Skip to content

PCSO intel funds – gawain ng mga tuso

Dipping into intel funds
Madalas ginagawang katatawanan ang mga intel reports ng pamahalaan dahil mukhang hindi produkto ng intelihenteng tao.
Kaya nang ginigisa ng mga senador si Rosario Uriarte, dating vice chair ng Philippine Charity Sweepstakes Office at general manager tungkol sa napakalaking intelligence fund na ginastos ng ahensya at hindi makasagot, hindi nagtataka ang marami.

Kaya lang sa kasong ito, hindi masabing trabaho ito ng walang alam. Mukhang operasyun ito ng matalinong tao. Tuso nga lang.
Kaya sa halip na gamitin ang pera para sa mahihirap na siyang mandato ng PCSO, mukhang may ibang pinuntahan ang pera.


Lumabas sa imbestigasyun na ginagawa ngayon ng Senado na sa loob ng dalawang taon, 2008 hanggang 2010, gumastos ang PCSO ng P325 milyon sa “intelligence.” Sabi ni Uriarte, na malapit kay Gloria Arroyo, para maisulong daw nila ang STL (small town lottery) na pantapat ng pamahalaan sa jueteng.

Sabi nga ni Sen. Panfilo Lacson di hamak na malaki ang intel funds ng PCSO kaysa sa Armed Forces of the Philippines na P124.3 milyon lang sa taong ito. Ang AFP may mga operasyun laban sa mga Muslim rebels at sa New People’s Army.

Ang pinakamalaking intelligence fund ay nilabas noong 2010 sa halagang P160 milyon. Ewan kung nagkataon lang na may eleksyun ng taon na yun.

Paano naman maisulong ng “intelligence” ang STL? Hindi masagot ni Uriarte. Ayaw niya rin sabihin kung sino ang kanilang intelligence operator.

Si Uriarte ang naatasan na “special disbursing officer” ng intelligence fund. Nang tanungin siya kung may training siya sa intelligence, sabi niya “Wala.”

Nang tanungin ang dating chair ng PCSO na si Sergio Valencia, hindi daw niya alam. Ganun din ang ibang miyembro ng board na si Manoling Morato, Ray Roquero at Jose Taruc V. Nag maang-maangan sila. Akala nila siguro, kapag wala silang alam, hindi sila papanagutin sa anomalya sa PCSO. Bakit sila nasa board at tumatanggap ng malaking sweldo? Di ba para protektahan ang interes ng taumbayan lalo na ang mga mahihirap na siyang dapat makinabang sa pera ng ahensya?

Sa mga dokumento na pinakita sa Senado, lumabas ang “Ok” ni Gloria Arroyo sa intelligence funds. Sinabi rin ni Uriarte na binigay niya ang mga dokumento tungkol sa intel funds kay Arroyo.

‘Yan ang sinasabi kung hindi gawain ito ng bobo. Gawain ito ng matalinong tao na tuso.

Ang isan ring tuso ay itong si Manuel Garcia, dating advertising at promotions manager ng PCSO,. Maliban pala sa kanyang malaking sweldo sa PCSO, nangu-ngumisyun pa sa mga anunsyo na pinapalabas ng PCSO.

Mabuti naman ay may dalawang advertising agency na nagreklamo sa Ombudsman at pinakita ang mga tseke na sa sobra P18 milyon na kanilang binayad kay Garcia para lang mabigyan sila ng anunsyo.Kaya ayan, sinampahan na siya ng BIR ng kaso ng tax evasion.

Ganyan ang nangyayari kapag korap ang nasa-itaas. Siyempre susunod ang nasa –ibaba.

Published inAbanteGloria Arroyo and familyGraft and corruption

51 Comments

  1. koko koko

    Ang tindi ng kasibaan ng mga eto sa pera,halos ata ng sangay ng gobyerno ay dinaanan ng kanilang katakawan.Hindi na matapos-tapos ang balita tungkol sa kaliwa’t kanang anomalya sa mga ahensya ng gobyerno noong panahon ni pandak at ang masakit ay halos karamihan ng itinalaga nya sa gobyerno ay nahawa din sa kanyang kakurakutan.Isa na lang ang hangad ko Pnoy ngaun,kht hindi nya matupad ang mga pangako nya sa panahon ng kampanya basta maipakulong lang nya si Arroyo sampu ng lahat nyang kasabwat ay tabla-tabla na,sulit na ang boto ko at ng aking pamilya sa kanya.

