Skip to content

Malaking tulong ni Lapid para maintindihan ang RH bill

Malaking tulong ni Lapid para maintindihan ang RH bill

Dahil kay Sen. Lito Lapid, na minamaliit ng marami dahil hindi mataas ang pinag-aralan at hindi marunong mag-English, naipa-alam sa marami na walang koneksyun ang pag-inom ng birth control pills sa pagpangank ng pre-mature na mga sanggol, bingot (harelip) at pag-aanak ng marami sabay-sabay katulad ng triplets, quadruplets at ang iba mas marami pa.

Ang nakakatuwa dito, ay hindi naman talaga pro-RH (Reproductive Health) Bill si Lapid. Marami siyang agam-agam tungkol sa paggamit ng contraceptives na sinusulong bill para mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-asawa na maplano ang laki ng kanilang pamilya.

Dahil itinanong ni Lapid kay Sen. Pia Cayetano, ang may-akda ng bill kasama si Sen. Miriam Santiago, naipaliwanag ni Sen. Pia.

Tinanong ni Lapid kay Cayetano kung siya ba ay nakadanas ng side effects nang siya ay gumagamit ng birth control pills dahil sabi niya, hindi maganda ang naranasan ng kanyang asawa. Ikinuwento niya ang kanyang karanasan.

Ito ang transcript ng pag-uusap ni Lapid at ni Cayetano:

Lapid: “Nag-asawa kasi ako sa edad na 21. Ang napangasawa ko ay 19. Ang anak ng asawa ko, lima. Sa akin, pito. Noong una hindi po kami nag-family planning. Una naming anak si [ex-Pampanga Governor] Mark Lapid. Pangalawa, babae. Pangatlo, sabi ko ‘dapat mag-family planning na tayo.’ Ang misis ko nag-injection. Tinanong ko, kaya nalaman ko yung banig. Nabuntis bigla ang asawa ko [sa pangatlo). Nung niluwal niya, blue baby, may sakit sa puso. Sabin g doktor, pag tumanda hanggang 14, hindi na magkakasakit. Pero noong 9, inatake ang bata at namatay. Sinabi ko sa kanya (asawa ko), siya ang gagamitin kong halimbawa sa Senado.

“Yung ‘bingot,’ (harelip) napapansin ko noong maliit ako, mga dalawa lang nakikita ko. Tinanong ko sa nanay ko kung bakit ganon. Sabi ng nanay ko, ‘dahil nadapa ang nanay [nung nagbubuntis pa].’ Pero ngayon marami na akong nakikitang ganito. Sabi ko, ‘Ang dami namang buntis na nadadapa.’”

“Isa pa, bakit noong nagkaroon ng family planning, nagkaroon ng triplets, fourplets (sic)? Kapag nakapasa ba ito, nagagarantiya ninyo na hindi mangyayari ang mga ito?”

Cayetano: “May kilala talagang side effects ang pills kagaya ng mga nabanggit ko kanina. Pero sinabi ho ng napakaraming pag-aaral na walang nakikitang relasyon sa kapansanan ng sanggol sa paggamit ng kontraseptibo.”

“Kagaya ng anak ko [Ang pinaka-bunsong anak ni Sen. Pia na si Gabriel ay namatay sa edad na siyam na buwan noong 2001), sabi nga dito sa discussion, ang tao po ay may 46 chromosomes. Ang anak ko, may 47 chromosomes. Kung hahanapin po natin sa pag-aaral, wala po talagang koneksyon sa family planning. Karamihan po ng mga sakit, hindi pa talaga alam ang dahilan.

“Pero sinasabi po naman minsan kung konektado sa paggamit ng kontraseptibo. At wala pong research, pag-aaral at ebidensya na magsasabi ng ganyan. May side effects po kagaya ng hilo, sakit ng ulo, pero wala pong seryosong side effects.

“Magandang tanong ho tungkol sa cleft lip and palate . Natanong ng nag-uultrasound kung nadapa raw ba ako. Pero napag-aralan ko yan. Mga walang basehan na paniniwala po yan. Kaya nga po mahalaga ang RH Bill kasi sisiguraduhin na lahat ay magkakaroon ng pre-natal care para sa mga babae para hindi malagay sa alanganin ang pagbubuntis niya. Parte po ito ng RH.”

Nagpasalamat si Sen. Pia kay Lapid sa pagkakataon na maipaliwanag ang mga maling akala tungkol sa pills.

Ito ang sinasabi natin na gagamitin ka ng Panginoon sa paraan na siya lang ang nakaka-alam.

Published inHealthSenate

37 Comments

  1. saxnviolins saxnviolins

    Yang ganyan ka-simpleng tanong ay dapat tinatanong sa Committee, hindi sa floor.

