Skip to content

Ang mas masakit na dagok kay Gloria Arroyo

An unenviable situation
Habang binabasa ko ang mga report tungkol sa sakit ni Gloria Arroyo, parang naninigas na rin ang aking leeg at likod.

Hindi biro ang sakit sa spine at naintindihan ko ang hirap ng isang maysakit.

Unang dinala si Arroyo sa hospital noong Hulyo 25 nang may naramdaman siyang may naiipit na ugat sa kanyang leeg. Inoperahan siya ngunit pagkatapos ng ilang linggo, nakaramdan siya sakit sa braso. Lumabas sa X-ray natanggal daw sa kinalalagyan ang titatium implant.Mahina na raw kasi ang mga boto ni Arroyo.

Inaayos nila ang implant ngunit pagkatapos ng ilang araw, balik na naman sa ospital si Arroyo dahil may infection daw.

Dahil wala raw ang implant na siyang sumuspurta ng kanyang spine, kinabitan daw si Arroyo ng “halo vest”, mga bilog daw na metal na nakadikit sa kanyang bungo na may mga “bars” na sumuporta ng kanyang leeg.

Kailangan dawn ang pangatlog operasyon na hindi nila magagawa ngayon dahil may infection si Arroyo. Mukhang aabutin daw ng isang buwan ang pagpagaling nbi Arroyo para sa pangatlong operasyon.

Ang problema lang, sabi ng kanyang doctor na si Juliet Gopez-Cervantes, ay walang ganang kumain si Arroyo. “Kailangan niyang kumain para siyang maging malusog,” sabi ni Cervantes.

Totoo talaga ang kasabihan na “health is more important than wealth.” Anhin mo naman ang lahat na pera at kapangyarihan kung maysakit ka naman.

Ang masakit pa sa sitwasyun ni Arroyo ay marami and duda kung maysakit talaga siya.Grabe ang mga umiikot na text jokes.

Marami ang nagsasabi na bake kunwari lang maysakit para maka-iwas sa imbestigasyun ng mga anomalya na sangkot daw siya at ang kanyang asawang si Mike nang sila ay nasa kapangyarihan pa.

Ang sabi ng marami, “karma.”

Sunod-sunod na ang kasong isinasampa laban sa kanila. Sunod-sunod na rin lumalabas at nagsasalita ang mga taong sangkot sa mga anomalya. Ang pinakamainit na kaso ngayon ay ang mga helicopter na ibinenta ni Mike Arroyo sa Philippine National Police sa presyong bago samantalang gamit na pala.

Kay Arroyo, ang kaso ng dayaan noong 2004 na eleksyun ay parang multo na bumabalik na naman ngayoi. Dahil wala na siya sa kapangyarihan, lumalabas na ang mga taong ginamit nila sa napakalaking krimen na ginawa niya sa mamamayang Pilipino.

Ang hirap nga naman ng sitwasyun ni Arroyo . Makaka-iwas lamang siya sa mga imbestigasyun ng mga katiwalian habang naka-confine siya sa ospital. Kapag lumabas naman siya, naghihintay naman ang mga kaso laban sa kanya.

Published inAbante

106 Comments

  1. vonjovi2 vonjovi2

    Nice Picture………. Goodjob Doc. Cervantes puro palpak ang operasyon nyo.

  2. Mike Mike

    Alam ko ang nararamdaman ni Gloria. Minsan na rin ako nagka stiff-neck. Ang sakit kaya nun. Pero ang stiff-neck temporary lang at yung kay Gloria mukhang matagalang gamutan. Hayssss… ang buhay nga naman, weder weder lang.

  3. napalala pa yan sa stress niya, for sure bumaba immune system niya. ayaw pa niyang kumain, kailangan nyang lumaban kung gusto pa nyang gunaling, gusto pa ba niya?

  4. QED QED

    Is someone checking if the medical records are legitimate and authentic?

    If the Arroyos are indeed in physical discomfort and dying, they can at least make a tell-all deathbed presscon, admitting to all their sins to the people as well as those involved. Only then even God might forgive them. Only then might the country be finally be able to move forward.

  5. jawo jawo

    Against my better judgement, I still wish Gloria well. But for her penchant for lying, I would advise everybody to watch her well.

  6. jawo jawo

    No truth to the rumor that it was the titanium plate that rejected Gloria and not the other way around.

  7. ocayvalle ocayvalle

    dapat talaga magaling na sana si GMA, dahil sa katusuhan ng asawa niyang si FG, pati titanium impalant na ikinabit sa leeg niya ay ” second hand ” supply ni FG..ayun eh di bumigay..!!! sobra talaga si FG, basta sa kitahan ng pera, walang patawad..!!

