Skip to content

Si Manny Pacquiao at ang Cha-Cha

Photo by Reuters
Hindi ako sarado sa pag-amyenda ng Saligang Batas ngunit medyo may kaba ako na mai-pasok ang mga hindi kanais-nais na pagbabago.

Sana hindi nila ibahin ang limitasyun sa edad ng gusto kumandidato para presidente at bise-presidente. Natatakot kasi akong tumakbo si Manny Pacquiao sa 2016 at mananalo. Kawawa naman ang bayan.

Kamakailan sinabi ni Pacquaio na hindi pa naman ang pagka- presidente ng bansa ang sunod na pinupuntirya nya sa 2016. Bise- presidente daw.

Sunod na araw, sinabi na mali daw ang report. Dahil alam naman daw niya na hindi pa siya qualified para tumakbo kahit sa pagka bise-presidente. Pareho naman ang age requirement sa mga gustong kumandidato sa pagka presidente at bise-presidente. Kailangan 40 na taong gulagg sa araw ng eleksyun.

Sa Mayo 2016, ang sunod na nasyunal eleksyun, 37 taong gulang pa lang si Pacquiao.

Bilib ako kay Pacquiao bilang boksingero ngunit bilang public servant, pansarili pa rin ang base ng kanyang mga desisyun. Hindi ko makalimutan ang sagot niya sa akin noong kampanya ng tanungin ko siya kung bakit gusto niya magiging congressman. Sabi niya para daw makakatulong sa kanyang mga kababayan.

Sinabi ko sa kanya, pwede naman siya makatulong sa kanyang mga kababayan kahit hindi siya kongresista. Marami naman siyang pera.

Sabi niya, “pera ko ang ginagamit ko ngayon. Mauubos yun. kawawa naman ang aking pamilya.”

Kaya pala gusto niya magiging kongresista para ang pera na itutulong niya sa kanyang mga kababayan ay manggagaling sa kaban ng gobyerno. Pera ng taumbayan. Wise nga naman.

Kaya, pagkatapos ng eleksyun, lumipat kaagad siya sa partido ni Pangulong Aquino para mapadali ang paglabas ng kanyang pork barrel.

Ngunit pagdating sa botohan sa isyu, hindi naman sumusunod si Pacquiao sa sinusulong ng Malacanang katulad na lang ng pag-impeach kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na bomoto siya ng “No.’

Kung ibaba ang limitasyun sa edad ng mga gustong kumandidato sa pagka-presidente at bise-presidente at tatakbo si Pacquiao sa 2016, naku, baka manalo yan.

Sa 2022 na nasyunal eleksyun na lang siya tumakbo. Retirado na siya noon sa boksing. Kung gusto talaga siya ng tao kahit laos na siya sa boxing, okay nay an.

Ayon sa report, sinabi ni Sen. Franklin Drilon na sang-ayon raw si Senate President Juan Ponce-Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte sa kanyang panukala na amyendahan ang Constitution sa pamamagitan ng Constitutent Assembly.

Ibig sabihin noon, ang mga miyembro ng Kongreso ngayon, pareho ang mga kongresista at mga senador ang siyang magre-repaso at mag-amyenda ng Constitution. Hindi na ang Consitutional Convention kung saan boboto pa tayo ng magiging miyembro ng Convention na siyang mag-papalit ng Constitution.

Hindi pa sinabi ni Drilon ang mga parte ng Constitution na sa paniwala niya ay kailangan baguhin para lalong makatulong sa pag-unlad ng bansa ngunit sinabi niya na tungkol daw sa ekonomiya.

Published in15th CongressCha-Cha

39 Comments

  1. Wala na bang ibang mapag usapan at nais gawin ang mga politiko na matatawag na TRAPO. Maayos naman ang saligang batas bakit pa babaguhin. Kagagohan talaga. Kulang sa pagpapatupad ang nakasaad sa batas kaya hindi nagiging maayos.

  2. Tama ka diyan. Kaya tumakbo si Pacquiao ay para ang maipamigay niyang pera ay pera ng taumbayan. Dahil puwede pa siyang makalikom ng pera na mula sa taumbayan. Mahirap nga naman kung hindi siya nasa politika tapos bigay ng bigay ng pera. Wala siyang makukuha sa mga binibigyan kundi paghanga lang na kung malaos na siya ay hindi na papansinin. Alam niyo naman ang mga Pinoy, kung sino ang sikat ay doon ang paghanga.