    Ngunit karamihan ng mambabatas, ayaw magtrabaho sa Committee, dahil bihira ang may media coverage na Committee work.

    Tunay na makabuluhan ang sabi ni Miriam, na pawang papogi ang ibig ng mga mambabatas, at hindi yung paggawa ng trabaho nila, na maggawa ng mabuting batas.

    Por Diyos por santo naman, nadapa, nagka-harelip? Para yang kuwento ng kambal ni Robina Gokongwei. Yung kuwentong kutsero, tinatanong yan sa iyong legislative staff, para itanong nila sa mga doctor. Hindi yan tinatanong sa floor. Hindi karangalan ang ipakitang ikaw ay isang ignoramus.

    Tapon ang buwis na binabayad sa staff at sa mambabatas na yan.

  2. Ang masabi ko lang pag aaksaya lang ng panahon ang usapin tungkol sa RH bill. Madami ang puwedeng pagtuunan ng pansin na kapakipakinabang dapat iyon ang atupagin. Dahil kahit maisabatas pa ang RH bill ay walang epekto rin iyon dahil likas na sa mga pinoy ang pagka malibog. Hindi pa tinatalakay ang tungkol sa rh bill ay mga contraceptives ng nabibili para hindi mabuntis. Pero napigilan ba ang pagdami ng populasyon, di ba hindi. Ang lahat kung bakit walang kuwenta ang usaping RH bill ay malaman dito http://arvin95.blogspot.com/2011/05/rh-bill.html

  3. Kahit ipamudmud pa ang mga contraceptives o condom hindi pa rin mapipigilan ang pagdami ng populasyon dahil ang mga pinoy ay malilibog…..napakarami ng bata ang nabuo dahil sa kalasingan…..

  4. acibig acibig

    why is the govt wasting money on lapid sotto et al? walang natapos, meron bang word na FOURTUPLET, kaya walang asenso ang pinas, daming elected na bobo, Ok may i ask the commenters here, kung ang pregnant wife nyo ba saan nyo dadalhin OB or midwife?? i am sure si lapid sa OB nya dadalhin , ang tanong ko why OB??? eh pareho lang naman lalabas ang bata sasaluhin din ng midwife so same lang— then same analogy sa politician, bakit mahilig bumoto ang pinoys ng BOBO ??? this is one more argument for RH bill ,kung lahat ng future pinoy eh bobo, the more na dapat ipatupad ang family planning

  5. saxnviolins saxnviolins

    Fourplet? Apat na anak? Anak ng kuwago.

    Bago tumabi sa asawa, sabi ng sex adviser, kailangan muna daw ng foreplay. Kaya mag-mahjong muna kayo, to comply with fourplay.

    Ang octuplet ay walong anak, hindi anak ng octupus.

    Si Juliet ni Romeo ay isang Capulet. Yan ang apelyido niya, hindi ibig sabihing anak siya ng isang kinapon.

  6. Mike Mike

    Magaling talaga si Leon Guerrero ‘aka’ Sen. LitoPLET Lapid pag dating sa duelo gamit ang baril, pero medyo sablay kapag ang ka-duelo nya ay isang binibini at ang armas na gagamitin ay talino. Ooops, sorry po. 😛

  7. parasabayan parasabayan

    Lapid may not be as educated as the other senators but he has the guts to come out and say his piece. Kudos!

  8. parasabayan parasabayan

    I also heard that he does help his constituents a lot by means of money given to them for worthwhile projects. So, a hunchback for a hunchback. He stands for a lot of Filipinos who really can not speak English but also have something to say.

  9. parasabayan parasabayan

    At least hindi mayabang ang dating ni Lapid. He knows his limitations.

  10. Mike Mike

    Yes the senator from Pampangga served his constituents well, and many more things… and a lot more. I won’t dwell into it though. 😉

  11. parasabayan parasabayan

    Mike, heh,heh,heh…I know what you mean…

  12. acibig acibig

    Being humble is not good enough, having good intention is not good enough , having guts to say what one believe is not good enough why?? coz even a taxi driver have those attributes, a senator should be INTELLECTUALLY superior than us, knows logic and how it applies to law, otherwise lahat tayong nag blog dito pwde ng maging senador, lahat ba ng doctor/lawyer/CPA who took the boards pass??? di ba hindi , me bobong doctor/lawyer/CPA ergo me bumabagsak, does it mean they are bad? No but they need to try harder, bakit sa senator eh pinagtitiyagaan ang mga intellectually challenged , isang senador na confused , di alam kung mag comedy o mag action star??? and we settle for mediocre and low quality senators and politicians , kayo ba mga accountant/ lawyer/ doctor nyo eh poor quality, but again we are in the philippines

