Halatang-halata ang sama ng loob ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos-Deles na pinagdududahan ang kayang katapatan kay Pangulong Aquino sa kanyang pahayag na sagot kay Sen.Francis Escudero na binatikos siya sa kanyang mga kwestyonable na mga payo kay Pangulong Aquino.
Sa simula ng kanyang sinabi na niya kaagad na nag-resign siya noong Hulyo 2005 sa administrasyong Arroyo kasama sa grupong Hyatt 10.
Ang isa sa isyu na binanggit ni Escudero ay ang P5 milyon na ayuda sa Moro Islamic Liberation Front na matagal nang nakikipagbakbakan sa ating Hukbong Sandatahan. Ang mainit na engkwentro ay yung nangyari
noong Oktubre 18 sa Albarka,Basilan kung saan 19 na sundalo ang namatay.
Hindi maalis na lalong magagalit ang marami dahil ang dating ng mga aksyun ni Aquino ay alaylay na alalay sa MILF. Sa kanyang unang pahayag, nagalit sa palpak ng military at hindi siya nag-order na tugisin ang MILF na sangkot sa trahedya. Nang sumunod na mga araw,nang lumabas ang balita ng demoralisasyun sa military, sinabi niyang bibigyan daw ng hustisya ang mga namatay.
Hindi matanggap ng marami na pumapayag ang ating pamahalaan na may teritoryo sa Pilipinas na hindi makakapasok ang military. Pinapaliwanag ni Escudero si Deles sa kanilang napagkasunduan ng Area of Temporary Stay (ATS), mga lugar sa Mindanao na kontrolado ng MILF at dapat magpa-alam muna ang mga miyembro ng miltiary bago sila makapasok.
Lalong marami ang nagalit nang lumabas ang balita tungkol sa P5 milyon na binigay ng pamahalaang Aquino sa MILF.
Sabi nila, pinapatay na nga ang ating sundalo, bibigyan mo pa ng pera. Para mo na ring binibigyan ng perang pambili ng armas para lalong marami pang sundalo ang papatayin.
Sa hiwalay na pahayag, sabi ni Atty. Marvic Leonen, chairman ng Government Panel na binigay niya kay
ang P5-million na tseke kay MILF peace panel chair Mohagher Iqbal sa kanilang pormal na exploratory talks noong Agosto 22-23 sa Kuala Lumpur.
Sabi, ang P5 milyon ay para ipatayo ng Bangsamoro Leadership and Management Institute or BLMI, na napagkasunduan noong 2007 ng administrasyon ni Gloria Arroyo. Itong BLMI ay naka-rehistro sa
Securities and Exchange Commission.
Sabi ng marami, kung yun ay ideya ni Arroyo, bakit kailangan ipagpatuloy ni Aquino. Maraming kontrata pangnegosyo na napirmahan ng administrasyong Arroyo na hindi tinutuloy ni Aquino.
Sabi ni Deles, ang desisyon ni Aquino na itutuloy ang pagbigay ng P5 milyon ay pagrespeto daw ng kasunduan na pinasukan ng pamahalaan.Naniniwala din daw si Aquino na hindi sayang ang P5 milyon kung yun ay
makakatulong sa pagpalit ng “culture of war to a culture of peace” at makuha ang kanilang kooperasyun sa maayos na pamamahala ng Bangsamoro.
Suportado din daw ng The Asia Foundation at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang BMLI. Ina-audit daw ng dalawang foreign aid institutions ang kanilang binibigay na tulong pinansyal ay
kuntento naman daw sila.
Sana nga hindi bibiguin ng MILF ang paniniwala sa kanila ni Aquino at ni Deles.
Sa isang interview sa radyo, sabi ni Deles ia-audit daw nila ang MILF sa P5 milyon na pera ng bayan na binigay sa kanila. Kung malalaman daw na ginamit nila yun sa ibang bagay maliban sa napagkasunduan katulad
ng pagbili ng armas at bala at ginamit laban sa mga sundalo, pwede raw sila kasuhan ng estafa.
