Dapat tingnan ng pamahalaan ang problema ngayon ng ating domestic helpers sa Saudi Arabia na oportunidad para ibahin, o kaya tigilan na ang pagpadala ng domestic helpers sa Middle East.
Marami ngayon sa ating mga mahirap na kababayan na may mga kamag-anak na domestic helper sa Saudi Arabia ang nangangamba na mawalan na hanapbuhay dahil sa hindi pagkasundo ng Saudi at ng Pilipinas sa pasweldo ng katulong.
Maybagong patakaran na kasi ang Philippine Oversean Employment Administration na ang mga sweldo ng mga OFW na mamasukan bilang domestic helper sa labas sa Saudi ay hindi dapat bababa sa $400. Mga P17,000 yan sa peso.
Problema, ang gusto ng mga Saudi na ang akala natin ay lumalanguy sa pera dahil sa kanilang langis ay $200 lang. Mga P8,600 lang.
Nanindigan ang Pilipinas kaya sabi siguro ng mga Saudi, mahirap naman kayo, bakit ang lakas ng loob nyo magpa-presyo. Kung ayaw nyo sa palimos kung swelso, kukuha ako ng Indonesians o Bangladeshis. O pwede rin kumuha sa Africa. Maraming mahirap doon.
Kaya bumuwelta ang Saudi, hindi na raw sila kukuha ng mga Pilipino na maids.
Marami ang nagsasabi na hindi matiis ng maraming mga Saudi na bitawan ang kanilang mga Filipina na maids. Magaling di hamak daw ang mga Filipina na maids kaysa ibang nasyunalidad.
Para bang kapag sa mga maids, tayo ang champion.
Hindi ako sang-ayon na makipag-kumpetensya tayo sa larangan ng mga domestic helper. Dapat sa ibang larangan tayo makipag-kumpetensya katulad ng information technology, hospital care o hotel service.
Hindi apektado sa gusot na ito ang mga OFW sa Saudi na hindi domestic helper ang trabaho. Umaabot sa 1.2 milyon ang mga Pilipino sa Saudi. Ang mga professional ay nagtatabaho sa airport, ospital, at mga skilled workers ay sa construction. Mga 250,000 daw ang domestic helpers.
Tama lang na ipaglaban ng pamahalaan ang mabuting kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. Biro mo, magtatrabaho ka sa napakalyo ng Saudi bilang katulong, bayaran ka lang ng P8,600. Magkano lang ang neto nyan dahil ibabawas pa ang pamasahe.
Kahit nga P17,000, hindi yan sapat sa hirap na dinadanas ng mga Pilipina na domestic helper sa Saudi na iba ang salita at kultura. Ang taas ng kasong pang-aabuso at rape sa Saudi.
Siyempre, nakakabahala naman talaga dahil kapag mawalang ng trabaho ang isang breadwinner, apektado ang buong pamilya. Saan kukuha ng pambili ng pagkain ng mga anak, upa sa bahay at pang-araw-araw na panggastos kasama na ang gastusin sa pag-aaral?
Ngunit pwede rin nating tingnan itong problema sa Saudi na isang paraan para maisa-ayos nating ang maling policy na magpapadala ng babaeng domestic helpers sa Middle East. Sabi nga ni Susan Ople ng Blas Ople Policy Center na tumutulong sa mga overseas workers, ““The Saudi government is actually doing us a favor because it is forcing the Philippine government to formulate a unified position on the issue of overseas domestic workers and why our women continue to leave despite constant reports of abuse and rapes involving household workers in the Middle East.”
Pwedeng tingnan ito na niyuyugyug tayo para ayusin ng pamahalaan ang pagpatakbo ng pamahalaan para naman mai-angat ang buhay ng karamihan ng mahihirap dito sa atin. Para hindi na kailangan magpa-alipin sa ibang bansa para lang mabuhay.
Sana maayos ang ating ekonomiya na may sapat na trabaho dito sa bansa. Hindi na kailangan magpaka-alipin sa ibang bansa para lang mabuhay.
Kung magtrabaho man sa ibang bansa, yung ay sa mas maganda na kalagayan.
Photo from Migrante
Sa palagay ko, tama lang na higpitan ang mga panuntunan sa pagpapadala ng mga kasambahay sa Saudi Arabia at sa iba pang mga bansa. Ang paghihigpit na ito ay isang mabisang paraan upang pangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino laban sa pagmamalupit ng kanilang mga amo.