  3. Lampas na sampung taon ang usaping Cha-Cha. Hindi pa siguro Presidente si Erap ay paksa na iyan sa paaralan sa subject na political science. Tapos hanggang ngayon buhay pa. Matatahimik lang siguro ang usaping Cha-Cha kung buong Metro Manila ay umapaw ang tubig baha na abutin ng buwan bago humupa ang tubig. Kung ang mga politiko na iyan ang atupagin ay kung paano mapipigilan o hanapan ng solusyon para hindi na bumaha ay maganda pa sana. Palibhasa ang mga politiko na iyon ay matataas na bahay mayroon o kaya sa condominium nakatira kaya hindi masyado seryoso para hanapan ng solusyon ang tungkol sa pagbaha.

  4. Hindi dapat katakutan si Pacquiao kung tumakbo man sa pagka bise presidente kasi malabo talaga iyan manalo. Hindi lahat ng botante fans sa boksing. At hindi rin lahat na barumbado na fan sa boxing gusto si Pacquiao.

  5. Lalong lalo ng hindi dapat katakutan kung tumakbo man iyan pagka Presidente si Pacquiao. Limang taon ay kupas na siguro ang karisma ng Pacquiao na iyan kasi hindi na siya magiging aktibo sa pag boxing. May bagong uusbong na mga boxer na siya namang iidolohin ng mga pinoy.

  6. Kung tumakbo iyang si Pacquiao pagka bise Presidente o Presidente tiyak maglalabasan ang mga baho niya o gagawan ng mga baho. Katulad ng nangyari kay FPJ. Kung ano anong balita ang ibinato sa kanya na pangit. May mga inilabas na issue para sa kanya. Siniraan talaga siya. Ano pa kaya kung si Pacquiao. Tiyak mauungkat ang pagkakaugnay niya kay Krista Ranillo at sa iba pa. Dahil dito sa Pilipinas marumi ang politika. Batuhan ng baho.

  7. chi chi

    Re: Sa 2022 na nasyunal eleksyun na lang siya tumakbo. Retirado na siya noon sa boksing. Kung gusto talaga siya ng tao kahit laos na siya sa boxing, okay nay an.

    Ellen, kaya nga ngayong sikat sya gustong kumandidate e, para manalo. Kasi kung sa 2022, wala na sya sa boksing limot na rin ng pinoy ang kanyang kasikatan sa boksingan at may talo na sya sa panguluhan. 🙂

  8. vonjovi2 vonjovi2

    Nasa tao rin ang dapat sisihin eh. Kung sino ang sikat ay siyang binoboto kahit di karapat dapat sa puwesto. Ang dapat nila baguhin at gawin law ay ang pag lingkod sa bayan or sa puwesto ay hanggang 2 terms lng. Para di umabuso ang mga politiko. Tignan nyo ang nangyari kay Lito Lapid ??? Alam na ninyo kung anong klase siya. Si Pacquiao ay magiging ganoon rin at kakayanin ng mga tusong politiko at adviser.

  9. Phil Cruz Phil Cruz

    Pacquiao as President. Chavit as Rasputin.

  10. Jojo Jojo

    Hindi ako abogado. Wala akong alam sa batas. Pero sigurado ako na walang batas na bawal ang mangarap. Lalu na kung maliwanag ang sikat ng araw.

  11. edfaji edfaji

    Grabe naman kayo. Huwag naman ninyo hahamakin itong si Pacquiao na kung tutuusin siya lang naman ang nakakapagbigay ng karangalan ngayon sa bansang Pilipinas. Kayo ba’y may alam pang iba?

