Skip to content

Paano isulong ni Brillantes ang reporma sa Comelec?

COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. hands over the COMELEC’s Integrity Pledge to Makati Business Club (MBC) Chairman Ramon del Rosario Jr. Also present in the photo are representatives of the MBC and the European Chamber of Commerce in the Philippines (ECCP) and COMELEC Commissioners Lucenito Tagle, Christian Robert Lim and Augusto Lagman.
Ang isang malaking kasalanan ni Gloria Arroyo sa sambayanang Pilipino ay ang pagsira ng mga institusyon pangdemokrasya para lamang manatili siya sa kapangyarihan.

Sinira niya ang military nang ginamit niya ito para mandaya para sa kanya noong 2004 na eleksyun. Sinira niya ang institusyon ng hustisya sa pamamagitan ng paglagay ng mga taong kulang sa integridad basta lang susunod sa gusto niya.

Sinira niya ang Comelec sa paggamit niya para mandaya sa kanya.

Ang mandato ng Comelec ay ang siguraduhin na magkaroon ng maayos, malinis, at kapani-paniwala na eleksyun na magpapalabas ng kagustuhan ng taumbayan. Ang eleksyun ay isang mahalagang elemento ng demokrasya. Ang eleksyun ang nagbibigay buhay sa sinabi ni Abraham Lincoln, dating president ng Estados Unidos, na ang demokrasya ay “pamahalaan ng taumbayan, na pinapamahalaan ng taumbayan, para sa taumbayan.”

Kaya kapag sinira mo ang eleksyun, sira na rin ang demokrasya.

Kaya mahalaga ang Comelec para pangangalagaan ang ating demokrasya.

Marami ang umasa na sa pamahalaang Aquino, magkaroon ng reporma sa Comelec. Katulad ng nangyari ng administrasyon ng nanay niya ng ang Comelec ay pinamumunuan ni Christian Monsod at ang kasama niyang mga commissioner ay katulad ni Haydee Yorac.

Nang pinili ni Aquino si Sixto Brillantes para pumalit kay Chairman Jose Melo, marami ang hindi natuwa dahil bilang election lawyer dati, malamang naki-paglaro siya sa mga sindikato sa Comelec.

Ngunit sabi ng iba baka naman mas mabuti yun dahil alam na niya ang kalakaran sa Comelec at hindi siya maaring paikutan.

Ngunit ang pagtanggal kay Atty. Ferdinand Rafanan bilang hepe ng Law Department ng Comelec ay hindi magandang indikasyun ng magiging palakad niya sa Comelec.

Inamin ni Brillantes na ang pagtanggal kay Rafanan sa Law department ay dahil sa kanyang away sa kanyang deputy na si Atty. Josellyn Demesa at maiinit sa kanya si Commissioner Elias Yusoph.

Inimbistigahan si Demesa dahil tinanggap niya maging chairman ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) ng Lanao del Sur samantalang ang kanyang anak na si Iris Mae Demesa Montes ay nominee ng Alliance of Volunteers Educators (AVE), isang party-list organization.

Ipinagbabawal kasi ng batas ang isang tao na magiging miyembro ng PBOC kung may kamag-anak na tumatakbong kandidato.

Ang depensa naman ni Demesa, sinabi naman daw niya kina Atty. Bartolome J. Sinocruz, Director for Operations at Yusoph.

Ayun sa batas, election offense kung hinirang mo ang isang tao sa isang pwesto na alam mo palang hindi siya qualified. Kaya sabit din si Yusoph sa kasong ito.

Dinismis na ng Comelec na pinamumunuan dati ni Jose Melo itong kaso laban kay De Mesa na nasabit si Yusoph. Hindi pumayag si Rafanan na basta lang patayin itong kaso kaya nag file ng motion for reconsideration. Kaya inis si Yusoph at gusto na niyang tanggalin si Rafanan.

Kumampi naman si Brillantes kay Yusoph.

Paano ngayon magkakaroon ng reporma sa Comelec?

Published inComelec

18 Comments

  1. pranning pranning

    10 Setyembre 2011

    Ang aking masasabi ay tama na ang ang maling paggamit sa mga opisyales ng Komisyon sa Pagboto (COMELEC) na sya na ring sumisira sa mga pinili ng mga mamamayan na mamumuno sa ating bansa.

