Skip to content

Astang siga pa rin si Mike Arroyo

Ganun pala si Mike Arroyo kapag nabubulgar ang mga katarantaduhan- nakakalimutan na may sakit.

Nang dumating mula Hongkong noong Lunes, astang siga siya. Malakas ang hakbang at hindi kinakailangan ang saklay na bitbit ng alalay na sumusunod sa kanya.

Kadalasan, mailap siya sa media. Ngunit sa sobrang inis niya siguro sa mga nagtuturo sa kanya bilang utak ng maraming hindi kanais-nais na transakyun nang nasa kapangyarihan pa sila, nagpa press con siya sa airport.

Sabi niya:“To my detractors, I’m back. You should be ashamed for peddling lies to the public while I was away,” he said at a press conference at the airport. (Sa mga naninira sa akin, bumalik na ako. Mahiya-hiya naman kayo sa mga kasinungalinngan na kinakalat nyo sa publiko habang wala ako.)

Ngunit pagkatapos niya banatan ang administraspong Aquino na sinabi niyang “dictatorial”, ayaw na niyang sumagot sa mga tanong dahil daw sa maselan ng kanyang puso. Sabi ng abogado niyang si Inocensio Ferrer, kaya daw pumunta sa Hongkong si Arroyo para magpa-checkup.

Hindi bago sa maraming reporter ang astang siga ni Mike Arroyo. Di ba nang nasa Malacanang pa sila, sinampahan niya ng libel ang 48 na journalists?

Naala-ala ko sa isang hearing ng libel suit na isinampa niya laban sa publisher ng Malaya na si Jake Macasaet noong Pebrero 2007, tinawag siya sa witness stand ng abogado ni Macasaet na si Paul Arias.

Ang yabang ni Mike Arroyo. Naiinis siya sa mga tanong ni Arias. Kapag ayaw niya ang tanong,nakikipagdebate siya. Sinabihan siya ni Arias: “Sagutin mo ang aking tanong. Hindi ka dapat nakiki-pagdebate sa counsel.”

Aba, napikon si Arroyo. Tumayo, tiniklop ang sleeves ng kanyang shirt na para talagang siga at hinamon si Arias ng suntukan:“If you want, let’s settle this outside. (Kung gusto mo sa labas na lang natin ito lutasin).”

Akala niya siguro manginginig ang batang abogado. Ngunit hindi siya inurungan ni Arias: “Alright, let’s settle this outside. (Halika, doon tayo sa labas.)”

Nagpa-alam si Arias sa judge na mag-break muna para magsuntukan sila ni Arroyo sa labas ng korte.

Pumagitna ang abogado ni Arroyo at humingi ng paumanhin sa judge. Nagsorry din si Arroyo at nangako siyang hindi na maulit ang ganung insidente.

Hindi na nga naulit dahil inatake si Arroyo sa puso. Nang gumaling siya, inurong niya ang lahat na libel suits niya sa mga journalists. (Yung aming kaso sa kanya, hindi naming inuurong at nandun pa sa Makati Regional trial Court.)

Galit si Arroyo kay Archibald Po, president ng LionAir na nagbuking sa kanya sa pagbenta niya ng dalawang lumang helicopter sa Philippine National Police sa halagang bago. Hindi raw niya papayagan si Po na gamitin ang kanyang pangalan sa ginawa niyang krimen.

Sige, mag-bulgaran kayo. Makikinig kami.

Mas maganda magsuntukan kayo.Manood kami.

Published inGloria Arroyo and family

64 Comments

  1. Sabi niya political harrassment daw ang ginagawa para sa kanya at sa pamilya. Eh noong sila pa ang nasa poder mahilig din naman sila mang harass ng mga tao. Ang nangyayari sa kanya ngayon ay karma na. Kung ano ang ginawa niya o nila noon ay bumabalik na sa kanila.

  2. Malaya siyang pasinungalingan kung hindi man sa kanya ang helicopter. Pero madami ang nakakapagpatunay na sa kanya talaga. Dapat na siyang magpakabuti lalo na at may sakit siya. Dapat niyang aminin dahil hindi mga tanga na tao ang nagsasabi na sa kanya ang helicopter.