  12. MPRivera MPRivera

    sa bawat panalo ni pacquiao, siya lamang ang sikat at yumayaman sa panalo niya hindi ang buong pilipinas.

    sa bawat panalo niya, nababanggit lamang ang pilipinas bilang kanyang bansa subalit hindi umaangat ang antas ng kabuhayan ng ating mga kababayan.

    sa bawat panalo ni pacquiao walang lumalapit sa bawat pilipino nasaan mang bansa sila upang kamayan at batiin at sabihing “congratulations, panalo si pacman”.

    dahil nga lang sikat si pacquiao nagagawa niyang pasunurin ang media sa ano mang gusto niyang ibalita siya. sikat na nga sa boksing gusto pang maging artista. walang kumitang pelikula, gusto namang maging singer at concert artist. ngayon ay congressman kaalyado ng administrasyon subalit ang tunay na kiling sa panig ng tunay niyang kaalyado mula pa noon – ang mga arroyong katulad niya ay gutom sa kapangyarihan at sobrang nilamon ng pansariling ambisyon!

    manny pacquiao for president? kawawang pilipinas! hindi lamang sa kangkungan ang bagsak natin niyan kundi sa mabahong pusaling umaagos sa nakaririmarim na kanal.

    bakit? isa isahin ninyo kung sino sino ang mga taong nagkukumpulan sa paligid niya by that time na manalo siya.

    nakakakilabot! nakakapanindig balahibo!

  13. vonjovi2 vonjovi2

    Tanong ko sa inyo kung di sikat si Pacquiao at alam ninyo ang kanyang kakayahan sa politika,iboboto ba ninyo siya? Kung si Pacman ay isang talunan na boksingero at tatakbo sa politika, iboboto ba ninyo?

    Sa atin ay kung sino ang sikat ngayon ay doon ang mga tao kahit di karapat dapat. Sa akin ay ang dapat sisihin dito ay tayong mga bumoboto dahil di nag iisip kung sino ang dapat ilagay at nababayaran ang boto.

    Walang masama sa pag takbo ni Pacquiao pero dapat pag isipan mabuti ng mga tao kung tama. Baka lang matulad kay Sen. Lapid.

  14. parasabayan parasabayan

    Di ba natalo siya noong unang takbo niya? So, he bacame wise pumunta siya sa ibang lungsod na mananalo siya. Lahat ng mga nakapaligid sa kanya (nakakakilabot nga talaga Magno!) ang gustong manalo si Pacman dahil susunod sunoran lang si Pacman sa mga gusto nila. But I doubt so much if he will win any of those higher positions. Kahit na sabihin natin na maraming mangmang sa Pilipinas, hindi naman siguro lahat ng mga ito ay HILO!

  15. vonjovi2 vonjovi2

    Si Manny ay ayaw ipatalo ang sariling pera sa mga mahihirap na tao. “PERO” kayang ipatalo ang milyon niyang pera sa Sabong at sa kabit at mag bibigay pa ng $million sa tatay ng kabit niya. Pero sa mahihirap niyang kababayan ay di niya kayang magbigay basta basta. Kawawa daw ang pamilya niya. Sinong pamilya kaya ?

  16. MPRivera MPRivera

    sa boksing nakakabilib ang galing at talino ni pakyaw subalit hindi ang kanyang political na pananaw at adhikain.

    sa simula pa lamang ay ipinakita na niyang hindi siya naiiba sa mga talamak na trapo.

    kung matatandaan ay unang pumalaot siya sa pulitika sa ilalim ng tiket ng administrasyon ni gloria na halos sambahin niya dahil presidente daw. natalo siya.

    nitong nakaraan kung kailan siya pinalad na maluklok sa kongreso bilang kinatawan ng sarangani na hindi mismong kanyang lugar kundi sa asawa niya ay kanino siya sumapi at sino ang dinala niya bilang presidente? hindi ba’t ‘yung lihim na kandidato ni goyang na si villar? nitong nasa kongreso na siya, bumitiw kay villar at sumapi sa administrasyon sa anong dahilan? upang mapadali ang release ng kanyang pork barrel? subalit anong kulay ang kanyang ipininta noong botohan sa impeachment ni gutierrez?

    bata pa si pacquiao sa pulitika subalit ano ang kanyang tinatahak na maliwanag? pagiging isang tapat na lingkod bayan o hinsi naiiba sa mga trapong ginagawang tanga ang taong bayan habang sinasamantala ang kapangyarihan ng kanyang mandato?

  17. MPRivera MPRivera

    “……tapat na lingkod bayan o HINDI naiiba sa mga trapong….”

  18. chi chi

    Bakit atat na atat na mag-prisidinti si Mani?

    Malaki ang hinala ko na sa tagal ng kaso sa korte na naisampa na isasampa pa laban kay Gloria at Mike ay lilinisin nya sa dry cleaning ang lahat ng kaso ng Pidal-Arroyo kung sakaling sya ang maging prisidinti.

