Alas –tres ng umaga noong Lunes, nasa Centennial Terminal 2 na ako para sa aking Philippine Airlines flight papuntang Iloilo.
Pagdating ko doon, sinabi cancelled daw ang flight ko na dapat ay 7:40 ng umaga.
Uuwi ako sa aming bahay sa Guisijan, Laua-an, Antique. Wala na kasing eroplano na pumupunta sa Antique kaya via Iloilo ako tuwing umuuwi sa amin. Pwede rin via Caticlan sa Aklan, kaya lang mas maraming sasakyan ang bumabiyahe mula Iloilo.
Nang kinuha ko ang aking ticket noong isang buwan, pinili ko ang unang flight, mga 5:00 ng umaga dahil gusto ko bago magtanghalian nasa amin na ako. Apat na oras pa sa bus mula Iloilo papuntang amin.
Bago dumating ang bagyong si “Pedring” kung saan itinaon ng PAL Employees Association (PALEA) ang kanilang wildcat strike, may tumawag sa akin at sinabing 7:40 na raw ang aking flight sa Iloilo dahil na-kansela raw ang alas 5:00 ng umaga na flight. Okay lang. Walang problema.
Dahil sa problema ng PAL sa PALEA at sinabi ng aking mga kaibigan na apat hanggang limang oras ang pag-check-in sa PAL, alas- tres ng umaga palang nasa Centennial terminal na ako noong Lunes. Hindi ko na tinanong kung bakit hindi ako tinawagan ulit nang kinansela ang 7:40 ng umaga na flight. Alam kung kulang sila sa tauhan.
Sinabi sa akin, ang flight lang daw nila sa Iloilo ay 7 p.m. Hindi naman pwede sa akin gang ganong oras na biyahe dahil alas-tres ng hapon ang last trip ng bus papuntang amin. Di, maghu-hotel pa ako sa Iloilo.
Sabi sa akin, pwede ko naman ibalik ang ticket at babayaran naman nila. Kaya lang dahil credit card ang aking binayad, aabutin ng siyam-siyam bago ko makuha ang pera.
Noong Biyernes, pumunta ako sa Cebu para sa Media Nation8. PAL din ang tiket namin ngunit lumipat kami sa Cebu Pacific nang papunta dahil nga sa nabalitaan namin umaabot sa anim na oras ang hintayan. Sabi namin, baka tapos na ang conference, wala pa kami doon.
Sa pabalik noong Sabado, PAL na kami. Ang orihinal na skedyul, 5:20 ng hapon. Mga 9:30 ng gabi na kami naka-alis. Maayos naman ang biyahe. Dumating kami sa Manila mga 10:30 ng gabi. Inabot kami ng isang oras sa kakahintay ng aming checked-in baggage. Dinaan na lang namin sa biro ang paghintay.
Kung hindi lang sa perwisyo na dulot nitong wildcat strike ng PALEA, di hamak namang mas maganda ang serbisyo ng PAL kung ikumpara mo sa ibang domestic airlines. Lalo pa ngayun, ang babait ng mga taga-PAL sa mga pasahero.
Sa Cebu Pacific, kahit na sabing mura, kahit tubig binibili sa eroplano. Palaging sa hagdanan dumadaan para sa pag-akyat at pagbaba dahil nagtitipid sila at ayaw magbayad para sa Tube sa airport.
Kaya medyo nalungkot ako sa sinabi ni PAL President Jaime Bautista na posibleng bawasan nila ng permanente ang kanilang domestic flights para ang kanilang resources ay sa international flights gagamitin ng husto.
Itong pinakahuli kasi na labor problem ng PAL ay dahil sa kanilang desisyun na mag-outsource o sa ibang kumpanya nila ibigay ang kontrata sa kanilang sa iba’t ibang operations. Sa ganitong sistema, maraming empleyado ng PAL ang mali—layoff. Kaya tinututulan ng PALEA. Ngunit aprobado na ng department of Labor ang pag-outsource ng ibang operations ng PAL.
Humingi ng paumahin si Bautista sa mga pasahero na na perwisyo at sabi niya babawi na lang sila kapag magiging normal na ang operasyun nila.
Samantala, magbaon ng maraming pasensya habang hindi pa normal ang operasyun ng PAL.
