Skip to content

Hindi pinatawad ni Arroyo at ng mga galamay ang PCSO

Related links:

http://newsinfo.inquirer.net/18365/gloria-arroyo-left-p4-b-debt-says-pcso

http://newsinfo.inquirer.net/18695/pcso-bares-ad-kickbacks

Ginawang gatasan
Nakabalandra ang salitang “Charity” sa titulo na Philippine Charity Sweepstakes Office dahil yan ang rason bakit ipinatayo ang opisinang yun.

Ang ibig sabihin ng “Charity” ay kawang-gawa. Ang kawang-gawa ay para sa mga mahihirap. Hindi binibigyan ng kawang-gawa ang mga maykaya.

Nabulgar na ang PCSO pala ng panahon ni Gloria Arroyo ay gatasan ng mga malalapit sa kanya ay ginamit ang pera na dapat para sa mahihirap.

Hindi na nakapagtataka kung bakit kahit anong pandaraya, kurakutan at pagbaluktod ng batas na ginawa ni Arroyo, mabango pa rin siya sa ibang miyembo ng media , suportado siya ng ilang obispo at hindi natitinag ang suporta ng ilang congressman.

Busog pala sila ng pera galing sa PCSO. Busog sila sa pera ng taumbayan at para sana sa mahihirap nating kababayan.

Ayun sa report ng Inquirer, sinabi ni PCSO chairperson Margaria Juico, na umaabot sa P4 na bilyon ang utang ng ahenya na akala natin ay lumalangoy sa pera. Ang malaki daw na pinagkakagastusan ng PCSO nang panahon ni Arroyo ay mga anunsyo.
Wala namang kumpetensya ang PCSO, bakit malaki ang budget sa anunsyo?

Ang PCSO ang naatasan ng pamahalaan na mamahala ng sweepstakes at lotto at iba pang bagong klaseng pasugal katulad ng Scratch It and Keno Online.

Hindi ko alam ang Scratch it at Keno dahil sa lotto lang ako pumupusta. Never naman ako naging maswerte maliban sa tatlong numero na palit lang ng tiket. Dati bumibili rin ako ng Sweepstakes, lalo na kapag ang nagbebenta ay may kapansanan. Konting tulong na lang sa kanila. Hindi na bale hindi manalo. Tanggap ko naman na hindi ko kapalaran magiging mayaman.

Ayun sa charter ng PCSO, 55 na porsiyento ng kanilang kita na umabot ng P29.5 bilyon noong isang taon, ay dapat ilalaan sa mga premyo. Ang 30 porsiyento ay sa charity o kawang-gaw at 15 porsiyento ay sa operating funds.

Nang maubos na raw ng PCSO board ni Arroyo ang 15 porisyento na para sa operational expenses, ginamit nila ang para sa charity. Sila at ang kanilang mga kaibigan ang nagiging charity cases.

Marami akong alam na medyo may kaya na nakakuha ng assistance sa PCSO dahil kilala nila ang mga opisyal doon noong panahon ni Arroyo. Kung mahirap ka at wala kang kakilala, talagang mamumuti ang mata mo doon sa kakapila.

Sabi ni Juico, sa public relations lang umabot sa P1.bilyon noong (“B “yan ha) ang ginastos ng PCSO samantalang P900 milyon lang ang limit sa PR expenses.

Ang isa sa kanilang pinagkagastusan ay ang P1.5 bilyon na kontrata ni Carlo J. Caparas na kailangan daw i-bayaran ng PCSO dahil kinampihan si Caparas ng Office of the Government Corporate Counsel.

Itong si Caparas ang ginawa ni Arroyo na National Artist for Film and Visual Arts na pinagpu-protesta ng mga nasa pelikula at sining dahil hindi naman kahanga-hanga ang kanyang mga pelikula. Siya ang nag-direk kay Kris Aquino sa Vizconde massacre na pelikula.

Maliban sa media, maraming mga pari din daw ang nabigyan ng mga donasyun at Pajero. Busog din ang mga congressman na dikit kay Arroyo katulad ni Queron Rep. Danilo Suarez na nakatanggap ng P53 milyon para daw sa ospital sa Quezon. Sabi ni Suarez binigay daw niya ang pera sa ospital. Bakit dinaan sa kanya? Bakit hindi dineretso sa ospital?

Si Suarez ang umamin na siya ang nagbayad sa kinain nila sa Le Cirque, ang mahal na restaurant sa New York kung saan dinala ni Arroyo ang Philippine delegation nang nakipagkita sia ay President Obama.

Dapat nga kasuhan yang si Arroyo at ang kanyang mga galamay sa PCSO.

Published inGloria Arroyo and familyGraft and corruption

27 Comments

  1. chi chi

    Ay naku, huwag patawarin ang kawalanghiyaan ng Gloria na yan!