  3. Ang daming lugar na puwede pagdausan ng press conference sa airport pa. Buking na buking na ang kanyang baho. Kahit ilang sabon pa ang gamitin mahirap ng bumango kasi nakadikit na masyado sa katawan.

  4. Ang buhay talaga ay weather weather lang. Noon mahilig silang manggipit ng tao. Ngayon sila naman ang ginigipit. Harapin niya ang akusasyon. Dahil iyon ang maglilinis sa marumi niyang pangalan ngayon na dati ay marumi pa rin.

  5. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Ellen,

    Parang iba ang nadinig kong sinabi niya.

    Sabi niya:“To my detractors, I’m back. So back-off!” (At nakaturo ang daliri sa mukha ng mga detractors.)

    Ay sori, sa Wack-Wack nga pala yun Back Off!

  6. vonjovi2 vonjovi2

    tignan natin kung ano ang isasagot niya sa Senate. Sabi nga ni Lacson ay galingan niya ng husto sa pag sisinungaling..
    Tiyak na aatakehin ito sa puso.. hindi sanay ang mga ito sa tamang sagot kapag nag ka bukingan eh. Sanay ang mga ito at Perfect kapag gumawa ng “NAKAW”.

    Si Edbane dapat na rin gayahin si Reyes. Tutal pa iyak iyak pa kuno at ganoon ang ginawa ni Reyes bago mag baril sa sarili.

    Astang siga dahil akala pa yata ay nasa Malacanyang pa sila.

  7. Siga talaga iyan kasi ramdam siguro niya na hindi siya makukulong. Pero kahit hindi makulong ay nariyan pa rin ang konsensya na uusig sa kanya.

  8. rabbit rabbit

    guys remember mr po na may sinabing inaabutan ng pera sa lta bldg,, isang miss rowena,, i think she is also being invited,, di kaya nag meeting na un mr arroyo and miss rowaner sa hong kong ,,para planuhan panu mag lie sa senate hearing,,,for sure sasabihin nanamn un right to remain silent.. or lir to thier teeth,, sana mabuking ..

  9. koko koko

    Sa pananaw ko’y hindi mangangahas na dumalo sa hearing sa Senado ‘yan,gagawa ng alibi at pag wala ay pupuslit yan palabas.Hindi niyan maaatim na gisahin siya ni Ping sa senado at bukod doon hindi niya alam kung anu pa ang mga hawak ni Ping na ebidensya laban sa kanya.

  10. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Hindi na kailangan gisahin si Pidal sa Senado. Mayroong bagong alibi-may spine surgery si Gloria kaya excuse sa hearing. Kung may malakas na ebidensya tungkol sa helicopter scam di deretso ang kaso sa korte.

  11. Tedanz Tedanz

    Kung hindi man sisipot itong si Mike A. sa hearing this week dapat lang na ipadampot na ito sa susunod. Di kaya sampahan na ng kaso para masentensiyahan na kung may sala man siya o wala.

    Puro na kasi daldal ng daldal ang Gobyernong ito. Kung may kasalanan ang mag-asawang Baboy at Langgam husgahan na kung may sala sila o wala. Para matapos na … para maka move-on na kayo.

  12. perl perl

    Astang siga pa rin si Mike Arroyo
    ang tawag dyan, utak wang-wang!

  13. perl perl

    #11, alam mo naman hindi puro daldal… kaya nga napatakbo ng ospital ang magasawang yan dahil na marahil sa ginagawa ng gobyerno… ang imbestigasyon. husgahan? mahabang laban yan, ngayon pa lang naiinip ka na, siguradong dadaan din yan sa supreme court ni Gloria.

  14. jawo jawo

    Noong naka-puwesto pa si bubwit, kahit na ano’ng ibato mo sa sino man sa kanila eh hindi sila “astang-siga”. They didn’t have to !! They had the power of life and death for and against anybody. SIGA talaga sila noon without acting as such !!
    But now the tables are turned and this sorry excuse for a human being is not even sure if he is really sick or is just plain scared. Sa kabila ng astang-siga ni Porky, alam niya na nangangatog siya sa takot. He is still raising his ante as a smoke screen for what he knows is a losing hand.
    I hope Ping comes up with a solid wall of evidence to pin this family of charlatans and big time thieves to hell.