    Kaya ngayon pa lang ay hinihimas na pinalolobo ng todo ng Mafia Pidal-Arroyo ang ego ni Mani para sumabak sa pampanguluhan.

    Si Mani Pakyaw lang ang kayang utuin, utusan, bolahin at gawing atsoy ni Gloria at Mike na pwedeng manalo kung sasabak sa panahong ito. Kaya dapat ay alisto ang oposisyon at tao sa banta ni Mani na baka akala nila ay suntok lang sa buwan.

  19. chi chi

    Bisi-prisidinti ni Mani si Lito Lapid, 🙂

  20. QED QED

    Off topic pero matanong ko lang po.
    Sa international media mainit na usapan kung bakit ayaw ni Pacman ng Olympic Style Testing na random, kasama na dito ang usapin na nagP-PED siye (performance enhancing drugs). Alam kong maselan ito pero alam ko rin na mataas ang antas ng diskurso dito sa Ellenville. Ang ipinagtataka ko, wala sa kahit saan sa Pilipinas, maging sa mainstream media, new media, underground media, kwentong barbero, o maging sa kwentong kalsada ang nagbabanggit nito. Personally, hindi ko tiyak, pero ang pinagtataka ko ay wala man lang ni isa ang nagbabanggit tungkol dito sa Pilipinas. Ano po sa tingin ninyo?

  21. vonjovi2 vonjovi2

    Kung papalarin manalo si Manny at na iba ng mga alagad ni Gloria ang LAW. Nakikita ko na imbis pataas ang bansa natin ay tuloy na lulubog dahil magiging puppet lang siya at sunod sunuran sa mga naka dikit sa kanya.

    Manny for President
    Bise: Lito Lapad
    DOJ: Gloria
    DOD: Big Mike
    Bangko Sentra Pres: Sabit Singson
    PDEA head: Sabit’s son (Ex.cong.)
    Ministry of Health: Mommy Dionisia
    Malacanang spokeperson: Buboy the trainer

    Patay kang bata ka….kapag nag ka totoong manalo si Pacman.

  22. Rudolfo Rudolfo

    Ang masasabi ko sa bagay na ito, issues about Manny Pacquiao’s ambition,..una, walang nakaka-alam sa kapalaran TAO, lalo’t, and taong iyan ay madasalin, at maraming tagahanga’t nagmamahal sa buong mundo…Ikalawa, mahirap din ang nag-huhusga sa kapwa, lalot sa kakayanan. Isang pananaw natin ang “David saka Goliath”, at iba pang naging totoo..Mga “inventors” na nagpasigla sa bong mundo, ngunit, ng panahon nila, na gumagawa ng mga pag-aaral-experimto, hinuhusgahan na agad, kahit di pa tapos,ang pag-iinbemto na gamit sa lahat ng tao at mga gobyerno ( katulad ng “fluorescent light”,galing sa Florentino Flores, minaliit ng panahon ng Commonwealth government, at di inaruga ng bansa, kinuha ng UK… at marami pang ibang pangyayari, e.g..). Lagi ng itina-taas ng Diyos ang mga ina-api, at dinudusta-mina-maliit. Si Pangulong Pnoy ng tumatakob pa lamang, may nag-husga na may-deperensya daw, sabi ng isang di kapanalig noon, bakit pina-hahalagahan siya ng Hapon, USA, at iba pang mga bansa..Matino-maka-hulugan naman ang kanyang sinasabi, isang kabalitaran sa sinabi ng ingit na di kaalyado. Kailangan yata pag-usapan ay “kabutihan sa Tao at sa Bayan “, through motivation and encouragement, ang mga dapat maging pinaka-laman ng pag-uusap.Ang Diyos ay lagi ng tumutulong-bumabait sa nga ina-api, at minamalas ang mga mang-aapi.

    Isang halimbawa, ang RH-Bill-Abortion na gustong maging batas,ang naging sukli ng kalikasan, at paalala-“as a wake-up call”, bagyong sunod-sunod-baha at kalamidad,..Pedring-Quiel-at darating na Ramon !..

  23. QED, hindi naman wala, kaya lang hindi na pinatulan para hindi na pigain at gatasan ni Mayweather ang issue.

    My FB friend, Michael Sellers, who is married to a Pinay he met while he was a consul of the US Embassy here has many articles online, all about Manny Pacquiao including that of the PED issue with Fraud Gayweather.