    Ang lantarang pangingitil at lantarang paggamit sa mga opisyales ng comelec ay nagpapatunay na kahit sino pa mang presidente ang umupo, hangga’t hindi napapalitan ang bulok na sistema sakalakaran sa pagboto, ay tuloy na yuyurakan at hahamakin ang demokrasya at kalayaan sa pagpili.

    Ang pagtanggal sa tungkulin ni Rafanan, kung mali ay dapat panagutan ni brillantes.

    prans

  2. parasabayan parasabayan

    I guess we can predict the next president. Kung sino ang makakabayad sa mga buwayang comelec komisyoners ang mananalo!

  3. parasabayan parasabayan

    Wasn’t this Yusoph into some kind of cheating operations too?

  4. parasabayan parasabayan

    Can’t Rafanan initiate the removal of Brilliantes for favoritism?

  5. “Wasn’t this Yusoph into some kind of cheating operations too?” – parasabayan

    “Politicians who lost a lot of money want to recoup their losses. That is the reason why Nuraldin was kidnapped,” said Brig. Gen. Ray Ardo, chief of the Army’s 103rd Infantry Brigade. “They want to be refunded,” he added.

    At the center of the controversy that hounded the kidnapping of Nuraldin is his father Elias, the only Muslim commissioner in the Commission on Elections.

    The Moro Islamic Liberation Front (MILF), in its luwaran.com website, said that “the kidnapping was a collective effort” of all losers in the election “to force him [Commissioner Yusoph] to refund the bribes given him during the elections” as it accused the election official of “[taking] money from all sides.”

    There was no immediate comment from the elder Yusoph and his family about the accusation.

  6. MPRivera MPRivera

    integrity? bias-less commission or bayag-less decision?

    wow, mali!

    brillantes is another abalos in a commission without honor.

    no more, no less!

  7. MPRivera MPRivera

    can anyone here furnish the news regarding the fire that occured in the old commolect building during the term of abalos? the BFP ruled out arson but it was more intentional to cover and hide the criminal activities of the mafia of commission-ers.

    isang batayan din ‘yun ng mga kabalbalan ng mga katulad nitong si yusoph na isang kahihiyan sa pananampalatayang Islam. patunay lamang na ang karakter ng tao ay nasa pagkatao at hindi sa anupamang bagay na bumabalot sa kanyang pagkatao. lalong hindi ang pinag-aralan at hindi rin ang impluwensiya ng kapaligiran.

    nasa dugo, laman at buto kung ano ang tunay na kulay ng isang tao.

  8. MPRivera MPRivera

    “…….Ang depensa naman ni Demesa, sinabi naman daw niya kina Atty. Bartolome J. Sinocruz, Director for Operations at Yusoph….”

    ayun naman pala, eh. meron naman palang delikadesa. nasa talampakan nga la’ang.

    meron ding kahihiyan. pero sobrang makapal!

    ganyang mga katwiran ng mga nakaupo sa makapangyarihang lupon, aba’y wala ng magiging maayos na gobyerno kahit mamuti pa ang mata ng lahat ng pilipino. bulok na sistema. tiwali’t walang kahihiyang mga namamahala. bulag at nagbibingibingihang pamunuan. patay si juan!

  9. MPRivera MPRivera

    “………Sinira niya ang institusyon ng hustisya sa pamamagitan ng paglagay ng mga taong kulang sa integridad basta lang susunod sa gusto niya. ……”

    pambihira nanam, oo.

    wala na ba kayong tigil sa pagtuligsa sa presidente nila? panahon na ngayon ni PeNoy, kaya huwag n’yo nang sobrang isisi sa hitad na si goyang ang anumang nangyayari at ginagawa ng mga in-aapoint ng bagong pangulo. nananahimik na ‘yung tao (nga ba ‘yun?).

    ano bang masama sa mga ginawa ni goyang?

    di ba’t nangako siyang gagawa ng SAMPUNG MILYONG TRABAHO para sa mamamayan? o, di ba’t nu’ng bumaba siya puwesto ay nadagdagan ng hindi lang sampung milyon ang nawalan ng hanapbuhay?

    sinabi niyang ipo-professionalize niya ang lahat ng institution. masama pa ba ‘yung natutong magsinungaling, mandaya, mangurakot, manakot at baluktutin ang tama lalo na ang DOJ, AFP, Comelec atbp.?

    bah, magpasalamat tayo’t gumanda ang takbo ng pamumuhay ng mga pinoy at malapit na tayong mapabilang sa first world countries dahil sa maganda’t matagumpay na pamamahala ni goyang.

