Para mapanagot si Gloria Arroyo sa kanyang mga kasalanan sa taumbayan, kailangan merong isang malapit sa kanya na kasabwat sa kanyang pandaraya at pagnanakaw na kailangang kumanta.
Sa iba’t-ibang imbestigasyun na lumabas, may ilang mga pinagkatiwalaan si Arroyo sa mga hindi kanais-nais na kanyang pinaggagawa para manatili sa kapangyarihan. Ang ilan mga nababanggit at si dating Police Chief Hermogenes Ebdane, dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Ngunit malabo kung babaligtad itong tatlo laban sa kanilang dating amo. Kaya dapat kasama na rin sila na kakasuhan para managot sa mga kasalanan na ginawa nila sa taumbayan.
Siyempre sa malalaking operasyun na bilyun-bilyun na piso ang nakasalalay, marami tao ang kailangan a at meron nang kumakanta. Maganda siguro tingnan kung paano sila pinakanta ng mga tauhan ni Aquino. Ngunit sa ngayon, ang ilang kaso ay nakasalalay sa kanilang testimonya.
Katulad ng testimonya ng negosyanteng si Archibald Po na siyang kauna-unahang direkta nagsabit kay Mike Arroyo sa anomalyang pagbenta ng lumang helicopter sa Philippine National Police sa presyong bago.
Naga-apply ngayon si Po at ang iba pang negosyante na kasabwat sa transakyun na mapasa-ilalim sa Witness Protection Program. Kapag natanggap sila, aalisin sila sa listahan ng mga akusado at sila ang gagawing state witness.
Sa kasong electoral fraud, ang nakuha ng Department of Justice na direktang nag-ugnay kay Gloria at Mike Arroyo ay si Norie Unas, ang senior aide ni dating gubernador ng Maguindanao na si Andal Ampatuan Sr.
Medyo sensitibo itong kaso ni Unas kasi isa siya sa sangkot sa Maguindanao masaker noong Nobyembre 23, 2009. Kasama raw sila sa pagplano at pagsagawa ng karumal-dumal na krimen na kumitil ng buhay ng 58 katao, 32 doon ay mga taga-medya.
Nagreklamo si Esmael “Toto” Mangundadato, ang kasalukuyang gubernador ng Manguindanao. Kasama ang isang asawa ni Mangundadato at ilang kamag-anak sa mga namatay sa masaker.
Ngunit nakapagtaka, hindi kasama si Unas sa 197 na nakasuhan sa masaker.
Sinabi ni De Lima na mataas ang posibilidad na tatanggapin nila si Unas sa WPP. Sa ganun daw, hindi kailangan si Zaldy Ampatuan, ang dating gubernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao, na nagboluntaryo na magte-testigo sa pag-utos ni Arroyo na siguraduhin ma-zero ang oposisyun sa 2007 na eleksyun sa pagka-senador.
Mas deretso kay Mike at Gloria Arroyo ang kwento ni Unas kaysa kay Zaldy.
Ang kay Zaldy kasi, sinabi daw ni Gloria Arroyo sa tatay niya na siguraduhin na manalo lahat na kandidato ng Team Unity at sinabi ng tatay niya sa kanya.
Kay Unas naman, sinabi niya narinig daw niya mismo sa isang miting sa Malacanang snabi ni Gloria sa matandang Ampatuan “ ‘Dapat 12-0 sa Maguindanao, kahit pa ayusin o palitan nyo ang resulta .”
Ewan lang kung sapat yun para magpakulong kay Arroyo ngunit yun lang yata sa ngayon ang pinakamalakas na nag-ugnay kay Arroyo sa dayaan sa 2007 na eleksyun.
Ang buhay nga naman. Para mapanagot si Gloria Arroyo sa kanyang kasalanan sa taumbayan, kailanganin ang isang suspek din sa isang krimen.
Kapag “highly top jobs”-conspiracy ang operasyon, ang script ng mga iyan ay mahirap mabuking, lalo na mga brains ng mga professionals ang gagamitin. Ito yata ang sinasabi ni Pangulong Pnoy na “liko-likong landas” na itutuwid..Magkakaroon lang ng linaw iyan kung ang isang conspirator ay “kakanta”, at nakukunsyensa ( katulad ng nag-harakiring heneral ),at kung tunay na maka-Bayan, maka-Tao, at maka-Diyos..Kung maka-Salapi at gahaman, mahirap ang hustisya yata dyan ?..Dapat din titingnan nila ang future-kinabukasan ng susunod na henarasyon o lahi, kung anong klase ang magiging hitsura, at ibalik ang magandang pangalan ng bansang Pilipinas, na nilumpo ng sobra sa Ganid at Gahaman ng mga pamunuan. My concern of the future of the country.
I agree, kailangan ang isang sangkot sa krimen na maging witness para makuha ang mastermind.
What I disagree however is giving full immunity and freedom to people who were once partners in their commission. In law, no criminals should go scot-free and should be liable and accordingly punished for their crimes. In cases where others offer themselves as state witnesses, a deal may be drawn between the parties where would be witnesses will still be subjected to a reduced charge and not to a wholesale sell out. Letting loose a criminal to get a fellow criminal, I believe is not a good deal. Maybe in the Arroyo cases, the government will consider it a good deal, but still justice does not serve its purpose that all offenders must pay for their crimes. It’s not within the old adage that crime does not pay. The end does not justify the means.
As Kissinger put it, something to this effect: “You have a bad deal if only one of the parties is happy; and you have a good deal if both parties are unhappy”.