  2. parasabayan parasabayan

    Ang galing talaga ni putot, she used all government agencies for her convenience.

    Kaya nga tumahimik ang CBCP sa mha issues sa kanya, busog na busog ang mga obispo sa suhol na hindi galing kay putot mismo kundi galing sa kaban ng bayan.

    Corruption during putot’s time was a way of life. Government officials just followed the ways of the most corrupt president of the Philippines. Follow the leader.

  3. parasabayan parasabayan

    Ang sama pa niyan, magaling si putot sa pagpili ng mga ilalagay niya sa pwesto para gumawa ng pagnanakaw sa kanya. She appointed those close to her who did not know operations so hingi lang siya ng hingi at bigay naman ng bigay itong mga unsuspecting cronies and that seem to have been her way of siphoning money from all the agencies.

    Ikulong na si Putot! Naiinip na ako.

  4. ocayvalle ocayvalle

    ganyan talaga pag ang namumuno ay hindi halal ng taong bayan, lahat ng alipores niya ay magsasamantala, tignan mo si pichay, ganun din ang trabaho niya, mangurakot at magnakaw sa kaban ng bayan, si gen garcia kasama ang yumaong gen na reyes, kaliwat kanan ang inubos na pondo ng afp, ang euro general, ganun din ang ginawa, talaga lang dapat di lang kulungan ang pagdalhan sa mga arroyo, dapat dun sa impeyerno sila, kaya lang baka matakot si satanas, at baka dun naman maghasik ng lagim ang pamilyang ito.. sana totoo na si pnoy, na kanyang maparusahan si putot at fg kasama ang dalawang anak niyang so young but corrupt..!!

  5. parasabayan parasabayan

    Kaya lang, the more I think about it, lahat ng mga alipores niyang ginamit niya sa pagnanakaw ang marahil makukulong, but Putot will dodge the bullet. Magaling siyang magmani-obra. Very crafty indeed for her own sake. Mafia operator ba naman nag asawa, what else do we expect!

  6. Tedanz Tedanz

    Dapat talagang magbayad si Glorya sampu na ang kanyang pamilya sa mga kawalanghiyaan na kanilang pinaggagawa. Nakakahiya talaga itong mga Arroyo biruin niyo halos buong pamilya pati bayaw ay nagsamantala sa kaban ng Bayan.
    Itong si Glorya na talaga ang pinakawalanghiyang naging Pangulo ng inyong Bansa. Anong ibinatbat ni Marcos dito sa babaeng bukod sa mandaraya …. magnanakaw pa. Baboy talaga ang pamilyang ito …. puweeeee!!!!

  7. Tedanz Tedanz

    Pati na din sa mga Obispo na nagsanla ng kanilang kaluluwa dito sa demonyong ito …. dapat lang na tanggalan ng “halo” sa tuktok at palitan ng barbed wire ….. puweeee!!!!!
    Dahil lang sa sasakyan …. puweeee!!!!!
    Kaya siguro itong mga Pare ay ayaw sa RH Bill … dahil po wala na talaga silang masisipsip …. dahil sa supot 🙂 🙂 🙂 Wala ng datung wala pang gatas ….. hehehehe

  8. susmaryosep, ganun kalaki ang halaga hindi alam ng board? paano nangyari yun? dapat talagang makulong si gloria para maging warning
    sa mga susunod na lider.

  9. pangit ang pinapakita ng mga obispo na involved, walang humility, masyado pa ring ma pride.

  10. ipaglaban_mo ipaglaban_mo

    naks naman! ang galing ni evil biatch gloria talaga. nakapagbuo siya ng isang powerful organized crime ring sa pinas. sana mapakulong na mga yan agad.

  11. Becky Becky

    I remember Imelda Marcos was convicted for diverting funds from the LRT to the PGH, the only case where she was found guilty.

    My friends and I were discussing then what an irony because we imagine there were other diversion of funds by Imelda for her ‘luho” but the one for PGH was for noble intentions. Doon pa siya napatawan ng guilty verdict.

    The lesson learned from that case was even if the intention was good, it is still against the law to divert public funds from its official purpose.

    Paano ba nakalusot si Imelda sa kasong yun?

  12. kaya naman pala walang takot gumawa ng “conversion” sa afp dati, walang k manita si gloria

  13. His Excellency Benigno Simeon C. Aquino III
    President
    Republic of the Philippines

    Dear President Aquino,

    I want you to give me a new car for my birthday. Preferably a 4 x 4 SUV bought from government monies meant for health assistance to the poor.