  8. parasabayan parasabayan

    Paanong hindi pagdududahan ang St Luke’s eh haven yan ng pamilya at ng kanilang mga cronies.

    I am one of the skeptics on the condition of pandak. Does Pnoy have an insider there at St Luke’s?

  9. parasabayan parasabayan

    Hah,hah,hah…napagdiskitahan pa ninyo yung titanium.

  10. parasabayan parasabayan

    Next move…hindi kaya ng St Lukes ang operation ni pandak kaya kailangan ng magaling na hospital kung saan pwede silang tumakas…Watch… Tapos lusot na sila and they will be laughing at Pnoys coz again, they have SCREWED them a final time. Pnoy should be watchful.

  11. Mike Mike

    I don’t think St. Lukes will allow itself to be used by politicians, especially the doctors. The worst thing to happen to a doctor is for their license to be revoked. Parang narin silang pinapatay niyan.

  12. Mike Mike

    The only thing I can think of now is that what is happening to the Arroyos is KARMA.

  13. I agree with mike. Yung picture nga nya is very eerie, same feeling I got before my friend died, may ibang dating ang picture. Maybe its just my mind playing games with me.

  14. Mike Mike

    Same feeling here Jug. Not the same Gloria we were used to during her reign. Iba ang aura.

  15. henry90 henry90

    Mike and Jug:

    Maawa naman kayo sa ale. Sobrang lupit nyo naman. Kailan ba libing? 😛

  16. Mike Mike

    @Henry:

    😛 😛 😛 😛 😛 😛

  17. Maribel Maribel

    Agree ako kay Mike (#12) regarding the doctors sa St. Luke’s. Kasi a head nurse of the hospital whom I know said that a certain Mr. Ledesma, if I understood correctly, sya yata yung head ng board sa St Lukes Global was calling several doctors to ask them to certify na FG had to go to Hong Kong for health reasons. Kaso maraming doctor did not want to do it.

    Duda na ren ako kung tutoo nga ba na kailangan pumunta sa abroad eto si Gloria.

  18. Maribel Maribel

    @Juggernaut:

    You think she is suffering from major, major depression kaya?

  19. bayonic bayonic

    Nagka infection pagkatapos operahan sa isa sa pinakamagaling na ospital sa bansa ? …. Hmmmm…… Paki imbestiga nga kung ilan na ang kaparehong kaso na nangyare dyan sa ospital na yan

  20. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Malamang hospital arrest o detention ang bagsak ni Aling Gloria at Pig Mike.

  21. jawo jawo

    Ano ba yoong kasabihan natin ??? (correct me if I am wrong)…”pagka-haba-haba man ng operasyon, sa libingan din ang tuloy”..Or something to that effect…

  22. Mike Mike

    #20:

    Henry, mas malupit pa itong si Jawo. Walang pasakalye at diretso to the point. Dinaan lang sa kasabihan. 😉

  23. Mike Mike

    Wow, salawikain:

    Buhay-alamang, paglukso ay patay 😛

  24. Mike Mike

    Heto pa, dedicated to the Pidals:

    Gaano man ang iyong lakas, daig ka ng munting lagnat 😉

  25. Eto pa, akmang akma:

    Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan….

    may cervical radiculopathy.

  26. Mike Mike

    Ka Enchong, hindi ito akma pero babanggitin ko na rin:

    Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi 😛

  27. bayonic bayonic

    Kung ang punla ay korapsyon,
    Ang aanihin ay inpeksyon.

  28. vic vic

    If indeed Gloria Arroyo is faking it, the hospital is the worst place to be since that is where one healthy individual can get an infection from the sick and the diseased…even from the health providers who had to make contact with their sick patients…i’d rather see her in the court or in any venue to say her side…maybe she can convince the multitudes that she will be a candidate for Sainthood..when she retires from politics…

  29. chi chi

    Sa bilyunes na nasikwat ni Gloria Arroyo hindi sya nakabili Fosamax. 🙂

  30. chi chi

    Palagi syang nagtatago sa St; Luke everytime na nagkakabistuhan ng kawalanghiyaan nya pero hindi nakita at naagapan ang sakitn nya sa buto-buto. Therefore, taguan lang talaga nila ni Mike ang Sti. Lukes. Napabilis ang karma nya at pamilya.

  31. chi chi

    Pati ba naman pambili ng Calcium plus D, tinipid pa ni Gloria. 🙂

  32. Jojo Jojo

    Mike # 12 ,,,,,,,,nakalimutan mo na ba si Jocjoc Bolante. Pagsayad ng mga paa niya sa Pinas diretso sa St. Luke’s hospital. Naka stretcher pa kuno kuntodo I V stand pa at nakasuwero. May sakit nga ba. Kumandidato pa hindi ba natalo nga lang. Dapat talaga imbistigahan ang St. Luke. At kapag napatunayan na nagkakanlong ng hinahabol ng batas ay parusahan. Tanggal ang license para hindi na maulit. Hindi porke may sinumpaan kang tungkulin na manggamot at bumuhay ay pagagamit ka na sa isang may mabigat na kaso.