  15. Tedanz Tedanz

    #13 noon pa ako inip Igan ….. kahit pa saan dadaan ang kaso ng mag-asawa wala akong pakialam basta’t makasuhan sila. Ang problema kasi sa administrasyon ng Pangulo niyo ay puro dada. Ang nag-aakyat ng kaso dito sa mag-asawa ay iba hindi ang Gobyerno ni Pnoy puro daldal lang ang ginagawa.

  16. parasabayan parasabayan

    Guys, you’ve forgotten that we have a justice system that is “just tiis”. It is a long process. Besides, the buwaya couple are very loaded with dough to pay everyone who may be perceived to be a “witness”. And of course, we only have a few lawyers and judges who can not be bought. Puro nababayaran ang sistema. Whether Pnoy has the political will to cure this disease, the cases of the midget and the fatso will be a BIG TEST and we will judge Pnoy on his abilities to curtail this corruption in the judicial system. Good luck.

  17. The Arroyo’s knew what they were doing when they did it, they have studied every legal angle possible, they have studied the legal playbook our justice system uses. As I said, their lawyers can run circles around our government lawyers, leave them in the dust cying fowl while they run laughing all the way to the bank. They have no qualms in breaking, bending, taking advantage of loopholes, they do not play by the rules but exploit the cracks in them, we on the other hand are painstakingly following the rules.
    Imagine Manny Paquio fighting an equally strong opponent but bites, uses elbows, head butts, rubs the underside of the wrist part of the gloves in his eyes, but the Pacman is still playing clean.
    Look at how easily they deposed and jailed Erap? Bagged and gift wrapped in a matter of 2 years. The president of a whole nation, with the supposed might of the government, the AFP, the PNP, the backing of the people – bagged and gift wrapped and thrown in prison unceremoniosly in record time. Make no mistake, these people are formidable enemies, we can learn much from these people though, and this challenge that lie before us is an opportunity to expose these cracks in the system, where we can make some improvements.

  18. The president should not micromanage this one, he has more pressing issues to attend to, chief of all if the Economy. Why aren’t there any champions coming out?

  19. e paano po yan kapag nakakulong na si Mike Arroyo? Magyayabang din siya sa mga jail guards niya sa Bilibid? Naku. Hindi ho lahat natatakot sa pagiging malaking tao niya (no pun intended). Sana humarap na siya sa pagdinig sa Senado para makita natin ang tapang niya!

  20. greenstallion greenstallion

    Ang kapal talaga ng mukha ni FG. Akala nya nasa Malakanyang pa si GMA. Siya pa ang may ganang mag hamon sa administrasyon ito. Buking na nga siya eh.

  21. greenstallion greenstallion

    Come to think of it if Archibald Po, et. al are not telling the truth about the second hand helicopter scandal will they get something of it when the transactions were already consummated. That’s even an ordinary person could tell that FG is really the owner of this helicopter. FG should better look for other alibis. I strongly believe in Po, et.al witnesses that they don’t have any agenda but to tell the truth.

  22. Kawawa naman.

    ——————————————–
    The former president underwent surgery last July 29 for cervical spondylosis, an age-related deterioration in the bones of the neck, causing a misalignment in the spine which in turn puts pressure on the nerves that transmit signals to the upper extremities. A titanium plate was implanted in the part of Arroyo’s neck to realign the deformed spine.

    But Dr. Cervantes said that after Arroyo was discharged from the hospital last week, infection set in, requiring a second surgery to remove the damaged implant.

    Cervantes said that Arroyo’s neck was being held by an “external support” in lieu of the implant.

    She said that Arroyo would undergo a third operation for a new implant once her condition improves.

    As of posting time, Cervantes said Arroyo was unconscious although her vital signs remained stable.

    http://newsinfo.inquirer.net/39525/arroyo-undergoes-7-hour-surgery-as-doctors-remove-infected-implant

  23. edfaji edfaji

    Makikipag pustahan ako na si Mike Arroyo hindi sisipot sa hearing sa Thursday sa Senado. Sa ngayon pa man, ayos na raw ang usapan nila na ipapalabas na statement ng abogado niya na si Toto Ferrer na “upon his doctors’ advise, magiging risky sa kanyang health ang appearance niya sa Senado” kaya sorry na lang sa mga detractors na katulad ni Ping Lacson, TG Guingona, Serge Osmena at Jinggoy Estrada dahil hindi kayo makakapagtanong ng gusto ninyo. Ang taong kunwari matapang ay talagang duwag iyan sa tunay na buhay. Iyan ay si Mike Arroyo.