  13. imariachi imariachi

    There’s still no studies that can prove that a contraceptive pills could bring defects to the child inside the womb. So it can be true.
    Aa doctor will always say that a woman should stop taking contraceptive pills when she is pregnant… why? because it really can damage the fetus/embryo!!! pero sa totoo lang… before a woman will know she is pregnant and stop taking it, the pill already had caused damage to the embryo as the pill caused so many changes in a woman’s body.
    And in the case sa wife ni lito lapid,she was injected by injectable contraceptives. so the poison for the conceive embryo is already there. so it might be true na ang injectible contraceptives has caused the congenital defects.
    Kkasi wala rin po namang study na makapagpapatunay na mali ito pero kung mayroon ditong gusto mag experiment… cge po i challenged you.Just continue taking pills while pregnant and you can tell it to yourself that these contraceptives can really harm the babies.

  14. xman xman

    Is Noynoy intellectually superior than Lapid?

  15. pranning pranning

    09 Oktubre

    Ako po ay nagpapasalamat sa ating mga mambabatas na tahasang nagpalitan ng kanilang mga kuro-kuro ukol sa batas ng RH.

    Subalit ang akin pong gustong iparating ay hindi ukol sa batas RH.

    Ang aking gustong iparating ay ang tahasang palitang ng kuro-kuro ukul sa salitang Pilipino.

    Talagang nakakatuwa ito at nakaka-enganyong pakinggan, dahil sa marami ang mga nakaka-intindi nito. Sana po ay marami pang pagkakataon na mabigyan ng kahalagahan ang ating sariling wika para sa mas nakakarami.

    Totoo pong maraming marunong mag salita ng Ingles sa ating mga kababayan, subalit ang tanong po ay, marami rin po ba ang nakakaintindi o nakakaunawa kung ano po ba ang mga sinasabi ng ating mga mambabatas.

    Sana po marami pa ang pagkakataon na Pilipino ang salitang gamitin sa palitan ng mga kuro-kuro sa plenaryo ng Senado o ng mababang kapulunggan, para mas madaling maunawaan ng ating mga kababayan kung ano ang mga nangyayari at mga sinasabi ng ating mga mambabatas.

    Pang unawa lamang po ang sa akin.

    Maraming Salamat Po.

    Prans

  16. vic vic

    All Medications, RX or over the counter have side effects…most of them minor and will go away as the body get used to the medications and for RX approved a small percentage will cause adverse side effects that is why it is very important to understand these sideeffects and what it might do…also to consult with doctors to make sure that new medication will not interfere with other medications…and to have proper SCREENING for possible allergy reactions and organs functions before continuing..even lifestyle medications like ED pills can have serious side effects…they must be only taken with RX and proper pre-exams…my own niece was allergic to birth control pills and if you clik my handle you will see a beautiful girl Melissa at her Christening last summer…and that they decided to only have 3 daughters…by some other means…

  17. MPRivera MPRivera

    fourplet is now a new term/word added into our legal dictionary.

    fourplet means two doubleplet, bow.

  18. MPRivera MPRivera

    “….Nung niluwal niya, blue baby, may sakit sa puso. Sabin g doktor, pag tumanda hanggang 14, hindi na magkakasakit. Pero noong 9, inatake ang bata at namatay. Sinabi ko sa kanya (asawa ko), siya ang gagamitin kong halimbawa sa Senado…”

    senator leon tambling, ginawa mo na rin lang halimbawa ito sa senado, maghain ka ng batas na kailangang kasuhan ang ang doktor na nagsabing hindi mamamatay ang anak mo at hindi na magkakasakit kapag umabot ng 14, pero namatay din. kasuhan mo ng lienocide (namatay sa pagsisinungaling ng doktor)para walang piyansa.

  19. MPRivera MPRivera

    senador lito lapid, huwag mong sabihing kaya hindi mo alam quadruplets ay hindi ka nakapag-aral dahil labandera lamang ang nanay mo. umaapaw ang iyong salapi, mula pa noong artista ka, sa pagiging gobernador mo ng pampanga quary, este province pala at lalo na ngayong senador ka at dapat sana ay alam mo ang distance learning o correspondence school. sana, umpisa pa lamang pagyapak mo diyan sa senado ay sinikap mong makapag-aral kahit pahapyaw man lamang at hindi ‘yang natutulog, este nakikinig ka lamang sa plenaryo.

    pambihira, oo. para din sa kapakanan mo at pagiging law maker mo, pinanghihinayangan mong gastusan samantalang hindi manggagaling sa sariling bulsa mo? paano ka ba gumawa ng panukalang batas? sino ba ang nakikpagdebate kung meron (nga ba?) kang batas na nais mong ipatupad? ang iyong legal adbayser?

    nakakawalang gana at nakakatakot kung katulad mong lahat ang senador. ano ang mangyayari sa pilipinas? gatasan ninyo?

    tsk. tsk. tsk.