  33. vonjovi2 vonjovi2

    Nag kamali ang mga Doctor sa St. Luke dahil maling piyesa ang nilagay sa leeg. Parts pala ng Helicopter ang niligay at iyung parts na may serial numbers. Para matago daw ang helicopter na di sa kanila. Ang SN# ay naka lagay sa leeg kaya ayun nag na nana na. Di daw ma trace ngayon ni Lacson dahil wala ng Serial number ang isang Helicopter.

    Ang ganda ng “COLLAR” puti pa.. Kulang na lang ay Kadena.

  34. pranning pranning

    14 Aug 2011

    On the contrary, my question is, Bakit ngayon hindi na sya presidente e biglang lumabas ang kanyang sakit bakit noon wala naman kasing napapabalita na may sakit sya at madalas pa ang photo ops pagtapos ng kanyan check up, na sya ay malakas.

    Nagtatanong lang po.

    prans

  35. vonjovi2 vonjovi2

    Isa pa di naman nila talagang ibebenta ang Helicopter dahil kailangan nila iyun sa pag takas. Kaso ang Helicopter na nabili nila ay di sila kayang ilipad kapag nag sama sama sila (tignan nyo ang Robinson type na helicopter). Kay Fatboy Sr. at Fatbiik Jr. lang ay mabigat na sila. Isasama pa nila si Bansot. Tuso kaya 300% ang patong sa pag benta. Kaso nabuking. Ayun ibang parts ng helicopter ay ilalagay sa katawan nila.

  36. QED QED

    #36 ROFL!!!
    you just won this thread!

  37. Galing kay Francis Rosal:

    Naniningil na sa mga Arroyo ang kanilang itinanim na masama sa bayan. Naniniwala ako sa KARMA. Dapat lang nilang pagbayaran ang kanilang ginawa kalokohan noong kanilang panahon.

  38. Title ng blog entry ni Ellen: “Ang mas masakit na dagok kay Gloria Arroyo”

    Kaya naman pala lumala yung inoperahang batok – DINAGUKAN!

  39. “Silicone sa boobs, nag-leak. Titanium sa batok, nagkatubig.”

    Nagkamali pala sila ng pinagdalhan kay Gloria. Di dapat kay Dra. Cervantes. Dapat kay Malabanan!

  40. Di ko ma-imagine kung sakaling matepok na si Putot.

    Sa liit niya puwede na kaya iburol sa loob Balikbayan Box?
    Kung iki-cremate, kasya na sa bote ng pamada?

  41. Kung si FG kaya?

    Alam ko may policy ang mga Crematorium ng Loyola at Manila Memorial Park na hindi nila sasagutin ang kawayan at mansanas.

  42. Sensya na, matindi toyo ko ngayon. Nahilo ako sa roller coaster ng Wall Street. Ngayon lang nakasilip. Pa-check lang ng attendance. hehehe.

  43. vic vic

    What I observe with GMA despite all her legal troubles and her Health issues, she can not stop being Vain…that may have been her trouble in the First Place.

  44. saxnviolins saxnviolins

    Baboy ang magliligtas sa baboy, kung sakaling may kailangang operasyon; ang tinatatawag na pig valve replacement.

    heart-valve-surgery.com/heart-surgery-blog/2007/09/19/pig-valve-replacement/

    Linta naman ang magtatanggal ng nana diyan sa kapit tuko.

    http://findarticles.com/p/articles/mi_m1370/is_5_38/ai_n6212605/

    Kung hindi kaya ng hukuman, kalikasan ang magbibigay ng capital punishment. Kung walang awa ang kalikasan, life sentence ang ipapataw – paralitiko ang labas niyang kapit-tukong yan. Baka magpunta yan sa Netherlands, pagtagal ng panahon, para humingi na bigyan siya ng sisipsiping tubig na may overdose ng barbiturates para mamatay.

  45. chi chi

    #36. 🙂 :):) Winner, bwahahahaha!!!

  46. chi chi

    #42. Tongue, kaya pala hindi ma-korek ni Dr. Cervantes kay Malabanan palang expertise yun sakit ni Gloria. Hahahahaha!

