Skip to content

Tatlong salita lang –solb na!

Dennis Garcia writes for Abante every Friday. Enjoy ako sa kanyang column tungkol kay Manny Pacquiao.

Minsan nanggigigil ako sa pangulo natin.
Pagka’t, tapos ng isang taon, wala pa ring sinasampulan at pinakukulong.

Nanggigil pagka’t hinahayaang manggulo ang mga illegal settlers.
Hinahayaang lumaganap ang mga salot tulad ng “Bukas Taxi Boys”.
Nanggigigil pagka’t nagtiyatiyaga sa ilang alipores na kailangang tasahan ang ulo.

Pero, sa gitna ng panggigigil, may tatlong salita akong binibigkas para malimot kaagad
ang mga pagkukulang ni PNoy.

Tatlong salita na magandang isaisip nyo rin. Tapos, sabayan ng dasal.

Ang tatlong salita…

Pacquiao for President.

***
Kung magkakatotoo nga ang pangarap(o bangungot?) ng ilan sa atin na maging pangulo si Pacquiao, nakikita-kita ko na ang ilang mga personalidad na aalalay kay Pacman sa Malacañang.

Executive Secretary – Chavit Singson
Defense Secretary – Lito Atienza
Presidential spokesperson – Diane Castillejo
DSWD Secretary – Mommy Dionesia
Health Secretary – Vicky Belo
Sports Development Adviser – Freddie Roach
Musical Director – Lito Camo
Pambansang Muse – Paris Hilton
(Of course, hindi malayong magkaroon din tayo ng bagong pambansang awit… “Sometimes When We Tats”.)

Click here for the rest of the Dennis’ column: http://www.abante.com.ph/issue/sep1611/op_dg.htm or http://chubibo.com/2011/09/16/pacmans-presidency-a-chubibo-special-report/

Published inPolitics

23 Comments

  1. pranning pranning

    17 September 2011

    Paminsan-minsan naman ay marunong ka rin naman pala magpatawa Ms. Ellen.

    Iisipin ko pa kung sino pa ang pedeng maging gabinete ni pacquiao. hehehehehehe……

    prans

  2. Masyadong ambisyoso kung hahangarin pa niya ang maging bise presidente. Lalo na ang pagka presidente. Ang mga boboto sa kanya ay nasilaw sa popularidad.

  3. Narito ang joke na natanggap ko sa text tungkol kay Pacquiao.

    BREAKING NEWS:

    Congressman Manny Pacquiao is planning to spend his fortune to build PAQUIAO University. In short PAC-U.

    Students will be called “Pacquers”. Mother Dionisa will be primarily running the school, she will be called “Mother Pacquer”.

    After hearing this news, Bobby Pacquiao, being a jealous brother he is, decided to put up his own university called PAC-U 2….. ♥♥♥♥♥

  4. koko koko

    tatlong salita lang solve na… Hahaha! winner!

  5. DENR Secretary – Benjie Paras
    Press Secretary – Onyok Velasco
    MTRCB Chairperson – Ara Mina
    Tourism Secretary – Krista Ranillo

  6. Jojo Jojo

    Ate Ellen & Arvin95 #3, Yugyug ako sa katatawa. Hindi pa nga ako nag-aalmusal. Wala pang laman ang tiyan ko, baka kabagan ako sa pagtawa.

  7. Mike Mike

    Eto sa tingin ko ang magiging official family ni Paquiao:

    Exec. Sec. – Jinky Paquiao
    Finance – Jinky Paquiao
    Defense – Jinky Paquiao

    Hehehe, wala lang. 😛

  8. parasabayan parasabayan

    In fairness, napuna ba ninyo na medyo lumambot na and dila niya at medyo gumanda na ang pag-iingles niya?

    Also, didn’t he go to Ateneo to earn some units in Public Administration?

    Sa dami ng mga taong bumuboto ng sa popularity and money given to them come election time, it is not impossible that Pacman will one day be the president of the Philippines. Juice ko po!