Hindi iilang ulit nating binatikos ang pamahalaan sa tuwing may mga kasambahay na nagiging biktima ng pagmamalupit at hindi makataong pakikitungo. Ngayong kumikilos ang pamahalaan upang bawasan, kung hindi man tuluyang pigilin, ang mga kasong ganito, batikos pa rin ang inaabot ng pamahalaan.
Ang mga kaganapang ito ay isang mahalagang unang hakbang. Maaaring sundan ito ng isang pag-aaral na naglalayong lumikha ng mga paraang pagkakakitaan ng mga wala at mawawalan ng hanapbuhay.
Eh di hanap ng ibang bansa. Iyon na lang ang magandang solusyon.
Napansin ko lang sa picture kailangan ba talaga na pag galing ng abroad eh kelangan nakadark glass ka para masabing me dating? hehehe
Sana maging consistent ang pamahalaan sa kanilang paninindigan tungkol sa pasuweldo. Baka sa takot na dadami ang mawalan ng trabaho, balik uli sa dati.
Florry, that’s what worries me. Baka tiklop din ulit tayo later on.
The government should attend to creation of more jobs in the country than negotiating with Saudi for us to send more maids there or looking for other markets for Filipina domestic helpers which is very risky. Incidence of rate among Filipina domestic helpers in the Middle East is very high.
Kung tutuusin mo, bago makaalis ang isang OFW, mahigit 100000 pesos and ginagastos. Tapos kung ang knotrata eh isang taon lang, lugi pa ang OFW. Tapos pinagsasamantalahan ng mga dayuhan ang mga kababayan natin.
Pnoy should really study this OFW issue very carefully. Totoo, job creation sa sarili nating bansa ang pinakamainam. Karamihan sa mga OFWs natin eh galing din ng probinsiya, mga magsasaka at iba pa. Kung tutulungan ng gobierno na mabili ang mga produkto ng ating mga magsasaka, makakatulong ng malaki sa kanilang mga pamilya. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit may mga illegal sattlers tayo sa mga malalaking ciudad, dahil na rin sa walang suporta sa mga magsasaka, mangingisda at iba ba. Let us realize that before anything else, we are an agricultural country hindi gawaan ng mga maids!
Our furnitures are one of the best in the world. Pati si Brad Pitt eh bumili ng mga ito. Hindi lang pagtatapos ng kolehiyo ang tanging solusyon. Marami tayong mga college graduates na nagiging maid. We should look at vocational schools too. Yung mga may talent sa paggawa ng mga produktong kakaiba ay dapat suportahan ng ating gobierno. Our patent system should be looked at as well. Ang dami nating mga magagaling na produkto ngunit ibang bansa ang nakikinabang.
Sana ang ating gobyerno ay magiging matatag sa kanilang policy about our OFW’s sa UAE, particularly on our DH’s, blue collar’s job. Biruin mo ang magiging sahod nila ay magiging $200/mo nalang o mahigit kulang na P8,600/month. Hindi ba itoy isang pagsamantala sa ating mga kapatid?
Alam natin na itoy hindi madali para kanila lalo na sa mga may suliranin sa pera at gusto maka abroad agad para matustusan ang mga kailangan sa kanilang pamilya. Pero meron naman ibang bansa na hindi “barat” sa pasueldo, di ba?
Para sa akin ang ating mga DH’s sa Middle East ay nalalagay sa peligro parati lalo na sa mga manyakis nilang mga amo. Kaya mahirap man para kanila, siguro makakabuti na huwag na tayong mag pumilit mag padala duon. Sa ating gobyerno, sana maka hanap sila ng alternatibong trabaho sa madaliang panahon para sa apektuhan nito.
Magandang pagkakataon itong pag ban sa mga domestic helper sa Saudi. talaga namang aping api ang karamihan. Sa kakarampot na sweldo, halos hindi na makatulog sa trabaho ang iba sa kanila. Lalo na kung Ramadan, ang mga katulong halos dalawang oras lang ang tulog.
Pati bahay ng mga kapatid at kamag-anak pinalilinis pa sa Pinay na katulong kaya minsan tatlong bhay ang nililinis at pinag tatrabahuhan ng Pinay.
Sa kaunting sweldo, minsan nagiging sex object pa ng among lalake at pinapaso ng plantsa ng among babae. Pag kainasuhan sa pananakit ang amo, tatanggi at sa korte nila, mag si swear lang sa Koran abswelto na.
Lahat ng iyan for US$210?