  47. edfaji edfaji

    By the way, dapat siguro alamin ng media kung ano talaga ginawa dito sa America nitong representante kuno ng mga security guard na si Mikey Arroyo. Kesyo kaya pumunta daw iyan dito kasama pa asawa niya ay dahil sa may donor kuno ng medical equipment na kakailangan ng kanyang partido. Sa panahon ba ngayon mayroon pang nagtitiwala sa mga Arroyo na kaya pang mag donate ng sinasabi nila? Dudang duda ako. Sana busisiin ito ng Vera Files.

  48. jawo jawo

    Sa liit niya puwede na kaya iburol sa loob Balikbayan Box?
    Kung iki-cremate, kasya na sa bote ng pamada?—–>TonGuE
    **************************************
    Puro gastos iyang ini-isip mo, pare ko. Suggestion ko, ibalot mo na lang sa sako, ilagay mo sa bangketa, para pag-daan ng basurero, hahakutin na lang nila. At least kahit papano, kahit pang-land fill, magagamit natin siya.

  49. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Sa mga magnanakaw ang pinakamasakit sa lahat ay yun hindi ma-enjoy ang ninakaw.

    At kung mamatay sila, lahat ng kwartang itinago nila sa pangalan ng ibang tao ay hindi na mababawi ng kanilang mga anak. Matuto sila sa ginawa ni Lucio Tan atbp sa mga Marcos.

  50. chi chi

    mb, napakalungkot na buhay ang kay Gloria Arroyo, ganid kasi!

  51. Phil Cruz Phil Cruz

    I highly doubt all these Arroyo couple’s “urgent and serious ailments” and hospital check-ups and confinements. It’s all part of the attempt to escape from and delay of the investigations into their corrupt practices.

    Are their doctors in on it? Why not? Who says all doctors are angels.

    And even if it’s true, heck.. what a way to live the rest of your life. Yep, karma, indeed.

  52. reysantiago reysantiago

    I had a cervical spine surgery last February here in Australia. I had a lump inside my spinal column, pressuring my spinal cord causing pain and numbness in my arm.I stayed in hospital for just two nights, stayed in the recovery room for an hour. I have to wear neck support for six weeks, but took it off just after a week coz its summer here and its very uncomfortable. The surgery was just a two hour procedure and the risk is just 5% After 3 weeks I experience back/shoulder pain, but it was a result of my back muscle became stiff coz of limited movement of my neck and it was relieved through a couple of sessions with a Chiropractor. I just wonder why it was a big issue to GMA, to think that it was done in the best hospital and doctors there in the Phil. mine was at the public hospital. They are just trying to fool people to attract sympathy. If what GMA condition is really serious, she probably deserve it, Karma.

  53. Rudolfo Rudolfo

    hello, base sa mga sinasabi ng 55-komentarista, about the Arroyo’s, di kaya nila, alam ang mangyayari sa kanila ?..” matagal ng nakasaad-sinasabi,anong mahihita sa taong ganid-swapang, makuha man nila ang mundong-kayamanan,ngunit hirap naman ang katawan ( ngayon mga sakit nila,kung totoo man o hindi, umiiwas lang yata sa hustisya ?..), at mawawala pa ang kanilang kaluluwa “..ang sambayanang pilipino, sila’y kinukutya, dahil di naman pala talaga nanalo sa eleksyon ng 2004 at 2007,..pati na yata, Edsa-2, ay produkto ng, conspiracy…ayaw nilang, gumalang sa mga taong, mga ” dropouts” sa paaralan…nag-malaki ang mga heneral,professionals,ngunit,mga gawain-utak, talo pang mga dropouts (di naman lahat )…just my analysis for the good of the future ( babala sa mga professionals, huwag aapihin ang mga dropouts at mag-maliit sa mga di naka-pag-aral ng husto )…ngayon sa letrato ni GMA, nagsisisi kaya siya, o talagang matapang na labanan ang ano mang haharaping hustisya?.o ang Karma !..

  54. jawo jawo

    Ed Malay, spokesman for Ramos, reiterated a call for the Aquino administration to stop its witch-hunt on the Arroyos <<<<<<Angie M.Rosales, D.T.

    ********************************************************
    Wala talagang kamaly-malay itong si Ed. We already know who the witch is !!! We are merely gathering the evidences to pin the witch down (SHHHHIISH !!!).

  55. jawo jawo

    The Arroyo camp, meanwhile, decried rumors being spread by detractors of Arroyo that the former President had either died or is in critical condition and already paralyzed.—>Angie M. Rosales, D.T.
    ___________________________________________

    Nakakalungkot naman itong balitang ito………. lalo na’t hindi pala tutuo.

  56. chi chi

    jawo, kasi kung kumanta si putot ay baka sya isabit kaya don’t go witch-hunting daw.

