Hindi natuwa si Senate President Juan Ponce-Enrile at Sen, Jinggoy Estrada sa pasirko-sirko ni Judge Nagamura Moner ng Shariah Court tungkol sa kanyang papel sa dayaan noong 2004 eleksyun.
Noong 2005 kasi, na-interview ng Probe TV ni Cheche Lazaro si Moner at marami siyang kuwento tungkol sa ginawa niyang pandaraya sa 2004 na eleksyun sa utos ni Mike Arroyo, asawa ni Gloria Arroyo. May mga papeles pa siyang pinakita at ang isa nga doon ay sulat ng pagpapasalamat galing sa chief –of-staff ni Mike na si Juris Soliman.
Nang mag-imbistigasyun na sa Senado, aba, ay sinabi ni Moner na nagsinungaling daw siya sa Probe. Bola lang daw ang sinabi niya sa media. Wala naman daw talagang dayaan.
Noong isang linggo, humarap naman siya sa Senado sa imbestigasyun ng pagbenta ni Mike Arroyo ng kanyang lumang mga helicopter sa Philippine National Police sa presyo ng bagong helicopter. Ang isa pala doon daw ay ang sinakyan ni Moner nang siya ay namudmud ng pera sa mga election supervisors at operators para mandaya at masiguradong manalo ng isang milyon si Gloria Arroyo.
Sabi ni Estrada, natawa siya noon nang sinabi ni Moner na walang dayaan. “Ngayon iba na naman ang kuwento niya. Inis ako sa tao na paiba-iba ang sinasabi,” sabi niya.
Ngunit sabi naman ng bagong senador na si Aquilino”Koko”Pimentel III, mukha naman tumutugma sa ibang testimonya ang mga sinasabi ngayon ni Moner. Makakatulong ang testimonya ni Moner para malaman ang katotohan hindi lamang sa helicopter kung di na rin sa dayaan sa eleksyun noong 2004.
Tumibay ang testimonya ni Moner dahil naka-record naman sa flight log ng helicopter na Robinson R44 Raven series 1371 na noong Mayo 18, 2004, isang linggo pagkatapos ng eleksyun (ibig sabihin noon, nagbibilangan pa at pwede pang maniobrahin ang election returns at certificate of canvass),ang pasahero ay isang “Judge Moner” at pumunta sa Tawi-tawi, Marawi,General santos, Cagayan de Oro at Bukidnon.
Sabi ni Moner ang kanyang handler ay si Alfonso Cusi, matalik na kaibigan ni Mike Arroyo na naging general manager ng Philippine Ports Authority bago inilipat bilang manager ng Ninoy Aquino International Airport. Suma total, ang natanggap daw niya kay Cusi ay P8 milyon kasama na raw doon ang para sa media at sa mga kasamahan niya para tumahimik na sa ginawa nila noong eleksyun.
Tinuruan pa raw sila ni Agnes Devanadera, na noon ay interior undersecretary na naging solicitor general, kung paano sumagot sa mga interview sa media tungkol sa dayaan.
Nagkita rin daw sila ni Glora Arroyo kasama si National Security Adviser Norbero Gonzales sa isang kuwarto sa Pryce Hotel sa Cagayan de Oro noong Hunyo 16, 2005 at sinabi niyang wala siyang problema sa kanila kung tungkol sa dayaan sa eleksyun. Nagpasalamat naman daw sa kanya si Arroyo.
Ngayon na wala na sa kapangyarihan si Arroyo, may problema na siya kasi iba na ang kinakanta ni Moner.
Wala krimen na hindi nabubulgar. Napakamisteryoso ang paraan ng Panginoon. Minsan, sa bibig pa ng mga sinungaling lumalabas ang katotohanan.
Kungsabagay, mahirap talaga maniwala sa paiba-ibang version ng istorya. That’s the problem when one loses credibility. Even if he is saying the truth, people won’t believe.
Just like the boy who cried wolf.
But the senators should not dismiss Moner’s testimony. Salain at hanapin ang katotohanan.
dapat kasuhan din itong si moner, kahit na di nag-sasabi ng katutuhanan, inaksaya niya ang oras ng gobyerno-mga Senador, at gumasta syempre ng salapi, o nagkaroon ng budget, tapos, sasabihin niya na di totoo. Di lukuhan ang imbistigasyon, bogado pa naman siya. Sa bibig daw nahuhuli ang isada !.Ngayon, naka-takbo na si Mike Arroyo sa Germany para sa medical check. Noon sa St Luke lang siya pumupunta, dahil magagaling daw ang local Doctors…Babalik pa kaya siya, na mag-aala, Joke-Joke Bolante ?..o Ping ?…
Witnesses tag Abalos in 2007 election fraud
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=728967&publicationSubCategoryId=63&newsalert