Skip to content

Masasagip pa kaya ni Iggy ang kapatid na si Mike?

Thanks to Inquirer for this photo
Akala ba ng mga Arroyo ang kanilang ninakaw na kapangyarihan ay habang-buhay? Ano akala nila sa sarili nila, sobra-sobra ang swerte?

Nagre-reklamo na ngayon ang magkapatid na Pidal, este, Arroyo na masyado daw silang iniipit ng administrasyong Aquino.

Ito ay may kinalaman sa isinampang kaso ng tatlong senador laban kay Mike Arroyo, asawa ni Gloria Arroyo at 16 pa kasama doon mga opisyal, reirado at aktibo, ng Philippine National kaugnay sa pagbenta sa PNP ng second-hand na helicopter sa presyong bago.

Ang tatlong senador na nagsampa ng kaso ay sina Teofisto Guingona III, Panfilo “Ping” Lacson, Aquilino Pimentel III. Ang kasong kanilang isinampa ay paglabag ng Anti-graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act.

Hindi plunder o pandarambong ang kanilang ikinaso, katulad ng isinampa noong isang buwan ng PNP dahil sabi ni Guingona, sa plunder, kailangan ang ibinulsa mong pera ng taumbayan ay hindi bababa sa P50 milyon.

Maaring sobra-sobra pa sa P50 milyon dyan ang napunta kay Arroyo. Kaya lang, ayon kasi sa lumabas sa imbestigasyon ng Senado, $700,000 ang kinita ni Mike Arroyo sa scam na ginawa niya sa PNP.

Sabi ni Guingona kung i-multiply mo sa P45, ang palitan ng dolyar sa peso, hindi aabot sa P50 milyon. Baka ma-dismis pa ang kaso dahil doon.

Binase ng tatlong senador ang kanilang kaso sa mga nakalap na impormasyun ng Blue Ribbon Committee na pinangungunahan ni Guingona. Labing-isang senador na ang pumirma sa report na isinumite na sa Ombudsman.

Maliban kina Guingona, Lacson, at Pimentel, ang mga pumirma na ay sina Sergio Osmeña III, Antonio Trillanes IV, Francis Escudero, Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Ralph Recto, Jinggoy Estrada at Pia Cayetano.

Nagpasabi na rin si Alan Peter Cayetano na pipirma siya kahit na nasa oposisyun siya.

Dapat lang kasi ang helicopter na yun ang ginamit ni Arroyo sa pagpamumud ng pera sa Mindanao noong 2007 para siguraduhin sana na hindi makapasok sa Magic 12 si Cayetano dahil yun ang nagbulgar ng kanyang deposito sa isang bangko sa Germany. (Nakakapagtaka ba kung sa Germany sila ngayon magpapagamot na mag-asawa?)

Nirekomenda ng Senado na imbestigahan si Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo sa maaring pananagutan sa pagtakip sa kanyang kapatid. Sa pangalawang pagkakataon kasi, inako na naman ni Iggy ang responsibilidad sa mga helicopter. Hindi raw kapatid niya ang nagbenta kungdi ang kanilang kumpanya, LTA, Inc. , na siya ang presidente.

Yan palagi ang papel ni Iggy- ang sumagip sa nakakatandang kapatid. Maala-ala natin na inamin niya na siya si Jose Pidal na may-ari ng isang bank account na binulgar ni Lacson dati na kay Mike Arroyo.

Dapat lang protektahan ni Iggy ang kapatid dahil kung hindi kay Mike baka hanggang ngayon hindi pa rin siya makakabayad ng kanyang kuryente, na siyang kanyang kalagayan sa Negros Occidental bago nakapwesto ang kanyang kapatid at ang asawang si Gloria sa Malacañang. Mula noon lumubo ang laman ng deposito ni Iggy sa bangko.

Ngunit walang krimeng perpekto at lahat ay may katapusan.

Published inAbanteGloria Arroyo and familyMike Arroyo

21 Comments

  1. Rudolfo Rudolfo

    Ang mga pangyayari sa mga issues, na nasasaad sa usapang ito, na di maganda, na panlalamang sa gobyerno at kapwa tao, ay isang patotoo na may hangganan ang lahat-lahat sa mundong ito. Problema, nakakalimot ang maraming tao, kapag kinang ng Salapi o pera na ang pinag-uusapan. Nagigising lamang sila kapag, inabot na ang pinaka-hangganan o limit, at lalo na may mga naghahabol, at may mga pinanghahawakang mga ebidinsya or dokumentos. Sabi nga walang krimen o pagkakamali daw, na di pinag-babayaran. Ngunit, mayroon namang “Court of Justice” na siyang mag-huhusga sa mga pagkakamali, totoo man o hindi.