  57. Mabuti nga sa kanya. Kulang pa iyan. Dapat pa siyang maghirap. Ang hirap na nararanasan niya ngayon ay kulang pa sa hirap na naranasan ng madaming pilipino.

  58. Madami naman siyang pera na kinukurakot bakit hindi na lang papuntahin ang doktor sa ibang bansa dito. Dapat hindi payagan na makaalis kasi baka hindi na bumalik.

  59. Kung kailan lumabas ang mga baho at anomalya sa kanyang administrasyon saka siya nagkasakit. Palagay niyo ba kung siya ay presidente pa sa ngayon ay magkakasakit iyan, HINDI. Drama lang iyan. Hindi delikado ang sakit niyan. Masyado lang pinag uusapan dahil dating presidente.

  60. nangamatis nangamatis

    Nagkamali po ang hospital dahil sa miscommunication sa OR. Ang nailagay na implant sa batok ay silicon breast implant na pinaglumaan ni Rufa mae.

  61. nangamatis nangamatis

    Rumors being spread by detractors of Arroyo that the former President had either died or is in critical condition and already paralyzed.—>Angie M. Rosales, D.T.

    ———————————————
    Magdilang-anghel sana sila!

  62. Iggy Arroyo says he’s the LTA and that they leased the choppers from Po (they don’t own them), but he’s in London being treated for a liver condition.

  63. chi chi

    Sabi ni Prof. Heckler…
    ___

    Briefly Noted:
    A Poe gave Mike Arroyo a headache in 2004.
    A Po is giving him a headache today.

    🙂 🙂 🙂

  64. jawo jawo

    #63
    Jug, unless Iggy Arroyo says he is the owner of the two helicopters still in LionAir hangars, huwag nating pansinin ang anu mang sasabihin niya because anything he says is 1,000% “worthless”. Remember the only words he said during the Jose Pidal hearing ….”I refuse to say anything on the grounds that it may incriminate me”. As with the other Arroyos, he is also a consummate LIAR.

  65. chi chi

    Sige, if Iggy says he’s the owner e di ikulong with the Munti hardcores as mates. Tingnan kung hindi sya magsing-a-song.

    Nasa London pala ang walanghiyang Pidal dyunyor ng magpa-press release, meron naman daw syang sakit sa atay. Langit ngayon sa Pidal-Arroyo ang magkasakit, bwahahaha!

  66. jawo jawo

    Sakit lang sa atay, pupunta pa ng London !!!Sus, maryosep !!! Iba talaga ang pakiramdam kapag nakaw mo lang ang perang ginagasta mo. Labas-pasok ka lang ng Pilipinas at a whim. Except for St. Lukes (????), napaka-walang kuwenta pala ng mga ospital natin sa Pilipinas kasi kaunting sipon lang eh pupunta pa sa abroad.

    Pero CHI, sa tutuo lang, kung “CIRRHOSIS OF THE LIVER” ang sakit ni Jose Pidal, este ni Iggy, pala, his own days are numbered unless he gets a transplant. Once the liver is scarred, it is beyond repair.
    So ano na ang score ?? Three (almost) down,……who’s next ???

  67. ocayvalle ocayvalle

    hay naku, nag ka totoo ang mga haka haka natin na si iggy “pidal” ang aamin na me ari ng second hand chopper, sana iyong ibang haka haka mag ka totoo na rin, si FG mukhang malapit na rin sumobo ng mansanas, si putot sa tingin ng lahat mukhang me ” calling ” na rin.. hindi nga lang ” hello garci ” sigurado ” hello santi “..!!!!! tapos ” CIRRHOISIS OF THE LIVER ” your next..!!

  68. chi chi

    jawo, ala e magsusunod-sunod sila kung ganyan kabilis maningil ang karma sa Pidal-Arroyo!

  69. saxnviolins saxnviolins

    Lease pala ha. Si Renato Sia pa kuno ang pumirma, at may copya si Iggy. May cedula pa ni Renato Sia.

    Oops, bakit nauna ang notario sa date ng cedula ni Renato Sia? Nakapag-notario sa Marso, pero Abril pa lang nakuha ni Renato Sia ang cedula. Mamemeke na nga lang pulpol naman.

    The document shows that LionAir leased five helicopters to LTA Inc. from March 16 to May 15, 2004, for P9,823,290. The date corresponds with Gloria Arroyo’s presidential campaign. The aircraft bore registries RP-C 2779, RP-C 2780, RP-C 2781, RP-C 2782 and RP-C 2783 — the very same ones that Po swore to be secretly owned by Mike. The contract was signed by Renato M. Sia as Lion Air corporate secretary, and Ignacio T. Arroyo as LTA Inc. president. It was acknowledged on March 16, 2004, in Makati, as Document 156, Page 37, Book 51, Series of 2004, by Notary Public Lope M. Velasco. With this evidence, Po is doomed.