    Itong putragis na Danilo Suares, bakit nga sa kanya pinadaan ni Gloria ang P53M kung para sa ospital ang pera. Meron bang katunayan na sa ospital talaga nagamit ang pera. Malamang naibulsa na ang naturang halaga, kesyo pa at naging amuyong sya ng a%$$^&#*e na putot!

  2. chi chi

    Naku ha?! May regular na brown bag na, may pajero pa ang mga piling obispo! Letse…nakakadismaya silang tunay!

  3. chi chi

    “Marami akong alam na medyo may kaya na nakakuha ng assistance sa PCSO dahil kilala nila ang mga opisyal doon noong panahon ni Arroyo. Kung mahirap ka at wala kang kakilala, talagang mamumuti ang mata mo doon sa kakapila.”

    Juicekonaman, pati ba ang dapat abuloy sa mahihirap na may sakit ay sa may kakayanan pang magbayad napupunta. Kaya pala halos wala ng maaisiste ang PCSO sa mga nangangailangan kaya nangangamatay na lang ang mga pobreng tao.

    Anubang buhay pinoy ito? Sana sa pagbubulgar ni Mrs. Juico ng sobra sa kasakiman ni Gloria ay mabago ang takbo ng Pagcor at PCSO.

  4. chi chi

    Isa pa itong si Carlo J. Caparas, P1.5B as in bilyunes ang ibinigay na lang basta ni Gloria. Iba na talaga kapag nakakahalik sa pwet ni Arroyo, ilan kayang botante ang naibigay nya kay Gloria na ang katumbas ay bilyunes na pera natin?

  5. chi chi

    Nasusuka ako sa balitang ito, walang limitasyon ang kawalanghiyaan ni Gloria Arroyo!

  6. Becky Becky

    Kaya pala si Joe Taruc mabait na mabait kay Arroyo. Nakapwesto pala ang anak niya sa PCSO.

    Noong panahon ng Hello Garci, kay Joe Taruc nagpa-interview si Arroyo, halata namang planted ang mga tanong. Kaya pala.

  7. Another member of the board is my provincemate, Ray Roquero. He was one of Gloria Arroyo’s political gofers.He sported the title of political consultant or something like that.

    I remember it was in his office in Malacanang that the money stuffed in paper bags and distributed to governors (including Fr.Ed Panlilio) and congressmen were prepared.

  8. I’m intrigued that the present PCSO general manager is Jose Ferdinand Rojas, son-in-law of former Press Secretary Ignacio “I have two discs” Bunye.

    Another one of the board members during GMA’s time is Robert Rivero, the protege of Bunye. I think Rivero was assistant press secretary.

  9. vonjovi2 vonjovi2

    Ang mga ito ay di na bagong tuklas na anomalya noon pa. Maraming ang nakaka alam at pati nga pare at obispo ay alam na alam ito eh. Ngayon lang ang pag kakataon mag ingay at ibulgar dahil kung noon mo ibubulgar ay ikaw pa ang makukulong. Kaya nga ngayon ay galit ang mga Pare at Obispo dahil nawawalan na sila ng lagay at Pajero. Buti pa sa ibang bansa ang mga Priest at cardinal ay di sumasali sa politika. D2 lang sa atin dahil nabibigyan eh. Tapos pag naputol na ang lagay ay mag iingay naman.

  10. chi chi

    Whoa, the Bunyes have konek to Noy! Just hoping Rojas is competent…not in making hulabalooo!

  11. baguneta baguneta

    ano pa nga ba ang inaasahan natin sa mga pari na iyan? Mas makakapal pa ang mukha nyan kesa sa mga pulitiko.

  12. so Gloria has corrupted the sc, the pcso, congress, the gocc’s, military, ++? how are we to recover from this? how many years of reform must be undertaken? will one year be enough, will six years?
    can we undo in a year what has been done in nine? can we undo with good intentions the damage that has been done with “concrete monetary rewards?”
    good luck to all of us, because we need it!

  13. huwag na nating pairalin ang ‘political persecution’.

    patawarin na natin si gloria alang-alang sa ‘unity and reconciliation’.

    patawarin katulad ni Marcos na ililibing na sa libingan ng mga bayani.

    patawarin katulad ni erap na initse-pwera na ang mga kaso.

    walang magyayari sa pilipinas kung hindi tayo magpapatawad.

  14. Phil Cruz Phil Cruz

    Juggernaut, mind-boggling, jaw-dropping avarice. Syphoning and slurping off every last drop of funds they could get their hands on like there was no tomorrow.

    They know exceedingly well how justice works at a turtle’s pace or stalls to a standstill in this neck of the woods.

    They’ll just wait it out till they and their dynasty get back to power again.. and resume their orgiastic syphoning and slurping all over again.