  20. QED QED

    Wait a minute. Let me just put this Lapid bashing into perspective.

    Isn’t Lapid an ELECTED official, serving his second term at that. If he is so stupid, why was he elected in the first place? Who elected him to office? Not you, you say? But doesn’t the act of voting for a “stupid” actor based on his popularity operate on the same logic as the one that allowed Gloria Arroyo to reign, and to reign as long as she did?

    We are all guilty of this. Having Lapid, Sotto, Revilla, Arroyos, and all the mofos in public service is not the root problem, but are merely the symptoms of a grand and deep problem – that we are a nation without vision.

    Having said that, let me also say that public service, in particular the Senate, is not about being intelligent or flowingly articulate. At the very least, it is about vision and legislative competence, neither of which Lapid possesses.

  21. MPRivera MPRivera

    QED, kahit sino sa mga binanggit mo ay hindi ko isinulat sa balota. lasingin man ako, hinding hindi ko iboboto ang mga ‘yan!

  22. QED QED

    #24 MPR yan nga sinasabi ko, hindi mo kailangan hindi magboto sa mga b*b* at g*g*ng to para maging kasama sa problema. sintoma lamang ito ng ating mas malaking pagkukulang, na siya ring dahilan ng iba pang problema ng ating bayan, higit na ang perwisyo na dinulot ng gobyernong gloria arroyo.

    maging totoo tayo, alam nating nagsisinungaling and nagkamali sila noong zte, fertilizer, sa “noted” episodes sa senado noong 2004, at marami pang iba, pero ano ang ginawa natin?

    hindi po ba?

  23. edfaji edfaji

    Sa tagal na panahon na si Lito ay senador ng Pilipinas, ito lamang ang nagampanam niyang pambayad sa kanyang milyong milyon na kinikita at sa plakang numero 7 na simbolo ng respeto bilang mambabatas. Kawawang Pilipinas talaga!

  24. parasabayan parasabayan

    QED ang botohan sa atin eh bayaran. Candidates have to pay voters for the votes. Iglesia ni Cristo has endorsements and these candidates have to pay millions to get into the list. Whether the candidate personally pay to be on that list or not, someone paid. Come election time, the local candiates pay voters to vote for them and those they have endorsed. Pila pila yan a day before elections to collect the “bayad” for the vote. I saw this with my own two eyes!

  25. MPRivera MPRivera

    # 25 QED, matagal na kaming nangangalampag kahit nandito sa labas ng Pilipinas. ginigising namin ang natutulog na diwa ng ating mga kababayan at silang mga kinauukulang nandiyan sa bansa (ikaw, nasaan ka?) ay dapat gawin ang kanilang bahagi sa pagsusulong ng pagbabago.

    ang maybahay dito ay isa rin sa mga nangunguna kasama ang karamihang bisita niya sa mga pagkilos kapag merong dapat na kalampagin partikular ‘yang mga binanggit mong katiwaliang pinagkitaan nila ng limpak.

  26. Marami nga sigurong di magandang side effects ang pills. Lalo na kay Pia Cayetano.

    Sigurado akong naniniwala dito sa akin ang kaibigan kong si Ariben. Side effects siguro ng pills kaya siya hiniwalayan ni Sen. Pia, hehehe.

  27. MPRivera MPRivera

    ngeyeheheheeh!

    nagpa-ligate ba ‘yung asawa ni pia?

  28. MPRivera MPRivera

    ganire siguro ang magiging eksena sakaling aprubahan at maisabatas ang RH Bill na ‘yan – isang gabi sa loob ng silid ng isang mag-asawa habang naghahanda sa pagtulog:

    misis: honey, wala na akong panty.
    mister: hummmnn.
    misis: (niyugyog si mister) hon, ano ba? wala na nga akong panty, eh.
    mister: (nag-iinat) iiiiiaaaahhhh! huwag ka ngang maingay diyan at nakakahiya sa makakarinig sa iyo.
    misis: eh, sa totoo namang wala na akong panty, ah.
    mister: gaga ka talaga! di ba usapan natin eh ako muna ang gagamit ngayong gabi?

  29. chi chi

    Mags, buti kung ganyan sa gabi…walang mabubuntis. 🙂

Leave a Reply