  9. parasabayan parasabayan

    Sa dami ng marurunong nating mga politiko na may kakayahang mamuno ng sa bansa, mag-isip isip naman sana ang mga botante natin. Si Erap nga na Atenean pa eh tinanggalan ng posisyon dahil inaalipusta ng mga tao ang kanyang pinagaralan, life style (babaero) at mga sangganong mga kaibigan (Pacman has more notorious friends). Baka wala pang isang linggo, EDSA rebulosyon na naman! Governor siguro pwede dahil ito ay sa locals and they may be forgiving if Pacman errs. But a President of the Philippines? I do not even want to wish it will come true. Medyo umaangat na nga tayo ng konti, mamili naman tayo ng mas karapatdapat na mamumuno ng Pilipinas. It is not as easy as BOXING! It takes more than two months training to keep ones’ body fit. Hindi lang ang body kundi ang lahat lahat ng elemento ng pamamalakad. PLEASE!!!!!!!!!!!!!

  10. chi chi

    Managinip na lang muna si Mani kasi di sya qualified, kulang sa age requirement. Nagmamadali kasi kahit VP na lang kasi few years from now laos na rin sya, hinahabol ang kasikatan.

  11. chi chi

    Hahahaha!!!… sa column ni Dennis Gacia at joke #3!

  12. Sa susunod na eleksyon, target ni Pacman maging senador pero underage siya. Pagkatapos nun, Magpe-presidente siya pero underage pa rin.

    Salamat po, Juiceko. Buti na lang.

  13. jawo jawo

    Huwag nating hadlangan si Manny na mangarap. Lahat tayo may kaniya-kaniyang pangarap sa buhay.
    Pero kapag nagkatotoo ang pangarap na ito ni Manny, ito naman ang ating magiging pinaka-masamang BANGUNGOT.

  14. Ellen, Nanonood ako kagabi ng Strictly Politics kung saan guest ni VP Binay. Unang tanong kung bakit kailangan pang sa Coconut Palace mag-opisina at tumira si Binay. Ang sagot e, kailangan may sariling bahay ang VP, kung yung mga gubernador daw “para masigurong malapit lang nakatira sa kapitolyo, merong Governor’s Mansion bakit ang VP wala”?

    Wow ha, parang ang layo ng Makati sa Pasay, no! Tinanong siya tuloy ni Pia ng pabiro (pero may laman) na parang ganito: “Si Presidente nasa Malacañang Palace ikaw sa Coconut Palace, parehong palasyo”.

    Honga, tila may delusions of grandeur din itong bulilit na ito. (Bakit kaya ganun ang mga bulilit?)

    Hindi na nagpaliguy-ligoy si Pia at tinanong si Binay kung may balak siyang maging pangulo sa susunod na eleksiyon nasyunal. Nagpasakalye si Binay, “Grade School pa lang ako…”

    Yan ang nagpatayo ng balahibo ko at biglang nanlamig ang sikmura ko (ganyan yata ang pakiramdam ng nakakakita ng multo?) sabay dampot ng remote at lipat kay Spongebob at Mr. Bean.

    Que horror.

  15. pranning pranning

    18 September 2011

    Ms. Ellen…… sorry ha, anyhow give my regards to Mr. Garcia, t’was really fun reading it.

    Up to now can’t think of anybody who will be a member of Pacquiao’s cabinet. Where are you going to put, what’s her name…Ranillo lang natatandaan ko e….. hehehehe….DSWD or DOT?

    prans

  16. MPRivera MPRivera

    ay, tinamaan ng magaleng na buhay ire! ay napauwe tuloy ako ng hindi oras, ey. na-absent tuloy ako ng half day, eh. ay dahil baga sa ako’y napaihe sa salawal dahil sa topic na are. ay baha sa ilalim ng aking teybol eh.

    Mr. Prisidint Mani Pakyaw?

    Inaaaaangggg!

    ala’y libre naman ang mangarap, ah. may kasama pa iyong sukle. para bagang iyong libreng ays drap na nakasulat sa istik.

  17. MPRivera MPRivera

    parang juicy fruit gum ad noong 70’s.

    in times like this, we need to laugh.

  18. MPRivera MPRivera

    executive secretary – gloria macapagal arroyo
    DOJ secretary – mike arroyo
    DND secretary – mikey arroyo
    DPWH secretary – dato arroyo

    after all, allies pa rin sila, diba?

  19. Talagang allies. Di ba “No” ang boto ni Pacman sa impeachment kay Merci Gutierrez, ang Ombudsman ni Gloria?

  20. tru blue tru blue

    Laughter is the best medicine daw:

    samtaym wen we tats
    da hanisty too mats,,,,,

    Vote for Pacyaw, Pinas politics is down the sewer anyways.
    Who is minding the store?

Leave a Reply