  2. jawo jawo

    Noong si Gloria pa ang kumander in cheat, Pig Arroyo and his immediate family of thieves used to say, “SO, SUE US”. Alam niya na ang mga paratang sa kanila eh tutuo lahat pero alam din niya na nobody in their right minds would pursue any legal actions against them (except for that mass action of journalists against him at one time). Now, this oft-repeated verbiage would soon come to reality. If Ombudsman Morales deems the senate’s commitee report/findings about MIke’s alleged shenanigans as worthy of filing the cases againts him, then Mike, malapit-lapit ka nang mag-dilang anghel…….well, in your case, dilang-demonyo. ‘Pag napatunayan beyond reasonable doubt that you really own the choppers, sin duda, PORK CHOP ang labas mo, konyo. Ikaw naman IGGY, noong ini-imbestigahan ka sa pag-amin mo na ikaw si Jose Pidal, iisa lang ang sagot mo,……”I refuse to answer on the grounds that it might incriminate me”. Ngayon naman, hindi ka naman tinatanong, bigla kang dumaldal from out of the blue. Dahil tatanga-tanga ka, hindi lang utol mo ang na-incriminate mo kundi pati ikaw. Ewan ko ba kung papaano kang naging kinatawan ng probinsiya mo eh saksakan ka ng bobo.

  3. ocayvalle ocayvalle

    ay salamat at dumarating na ang hours of reckoning sa mga arroyo, sana matupad ang pangako ni pnoy sa mga mamayang pilipino na pag bayarin sila sa mga kasalanan nila.. ang pinag tataka ko lang. kadaming pilipino ang naniniwala sa kasalanan nila at maski sa mga pahayagan na malaki man at maliit ay parehas ang kanilang balita na ang mga arroyo nga ay pagbayarin sa kasalanan nila.. bakit kaya ang Daily Tribune, lalo na ang kanilang editor na si ms cacho olivares ay mukhang kakampi ng mga pidal, nabili na po kaya ng mga arroyo ang the Daily Tribune..?? kasi dito sa sanfo, aming binabasa online ang the daily tribune, lalo na noong panahon ni GMA. eh ngayon ang sabi, fishing expedition lang daw ang pamahalaan no pnoy at walang matibay na ebidensya sa mag asawang GMA at FG the pig, pati na rin si piglet mickey ay hihaharass lang daw at para mabigyan ng magandang rating si pnoy..bakit ganon?? akala ko ba ang the daily tribune ay fearless, and newspapers against corrupt in the goverment..bakit mukhang nabili na sila ng mga pidal at parang nag mistulang new protector ng mga arroyo at ng mga corrupt na alipores noong nagdaang rehimen ang papel nila.. nagtatanong lang po..!!

  4. MPRivera MPRivera

    sino sino kaya ang magiging huwes?

    Si Pingping? Si Mila? Si Lydia?

  5. MPRivera MPRivera

    ano’ng parusa?

    tuhog? tadtad? gilingin?

  6. vic vic

    The Iggy’s diversions were good only during the height of their Clans in power…Everyone during his Pidal Story knew it was a cover for his brother, but what can one do when the Senate and the House were both captured by the GMA admins and Mike Arroyo..the tide is going the other way now…Iggy himself is a toast…

  7. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Mahaba ang daan papunta sa Munti. Balita ko bilyun-bilyun ang inihanda ng mga Arroyo para sa depensa nila. Ang daming pambili ng prosecutors at judges kaya sana makapagfile na ng matatag na kasong plunder laban sa kanila nang sa ganun ay nakakulong na sila habang dinidinig ang kanilang kaso. Mabili man nila ang hustisya sa katapusan, nakatikim naman sila ng buhay sa preso. Ayus na din yun. Tulad ni Erap, nakalusot nga sa dulo pero nakatikim naman ng anim na taong walang kalayaan.

  8. Jojo Jojo

    Jawo #2 Grabe ka. Pero saludo ako sa iyo. Nagsasabi ka nang totoo.

  9. Jojo Jojo

    ocayvalle #3 matagal ko nang na notice yan. Kaya ako I seldom read Daily Tribune. Tulad din ng mga bloger na pilit na ayaw sa tuwid na landas. Bakit. Kasi nasagasaan sila. Ayaw nilang bumalik sa tamang palakad. Ayaw nilang mawala ang konting laway at connections ay pera agad.

  10. florry florry

    Ma- isave pa kaya ni Iggy si Mike?

    It depends. Alam naman natin kung ano ang kalakaran ng justice system sa Pilipinas. Maraming klase at maaring pang mabili ito sa market. Kaya hintayin na lang ang kalalabasan nito.