Mamili si Mangudadato, Si Unas o si Zaldy? Parehong criminal. I guess, Pnoy will pick Unas, the lesser evil dahil si Zaldy eh Ampatuan. This is the reality. Most criminals are caught because one of the insiders reveals the scheme. Hudasan ang tawag dyan. If we have to believe in the testimony of one criminal against another criminal to solve a crime as big as the cheating operations of the bansot, so be it. Bilisan lang kasi sa isang linggo aalis na si bansot at si fatso. Once they go to Germany for the stem cell treatment, bye bye Philippines na yan! Ang balik ng mga yan eh kapag “frindly” na ang susunod na Presidente sa kanila. Di ba ganyan ang nangyari sa mga Marcoses? Thirty years later, nabibinbin pa rin ang mga kaso nila. One of these days magiging presidente na si Bong bong Marcos, hindi pa rin tapos ang mga kaso ng mga Marcoses. Matalino si fatso sa mani-obra, hocus focus! Napakadaling kumuha ng recommendation from a doctor kahit saang parte ng mundo, for the right price! Mag-dodonate lang ng maraming pera sa foundation ng hospital where they will be treated, they will be treated as “super special” patients kahit hindi naman kailangan ng treatment talaga. Masabi lang na kailangang ma-treat. Lahat ng hospitals sa mga advanced countries eh “welcome” ang donations. Sa hirap ba naman ng buhay kahit na sa mga first world countries ngayon.
hindi na bale kung ayaw nilang makasuhan ang kanilang reyna. basta katulad lang ni angelo reyes na mas pinili ang magpakamatay kaysa isiwalat ang mga kawalanghiyaan nilang pinagsalusaluhan.
kahit papaano’y mababawasan ang mga pusakal na sinungaling, magnanakaw at mga walang kaluluwang walang iniisip kundi ang kanilang mga bulsa.
akala nila sa ganoon ay isang katunayang wala silang kasalanan. ang hindi nila alam ay karuwagan ‘yun sa pagharap sa katotohanang dapat nilang sagutin ang anumang kasong kanilang kinasasangkutan.
Bawal ang “tara”
Lim: Bribery is a crime!
http://abante.com.ph/issue/oct1711/news05.htm
Miriam sa Gloria visit:
‘She is a good friend’
http://abante.com.ph/issue/oct1711/news03.htm
o, ayan ang isang masugid na tagapagtanggol ng mga kawatan.
ano’ng tawag ninyo sa kanya?
What I disagree however is giving full immunity and freedom to people who were once partners in their commission. In law, no criminals should go scot-free and should be liable and accordingly punished for their crimes.——————->florry (#2)
I agree with you. Kaya lang, in any conflict(s), there is always a choice of “winner takes all, or you win some and/or lose some”. At times, even as the enemy has the goods you want, you deal with him to a certain point that you give up something in return. I mean, that is just my opinion. Like I always say, I am not a lawyer. Hindi ko alam ang mga pa-ikot ng batas.
alam naman natin na kahit mga walanghiya ang nakapaligid noon kina goyang ay pagtatakpan pa rin nila ang pamilyang ‘yan hanggang ngayon sukdulang magkapilipilipit ang dila nila sa pagsisinungaling at magkandabulol sa paglulubid ng buhangin.
mas gugustuhin pa nga ng mga pinutukan ng lintek na maga ‘yan ang magpakamatay katulad ni angelo reyes kaysa tanggapin ang kanilang kawalanghiyaan!
Ganun talaga ang papel ng prosecutor, kapag hindi airtight ang kaso at medyo mahina ang evidence, kailangan kumuha ng isang kasapakat sa krimen para tumestigo o magbigay ng anuman uri ng evidence para mapalakas ang kaso. Ang kapalit? Immunity o kaya ay minimum na sentensyang pwedeng ipataw.
Bakit halos lahat ng mga kinukuhang opisyal ni Noynoy ay puro mga kriminal, may mga masasamang ginawa noong mga lumipas na panahon, o kaya’y may mga kasong pending sa korte? Bakit hindi sya kumuha ng mga tauhan na malinis ang reputasyon na katulad ng ginawa ni Erap noong panahon nya? Ang mga kabinete ni Erap ay malinis hindi lang sa reputasyon pati sa perception. Walang nakasuhan na opisyal ni Erap kahit isa.
Noong nagkaroon si Noynoy ng SMARTMATIC SYMPATHY VOTE ay sinabi nya na lahat ng appointed ni gloria na bumibilang na mga 10,000 ata yon na public officials, lokal at national, ay kailangang mag resign at mag apply uli para mawala ang utang na loob nila kay gloria at ang utang na loob nila ay kay Noynoy. Samakatuwid ay mayroon syang kontrol kahit papaano o influence.
Kung susundan yang reasoning na yan ni Noynoy, yon din ba ang dahilan na ang kinukuhang mga opisyal ni Noynoy ay mga kriminal. Kung natulungan nya ito na mapawalang sala ang mga masamang ginawa nila ay may utang na loob sila kay Noynoy, may kontrol o influence na si Noynoy sa kanila.
Ayaw ni Noynoy na kumuha ng opisyal na malinis ang reputasyon o perception dahil wala syang kontrol o influence sa mga taong ganon.
Hindi magagawa ni Noynoy ang mga korapsyon at pagnanakaw ng pera ng bayan kung ang pipiliin nya ay mga taong malinis at walang utang na loob sa kanya.
Halimbawa na lang itong appointment sa ARMM governorship ay gusto ni Noynoy ay itong si Hataman. Hay naku, basahin na lang ninyo sa Daily Tribune tungkol kay Hataman.