    May I remind you that Bishop Juan de Dios Pueblos was given government money by former Pres. Arroyo so that he could buy himself a Montero for his birthday. As the Bishop’s request letter managed to get him the said bonanza, I will cite the same justifications for my request. But my justifications, while similar, will be better.

    http://filipinofreethinkers.org/2011/07/09/buy-me-a-new-car-mr-president/?utm_source=feedburner&utm_medium=feed&utm_campaign=Feed%3A+FilipinoFreethinkers+%28Filipino+Freethinkers%29&utm_content=Google+Reader

  14. The PCSO also uncovered a letter from one of the Pajero Bishops, Bishop Juan de Dios Pueblos, asking GMA for an SUV on his birthday. Here is an excerpt from his letter to GMA:

    ————————————–
    I will be celebrating my 66th birthday on March 8, 2009. I know this will be a precious day and timely occasion to thank the Lord for giving me another year … After a prayerful discernment and due considerations to the existing crisis phenomenon today, I have decided not to hold a birthday party. Instead, I prefer to make use of my birthday as a day with and for myself, and with God.

    I hope you will never fail to give a brand new car which would serve as your birthday gift to me. For your information, I have with me a 7-year-old car which is not anymore in good running condition. Therefore, this needs to be replaced very soon.
    ————————————-

  15. lahat ng mga papeled binigay kay “mam” bakit hindi sa COA?

  16. iba na talaga pag walang milyon milyon pang gastos sa media, dati ang tindi ng exposure nung panahon ni erap, araw araw may lumalabad na balita tungkol sa mga katiwalian niya (may bayad pala yun) kaya ayun in two years time (or even less) ang daming galit na galit sa kanya. in hindsight, bakit nga ba sobrang galit tayo nun na ni wala sa katiting sa mga kabulastugan ni gloria pag pinagkumpara? kaya pala, ang laki ng “PR” expense.
    kaya tuloy akala ng iba ang dami daming nagawa ni gloria, lahat na lang naka tv, naka diyaryo, massive ang positive pr exposure.

  17. pati mga nahuhuli ng police pinaparada sa tv, kailangan ba yun?

  18. ———————————–
    As she was being grilled by the Senate blue ribbon committee, Uriarte admitted that she personally brought several memoranda to then President Gloria Arroyo, requesting for more money for PCSO’s intelligence operations; and that Ms Arroyo initialed her approval on the memos. Uriarte’s testimony may have placed the former president, now a congresswoman, at the top of a crooked pyramid.

    http://opinion.inquirer.net/7465/let-them-pay

  19. parasabayan parasabayan

    Kaya nga tameme ang simbahan while the putot was stealing all our resources. They were very well rewarded for not being critical of her.

  20. buti itong si Robert Reyes hindi takot ma excommunicate, bishops yata kinakalaban niya?

  21. parasabayan parasabayan

    Kahit na ma-expose ang mga obispong sumipsip kay bansot, ano naman kaya nag magagawa ni Pnoy? If Pnoy exposes them, it may boomerang on him. Baka magpa-people power na naman ang mga yan, remember the sinful Cardinal Sin?

  22. hindi rin yata sila puwedeng galawin ng gobyerno, so now we see the true “untouchables”

  23. parasabayan parasabayan

    Maliliit lang kung tutuusin ang nakuha ng mga obispo. Do the math, kung pito lang ang binigyan ng sasakyan, wala pang 20 milyon yan. Think of the hundreds of milions or even billions(collectively) na intelligence funds ng AFP, PCSO atbp na unaccounted for. Pihado nasa bulsa ni putot at mga cronies niya and mega-halagang ito.

  24. parasabayan,
    All those resources, tapos wala siyang pakialam sa SWS surveys on hunger sa Pilipinas? Anong tawag sa mga taong ganyan?

  25. perl perl

    bakit hindi magpasa ang kongreso ng batas para linawin at idetalye ang sinasibi ng constitution tungkol sa separation of church and state? Masyado ng pakialamero ang mga ilang mga obispo o CBCP na hindi naman nila ginagawa noong nakaraang administrasyon, sa lahat ng issue meron silang komento… parang lumalabas na gusto nilang pabagsakin si PNoy dahil hindi na nila ito makontrol at hindi na nasusunod mga gusto nila… dapat magpasa ng batas tungkol dito at para matigil na ang hari-harian ng mga punyetang obispo na to!