May mga nagsabi na hindi yata nakalapat ang paa ni Deles sa lupa. Sabi ng isang abogado ,”Aber, paano nila i-serve ang warrant of arrest sa mga lider mg MILF? Magpapa-alam muna ang sheriff bago makapasok sa
MILF territory. Baka mas masahol pa ang abutin ng sheriff kasya yung sheriff sa Davao na sinuntok ni Mayor Sara ng Davao. ”
Talaga, ia-audit ng Asia Foundation at JICA ang 5M? Nagtataka lang ako, kung pondo ng bayan yun at kung sakaling magpa audit nga ang MILF, bakit mga poregners ang gagawa? Bakit hindi ang COA? Sinabi na lang sana na galing sa intelligence fund yun at hindi covered ng audit, tapos na ang usapan.
ano ba ang kredensyal ni Deles para pamunuan ang peace process? hindi naman siya muslim, hindi rin dating NPA, hindi rin biktima ng martial law. Ang alam ko lang kasama siya ni Soliman na nagsulong ng PEAC bond pero malayo naman ang layunin nito sa kapayapaan.
Sino ba talaga siya kuya?
30 Oct 2011
Talaga lang ha na pwede ma-audit ang milf sa mP5 milyong ayuda na ibinigay ni Noy-Ab?
Hmmmm….. tingnana natin. Ang tanong e kung papayag ba yang milf sa proseso ng pag-audit.
Ang aking pinagtatakhan at pinagtatakhan ng mga nakakarami e, bakit meron “area of temporary stay ang milf? ang ats na yan ang ginagamit ng milf para maproteksyunan ang mga walang puso’t kaluluwa na mga hinayupak na mamatay tao, ginagamit nila ang ats para mabigyan ng proteksyon ang lahat na gawain ng mga miyembro at hindi miyembro ng milf, ginagamit ng milf ang ats para sa lahat ng muslim na pag nakatuntong na sa lugar na may ats, lahat itong mga muslim na ito ay agarang miyembro ng milf, kahit na may mga karahasang pinag-gagawa ang mga ito.
Yung sa P5 milyon, katulad nga ng sabi ni dilis, este deles, ito pala ay kasunduan pa nung panahon ni gloria kaya kelangan nilang sundin ito, subalit marami ring kasunduan na pwededng pakinabangan ng mga nakararaming kababayan natin ang pinawalang bisa ni Noy-Ab, pero itong sa milf ay dapat daw na sundin. Hindi ko maintindihan kung bakit yung mga magagandang proyekto ni gloria (kung meron man ha, hehehe…) ay pinawalang bisa eto namang kabalbalan sa milf e itnuloy.
maganda kung ito ay gagawin at susundin ng milf, kaso mo hindi naman nila ito gagawin at susundin e.
srcitizen2000…. si dilis, este deles ang alam ko ang kanyang kredensyal ay numero unong balimbing… malay mo baka may malaking personal na interes sa mindanao yan na hindi natin alam.
At kung hindi nyo napapansin e, mas sinusunod ng milf ang alituntunin ng mga pakialamerong mga bansa, katulad ng mali-sya, hapon at amerika, kesa alituntunin ng Pilipinas.
bakit ganun???
Kawawa naman tayong lahat.
prans
ito nga ang problema..we have too many recycled people in the government. They just jump from one administration to the next. Ala na ba talagang makuhang iba? kayo na lang ba ang pedeng magpatakbo ng gobyerno? as we do this, yung mga importanteng bagay napapabayaan..parang ang gobyerno ay pag aari ng ilang pamilya lamang at sa eleksyon lang nag tatalo talo kung sinu ang mag papatakbo ng gaobyerno.
also, with regards to the arroyos, kinasuhan nga puro mahina naman ang binabandera..yung talagang kasalanan di yun ang focus..ngayon may kaso na they allow her to have all the leniency in the world kesyo di makakarating dahil kailangan mag pagaling at may sakit..Bullshit!!!
Kung ordinaryong pinoy, well used magdalo as an example, me kasalanan man malaki o maliit..ayon nakulong ng sobra sobra.
Governance is a farce in our country. Its a game few families play over and over again..kaya meron npa, milf, magdalo atbp. tayo naman don’t do anything to change this kaya inaabuso lagi..di ninyo ba napansin pataas ng pataas ang buwis..not directly pero thru other means..toll fees, road user tax, fees here and there…langyang buhay to oh!!! 🙂
bibigyan mo ng pera ang MILF sa panahong hindi sila nagsasalong ng sandata at patuloy ang paglaban sa gobyerno at pagpatay sa mga sundalong dumadaan sa kanilang area of temporary stay (na sa totoong termino ay AREA TO SLAY troops, aasa kang gagastusin ‘yun sa sinabi sa iyong paglalaanan? nauto ka na nga, asa ka pang hindi ka gugulangan?
sino ngayon ang lumalabas na KUMAKANDILI at kumukunsinti sa MILF?