    Mike Sellers may be more Filipino than many of us here, he is enamored with the rich historical past of the country. I think he has published or is about to publish books especially on the Fil-Am War.

    If there is one Manny Pacquiao fan out there who knows more about Manny and this country, altogether, it is Michael Sellers. Search him and add him to your FB friend list, he’ll surely approve.

  24. Babaero na naman ang presidente? Gulo na naman yan.

    Sabi ni Jinky magbibigay siya ng Hermes bag kung mapapatunayan yung bagong tsismis na may niregaluhan ng bahay at kotse si Manny na celeb sa GMA7. Di nga lang sikat.

    Nakita ko na yung chick. Maganda. Malayo si Krista. Pwede ngang ipalit kay Jinky.

  25. QED QED

    Tongue salamat!

    Sa totoo lang, ako boboto kay pacman 4 prez! yeahboy!!!
    HARHARHARHARHARHARHAR

  26. Becky Becky

    “Sabi ni Jinky magbibigay siya ng Hermes bag kung mapapatunayan yung bagong tsismis na may niregaluhan ng bahay at kotse si Manny na celeb sa GMA7. Di nga lang sikat.” -Tongue Twisted

    Princess daw ang pangalan, Tongue.

    Ang babaw ni Jinky. Hermes bag ang kaligayahan.

    Anhin mo naman ang Hermes bag na inaabot ang milyun ang presyo kung wala ka ilalagay na pera sa loob. Kung sabagay, pwedeng ibenta.

    Pero mababaw pa rin. Sana man lang magbibigay ng scholarship o puhunan sa pangnegosyo.

  27. MPRivera MPRivera

    becky, ano, hilo?

    nakikipagbasagan ng mukha ang asawa tapos ‘yung pera ipamimigay nang ganun ganun lang?

    ‘yung hermes bag, maniniwala ba kayong maibibigay ni dyengki sakaling merong makapagpatunay na may bagong tsitsing si mane?

  28. chi chi

    Hanggang mentaliting hermes na lang si Jinky, e papalitan ka nga nyan ni Mani. Har har har!

    Di Bale na si Donya Dionnie, understandabol yun! 🙂

  29. vonjovi2 vonjovi2

    Binawi ni Jinky ang Hermes na bag.

    Herpes na lang daw ang ibibigay niya galing kay P.

  30. parasabayan parasabayan

    Si Sabit Swingson ba naman ang mentor niya, eh di mas magaling pa yung estudiante sa nagtuturo…heh,heh,heh. Nakalusot nga si Mane sa paternity test niya noong kamakailan. Hindi lang sa boxing matinik si Mane ah.

  31. Becky, actually naipakilala na sa akin si Princess Snell, quitter sa Survivor Philippines kaya di sumikat. Pinakamaganda sa lahat ng tsiks ni Mane Pakyu ito. I-Google nyo na lang ang picture para maniwala kayong maganda nga.

    Tumulong ako (vote-buying hahaha!) noon para kay Ervic Vijandre (Ervin Manalo yata ang screen name na ex-BF daw ni Marian Rivera) na alaga ko noong maliliit pa sila sa Taguig. Kaibigan ko ang mga magulang niyang sila Eric at Vicky na may-ari ng apartment ko noon.

  32. vonjovi2 vonjovi2

    Iyan ang nagagawa ng pera kahit ang “PANGET” mo ay makakakuha ka pa rin ng magandang babae or lalake. Nagiging pogi ang tingin sa iyo.

  33. MPRivera MPRivera

    vonjovi2, huwag naman “PANGET”, sobra naman.

    mukhang bangas na lang para naman medyo disente ang dating. kaya pa naman sigurong i-rituke ni biki bilo ang muk’a ni mane, ano? patangusin niya ang baba at gawin konting patulis ang ilong. palaparin na rin ng konti ang pisnge para medyo balans.

  34. vonjovi2 vonjovi2

    Baka mag ala Michael Jackson si Mane na itim naging puti. Ano kaya ang ikalalabasan ni Mane. Magagawa kaya ni aling belo iyun. Maging Tisoy at matangos ang ilong ni Pareng P. Kaya naman niya mag bayad e. Anong itsura kaya???? 🙂

Leave a Reply