  26. perl perl

    #5 psb,
    di baleng alagad lang nya “muna” ang madiin… kapag nasampahan ng kaso ang mga yan at no bail, baka bumaligtad ang mga yan at maging state witness at maglabas sila mismo ng ebedinsya na magdidiin lalo kay Gloria…

    syempre may “deal” yan para mapapayag silang maging state witness against GMA, for me oks na oks lang yang deal na yan mapakulong lang si GLoria…

  27. vonjovi2 vonjovi2

    Ngayon ay naka puwesto na sila Pnoy at sa daming kaso puwedeng puwede mo isampa kay Gloria at sa mga alalay niya at lalo na sa mga ganid na “OBISPO”. May mangyayari kaya at may mapapakulong sila. Puro na lang imbistiga pero wala pa rin silang nalulutas at napapakulong hanggang ngayon.

    Nag simula ang pag ka ganid ng mga obispo kay Cardinal “SIN”. Sila ang nag pasama lalo sa bansa natin. Ang pumalit ay puro mas masahol pa kay Marcos.

    Pnoy sampulan na ninyo ang mga mag nanakaw na iyan lalo na ang pamilyang Arroyo.

  28. perl perl

    Sa mga dokumento na pinakita sa Senado, lumabas ang “Ok” ni Gloria Arroyo sa intelligence funds. Sinabi rin ni Uriarte na binigay niya ang mga dokumento tungkol sa intel funds kay Arroyo.

    may susunod kaya kay Angelo Reyes na magsa-sacrifice para i-save ang Reyna? patay kang gloria ka…

  29. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Masyadong inabuso itong intelligence fund. Ganito pa kaya hanggang ngayon? Kaya pala hindi madaig ng AFP ang mga kalaban, mas malaki pa ang pondo ng sweepstakes!

  30. andres andres

    Dahan-dahan naman sa pag-upak kay Goyang! Nagagalit tuloy si Mikey Arroyo baka pati tayo awayin dito sa Ellenville!

  31. andres andres

    Wala na si Cardinal ‘most’ SINful, pero andyan pa ang utak niya na naiwan si Bishop Socrates Villegas, na isa pang elitista kung umasta! Para tayong nasa panahon ng mga Kastila at may mga prayle pa rin!!!

  32. Pinag-iinitan daw ang mga obispo dahil sa pagtutol nila sa RH at Divorce Bills. O baka naman, tutol sila dahil wala nang SUVs na ibinibigay sa kanila.

    Kung makatarungan ang pagbibigay ng pondo sa kaparian mula sa kaban ng bayan, hindi kaya kawalan ng katarungan kung hindi mabibiyayaan ang mga kababayan nating Muslim?

    Ayon sa mga kampon ni Aling Gloria, wala raw ginawa ang bagong pamahalaan kundi ipasa ang sisi sa nakaraang pamamahala. Hindi siguro sila nakikinig habang ilang ulit na sinabi ni Aling Gloria ang “It’s the noisy opposition” sa tuwing mababatikos siya.

    Maaaring may katwiran ang sinumang magsabing tumbasan ng mga hakbangin ang pamumukol ng sisi- maliban lamang kung ito ay manggagaling sa mga alagad ng nakaraang pamahalaan.

  33. parasabayan parasabayan

    Ka Enchong, nabigyan din ang ating mga kapatid na Muslim, sa mga ganid na Ampatuans nga lang napadaan. Ginamit nila sa maling paraan, hindi para tumulong.

  34. parasabayan parasabayan

    Ganyan ang ginagawa ng mga pari, iniipit ang nakaupo para sumangayan sa kanilang mga gusto. Ang ginagamit, ang mga mahihirap na sunod sunoran sa kanila. Gets ko na kung bakit ayaw nila ng RH bill. Ayaw nilang mabawasan ang kanilang mga alipores at pagkakakitaan.

  35. PSB, idinaan sa mga Ampatuan by virtue of the Ampatuans’ capacity as civilian government officials then, hindi dahil sa pagiging Muslim nila. Hindi ko pa rin yata kayang tanggapin na ang kaparian ay kahanay ng mga civilian government officials. Maliban na lang kung ang doktrina ng paghihiwalay ng estado at simbahan ay palamuti lang.

  36. why are they allowing Morato to blab like there’s no tomorrow? impossibleng hindi niya alam ang mga to.