  15. Phil Cruz Phil Cruz

    And to stop this endless humongous siphoning and slurping, Aquino must move faster on the justice end.

    This is his ace. He was voted overwhelmingly to stop corruption.

    This is his destiny. He cannot squander it.

  16. perl perl

    kaya pala nung pinsabog ni Margie Juico yang iregularidad sa PCSO, unang pumiyok ang mga obispo… kaya pala.. isa sila sa mga nakinabang… tindi talga ng kamandag ng salot ni Gloria…

  17. perl perl

    kaya pala ang lakas ng loob ni Carlo J. Caparas sa hindi pagbayad ng tax… si gloria pala ang backer… langya… sabagay magkahawig si Capalras at Makapalgal.. dapat iboycott ang mga pelikula ng kumag na to…

  18. perl perl

    Siya ang nag-direk kay Kris Aquino sa Vizconde massacre na pelikula. Ellen naman, dinamay pa si Kris.. importante ba sa article to?

  19. Perl, I’m stating a fact.

  20. norpil norpil

    ang simbahan ay nabubuhay sa charity kahit na marami silang ari-arian.

  21. Pepeton Pepeton

    Just to correct the “mindsetting” propaganda that mainscreaming SUKA (suck up kiss ass) media has become, the anomalies and abuses committed by the management at multi-sectoral levels in, around, about PCSO, have been going on since time immemorial.

    Hind tama na ipuputong kay GMA ang lahat ng mga “anomaliya” and malfeasances…sa PCSO. Name the president…and I am sure there were “kurakot dito, diyan at sa lahat na puedeng kurakutin sa PCSO.”

    Isa-isahin din natin ang mga naging PCSO Chairman/Chairwoman.

    Umpisahan natin sa kagalang-galang na dating hustisya Cecile Munoz Palma. Mabait yan. Sabi ng media. Walang bahid ng anomaliya, ng graft and corruption. Siya nga? Eh yung anak niya…na nahuling naglalabas at naguuwi ng mga documento ng PCSO, during the last phase of the ex-Justice’s term as Chairman of the Board of PCSO…ano yun? When “caught” by medya…”Why are you bringing home these PCSO documents…samantalang wala sa opisina ang Mommy Dearest mo, Taddy?” Sagot:”Tinutulungan ko lang ang matandang Mommy ko. Dahil may sakit siya. Hindi siya makapasok. At alam naman ninyo si Mommy…very dedicated sa PCSO. Maski may sakit gustong magtrabaho sa bahay. Inuuwi ko lang ang mga files niya para asikasuyhin niya…” WOW, and medya fell for that. Bakit walang kibo ang medya nuon?

    Manolo Morato? Ano? Malinis ba yan nuong Chairman ng PCSO?

    Doc Carascoso?

    Sino sinong presidente ang nagappoint sa mga yan? Tita Kory, Erap…FVR…and GMA…and now…sino ang nagappoint sa current Chairwoman? Aber? Dati ng nagsilbi yan during the time of…before Erap na nagpahirap…tinanggal as director ni Erap…pasok si GMA…tapos ngayon si POPelek PeeNgoyngoy…binalik na naman, Chairwoman pa. Bakit? Yu wanna dig into that?

    During FVR’s time nagkaroon ng malaking scam diyan. Involving the Instant Scratchers. Those were printed in Austsralia, by OGT and other Australian-Malaysian based games companies. There was once a “one page” letter memo about the “bidding”, which company should be given the contract…There was a “marginal” notation on that letter-memo, penciled in by FVR…”Look into this letter-memo-offer, from…..it looks good for us…” (sino ang “us”?)Somebody leaked that to the press…one or two headlines and front page attempts…tapos, nawala na. Later on, during Cecile Munoz Palma’s time…her personal secretary was linked (romantically) with the representative of that Australian company…which consistently won the “no contest” bidding for more and more variations of “instant scratchers”…may imbestigasyon ba? May binatbat ba ang SUKA media? Bakit wala???

    There was another scandal, na binali wala ng SUKA media. That was the case of Alfredo Lim…who was Mayor of Manila at that time…si Dirty Harry kono. There was leaked news na “may dayaan ang PCSO lottery, sa karera ng kabayo…” Excited si SUKA MEDIA…sensational nga naman…Dirty Harry after “graft and corruption, dayaan and fixing ng karera ng kabayo…at aba, baka Lotto din…and other fund raising activities sa PCSO, kasi…gambling yan eh…” Okey ngarod.