…..AREAS ALLOWED TO SLAY troops…..
Limang milyon, si GMA at si Claudine
http://abante.com.ph/issue/oct3011/op_ac.htm
If we surrender to the school of thought that human existence is solely governed by stimulus/response, positive and negative reinforcement then we are no better than Pavlov’s dog. Are we to accept that we are capable of only two reactions, fight or flight? Revenge, getting even, and eye for an eye, its my way or the highway, or the provervial “ubusan ng lahi?”
We are not and must not allow ourselves to be slaves of our baser instincts, we are humans after all, capable of introspection, analysis, and self realization. We can actually decide how to respond and not let others decide for us.
The issue with the conflict in Mindanao which has been going on for more than 30 years or so appears to have a distinctive pattern when it comes to attempts at achieving peace, peace negotiations are initiated and as the process progresses pockets of violence spark and eventually erupts into a full blown “all our war.” Has anybody bothered to ask why? Are there people from both sides who do not want peace? Are there people who benefit from a protracted conflict? Is there money in it? The peace process is so fragile that its easy for any shady group to throw a monkey wrench in it. And throw they did. Every time. Its always ends up with “all out war” to the point that its become predictable. The real enemy knows our weaknesses so well that they know perfectly well which buttons to push, how to arouse public sentiment, capitalize on the weakness and vulnerability of the military, and how best to force the politicians’ hands into playing the same card over and over again. Its like the dog in that conditioning experiment, it salivates each time food is waved in front of it, and when a bell was associated with food, it salivates even just at the sound of the bell.
There are more options available to those who open their minds and hearts, but if we allow our views to be blurred by our tears, our minds to be narrowed by anger or self pity without even looking at the issue clearly and using our powers of critical thinking, then we are like the trained dogs salivating even at the sound of the bell and we are doomed to follow the same pattern over and over again.
Lets give peace a chance. The politicians will always take every opportunity for sound bytes and the media will always look for stories that attract attention, lets think for ourselves for a change and be truly free.
Palace asked to explain ‘grey areas’ in P5M MILF aid
http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/29/11/palace-asked-explain-grey-areas-p5m-milf-aid
Ayan, o. Dati sila ang nakikipaglaro sa MILF, ang saya saya pa nga nila, eh. Ngayong wala na ‘yung nanay nila sa pinipilit na kapitang parang tukong poder sa Malakanyang ay inuurirat nila ang ipinagpapatuloy na inumpisahan nilang kapalpakan.
Paanong matatapos ang gulo sa Mindanao kung ginagawa nilang parang laro lamang ang dapat na dibdibang pagsasaayos ng pinag-ugatan ng mga problema? Sa halip na band aid solution, long term ang hanapin nila. At dahil pinagkatiwalaan sila ng mga botanteng kanilang binili ang boto kapalit ng panggogoyong tapat na paglilingkod, umayos sila at huwag ganyang batuhan na lamang sila ng kapalpakan at tigilan na ang pagnenegosyo sa pulitika. Itodo nila ang kanilang galing at katusuhan hindi sa pangungurakot at pangongotong sa pork barrel kundi sa tapat na paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.
Gaya ng sabi ko War Is Business. Pinopondohan ang magkabilang panig na magkalaban. Nagtataka pa ba kayo. Matitigil lang ang gulo kung magunaw ang mundo.
Pati pala administrasyon ni Pnoy pauto na rin GMA. Ang galing talagang mang uto ni GMA. Kung totoo man iyon dapat hindi nila sinunod kung anuman ang kasunduan para ang pag initan ng mga MILF ay si GMA. Para lusubin sa kanilang bahay tapos imasaker sa hindi pagtupad sa kasunduan.
May kaunti rin palang pagmamahal ang administrasyon ni Pnoy sa nakaraang administrasyon. Akala ko wala. Pero mali ang pagbibigay sa MILF dahil kalaban sila ng mga militar. Traydor sila kung lumaban. Hindi patas kung makipagbarilan. Mga hayop sila, hambog sila.