  37. andres andres

    So ang mga spokesman ni GMA ngayon na marami ang a
    Upak sa kanya ay sina Mikey Arroyo at Manoling Morato?

    Lalo lang siya kaiinisan dahil sa yabang at bastos ng mga ito!

  38. andres,
    napanood mo yung sagutan nila mikey at jv ejercito, ang yabang talaga ng mikey na yan parang sarap batukan, nagpahaging pa na parang walang “utang na loob” mga estrada, paano naging utang na loob yung pardon eh sila nga nagmane obra para makulong yung tao, talaga naman.

  39. i was never for erap but after seeing how he patched things up with the people he offended, latest is Marixi Prieto of Inquirer, grabe ang humility ng taong to.

  40. parasabayan parasabayan

    Jug, all in the name of politics. Erap is not as stupid as some people think. He is a genius in politics!

  41. oo nga, ang galing, ngayon magkaayos na siya sa mga umupak sa kanya noon, “we have a common enemy” si gloria sabay konsensiyahin niya mga to kasi naluklok tuloy si pandak, hehehe.

  42. andres andres

    Jug,

    I agree with you! The Arroyo booted out Erap para gawing negosyo ang gobyerno! Ang malungkot kasama si Sin at mga obispo sa pagpapatalsik at paglagay kay Goyang!

  43. andres andres

    Jug,

    I agree with you! The Arroyos booted out Erap para gawing negosyo ang gobyerno! Ang malungkot kasama si Sin at mga obispo sa pagpapatalsik at paglagay kay Goyang!

  44. andres andres

    Erap is no saint, dami siya pagkakamali rin pero you can never take away his affection for the masa.

    Di lang siya pinagbigyan na mamuno ng maayos, from election day onwards, tulot-tuloy na paninira sa kanya ni Sin at ng media.
    Sana lang pinagbigyan nila ang hinalal ng taumbayan.
    Tapos ang ipinalit sa kanya ay walang kasing gahaman, si Goyang!

    Yan naman ang punto ko.

  45. Nung kinonvert ng Archbishop of Manila yung indignation rally sa Luneta into a prayer rally for unity, itinigil ko na lahat ng church activities ko. Umapaw na ang salop sa panloloko sa atin nitong mga Prinsipe ng Simbahan.

    Tapos, luluhod lang pala sa Reyna ng mga Magnanakaw.

  46. After “hello garci” nag resign yung hyatt 10, tapos si Mdm Cory and others demanded for gloria’s resignation, lumabas din yata sila balutan, anong ginawa ng cbcp? iniwan sila sa ere.
    naalala nyo pa to?

    RESTORING TRUST:
    A PLEA FOR MORAL VALUES IN PHILIPPINE POLITICS

    The Pastoral Situation

    As a people we seem to have passed from crisis to crisis in one form or another. For many analysts, reinforcing these crises are ambivalent cultural values such as palakasan, pakikisama, utang na loob, and family-centeredness. As Bishops we have long contended that the crises that we have suffered are basically moral – the lack of moral values in ourselves, in our relationships, in our social structures.

    http://www.cbcponline.net/documents/2000s/html/restoringtrust.html

    pwede kayang isampal natin sa kanila to? oops, nagkasala na ba ako?

  47. Jug, ang pinakalaman niyang pastoral letter na pinirmahan ni CBCP Pres. Fernando Kapal … este, Capalla ay ito:

    In the welter of conflicting opinions and positions our role is not to point out a specific political option or a package of options as the Gospel choice, especially so when such an option might be grounded merely on a speculative and highly controvertible basis. In the present situation we believe that no single concrete option regarding President Macapagal Arroyo can claim to be the only one demanded by the Gospel. Therefore, in a spirit of humility and truth, we declare our prayerfully discerned collective decision that we do not demand her resignation.

  48. Pagkatapos niyang meeting nayan kung saan na-draft yang sulat ni Capalla, may sumigaw, “Medy, i-distribute mo na yung mga envelop nila Bishop”.

  49. tru blue tru blue

    “i was never for erap but after seeing how he patched things up with the people he offended, latest is Marixi Prieto of Inquirer, grabe ang humility ng taong to.” – jug

    If Nora Aunor forgives “Bigote”, she has more humility, but I seriously doubt she will.

  50. walanghiya, lahat na lang na dumaan yata sa senate hearing nagkaka hypertension, si uriarte, yung isa pang pcso exec, the ligots, si garcia din yata? hmmmm, baka mayadong high cholesterol ang snacks nila dun?

Comments are closed.