    Pasok Dirty Harry. “I will personally check and investigate this myself. Hindi ito makakalusot sa akin. At hindi ko palulusotin…”

    Talaga ha. To test the integrity of the PCSO lottery draws, bumili si Dirty Harry ng sweepstakes…ano resulta??? Aba eh di nanalo sa linggong yun sino pa,eh di si Dirty Harry…check it out…that was all over the media at that time. Dirty Harry, eventually, won another lottery daw…Anooo? Dalawang beses pa? I don’t know. But for sure, the first time…tinanong pa nga siya: “Mayor, isosoli po ba ninyo ang napanalunan ninyo sa karera ng kabayo, in light of your imbestigasyon na baka may dayaan at anomaliya sa PCSO?”

    Ang sagot? KLASIK! “Why should I? Aba, hindi naman ako ang nandaya ah? I won this fair and square…It is mine, legally.” Ano ang follow up ng SUKA MEDYA…? WALA! Komedya, pagpapatawa…OK lang.

    Recently, broadsheet papers reported that the hubby of the Chairwoman of PCSO…was seen or photographed taking pictures and/or walking the grounds of the PCSO compound and its adjacent “TB building”, in connection with the leaked out report that the PCSO was considering (decided) to transfer the office of the Chairperson to a better building…The question asked but not answered yet is…pag inalis mo ang mga “may TB” confined sa QUEZON INSTITUTE, saan naman ninyo ilalagay ang mga nalalabing pasyente???
    At bakit nakikialam or nakikihalobilo ang asawa ng Chairwoman ng PCSO sa mga bagay ukol sa, pagreremodel ng Quezon Institute building??? Aba, all in the family yata ang pagpapatakbo ng PCSO, since time memorial. Remember the incident with Taddy and Mommy Dearest Ex Justice na kagalang-galang? Ano ang report ng medya?

    Yung tinatawag na KAPAMILYA Kurakot ng administrasyon…dapat ilabas ng medya ang background ng present administrasyon sa PCSO…may sinulat na libro si “bosing”…about Tita K….at dati siyang “parang POF…part of the family ng mga Cojuangco-Sumulong, et al…at ang kanyang hubby naman ay…dating Secretary ng Agrarian Reform…na nagkaroon ng anomaliya during his time…during Tita Kory’s reign of “morality in governance”..hindi ba??? Pasok si FVR…absuelto sa iskandalo…tapos ang Garchitorena scam, sham and shenanigan di ba? SINO SA SUKA MEDIA ANG NAGFOLLOW UP NITONG KASONG ITO…TO THE END? Aber?

    Ang punto de vista, bottom line: Kung magrereport at magbabtikus ang mga medya, sampu ng mga “netizens” na gustong sumali sa “analysis-paralysis”…dapat, in aid of the facts and the truth…REPORT MO COMPLETELY…all the pertinent facts…hindi lang yung mga “facts” (kuno) that serve the already ingrained “mindset”, na wala namang prueba na nafile sa korte…Sampung taon halos nagsilbi si PGMA…second longest tenure kay Muck U. Farcos…

    Therefore, sa tagal ng term of office niya, hindi katakataka kung nagkaroon nga ng madaming anomaliya. Meroon nung unang panahon…wala namang hakbang na ginawa para malinis ang GRAFT AND CORRUPTION noon…kaya…tuloy tuloy pa din ang graft and corruption…

    At, hindi kapanipaniwala ang mga diga at banat…ni POPelek Ngoyngoy…at lalong hindi kapanipaniwala ang sangayon ng SUKA mainscreaming media…9ama ang Tabloid siempre…na..NABAWASAN NA…AT MALAPIT NG MAWALA ANG GRAFT AND CORRUPTION SA PCSO…kalokohan yun.

    Walang mangyayari sa mga – kwentutang-alegasyon-anecdotal-based-finger-pointing-media bashing of anybody that SUKA MEDIA has long decided, hindi nila kursonada…

    Walang personalan…puedent pulitikahan. Pero, tama na ang personalan. CHANGE THE F**KING SYSTEM…and those that don’t measure up…tangalin. Sige nga…tignan natin ang galing at taas ng ihi ni POPelek Pee-Ngoyngoy…

    Pepeton

  22. perl perl

    tounge, mukhang maluwag pagkakabit ng nurse mo sa straitjacket… kailngan pa siguro ng kadena..

  23. vic vic

    PSCO, Pagcor, name it, you have them all…the cow maybe of different breeding but they are all for milking…and why not?

  24. kapatid kapatid

    Ang lupit ng mga taong ito. PCSO is meant for charity. Itong mga recipients ng “Donasyon” ni Gloria, hindi na kutya.
    Mas garapal pa ay iyung mga “Pari / Obispo” and yet they preach about helping the poor and solicit donations for the poor Packers! Putragis kayo. May you rot in hell!

  25. Tedanz Tedanz

    Kaya ayaw din ng mga pari ang RH Bill kasi …… wala na silang masisipsip (dahil kay Trojan) 🙂 🙂 🙂 …….

Comments are closed.