Noong gabi na breaking news ang pagkahuli kay Muammar Gaddafy, ang dictator ng Libya, nag-text sa akin si Gypsy Baldovino, ang masipag na media officer ni Rep. Gina de Venecia, at sinabi niya na nanonood siya sa Al Jazeera at wala pa raw sa CNN ang balita tungkol kay Gaddafy.
Nagtext back ako kay Gypsy:”Hayaan mo na muna si Gaddafy. Nanonood ako ng ‘100 days to Heaven.’ Mas maganda ito.”
Marami kaming mga kaibigan ko – sina Yvonne Chua at Luz Rimban ng VERA Files at si Charmaine Deogracias ng NHK TV- ang masugid na sumusunod sa mga telenovela sa ABS-CBN.
Noong Media Nation sa Cebu kamaka-ilan, nagtaka ang iba kung bakit hindi kami sumabay sa dinner ng mga ika-walo ng gabi. Siyempre, ayaw naming ma miss ang “100 days to Heaven.” Hindi na bale magutom.
Noong gabi na nakuha namin ang Mayuga report,tungkol sa partisipasyun ng mga opiisyal ng military sa dayaan noong 2004 na eleksyun, kailangan ko ipadala kay Yvonne at Charmaine para mai-scan at ma-post sa Yahoo at VERA Files website. Sabi nila sa akin, pagkatapos na lang daw ng “Minsan lang kita iibigin” dahil huling linggo na ng telenovela na yun at ang gagaling daw ng mga artista lalo pa raw si Lorna Tolentino.
Sabi ko, katagal-tagal natin hinanap itong Mayuga Report. Ngayong hawak na natin, sinasantabi natin para sa isang telenovela tungkol din sa military.
Kahit sabihin nilang mababaw na kaligayahan ang telenovela, wala kaming paki-alam. Nakaka-aliw.
Tuwang-tuwa ako na gumagaling ang ABS-CBN sa paggawa ng telenovela. Napapanood ko minsan sa bus ang telenovela sa GMA7 at hindi masyadong maganda. Ganun din sa TV5.
Itong “100 days to Heaven”, maganda ang pagkasulat. Hindi forcing through ang conflicts sa istorya. Ito ay tungkol sa isang presidente ng Toy Company na si Ana Manalastas (ginagampanan ni Coney Reyes) na pinatay. Nang nasa pintuan na siya ng langit, pinabalik siya sa lupa sa anyo ng isang bata (Xyril Manabat)para bigyan siya ng pagkakataon na ma-iwasto ang kanyang mga pagkakamali sa loob ng 100 na araw.
Ang galing nitong si Xyril. Nakakalimutan mong bata siya.
Ang ganda pa ng mga values na pinapalutang nila. Katulad sa mga eksena ngayon ni Anna at ng anak niyang si Sophia/Tricia (Jodie Santamaria), ang kahalagahan ng pagpatawad ang tinuturo.
Wala na yung ginagawang tanga ang bida para maging martir. Ngayon, tagisan ng galing at talino. At nakaka-aliw.
Ang hirap lang kapag naumpisahan mo sundan ang isang istorya dahil ang iyong schedule ay iikot sa ganung telenovela.
Sabi ko noon “100 days to Heaven” lang ako at kailangan ko mag-trabaho. Kaya lang inumpisahan ko na rin ang “Budoy”. Maganda rin kuwento.Medyo mababaw lang ang acting ni Gerald Anderson.
Heh,heh,heh, I am so addicted to this telenobela too! I cancel all my appointments to watch it! Natutuwa ako sa mga bulilit, acting like oldits na! Ito ang aking stress reliever.
Of all TFC programs, ito lamang ang aming kinaaaliwan dito sa disyerto. Hindi na baleng hindi makapag-overtime ng marami basta huwag lang makaligtaan kahit isang episode, solved na kami.
Minsan lang makasumpong ng merong tunay na values na drama, pipigilan n’yo pa?
Kuha n’yo?
This telenovela should touch the lives of the matapobreng rich and benevolent people only infront of cameras who always enjoy seeing pretentious selves in papers and news.
It must be also an eye opener to all that riches cannot be brought to the final destination and that how one was borne is how one will face the creator. Nothing except nothing but deeds how one will be judged during the final hour.
OK ka talaga Ms. ellen. To break the monotonous you switch the topic to teleserye. Siyang tunay nakaka aliw talaga itong 100 Days ng ABS-CBN. Tanong ko lang. What if this will happen in real life.If si GMA ay hindi tinanggap ni San Pedro at pinabalik sa lupa na naging bata. Para ituwid ang mga wrong doing niya specially sa kurakutan at pagsalaula sa constitution. Do you think the parents of Xyriel Manabat will allow her para gumanap ng papel ni GMA bilang bata. I don’t think so. Guys sino sa palagay nyo ang puwedeng gumanap sa papel ni GMA bilang bata. Ahhhh alam ko na. Si Mahal. Tama si Mahal. Why, because most of the bloger were addressing GMA as putot, pandak, unano, etc…. kaya puwedeng puwede si Mahal. Say nyo.
Galing kay Jimmy Paclarin:
Alam mo natatawa ako pag binabasa ko ang mga nasasabi mo sa column mo, dahil nakikita ko sa aking sarili ang mga sinasabi mo, na kahit 63 years old na ako, (lalaki) hindi ko rin pinalalagpas na panoorin ang 100days to heaven, gumigising pa ako ng 2:30am para lang masundan ang episode na ito.
Hanggang ngayon habang sinusulat ko ito sa iyo, di maalis ang aking pagtawa.