Sa unang pahayag ni dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol tungkol sa dayaan noong 2004 at 2007 na eleksyun, bistado na kaagad ang mali ng kanyang mga detalye.
Maaring may totoo doon sa sinabi niya, ngunit mukhang hindi tama ang pagsama niya kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento doon saan biyahe sa Gen. Santos City para mag-authenticate ng Election returns noong 2007.
Hindi natin masabi kung talagang sadya niyang guluhin ang sarili niyang pahayag o talagang sa sobrang sanay niya sa pagsisinungaling ay naghalo-halo na ang katotohanan at ang mga inimbento niya at siya mismo hindi na niya malaman kung alin ang totoo.
Ngunit kahit paano naman, may kabutihan na ring nangyari dahil ngayon gusto na ni Sen. Chiz Escudero na magkaroon ulit ng imbestigasyun ang Senado tungkol doon para malaman ng taumbayan ang buong katotohanan.
Nitong mga nakaraang linggo, walang pumapansin sa panukala ni Sen. Alan Peter Cayetano na imbestigahan ng Comelec ang dayaan noong 2004 na eleksyun.
Sabi ni Escudero maaring walang kasong pwedeng isampa kay Arroyo kahit lalabas na hindi talaga siya nanalo kungdi ang kanyang pinakamalakas na kalaban na si Fernando Poe, Jr. “We just want to set the record straight,” sabi ni Escudero na spokesman noon ni FPJ.
Ito ay nagpapatunay na kapag gumawa ka ng kasalanan hindi yan basta-basta natatabunan.
Dahil wala na si Arroyo sa Malacañang, siguro medyo may laban ang katotohanan. Huwag lang umasa kay Bedol. Marami pa sa mga gumawa ng operasyun sa pagpalit ng pekeng mga election returns sa Batasan pambansa ay aktibo sa serbisyo. Miyembro sila ng Special Action Force ng Philippine National Police. Maari silang ipatawag ng Senado.
Ngunit gusto ring sumawsaw ang House of Representatives. Sabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II mas may karapatan daw silang mag-imbestiga dahil sa 2007 eleksyun, may apektadong mga senador . Sinabi kasi ni Bedol at ng dating gubernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao na si Zaldy Ampatuan na inutusan daw sila ni Gloria Arroyo na bawasan ang boto nina Panfilo “Ping” Lacson, Benigno Aquino III, at Alan Peter Cayetano at ilipat kay Zubiri.
Matagal nang usapan ang kaduda-duda na panalo ni Zubiri sa special election sa Maguindanao na siyang naglagay sa kanya sa pang-12 sa halip na si Aquilino “Koko”Pimentel III. Sa protesta ni Pimentel sa Senate Electoral Tribunal na-kumpirma nga na peke ang mga boto doon sa Maguindanao at panalo na si Pimental sa total na boto.
Duda ako sa gusto ni Gonzales na sila ang magi-imbestiga ng dayaan noong 2004 na eleksyun. Ginawa na nila yan noon kay Garcillano at walang nangyari. Maraming kakabit na anomalya ang 2004 na eleksyun , kasama na ang nasa military at pulis. Duda ako kung gusto talaga ng mga kongresista malaman ang katotohanan.
Lumabas si Bedol isang araw pagkatapos nagsimulang magsalita si Zaldy Ampatuan tungkol sa dayaan sa Maguindanao noong 2007 na eleksyun. Bistado na bata niya si Bedol. Tatlong taon nang hinahanap kuno si Bedol sa kasong pandaraya sa eleksyun. May warrant of arrest pa yan. Ngayon na kailangan niyang suportahan ang mga sinasabi ni Zaldy, madali siyang nakita.
Wala namang detalye sinasabi si Bedol tungkol sa alam niyang dayaan. And binanggit niya ay ang pagpalit ng Eelection Returns sa Batasan. Wala naman siya doon.
Malalim itong laro ni Zaldy Ampatuan at Bedol. At hindi ako naniniwala na katotohanan o kabutihan ng taumbayan ang kanilang tinutukoy. Gusto lang nilang ilibre and sarili nila.
Ingat lang sa patibong nitong mga tuso.
Yan din ang analysis ko kay Bedol at Ampatuan. It looks like they just want to wiggle their way out of prison. The testimony of the 20 SAF men and the local precint personnel as well as the officers of the AFP who were ordered to do the rigging should be more believable.
Wasn’t the 2004 election cheating taken up in congress already? If not yet, then it should be done prior to the 10 yr statute of limitation. I read the limitation in the papers. Tama ba yun SAX, that this case has to be heard within 10 yrs coz after that nothing can be done to this issue anymore.
With a name like Lintang Bedol, his parents sure hated so much.
The offense is punishable by life imprisonment, so the statute of limitations is twenty years.
But that was enacted only in January 2007. The original law, Batas Pambansa 881 only prescribed a penalty of 1 year to six years, which makes the statute of limitations only ten years.
The DOJ has, therefore, until 2014 to prosecute the offense against FPJ.
So the offense against FPJ is bailable, that against the senators in 2007 is not.
Tiba-tiba na nama si Ruy Rondain.
Made me wonder why Brillantes cited the Election Automation Act of 2007 on TV. It cannot be used to prosecute Aling Gloria for crimes committed in 2004 when there is a clear cut constitutional prohibition against enacting ex post facto laws. If he was just referring to the 2007 Senatorial race, his silence regarding the 2004 fiasco is mysterious, to say the least.
buti na lang nag concede yung mga “in the bubble” administration candidates like mike defensor at ralph recto, kung hindi senator defensor at senator recto na rin sila after maguindanao finished it’s counting.
I still not very convinced that another Senate Investigation will do any better than the last time…I’d rather see that Criminal Investigations with the New Evidence coming from testimonies (sworn testimonies of the latest turncoats) should be initiated by the Police Authorities and if enough evidence warrants, criminal charges promptly filed in the Courts of Law…I think and believe that should be the proper course of action…
And the Senate if it wanted to, can do their own inquiry or gather the facts of the case from the criminal proceedings and from there can legislate measures to make life more pleasant for the next generation of Filipinos…
Ang mga anunsyo ni Bedol ay katumbas na ng pag-amin na sya ang implementer ni Gloria Arroyo sa 2004 at 2007 poll fraud sa ARMM. Bakit hindi sya hinuhuli?!
“Wala namang detalye sinasabi si Bedol tungkol sa alam niyang dayaan. And binanggit niya ay ang pagpalit ng Election Returns sa Batasan. Wala naman siya doon.”
Ito yata ang sagot sa tanong ko, ‘walang alam’ kuno ang linta maliban sa pinatitingnan ang election returns sa Butasan Pambansa. Susme!
#5. …If he was just referring to the 2007 Senatorial race, his silence regarding the 2004 fiasco is mysterious, to say the least.
Yan ang tanong, bakit at sino ang may hawak sa kanya or better yet, magkano na ang naitapal kaya?!