Sa problema ng PAL sa Palea ay nagpakita agad ng pagkampi si Pres. Pnoy sa PAL against sa Palea at sinabi niya ihabla ang Palea. Dapat ay lumagay lang sa gitna si Pnoy at kanyang ayusin ang gusot. Sa kanyang ipinakita na pagkampi sa PAL ay para na rin niyang kinampihan si Lucio Tan. Ilan ang mga pasaherong affected ng biglang aklas ng Palea kung ikukumpara sa buong mamamayan ng bansa. OK si Pnoy sa kanyang adhikain na tumino ang bansa. Pero sa tingin ko ay mabagal ang pag-usad ng hustisya. Parang kulang sa ngipin. More than a year na wala pa ring naipakukulong maliban kay Gen. Manda Garcia. Baka tapos na ang term ni Pnoy ay pakuyakuyakoy pa rin si FG. Hindi kaya ang mga abogadong nakapaligid kay Pnoy ay mga,,,,,,,,kung baga sa pulis ay pulis patola.
Kailangang magmodernize ng PAL at maging relevant sa makabagong demands at sistema. Ngunit ito ay nangangahulugang pagtatanggal ng “inefficiencies” sa trabaho, lalo na ta tauhan. Mahirap na problema ito. Sana masulusyunan ng maayos.
BTW, ang tagal ko nang hindi sumakay ng PAL. Kuripot lang siguro ako, pero na-hihighblood ako lang pag nagchecheck ako sa internet at nagkukumpara, 5000+ ang PAL, samantalang nasa 2000+ lang sa Cebu Pacific. Minsan pag sinuswerte pa, makaka-Piso fare pa!
The way I see it, PAL problem started when government took control of the company in 1977. It became over staffed with new employees being brought in left & right (unlimited) by government appointed PAL officials. Never mind if one is not qualified as long as one has connections inside. There’s also talks then that one can automatically get hired when certain fees (grease money) is paid to PAL officials. Smuggling is also rampant then with flight attendants being used as couriers of untaxed luxury goods such as jewelries, perfumes, etc. Some of the FA’s getting ideas from their bosses became instant entrepreneurs themselves. They bring in hi-end goods and sell it to gray markets, of course with the help of customs personnel manning the airports.
When Lucio Tan became majority stock holder of PAL and took control, he also inherited a bloated, over staffed company.
I have nothing against “elderly” flight attendants but some if not most of them could not cope up anymore with a very taxing job. In my experienced riding on PAL’s long haul flights, these grandmas although pleasant to talk to and very accommodating simply cannot move quickly and efficiently compared to younger and slimmer FA’s of other airlines.
@Mike you forgot to mention about the gold bars being smuggled to other coutry or countries…
What PAL is doing or trying to do has been done all over the world. Giant multinationals have trimmed down workforce, closed unprofitable production sites, moved operations to lower cost areas, etc. I know of one company that had 40,000 employees worldwide slashed down to 20,000 in a matter of 5 years. Most of the laid off workers were absorbed by companies that outsource the kind of services that the laid off workers did.
Its a matter of survival, either the company closes shop and everybody goes hungry or look for other options. The company has become so expensive, inefficient, and too big to operate sustainably. If outsourcing some jobs is the only option that will allow people to feed themselves and their families as opposed to totally losing everything, its a no brainer. Of course we can always strong arm PAL’s owners to cough up more money, operate in the red, borrow more, etc., for the welfare of its employees, but the world doesn’t work that way.
Lets be honest, if we were Lucio Tan, PAL could have closed years ago.
What can the president do in matters like these? Well, if he/she lacked political capital, he could grant Lucio Tan a great big “behest loan” to bail the company out, and while he’s at it, grant every big company in trouble with behest loans like a magic wand. The country can always borrow billions from China.
If PAL survives this tsunami then some people can still keep their jobs, if not, then we have a brand new unemployed group coming up. The government can only allow PAL and its employees to sort this out among themselves, hopefully without KMU instigators who have proven themselves playing a “scorched earth” game eversince.
By “scorched earth” I mean its the “kung hindi kami makikinabang, walang makikinabang, damay damay na.”
@Patria, #5:
Yes, heard of the gold bars smuggling via PAL too. Don’t know how true and if FAs or pilots were used.
pagtiyagaan na la’ang ‘yang PAL kahit ganyan sapagkat sigurado namang up and about kayo palagi. oo nga’t laging merong special offer ang Cebu Pacific kaya la’ang ay nakakatakot sapagkat kapag sumakay ka sa kanilang eroplano sa halip na sa destinasyon ilalapag ay maglalanding sa gitna ng Pacific, gusto n’yo ba ‘yun?
kahit nga ‘yung Asian Spirit delikado din dahil baka sa halip na buhay kayong dadating sa destinasyon ay ispirit na la’ang. nanangkupu!