  24. vonjovi2 vonjovi2

    #2 Kawawa naman

    Kasi si Pandak ay masiba biruin mo naman kaya nabalian ng leeg iyan ay dahil puro CASH ang ninanakaw nila at pinang babayad or pinang lalagay sa mga tiwaling kawani ng Gobyerno natin.
    Masiba si Pandak akala niya ay kaya niyang buhatin ang mga perang ninakaw niya na nakalagay sa mga maleta at kahon. Kaya ayun kamuntik na maputulan ng ugat sa leeg. Sanay natuloy na 🙂

    Ayaw nila ng checke pang bayad dahil ma trace sila.

    Nag simula ang sakit ni Pandak sa leeg noon mag bigay siya ng BROWN ENVELOPE. Siya ang nag buhat ng cash money noon.

  25. parasabayan parasabayan

    Kung hindi kaya ng sistema natin na parusahan ang pamilyang magnanakaw, ito na kaya ang sinasabing karma? Marami nga silang pera, may sakit naman sila, malalang klase pa. Umamin na sila sa mga kasalanan nila at baka sakaling mabago pa ang kamalasang dinadaanan nila. Ilang buhay na rin ang nawala dahil sa kagagawan nila, the latest, si Angie Reyes tapos kamakailan lang eh si Pin pin. Sino sino pa kaya sa mga ginamit nilang mga tao ang magpapakamatay o papatayin?

  26. This is not easy anymore, considering its located in the neck area, mobility is limited, when conscious, this is a living hell. Her body is refusing to heal itself, not fighting the infection, probably due to extreme stress. Lets pray for her quick recovery, after all she is still God’s creation.

    —————————————
    Second surgery on Gloria Arroyo fails

    Former President Gloria Macapagal-Arroyo’s seven-hour follow-up surgery at St. Luke’s Medical Center on Wednesday was “unsuccessful” because doctors found a “very rare” infection that prevented the replacement of implants in her spine.

    Dr. Juliet Gopez-Cervantes said the infection had caused fluid to collect in Arroyo’s cervical spine and dislodged the titanium plates that surgeons had installed 12 days ago.

    “It is unfortunate that this happened. We did everything,” Cervantes, Arroyo’s chief physician, told reporters in a briefing just before 6 Wednesday night.

    “If there is word that says the surgery [was] unsuccessful—I know you wanted me to address that… It was unsuccessful probably because as of now we cannot replace the implant yet. We have to first treat the infection,” Cervantes said.

    But she said Arroyo’s “vital signs—blood pressure, heart rate, respiratory rate, temperature—are normal.”

    Earlier in the day, Arroyo’s husband, Jose Miguel “Mike” Arroyo, told ABS-CBN reporters that the surgery did not turn out well.

    http://newsinfo.inquirer.net/39635/second-surgery-on-gloria-arroyo-fails

  27. Tedanz Tedanz

    Hindi raw pupunta itong si Baboy sa hearing ngayon …. dahil sa kanyang sakit … wahahahahahaahahha.

  28. Tedanz Tedanz

    Hindi nga maipapakulong itong Baboy na ito …. kanya’t hintayin na lang natin na atakihin na lawit ang dila.
    Hindi ba pupuwede na pupunta at kasama ang kanyang magagaling na Abogado at …. magagaling na Doktor qwekqwek niya?

  29. Mike Mike

    Jug, maawain ka pala. Hehehe. Seriously though, hope she recovers. But then, is KARMA catching up on them?

  30. Badajosnon Macabaian Badajosnon Macabaian

    KARMA is really catching up on the FG.

  31. rolnico rolnico

    There is no perfect crime…even if FG was very careful then so as not to leave a “paper trail” in buying the copters, there will always be something that will incriminate them in the end..just like the bank telegraphic transfer..hehehe…

  32. saxnviolins saxnviolins

    I’m back – with my usual excuses for not appearing at the hearing.