Ang kakapal ng mukha na sabihin na puwede silang kasuhan ng estafa. Hoy. MILF hindi gago ang mga tao para hindi maisip na tiyak maghuhugas kamay kayo. Natural sasabihin niyo ginamint niyo ang 5 milyon sa magandang paraan. Asal hayop talaga kayo. Takot nga kayo na magpakita sa mga sundalo kung nagpapatrolya iyon pa kayang magpa kaso ng estafa. Gago kayo, ginagawa niyong laruan ang medya pati mga tao.
Dapat ang binibigay ng administrasyon sa mga MILF ay mga bigas, maraming bigas na kapag linuto at kinain ay mamamatay sila. Bigyan ng bigay na may lason o kaya mga pagkain. Iyon ang magandang paraan.
“May mga nagsabi na hindi yata nakalapat ang paa ni Deles sa lupa. Sabi ng isang abogado ,”Aber, paano nila i-serve ang warrant of arrest sa mga lider mg MILF? Magpapa-alam muna ang sheriff bago makapasok sa MILF territory. Baka mas masahol pa ang abutin ng sheriff kasya yung sheriff sa Davao na sinuntok ni Mayor Sara ng Davao. ”
Oo nga. Baka hahanapin ang ulo at mga bituka ng sheriff sa kangkungan katulad ng ginawa nila sa mga sundalo.
“It clarified what we intended to do,” Secretary Ramon Carandang, head of Malacañang’s communications development and strategic planning office, said of President Aquino’s speech on all-out justice on Oct. 24. “Until then there had been no clear statement on what we intend to do.”
http://newsinfo.inquirer.net/85167/how-all-out-justice-call-came-to-be-president-aquinos-strategy
If the statement was not clear, whose fault was it? Shouldn’t the President’s media people including Carandang take responsibility for it?
Tapos siya pa ang yabang-yabang na galit kay Lt. Col. Parlade.
No more explanation Hon. Deles? Labag ito sa Saligang Bata…if you think na tama ang ginawa ni PNOY, 100% wrong siya coz’ protector si PNOY ng rebeldeng grupo.
Labag sa batas ang magkanlong ng mga rebelde sapagka’t ang sinuman na kumalaban sa Pamahalaang Pilipinas at sa nag-iisang AFP e maituturing na kalaban ng batas.
Kung ang ordinaryong mamamayan e mahulihan ng kahit anumang uri ng armas either paltik ito e may karampatang parusa, but imagine magkakaloob pa si PNOY ng milyones sa mga rebelde para may maipangbili ng armas o anupaman yan.
Dpat pantay ang pagpapatupad ng batas…or else dapat ang mamamayan e magtayo na rin ng armadong grupo gaya ng mga rebelde ngayon na binebaybi ng gobyernong PNOY.
Paano maibabalik ang tiwala ng sambayang Pilipino kung ang pangulo ng Pinas e kunsintidor? Kaya nagkakaletse-letse ang bayan natin sa ganitong patakaran ng iilan lamang.
Tapusin na lahat ang rebelyon sa Pinas ng makapagsimula na tayo…anong peacetalk yan e ilang dekada na ba yang mga rebeldeng grupo na yan sige nga?
MILF seeks impartial probe of Albarka clash:
http://www.gmanews.tv/story/237043/nation/milf-seeks-impartial-probe-of-basilan-clash
Re #1 (Joeseg),
The Asia Foundation and JICA are auditing their own aid for the BLMI. They are not auditing the Philippine government’s aid.
Sa aking pananaw, ang gulo sa Mindanao-Julo, o magkakalapit na lugar, ay isang “training ground ” ng mga bagong graduates o nagtapos na mga PMAyers, PNPyers, at iba pang sangay ng military adventurism. These areas had been created to exercise an actual battle ground, as a post-academic learning from their respective institutions, to test as a real military officers, and personnel, kaya habang panahon, di mahihinto ang “sham and shameful “, war in the south of The Philippines. Commissioners for Peace were created and enhance “funds and budgets “, at the expense of the Tax Payers, to create a sham battles, having young military graduates had been sacrificed, and arrested their fruitful futures.Kaya marahil tama si #10 ( arvin ), tama ang haka-haka niya. Sana naman mag-karoon ng mga bagong innovation ang DND o gobyerno, na huwag ng gumawa pa ng mga sham wars, na maraming inosenti-walang muwang, na nabibigtima, at kawawa ang mga pamilya. Mula pa ki “Kamlon”’50s, hanggan sa MILF at ngayon ang gulo dyan, na iilan lamang na mga rebelde ang mga kalaban, di mahinto-hinto ang gulo, at halos katuwang pa ang US-military influnce. Nasaan ang mga talino ng katulad nina Deles, at iba pang naging Peace negotiators, wala namang nangyayari, samantalang gumas-gastos ng husto ang gobyerno ni Juan de la Cruz. Its seems, the trouble in the area is a “sham and shame “… My comment for Hope and Change in the future generations.