    Alas, the best laid schemes of Mike and men can go awry. Looking closely at the notary sheet, Sia’s residence certificate is dated April 2, 2004. (Ignacio had no listed ID.) It appears that the lease was notarized in March 2004 two weeks before Sia got his cedula in April. Meaning, the lease is bogus. (Sia says he was moonlighting at the time as LionAir flight operations assistant. He became full-time general manager, but never corporate secretary, only in August 2005.)

    Read it from Jarius Bondoc.

    http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=716859&publicationSubCategoryId=64

  70. parasabayan parasabayan

    Sax, kamakailan lang siguro ginawa yang lease na yan. May copya ba ang Lionair niyan? Both parties should have signed. Kung isang party lang ang may signature, walang contract. O baka naman forged ang signature ng Lionair. O bayad si Sia para pumirma.

  71. whats this, Atty. Mike Arroyo made a mistake? unbelievable! the sobrang linis magtrabaho nito parang ang hirap paniwalaang magkamali? 🙂

    ——————————-
    Alas, the best laid schemes of Mike and men can go awry. Looking closely at the notary sheet, Sia’s residence certificate is dated April 2, 2004. (Ignacio had no listed ID.) It appears that the lease was notarized in March 2004 two weeks before Sia got his cedula in April. Meaning, the lease is bogus. (Sia says he was moonlighting at the time as LionAir flight operations assistant. He became full-time general manager, but never corporate secretary, only in August 2005.)

  72. olfs olfs

    Yes.. correct, matagal ng mahina BOTO ni CGMA, kaya nga dinaya na lang niya para manalo sa eleksyon. hihihi..

  73. Badajosnon Macabaian Badajosnon Macabaian

    sanay kasing umembento ng kasinungalingan ang pamilya pidal na yan. Tsampyon sa kasinungalingan.

  74. Badajosnon Macabaian Badajosnon Macabaian

    kulang sa practice ang pag-imbento ng script na lease lang daw ang mga helicopter. Lambino, hindi malinis ang ginawa mong script.

  75. chi chi

    Kasi natataranta na si Mike Pidal kaya nagkamali ang date ng cedula ni Mang Renato. Ganyan ang nangyayari kung Big Fat Liar talaga ang operator!

  76. jawo jawo

    Sa tuwing papasok sa eksena si IGGY, parating may sabit. Nakalusot lang siya noong akuin niya ang milyones ni Joey Pidal kasi ang nakaluklok sa puwesto noon ay ang hipag niyang nagpapanggap na presidente at naglalaro ng bahay-bahayan sa Malacanang.
    Napaka-BOBO ng taong ito. Kung hindi siguro sa milyones na inako niya, kahit baranggay-tanod hindi ito makaka-puwesto. Ngayon at ikaw mismo ang umimbita sa sa sarili mo dahil sa nakaka-panibago mong mong ka-daldalan, sige nga gawin mo ulit yoong, “I refuse to answer on the grounds that it may incriminate me”. HIndi na iyan uubra, konyo. Sabi nga eh, “you asked for it…..you got it” !! Tsk-tsk-tsk. May sabit ka na sa atay,sasabit ka pa sa kaso ni KUYA. Oooooh what a life !!

  77. vonjovi2 vonjovi2

    Naku pag na ipit sila ng husto sa helicopter ay baka mag ala
    TRANSFORMER ang pamilyang mAngogoyo. Isa isa na nga kinakabit kay Pandak ang piyesa ng helicopter sa leeg.

  78. parasabayan parasabayan

    Another 98 M of released funds from Malacanang eh kailangang iliquidate ni Pandak, accoding to COA. Naku, hindi lang Agriculture,AFP,Pagcor,PCSO atbp. Lahat na halos ng ahensiya kinuhanan ng pera ng mga magnanakaw na ito!

  79. saxnviolins saxnviolins

    More problems for the Pig.

    The purported lease dated March 16, 2004 indicated the registrations numbers of the five choppers. The registration for the first two was done on March 16, 2004. The third and fourth were registered on March 23, 2004, and the fifth was registered on March 30, 2004.

    Paano nalaman ang registration number nung tatlo, and hindi pa registered. In fact, hindi pa dumating yung tatlo noong March 16, 2004.

    http://www.philstar.com/Article.aspx?publicationSubCategoryId=64&articleId=717606

    Yung cedula daw, typo daw. March 2 daw ang cedula, ni Renato Sia, not April 2.

    Who is the lawyer of his Porcine Arrogance? None other than Andresito Fornier, whose brother filed the disqualification case against FPJ. The same Fornier involved in the disqualification case against Fred Lim.