    To my detractors, stop peddling lies. Only my doctors are allowed to do so.

    Ito na ang palusot. Maybe the trip to Hongkong was to pay Renato Sia, corporate secretary of Lionair.

    http://www.manilatimes.net/index.php/news/headlines-mt/4252-mike-arroyo-files-perjury-raps-vs-po

    Ang lagay, 9 million a month daw ang lease of the planes. Wow. That is 19 million for the two month lease.

    He agreed to pay Lion Air a total of P9,823,290 as minimum monthly cost of charter for five helicopter units.

    So where are the check payments to the Lionair? Kung pulido si Taba, there should be a paper trail proving his lease payments. Cash ba ang bayad sa Lionair? So prove that with the cash withdrawals from LTA’s bank.

    Ay hindi pala kailangan ng cash withdrawal, dahil may regular revenue from jueteng, care of Bong Pineda.

    As usual, it is Iggy who is fronting to peddle these lies.

  33. chi chi

    Hanep, saan dinakot ni Mike Arroyo ang “19 million for the two month lease” for five choppers?! Sabagay, barya lang yan sa jueteng ni Bong Pineda.

    Mike is roasted!

  34. saxnviolins saxnviolins

    In trying to save his neck, the Pig fried the PNP officials who helped him. His lease proves the choppers were second-hand, so obviously overpriced.

    Kailangan na lang patunayan kung sino ang may-ari, and that seals the indictment. Of course, kung naipit ang PNP officials, may kakanta riyan. Give a Pig a rope long enough and he will hang himself.

  35. According to the Manila Times article:

    In his defense, Mr. Arroyo submitted an eight-page contract entered between Lion Air as lessor and LTA Inc.—a company owned by his family—as lessee.

    The contract was signed by Mr. Arroyo’s brother and Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo of Negros Occidental province as president of LTA Inc. and Renato Sia as corporate secretary of Lion Air.

    Mr. Arroyo said that he leased the choppers from Lion Air from March 16, 2004 to May 15, 2004.

    He agreed to pay Lion Air a total of P9,823,290 as minimum monthly cost of charter for five helicopter units.

    Mr. Renato Sia’s testimony, according to an article of the Philippine Daily Inquirer:

    “Ang downpayment po ayun sa record na hawak namin ay wire transfer ng Banco de Oro in Dec. 11, 2003 na nagpapatunay na ang nagadala ng funds ay galing sa LTA Incorporated [The downpayment, according to our records, is a wire transfer of Banco de Oro in Dec. 11, 2003 that proves that the funds came from LTA Incorporated],” Sia said.

    Down payment ba o payment for lease?

    If Sia was correctly quoted by PDI, then, that would sound as a corroboration of Po’s claim that, indeed, Mang Mike owned the choppers. Dalawa na laban sa isa.

  36. vic vic

    I like it the way Gentlement settle their dispute the good old days, by duel…especially in the old west…between Mike A and Pnoy at say 30 yards away at the count of three or anytime when you`re ready gentlemen…i put my bet on Pnoy…two to one…How about that?

  37. edfaji edfaji

    Sabi ko na nga ba na hindi sisipot itong si Baboy. Hindi ba tama ang sinabi ko?

  38. QED QED

    #34 sax, matanong na naman kita
    given that there seems to be no documentary or physical evidence to prove baboy’s ownership of the choppers, what do you think could break this case, short of baboy himself declaring guilt.

    otoh, i understand fully your approach of hitting on all spots, especially that the chips are falling. eventually something will give.

  39. parasabayan parasabayan

    Buking na buking na nga si fatso. The Lionair Sales Manager collected money for maintenance from the fatso’s office (IN CASH!) even sometimes up to a million(jueteng money?) for 7 years! Then there is also the testimony of the dispatcher who said he took orders only from the first family(the fatso mostly) on when to fly and who will be flown (Zubiri’s name came out again). Meron pa ngang note na na-log na ang sakay ng isa sa mga helicopters eh si Sta Claus at dalawang midgets…heh,heh,heh.

