Ang mga disgrasya na nadudulot ng “Facebook” at “Twitter” ay nagpapa-alala sa atin na ang mga kabutihan na nabibigay nitong mga social networks ay may kaakibat ding panganib.
Maraming kabutihan na nabibigay ang social networks lalo pa sa panahon ngayon na maraming pamilya na magkakalayo.
Ordinary na ngayon sa bawat pamilya na may mienbro na nasa abroad at sa pamamagitan ng Facebook at Twitter, naiibsan ang distansya. Sa pamamagitan ng internet, parang hindi rin magkakalayao. Makakapabalitaan araw-araw.
Ngunit dahil sa demokrasya sa mga social networks na ito, madali mawala ang privacy kung hindi marunong mag-ingat o kung mahilig magbibida tungkol sa sarili.
Noong isang linggo, nasa balita na nasaksak ang director ng telenobelang “Mula sa Puso” na si Ricky Rivero. Mabuti hindi namatay and director at nakapunta pa siya sa ospital.
Nahuli ang salarin na nakilalang si Ivan has Ruiz, may live-in girlfriend na buntis ng isang buwan.
Ayun sa report, nagkakilala sa Facebook ang director at si Ruiz mga limang buwan na ang nakalipas.
Sabi ng girlfriend ni Ruiz, sinabi sa kanya ni Ivan na magkikita sila ni Rivero at maghihiram siya ng pera dahil na-ospital ang kanyang tatay dahil sa asthma.
Maraming insidente na ng panloloko na nangyayari sa Facebook at Twitter dahil nga kahit naman sino basta may computer at internet, pwedeng magbukas ng account. Hindi naman kailangan sabihin ang totoong pangalan at maglagay ng totoong litrato. Pwedeng magbulahan to the max.
Mabuti sana kung hanggang internet lang ang bulahan. May mga nangyayari na sindikato pala ang kausap.
Sa Amerika ang pinakamainit na eskandalo ay tungkol kay Rep. Anthony Weiner ng New York. Itong si Weiner na ang asawa ay aide ni State Secretary Hillary Clinton ay nabulgar na nag-tweet ng malalaswa niyang litrato sa iba-ibang babae. Ang isa ay 17 taong gulang lang.
Biglang lumabo ang sana ay maningning na kinabukasan ni Weiner sa pulitika) at nagresign siya noong isang linggo.
Dito sa Pilipinas ang isang kontrobersiya na naidulot ng Facebook at Twitter ay yung kay Willie Revillame laban sa mga pumuna sa kanya katulad nina John Silva, Froilan Grate, Leah Salonga at Monique Wilson tungkol sa dirty dancing ng batang si Jan-Jan sa kanyang show na “Willing-Willie.”
May mga nakasampang kaso tungkol dito.
Sa Malacañang, naala-ala siguro ng marami ang mga tweet ni Mai Mislang, ang speechwriter ni Pangulong Aquino na namimintas sa alak at mga lalaki sa Vietnam habang nag-state dinner sa Hanoi.
Hindi na ngayon nagyayabang sa twitter si Mislang. Mabuti naman at naleksyun na.
Maraming gamit na mabuti ang Facebook at Twitter. Ingat lang.
Careful ako sa pagtanggap ng FB friends, kung friend sya ng mga trusted friends ko saka lamang ako nagko-confirm. If not, no way. Kung magulo, I delete the friend right away from my list, I don’t want to take chances, mahirap na ma-stalk. 🙂
KA-FACEBOOK KINATAY NA PARANG BABOY
Ni Nonnie Ferriol… http://www.abante-tonite.com
__
Kakatakot naman ito!