    Ellen. Ka-probinsya mo pala ang magiting na abogado ng baboy.

    With these pieces of evidence, if I were the prosecutor hearing the perjury case, I would file the information for perjury

    not against Archibald Po, but against the Pig.

    Prima facie na yan. Anong tinutulog-tulog mo?

  80. Phil Cruz Phil Cruz

    These Arroyo Brothers and their lawyers are such a comedy team without equal. Just simply amazing! No doubt their strategy is to make us all die laughing at their antics.

  81. chi chi

    #83. Wala na akong comment, atty sax…natatawa kasi ako ng malakas! 🙂

  82. parasabayan parasabayan

    Akala siguro ni Iggy, lulusot na naman siya ngayon. He probably forgot that his brother, the fatso, is no longer in power.

    Makakabawi na rin si Lacson sa kanila sa panggigipit nila sa kanya sa Dacer/Corbito murders.

  83. koko koko

    The sad thing is,the government lawyers seems to be watching on the sideline too,why not file the appropriate charges against these liars in court? Pag binawi ng SC ‘yung watch list kay fatso tatakas na yan lalo’t alam nilang sukol na sila at naghihintay na ang kulungan sa kanila.

  84. parasabayan parasabayan

    Nakakaloka talaga! Just when the doctors of pandak said she is ok, Pnoy comes out with a statement that he would allow pandak to seek treatment out of the country if need be. Mamaya mo, pandak will take advantage of that and leave.

  85. Ellen. Ka-probinsya mo pala ang magiting na abogado ng baboy.-SnV #83

    I can’t choose my provincemates.

    Besides, mayayaman yan sila. His uncle, former Rep. Tobias Fornier, was the chairman of the Appropriation committee during Marcos time.

    You would think that with that position, Antique would be developed. Ay naku, baku-baku pa rin ang kalsada and Antiqueños are still the poorest among Filipinos.

  86. Andresito Fornier is also the lawyer of one of the Alabang Boys.

  87. rabbit rabbit

    sabi ng doktor mahina na daw buto ni pandakot,,,masa na budhi at masama pa buto..talga namn ,,,masama to thye bone

  88. Kenkoy na ang palabas sa St. Luke’s. Ilipat na yan sa Combat! O kaya sa Popeye. Bwahahaha.

    Meron pang “I’m back”! na nalalaman, sablay pala. woooheeehaaa

  89. saxnviolins saxnviolins

    Dahil sa ginawa ng baboy, puwede siyang kasuhan ng violation of PD 1829 Section 1 (f) – obstruction of justice.

    (f) making, presenting or using any record, document, paper or object with knowledge of its falsity and with intent to affect the course or outcome of the investigation of, or official proceedings in, criminal cases;

    Ang kulong, six years.

    Yan din ang magiging kulong ni Cezar Mancao.

  90. hehehe

    ———————–
    Topacio said Mancao’s camp “welcomes” the investigation because it has nothing to hide.

    “In this case it is very clear that Mr. Mancao opened an account in his name because he has nothing to hide,” he said.

    He also laughed off speculations that Mancao received P150 million as bribe money to implicate Lacson in the 2000 killings of publicist Salvador Dace and his driver Emmanuel Corbito.

    “(The) bribe money is totally ridiculous. If you are going to bribe anyone you would not do so through checks. The investigation of ALMC will reveal that,” he said.
    ———————————–
    “(This was blown up) definitely to destroy the credibility of Mr. Mancao and for personal vendetta,” he added.

    But Lacson said he was not accusing Mancao of being paid off by anybody.

    “Di ako mag-speculate para sabihin na ang P150 million ibinayad ko sa kanya para i-implicate ako. Tinanong ko lang kung authentic o hindi ang document na hawak ko [that’s all],” he said.

    http://ph.news.yahoo.com/lawyer-mancao-did-not-receive-p150m-anyone-064212486.html

  91. jawo jawo

    Although Palace already announced that they will allow former president and now Pampanga Rep. Gloria Arroyo to seek treatment abroad, her continuing inclusion in the immigration authority’s watchlist was chastised yesterday by Sen. Joker Arroyo.——> A. Rosales, D.T.
    ______________________________________________________
    Mr. Arroyo further compares the time Ninoy Aquino was allowed by Marcos to go to the USA for treatment against the reluctance of Pnoy’s government to allow Gloria to do the same.
    Joker, the only reason the Marcoses allowed Ninoy to go abroad is to physically get rid of him and his fiery attacks (of Marcos) and allow Marcos some breathing space. Ninoy’s Heart condition was the perfect excuse to allow him to “get lost”.
    Gloria’s case is different. She is the consummate LIAR and not a single word from her mouth speaks of any truth. Apparently Pnoy and company are espousing VITO CORLEONE’s (The Godfather) formula for being “ahead”. He says, “keep your friends close,….but your enemies closer”. And I need not say more who the enemy is, right, Joker !!
    During the Marcos years, people admired you for being a staunch advocate for human rights. Now in the limelight of your career, almost anything you say is a big JOKE. Your surname is not helping you at all either.