  40. parasabayan parasabayan

    Sax,Lonair followed your advice, they came up with the paper trail of the payments of LTA (fatso’s) to Lionair para sa choppers. Kaya nga lang, walang paper trail yung monthly maintenance money na ibinigay ni fatso sa Lionair. Mafia style talaga ang operations ni fatso. Very shady talaga!

  41. parasabayan parasabayan

    Pasok na naman si Iggy sa usapan on the lease contract kuno? Kelan kaya nila pinirmahan ang contract? Ss Hongkong? Iggy Arroyo should also be put on the “watch list” ni de Lima dahil itong kapatid na ito ang palaging accessory to crime ni fatso.

  42. parasabayan parasabayan

    At the hearing, isa sa mga pilots nagsabi na assigned siya sa Mindanao for a month, before and after the elections. Connect connect na lang, that was when the fatso “operated” on paying everyone in Mindanao to secure pandak’s win.

  43. saxnviolins saxnviolins

    # 38:

    I believe the answer to your question is found in Ka Enchong’s post at #35.

    Lacson says that the choppers are valued at 4 million each at 2004 prices. The “lease” price is 19 million; a little less than 4 million for each of the five choppers.

    verafiles.org/2011/08/02/fg-owned-ordered-sale-of-overpriced-helicopters-traders/

    So the fish, rather, Pig, is caught by his mouth. His lease payment is actually purchase payment for the secondhand choppers. Yan na ang smoking gun mo – his admission that he paid 19 million. A rose by any other name is still thorny.

    Similarly, a payment, by any other name, whether lease, or arquila, may be ascertained by the substance (price). Since the payment is equivalent to the purchase price, no amount of bola will change that fact.

  44. parasabayan parasabayan

    Off topic: pinagiisipan daw ni de Lima na taggalin sa “watch list” si pandak dahil sa health condition niya. Huwag naman sana. This softens the government’s position. Pwede namang may private plane na magsakay na naka-stretcher si pandak. Sasabihin lang na walang kakayahan ang St Luke’s na gamutin siya. Everything is possible. Dahil sa criminal activities ng magasawang ganid na ito, I do not trust them at all. I have no compassion for them at all either.

  45. QED QED

    ok. this means that if the lease price is almost the same as the sales price of the choppers, the lease payment was actually for purchase, and they only have to find the proper documents. OR, everything collapses into itself and more people start talking and the complete picture starts to take shape. very interesting times indeed.

    also, wtf with iggy arroyo. anyway, may we find the will to pursue the truth to its ugly end.

    thanks sax and ka enchong

  46. jawo jawo

    Everything is possible. Dahil sa criminal activities ng magasawang ganid na ito, I do not trust them at all. I have no compassion for them at all either.———->psb
    _____________________________________________________

    Agree with you 200%.

  47. florry florry

    If what is happening in the senate is in a court of law, with all witnesses and evidences coming out, it looks like the Big Mike is a dead man walking. No exit in sight except a steel-gated door leading to a cell where he spends the rest of his life.

    But the senate however extensive their investigations and findings, has no power to indict, prosecute and declare him guilty. Any results of their findings are only recommendatory.

    So what’s the government waiting for; go to court, that’s where the real and legal battleground is. Diyan masusubukan kung mapapanindigan niya yong astang siga niya. Ang babagal kasi, dapat bilisan para hanggang buhay, mapatikim naman siya ng kulungan. Kasi kapag namatay yan na wala pang kaso, baka lahat ng kaso niya, maging moot and academic na lang. Meaning he did crimes but did not do time.

    Kapag nagkaganoon, talo na naman ang bayan.

  48. saxnviolins saxnviolins

    The first power of the Ombudsman under the Constitution is the following:

    Investigate on its own, or on complaint by any person, any act or omission of any public official, employee, office or agency, when such act or omission appears to be illegal, unjust, improper, or inefficient.

    Obvious namang may illegal na ginawa ang PNP.

    So asan na yang magiting na Carpio-Morales na yan, who was touted as the next best thing to Lady Justice herself? Tulog pa ba? Getting her bearings from Primo Tony perhaps? Or maybe from the primo’s law firm?

  49. parasabayan parasabayan

    Sax, baka natabunan na ng mga papeles si Carpio-Morales dahil sa dami ng mga kasong nakasampa kay midget and her cronies. Biruin mo ang sangdamukal niyang i-rereview na mga kaso!!! She probably needs more time. Haste makes waste.