  10. MPRivera MPRivera

    hindi ba kayo naaawa sa pinagpipitagang pangulong gloria macapagal arroyo? aba’y mula nang manaog sa malakanyang ay ngayon ‘ata sinisingil ng kanyang sobrang kasipagan. kung noon ay wala siyang pahinga sa pagbibiyahe upang makaakit ng mga investor sa pilipinas bukod pa sa pagtalilis puntang china upang isara ang mga kontratang magpapaunlad sa ating bayan, ngayon ay halos hindi na siya nakakabangon sa pagkaratay. pati ‘yung kanyang tungkulin sa kongreso bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng pampanga ay kanya nang hindi naaasikaso nang personal dahil nga sa pagkakasakit. sino ba sa naging pangulo ng bansa, kahit alin sa buong mundo, ang hindi naging sapat ‘yung mahigit siyam na taong pamumuno upang paglingkuran ng buong katapatan at kasipagan upang matulad sa pilipinas na nakapagtala ng ilang pangunguna sa alinmang pandaigdigang samahan?

    aba’y biruin ninyong ang pilipinas ay nanguna bilang pinakakurakot ang gobyerno mula 2001 hanggang 2010?

    nanguna ang pilipinas sa may pinakamaruming halalan dahil sa pakikipagsabwatan ng AFP at PNP.

    kayo, baka meron pang maidadagdag.

    pagod na ako, eh.

    gapang na sa hirap dahil sa napakagandang ekonomiyang nagpayaman sa buong pamilya lahat ng mga kaalyado ni goyang.

    buset na mga ‘yan!

  11. From Pedro Dionisio:

    Sayang na mawala sa law department ng Comelec si Atty. Rafanan. Noong 2004 Presidential Election, hindi siya nangimi na ipatanggal ang malalaking poster (mukha) ni dating Pres.Gloria Arroyo noon sa Metro Manila lalo na sa E. Rodriguez Ave. kung saan nandoon ang Headquarter
    ni FPJ.

    72 years na ako ngayon at nalulungkot sa ginawang desisyon ni Comelec Chairman Brillantes sa paglipat ng puesto ni Atty. Rafanan. Paano na ngayon ang mangyayari sa Comelec. Balik sa dating gawi?

  12. From Ernie, who requested to withhold his real name:

    I read your Vera Files article on subject and may I plead fervently that you don’t let go of this story up to its proper closure after a most likely a long battle.

    This is just one “worm” that has wiggled out of the Comelec Pandora’s-box – a truth-toxic organization that has continued to be so (to my personal knowledge) for at least the past 2 chairmanships and now with the present.

    There is a mafia at the next lower level of the en banc that nurtures this “toxicity” and orchestrates all these travesties (that is why these straddle multi-chairmanships) and the “Corleone” of this mafia is one of the officials wrongly exonerated by the Ombudsman (when that person is the mastermind of the whole thing and many many other crimes) in the no-dishonesty-committed (kuno) ballot secrecy folder scam. This scam could have costed only 10 million short of 14 times the plunder threshold.

    Tamng-tama yung name na Vera for it is the truth that these Comelec officials are covering up and that “fed” the ganging up on Atty Rafanan.

    Brillantes is correct, Atty Ferdie is indeed uncontrollable when truth is the issue that must be upheld.

  13. MPRivera MPRivera

    ellen, just wondering.

    bakit sobrang tahimik ng ating mga kagalanggalang na mambabatas sa mababa at mataas na kapulungan?

    kahit nga itong mga kinatawan ng partylists ay tila walang interest tungkol sa usaping ito. dahil kaya kapag nagtuloytuloy ang ningas ng mitsa ay napakaraming tatamaan sa pagsabog? tanda ba ito na kahit para silang mga aso’t pusang nagbabangayan sa bulwagan ay may hindi nasusulat na sinumpaang hindi pakikialaman anuman ang nagaganap sa comelec?

    kahit ang malakanyang ay laging sarado ang mga bintana at pintuan.

    katakataka!

  14. MPRivera MPRivera

    hudas remember his lies?

    anyone?

  15. Ernie, I am sure you are referring to Comm. Tolentino. Noynoy should ask his trusted lieutenants to lifestyle-check this capo di tutti capi.

  16. MPRivera MPRivera

    hindi puwit ng baso ‘yan. tansan lang ‘yan.

Leave a Reply