  92. Maribel Maribel

    Yung photo (above) ni Gloria is with Atty. Lambino, right? If that photo is suppose to show her in her suite in St. Lukes Global City, then I am suspicious about it. The color of the doors on the 16th floor, where the suites are sa St. Lukes Global, are not this color. Light brown kasi yung mga kulay ng mga pinto sa lahant ng Suites at hindi dark brown. For sure either nasa Presidential Suite sya o sa Ambassador Suite.

  93. greenstallion greenstallion

    Haay GLORIA GLORIA. What have you done. Are you happy with your life now? Yes you have plenty of money, but what for? Your dignity, health are all in shambles right now. Graduate ka pa naman ng Georgetown University at may Masters pa, pero ano ang ginawa mo? I don’t want to add the humiliation of others to you.

  94. MPRivera MPRivera

    Paano bang indi mahihimpeksiyun, gawin ba namang halkansiya ‘yung gulugod at h’nulugan ng gintong barya na ‘indi na-dishinfect, ganu’n talaga mangyayari.

    ‘Aaaay! Talaga naman, hoho!

  95. MPRivera MPRivera

    may sakit man siya o nagsasakitsakitan lang, wala kaming paki!

    tuloy ang imbestigasyon sa lahat ng kasalaulaan niyang ginawa laban sa buong sangkapinuyan!

    ibartolina!

    ibitin nang patiwarik kasama ang baboy na asawa!

  96. MPRivera MPRivera

    email from joeseg: Lahat na ay may sakit. Si Iggy sa London. Si Mike, may sakit punta HK, bumalik malakas pa sa kalabaw at nang tatawagin sa Senado, na-heart attack sa puso, dehins pwedeng umattend. Ipinalagay sa watchlist, nagreklamo sa Supreme Court and in the news ngayon, OK raw lumabas ng bansa sabi ng Supreme Court in a voting of 13-0! Tinalo pa ang score na 12-0 sa Maguindanao noong senatorial election 2007.

    At si GMA naman, baka ang susunod na medical bulletin, puputulin ang paa… tapos ang kamay…
    Unti-unting binabaklas ang katawan sa gagawing pagtakas… palabas ng bansa.

  97. MPRivera MPRivera

    Mula sa napakalalim na talakayang Walang “K” bumanat ang magnanakaw

    Nagkatotoo nga ang lahat ng sapantaha mo, kabayan:

    Phil Cruz – June 27, 2011 10:39 am

    That huge white very visible neck brace she is flaunting all over the place is a sure gadget designed to be used in case of emergencies.. such as when the hobbit gets into a tight spot..such as when she is about to be called to a hearing, an investigation or brought to jail.

    She will land in St. Luke’s. The sanctuary of moneyed criminals.

  98. MPRivera MPRivera

    kaya parang lumalabas na hindi totoong inoperahan ang lola ng mga buwaya kundi talagang hinanda ‘yang neckbrace na ‘yan sa mga ganitong pagkakataon.

    Kaya nga dapat palakasin at paigtingin ang batas laban sa pagsisinungaling at pag-iwas sa pananagutan lalo na ‘yung sa katulad ng pamilyang ‘yan na walang ginawa kundi magsakitsakitan kapag merong kasong nabubungkal laban sa kanila.

    Itong mga doktor sa St. Lukes ay marapat din lang imbestigahan sa patuloy nilang pagkandili sa mag-asawang hudas at pagtatakip sa tunay na kondisyon ng kanilang kalusugan. Aksesorya na silang maituturing sapagkat kahit hindi naman malubha at hindi dapat (at maaaring hindi rin nangyaring) operahan ay pinalalabas nilang inoperahan. Kung totoo nga at gusto nilang patunayan, sa sunod na operasyon ay ipakita sa publiko sa pamamagitan ng live coverage.

    Puwede ‘yung pagko-cover ng media sa mga hearing sa korte, puwede rin naman siguro sa loob ng operating room basta’t merong pahintulot ang korte, di baga?

    O kaya, baka puwede din mag-hire ng isang foreign medical expert upang suriin ang medical reports tungkol sa mag-asawang ‘yan pati na rin ang kanilang health condition.

    Magkaalaman na kung totoong may malubhang sakit nga ang mag-asawang nuknukan ng sinungaling!

    Aldabisin na!

Leave a Reply