  50. rabbit rabbit

    Hwag muna ikaso yan,,yun nga gusto nya mangayari,, para pagdating sa senate inquiry,,sasagutin nya ng ….sorry i can not incriminate myself…
    ngayon di pa nya magawa yun dialogo na yan ..kaya di sisipot

  51. I have a feeling that Gloria will “kick the bucket” before anyone can actually pin anything on her in effect flipping an imaginary finger (the same way Reyes and the DBP lawyer did), all we’ll hear is the Freddie Kruger voice “so long suckers, hahahahaha hahahaha!”

  52. perl perl

    #51, mas gusto ko yan jug… pra mabawasan ang bigatin ng bayan, kahit papano mabilis tayo makaka “move on”… pero syempre, kapag nangyari yan hindi pa din dapat tantanan yung asawang baboy, mga biik at mga alagang buwaya…

  53. parasabayan parasabayan

    Jug, I hope pandak will not “kick the bucket”. I want to see her pay for her sins first. Then if she wants, after a day in her jail cell, she can “kick the bucket”. Her doctor said she is losing appetite for food. Show her “money” and her appetite will be back!

  54. parasabayan parasabayan

    Yan na, fatso filed a case in the supreme court on his travel ban. Ano kaya ang sagot ng “Arroyo” court? Dito natin malalaman kung sino sino ang mga “Arroyo” justices. I hope these justices will do a job for the people and not just for the mighty.

  55. jawo jawo

    fatso is too cute a word for him, it should be “fat bastard.”—–>jug

    How about, SO FAT ?

  56. balweg balweg

    Naks ang lakas ng sense of humor mo Igan vonjovi2…(thread #24) idinadaan ko na lang sa pagbabasa e naantig mo ulit ang diwa kong nageemote hehehe.

    Yong alibi at pagsisinungaling ng mga Arroyos na yan e di pwedeng pagtakpan ng KARMA…sundan natin ang mga susunod na kabanata…

  57. saxnviolins saxnviolins

    # 50

    Hwag muna ikaso yan,,yun nga gusto nya mangayari,, para pagdating sa senate inquiry,,sasagutin nya ng ….sorry i can not incriminate myself…
    ngayon di pa nya magawa yun dialogo na yan ..kaya di sisipot

    One can invoke the right against self-incrimination whether or not a charge has been filed, when forced to answer, as in the case of a Senate inquiry.

    Pero kung nakasampa na ang kaso, dahil non-bailable ang paratang, pasok na sa loob ng corral ang baboy. Hindi na kailangan ng watchlist, or hold-departure order.

    Bagal ng mga prosecutor. Katangahan ba yan? Or sinasadya?

    Yang De Limang yan, panay ang sipat sa election offense noong 2004, which has prescribed (expired na ang panahon para usigin) in 2009. Yung plunder sa chopper ang puntiryahin mo Madam.

  58. saxnviolins saxnviolins

    Sorry berde lahat. Forgot to close the html tags.

  59. Mike Mike

    The taxi I was riding earlier was tuned in on Ramon Tulfo’s program, and I learned a lot from him about FG & GMA. Here are a few of them: 😛

    1. The money the conjugal couple illegally made during Gloria’s reign was put in “trust” to Iggy Arroyo and Vicky Toh.
    2. Iggy’s wife filed for annulment and wants half of what Iggy has in his bank account (including Gloria & FG’s illegally stashed money)
    3. Vicky Toh has not yet “release” the money of the couple.
    4. FG sired 2 children from Vicky Toh. She’s now living in Canada.
    5. FG’s days on earth are numbered if he attends grilling in seante hearing.
    6. When FG went to HK, it was meant to be for good. Meaning, tatakas na dapat. What made him return was because of Gloria’s health condition.

    All of the above mentioned was quoted from Ramon Tulfo, tutoo DAW yan. Hehehehe 😀

  60. Lets pray for her quick recovery, after all she is still God’s creation. – jug

    Are you sure?

  61. MPRivera MPRivera

    jug,

    tt is always kind to animals especially to the “breasts”.

    he he he.

Leave a Reply