QED, re #2. PAL also has promo tickets. All you have to do is get your ticket at least a week in advance.
“….Humingi ng paumahin si Bautista sa mga pasahero na na perwisyo at sabi niya babawi na lang sila kapag magiging normal na ang operasyun nila…”
ganu’n? ibig palang sabihin kikita habang nabubuwisit ang mga pasahero? aba’y paano na lang kung napakaimportanteng pakay ang pupuntahan sa destinasyon at umaasa sa kanilang serbisyong hidni naman binabayaran ng kulang?
bago sila magpatuloy ng operasyon ay siguraduhin muna nilang maibibigay sa mga pasehero ang tamang serbisyo kasama ang walang sabit na iskedyul ng lipad ng eroplano.
bakit walang asenso ang pilipinas? unang una ay sa dahilang ang lahat ay ipinapasa sa mga end consumers. ma-pribado o gobyerno, palpak ang pamamalakad na gustong sundin ng tao.
pasensiya na lang? eh, kung maubos, paano?
Pagkatapos mai-strike ng PALEA ang isang presidential financier, isa pang financier ang sinunog ang gamit sa minahan. Ang Taganito Mines sa Surigao ay inatake ng mga Rebeldeng NPA gamit ang pro-environment eklat kuno samantalang revolutionary tax naman talaga ang target. Mahigit kalahating BILYON ang naabo.
Kasama na ang pangambang umatras ng tuluyan ang Japanese investor na Sumitomo Metals na nagtatayo ng processing plant para hindi lang China ang kostumer ng Nickel na ibinabyahe sa ngayon na raw ore lang.
Kaya naman ganun na lang ang galit ng Malacañang dahil malaking kawalan yung kalahating bilyon sa magkakapatid na Zamora na hindi pa nakakabawi sa ginastos kay Noynoy noong nakaraang eleksiyon.
Ang pag-aari nilang Nickel Asia ang siyang pinakamalaking miner ng Nickel na nagmimina sa Surigao, nalampasan na ang Marinduque, Nonoc, at Maricalum na dating namamayagpag sa itaas. Ang raw ore nila ay isinasakay sa barge at diretsong ibinabyahe sa China.
TT,
In my recent trip abroad, it came out as a joke from one of my foreigner friends (from the mainland), he said the Philippines will eventually end as a sub state of China. I didn’t find it funny, and all of a sudden I felt like a stranger in the midst of the baiju drinking and the cheers seemed so.
…seemed so weird. I felt I didn’t belong to this group who I considered my colleagues for so many years…
kaya ako i never take PAL,, you pay the same amount of fee compare to other airlines – for what?? puro perwisyo, worst pag ang PAL eh nag crash wag ka umasa na makakakuha ka ng financial reimbursement, PAL will get their insurance pero the passengers eh wala– now why will one patronize PAL eh sila mismo cannot provide a good service, be patriotic??? why will I be patriotic eh PAL mismo dont care about the dismissed employees ??? at the end they make billions , sa passenger and employee they just dont care
Jug, it’s the same experience that America had before 9/11. They thought they were immune to terrorism because everybody “loved” them. Until the planes came a-crashing. Ten years thence and they still suffer the trauma.
Today, China is standing mighty tall and proud and yes, at the expense of old friendships. Pretty soon some prick is gonna burst their bubble and they’ll lose everything much much faster than how long it took to build it.
Related topic about special treatment for Imelda Nicolas, head of the Commission on Overseas Filipinos.
http://opinion.inquirer.net/14993/the-people-are-not-her-bosses
sino ba itong imelda nicoals na kumakatawan sa aming mga narito sa ibayong dagat?
kung totoo itong insindenteng nangyari (o ginawa niya) nangangahulugang maliwanag na WALA siyang karapatang humawak ng ganyang posisyon sapagkat WALA siyang malasakit sa mga ordinaryong mamamayang kanyang inapakan. sa halip na sabihan niya ang mga tauhan ng PAL na ayusin ang kanilang pagseserbisyo sa mahabang nakapila ay inuna pa niya ang sarili niya at buong kapalaluan niyang nilabag ang “walang utak wangwang” policy ni PeNoy.
tsk. tsk. tsk.
“worst pag ang PAL eh nag crash wag ka umasa na makakakuha ka ng financial reimbursement, PAL will get their insurance pero the passengers eh wala” – acibig
Not too many people embarking on PAL think of these terms, domestic or overseas flights. I’ve never tried this airline solely on the reimbursement part should something horrible happens.