinag-babayaran, sa Lupa man o sa Kabilang buhay ( sa lupa haunted, sama ng loob ng sambayanan at bilanguan, at sa kabilang buhay ay impyerno )..Sayang lang sa mga Taong ito na pinag-katiwalaan ngunit, ang budhi-layunin pala ay maka-mandag at di maka-Tao, o demonic mentality. Sila ang anay or Kanser ng gobyerno at sosyudad, na sumisira sa pangalan ni Juan de la Cruz y ng Bansa. Bakit nga ba mga Ilokano ?..huwag namang lahat, aray !..anong kultura na wala ang ibang taga ibang probensya ng Pilipinas ( Visaya, Bicol, at taga Mindanao, etc..)?..Sana matapos na ang mga kalukuhang ito sa gobyerno, at mabigyan ng karapatang parusa ang mga nagkasala, para maka-usad na ng husto ang bansa..”enough is enough “..gampanan na ng husto with complete honesty and reports ang gawain ng DOJ at Ombudsman, sila lang ang may malalaking tungkulin para ibilango o parusahan ang mga “plunderers” at mapag-samantala sa kanilang mga tungkulin na pinag-katiwalaan ng Bayan, para mabago naman ang susunod na henerasyon..
Sa super kupad ng pag-issue ng hold departure order sa dalawang ito, ayan tuloy nakalusot. With the huge loot they have, they can change their identities and come back with a new name, a new face at tuloy ang ligaya ng dalawa. Baka naman nauna na sila sa pupuntahan nila bansot at fatso. Preparing the haven for all of these crooks!
Ligots show up, post bail
http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/02/11/ligots-show-post-bail
ayan naman pala. lumitaw na. marahil ay nagmoney money este nagmuni muni muna sila at tinimbang ang bawat kalalabasan kung sila ay magtatago o haharapin ang mga kaso.
pero bakit tax evasion lamang ang kaso ni gen ligot? di ba dapat pasok ito sa plunder?
Ang alam ko Mags, pag tax evasion, ang nagpa-file BIR. Pag plunder, DOJ/Sandiganbayan. Natutulog ba sa pansitan talaga si De Lima? Si Carpio-Morales?
PhP740m, bank accounts pa lang ‘yun at chop chop pa. Milyon milyonng halaga ng ari ariang nagkalat sa buong Pilipinas puwera pa ‘yung sa isteyt samantalang sabihin na nating PhP100 kada buwan ang suweldo ni heneral ligot. PhP1.2m taymis 40 taon niya sa serbisyo ikwals PhP48m plas PhP300m pabaon ikwals PhP348m. Kahit hindi sila kumain sa loob ng panahong mag-asawa sila imposibleng lumobo ang kabuhayan nila nang ganyan kung hindi galing sa pagnanakaw.
heneral ligot, ano’ng sikmura meron ka? may kaluluwa ka pa ba? letse kang hinayupak ka, nagkakamatay ang mga sundalo kapag merong operasyon dahil mahinang klase ang armas, kulang sa bala, kulang sa treyning at higit sa lahat ay kakarampot ang suweldo pero kayong mga dapat maging halimbawa ng matapat na pamumuno ay sinusuwapang ang hindi para sa inyo?
ang iyong asawa, huwag mong sabihing ni hindi nakatuntong kahit elementari? imposible ring lumaki ‘yan sa kalye dahil hindi mo magiging asawa dahil opisyal ka ng hukbong kupitan este katihan ng pilipinas at isang kahihiyan kung hindi prupesyunal ang iyong naging esmi.
pero kung ano man siya ay kumpatibol kayong dalawa – pareho kayong halang ang inyong kaluluwa, mga buset!
The Ligots (assuming they are indeed guilty of what is being accused of them) is like any other guilty party.
What’s to fear because wala naman punishment? Who have we convicted since Martial Law era that strikes fear for the future potential criminals?
The Marcos are still at power. Erap, the convict is out and almost became President.
I don’t blame any single government era. Its our nature to be forgiving. The problem is that, we forgive easily and no one is held accountable.
That’s just corruption and theft. Imagine other crimes, including rebellion.
Dapat talaga may masampulan. Made to be a reminder that future generation will not repeat because every crime (to their thinking and because of the reminder) will get a corresponding punishment.
We as a nation should be blamed. We tolerate people easily.
Sinisingil ng BIR ng P153.3 million sa buwis ang mga Ligot kasama na doon ang interes at multa sa hindi nila pagdeklara ng kanilang kinita noong 2003. <———Ellen
Ewan ko sa inyo pero kung TAX EVASION lang pala ang ika-kaso kay Ligot at ang asawa niya, aba eh gawin na lang nating career ang pagnanakaw (nang milyun-milyon…..bilyon, kung kaya natin) tapos bayaran lang natin ang kaukulang buwis sa ninakaw natin at presto,…….okay na naman tayo !!
'Taragis, hindi pagnanakaw ang kasi ni Ligot kundi" tax evasion" !! Para bang sinabi na kinita nila nang legal ang perang ninakaw nila at nakalimutan lang nilang magbayad ng kaukulang tax !! Onli in da Pilipins !!!