Si Pnot ay wala nman tamang ginagawa eh. Puro recycle ang mga kinukuha niyang tao at halos yata lahat ng HYATT 10 ay naka puwesto sa gobyerno ntin eh. Sa Senado ay tutulog tulog ngayon ay hawak pa ang mataas n puwesto sa bansa. Anong itatayong gusali ng MILF naku ibubulsa lang iyan ng head nila. Iyang ang nangyayari na ang nanalo ay dahil sa Symphaty Vote at dahil namatay si Cory. D naman nararapat sa puwesto.
“An investigation was conducted by the Joint GPH – MILF CCCH and the Bantay Ceasefire / Mindanao People Caucus on this case from the last week of July to the first days of August 2007.”
The civic group Bantay Ceasefire is an NGO sympathetic to the MILF and is involved in documenting military violations in war-torn provinces of Mindanao.
Siyempre sa MILF sila kakampi.
Ang pagbibigay ni Penoy ng 5M Pesos sa MILF ay maliwanag na pagtataksil sa Armed Forces of the Philippines kung saan siya ang Commander in Chief. “Adherence to the enemies, giving them aid or comfort,” ‘ika nga. Kung sabagay, this phrase is no stranger to the Aquinos. Remember Benigno Aquino Sr. who was imprisoned in Sugamo Prison in Japan after World War II and brought back to the Philippines to face trial on Treason?
Ang pagbibigay ni Penoy ng 5M Pesos sa MILF ay maliwanag na pagtataksil sa bayan at sa Armed forces of the Philippines kung saan siya ang Commander in Chief. “Adherence to the enemies, giving them aid or comfort,” ‘ika nga. Kung sabagay, this phrase as an element of Treason is no stranger to the Aquinos. Remember Benigno Aquino Sr. was imprisoned in Sugamo Prison after World War II and brought back to the Philippines to face trial on Treason?
kahit ano pang paliwanag ay nagdudumilat ang katibayang HINDI nabago ang pamamalakad sa pamahalaan. oo nga’t nagkaroon ng halalan, naging presidente si PeNoy, umalis na si goyang sa malakanyang subalit nanalong kinawatan ng pampanga pero karamihan sa kanyang mga galamay ay nakapuwesto pa. ang katulad nina deles, de lima, at iba pa na dating gabinete ng bruha ay siya ring nakapaligid naman ngayon kay PeNoy at ipinagpapatuloy lamang nila ang ‘yung hindi nila natapos noong panahon ng kanilang reyna. masaklap pa nito, sa halip na ‘yung tuwid na daang sinasabi ang kanilang sunding tahakin, ang tinutunton nila ay ‘yung gilid ng esterong umaalingasaw. muntik pa nga silang mahulog dahil nabunggo nila ‘yung batang mamang naglalaro ng PSP habang nakaupo sa kanilang lalakaran.
Yeah RIGHT DELES ipa audit mo…
Bibigyan ka lang ng pekeng resibo at sa dami ng Muslim sa Quiapo at doon pa ang pugad ng mga pekeng papeles.
Yeah Right DELES.. pag nakuha mo ang papeles na galing sa kanila at ipakita mo sa taong bayan…
Pekeng papeles na ang pipirma pa ay ang sapatero sa ilalim ng tulay.
Parang barya lang kung mag bigay ng pera kayo sa kalaban pero ang hirap naman ninyong mag paluwal sa mga mahihirap na tao.
Limang milyon ay marami na kayong matutulungan na pulubi sa kalsada at mapapakain. Mag patayo kayo shelter para sa pulubi. Kesa ibibigay ninyong pera sa mga kalaban na pumapatay sa ating sundalo.