    Ang hirap lang kasi sa gobyerno dinadaan sa puro daldal, kesyo by December may maipapakulong na sila. Bilang na sila ng bilang ng sisiw hindi pa nga nauupuan at naiinitan ng mother hen yong mga itlog baka mamaya puro bugok pa ang labas. Ang mahalaga kumilos ng tahimik at bigyan na lang ang mga tao ng isang malaking surprise at ipakitang naka-posas at nakauniporme na damit-preso na sila. Ang sabi nga why talk when you can be silent. Lumalabas tuloy na parang niluluto ang kaso para hindi magprosper by telegraphing every message and action they do. Katulad na lang ng sinasabi na pwede na ring hwag umuwi at mag-exile na lang ang mga Arroyo kapag nagbiyahe sa ibang bansa. Para bang lumalabas na gustong gusto ng gobyerno na umalis ng Pinas ang mga Arroyo dahil hindi nila sila kayang ipakulong. Kaya tama na muna yang daldal, kilos ng maayos para naman magkaroon ng element of surprise ang mga taong sabik ng makitang nasa kulungan ang pamilyang magnanakaw

  11. perl perl

    surprise, uso ba dito yan sa pilipinas? halos lahat ng plano ng gobyerno, nagle-leak sa media… sasabihin lang ng media, galing sa “very reliable sources”, so asan ang surprise?

    isa pa, hindi kadaldalan tawag dyan.. sinasabi ng presidente kung ano ang plano nya, mas mabuti yan.. alam natin kung ano inaasahan natin, may pinanghahawakan tayong pangakong binitawan… pagpapakita yan ng lakas ng loob, tapang at kumpiyansa sa pamamahala… parte din kanyang transparency policy… kung hindi man matupad ang pangako, problema nya yan, kailngan nyang magpaliwanag dahil siguradong babagsak ang iniingatan nyang approval rating…

  12. xman xman

    Ano na ba ang nagawa ni pekeng presidente ninyo para sa ika uunlad ng ekonomia ng Pinas o para magkaroon ng trabaho ang mga pinoy? ZERO

    Ano na ang nagawang proyekto ni BS Penoy para maiwasan ang baha? ZERO

    Matatapos na lang ang termino ni Penoy wala na siyang ginawa kundi mag da daldal tungkol kay Arroyo at Makoy. Six years na pekeng pagka presidente wala siyang gagawin kundi magda daldal tungkol sa mga kalaban nya at protektahan ang mga KKK.

    Takot na takot ang pekeng presidente ninyo na approbahan ang freedom of information bill dahil lalabas ang mga korapsyon at mga pagnanakaw nya ng pera ng bayan.

  13. xman xman

    Kayang kayang basahin ni Ninez ng Tribune si Noynoy dahil ang playbook na ginagamit ng Noynoy daldal administration ay galing sa panahon ni Cory.

  14. parasabayan parasabayan

    Si Iggy nasa Europe pa ba? Siyempre kung andun pa siya, siya ang nagpapaikot ng pera ng maga Pidal. Tuwing punta ni Fatso sa Germany, kaduda duda ang ginagawa niya doon? Bakit hindi siya sa US nagpupunta para sa stem cells? Do not tell me mas kumpiansa sila sa Germany? Duda ako diyan, nandiyan nga sa Germany ang mga pera ng mga Pidals.

  15. parasabayan parasabayan

    Iggy will do his best to protect the fatso. Siyempre alam ni Iggy na kung kakalabanin niya si Fatso, mawawalan siya ng perang pambayad sa kanyang liver treatment. Mahal kaya yun!

  16. parasabayan parasabayan

    Matagal ko nang napuna yung Daily Tribune na yan. Noong una si Erap lang at si Enrile ang laging bida. Ngayon pati si pandak bida na rin. I rarely read Daily Tribune. Yung kay Armida lang ang binabasa ko paminsan minsan.

  17. MPRivera MPRivera

    “…….Dahil tatanga-tanga ka, hindi lang utol mo ang na-incriminate mo kundi pati ikaw….”

    mali ito.

    dapat ganito:

    Dahil tatanga-tanga ka, hindi lang utol mo ang MAKI-CREMATE kundi pati ikaw.

  18. BOB BOB

    Tutal mahal na mahal niya kapatid niya …dapat ay sumama na siya sa kapatid niya sa bilanguan…

  19. MPRivera MPRivera

    madali lang mapaamin ‘yang igit arroyo na ‘yan kung alam lang nila ang paraan.

    putraga na ‘yan kung ako ang pagpapatuga sa kanya ay hindi aabutin ng isang oras at kakanta siya ng walang tugtog.

    lastiko lamang ang katapat niyan. hindi mamumula ang itlog niya at siguradong magsasabi agad ng totoo.

  20. piping dilat piping dilat

    Not to rain on your parade… But I think there is still HONOR among THIEVES. The Arroyos will still get away with their loot. Puro porma lang sina BSA dito dahil ayaw nila gawin sa kanila ang gusto nilang gawin sa mga Arroyo. Kung ipapakulong nila ang mga Arroyo dahil sa katiwalian , what will prevent the next regime in doing the same to BSA since he is not that exactly clean, himself.

    So, Arroyo will walk away free.

    Mga walang kwentang politico sling lahat.

Leave a Reply