TANGA
Former Press Secretary and Peace Negotiator Jesus Dureza raised and interesting issue on the P5 million assistance of the Aquino government to the MILF: how can the MILF be made to account for it when as a rebel group they believe they are not covered by the laws of the Philippine government?
Click below for the rest of Dureza’s column which is supportive of the Aquino government’s peace efforts:
http://www.advocacymindanow.org/columns
It looks like all rebel groups are being given millions of dough. I just hope that these rebel groups will really invest these monies in worthwhile undertakings like educating their kids who are taught early on that carrying guns is a MUST!. There should be a check and balance for all these monies so these will not be paid towards more ammunitions to fight the government.
Matatalinong matsin ang mga MILF. If it suits them, it is ok, if not, they accuse the government for not following the guidelines for the “peace talks”. How can we ever win over these hoodlums. They just want to play by their OWN RULES. The criminals they are protecting aren’t criminals, according to them. These criminals have to be tried in their own court. Ano ba yan? Will we ever win over these hoodlums? Mabuti pa ang “poker” may rules. Itong mga ito, they want to keep changing the rules so everything will go their way. Quite frankly, parang mas gusto ko na ang style ni Erap, dismantle the MILF’s ability to sow terror in Mindanao. Para silang mga bata. If they do not get their way, pupugutan ang ating mga sundalo and terrorize the civilians. Yan lang ang alam nilang weapon of intimidation. Totoo nga kaya na sila ang kumakatawan ng mga Bangsamoro?
Mukhang itong si Pnot at mga naka-yellow ay baka maka-kaliwa talaga ang mga ito. Kahit siguro yong ama ama niya ay maka-kaliwa din dahil kasama niya dati si Alex Boncayao. Kaya ang lahat ng mga rebeldeng grupo ay may allowance sa gobyerno nitong si Pnot. Di malayo di ba? Kaya inilagay niya itong si Deles at si Leonen sa pistok.
Palace defers to AFP questions on MILF’s areas of temporary stay
http://www.gmanews.tv/story/237569/nation/palace-defers-to-afp-questions-on-milfs-areas-of-temporary-stay
Baka ang mangyari nito ay teka teka muna kapag meron nang full combat operations.
PeNoy, isang desisyon lang. Ipakilala mo sa MILF na IKAW ang presidente at hindi maaaring ‘yung kanilang gusto ang masusunod.
Better listen to major service commanders and soldiers being most experienced in this issue and have most of their lives in the field as their “home” since they all entered the military service. Walang mangyayari kung ang pakikinggan mo ay ang mga sinasabi ng members ng negotiating panel at mga nakapaligid sa iyo.
Mas marapat din na umpisahan mo na ang pagbalangkas ng programs for rehabilitation and development sa Mindanao which I doubt na wala ka pa as in WALA talaga dahil hanggang sloganeering ka lang.
The main solution to this decades old armed conflict is delivering to the people the basic services that never reach them since the liberation of the country from foreign aggressors and if there any fund allocations, were pocketed by the corrupt local leaders.
Nakarating ka na naman sa iba’t ibang liblib na bahagi ng bansa partikular sa Mindanao noong panahong nangangampanya ka (nakarating ka nga ba?) mula pa sa pagkasenador hanggang nitong tumakbo ka sa pagkapangulo. Siguro naman ay napansin mo (o baka hindi mo pinansin) ang mga putol putol na sementadong kalsada at mga nakatiwangwang na lubak lubak na nagiging parang mga swimming pool kapag tag-ulan at malawak na powder factory kapag tag-araw subalit ang pondo ay reported na ginastos nang buo at tapos ang trabaho.
Karamihan sa mga barangay ay walang health center at ‘yung meron ay kulang sa mga kagamitan o talagang wala at wala ring health worker na tumatao upang magbigay serbisyo kung kinakailangan. Gayundin ay kulang ang mga paaralan kaya karamihang mag-aaral ay naglalakad ng napakalayo upang matuto lamang.
Butil lamang ito ng buhangin sa malawak na disyerto ng mga pangangailangan ng mamamayang hindi gustong tugunan ng mga kinauukulan at alam naming ubos na buhok mo at lagas na pati kilay mo ay hindi mo lubos na masosolusyunan subalit kung marerendahan mo ang iyong mga kapanalig UPANG NGAYON kumilos ay baka sa administrasyon mo matamasa ang NAPAKAILAP na katahimikan sa lugar namin sa Mindanao.
Kaya mo?