Noong administrasyun ni Gloria Arroyo, sobra ang lakas ng West Cove na kahit garapalan nang lumalabag ng batas at regulasyun sa Boracay, pinapayagan.
Sana totohanin ng munisipalidad ng Malay sa pamumuno ng mayor na si John Yap na ipasara ang West Cove. Dapat lang. Dapat nga gibain na yun dahil unang-una, bawal tayuan ng istruktura ang corals na iyon ang kinatatayuan ng resort.
Hindi pa nakuntento sa pagtayo sa bawal, nagpa-extend pa ng parang helipad at mga cabana sa dagat.
Grabeng pambabastos at paglabag ng batas ang ginawa ng West Cove sa Boracay.
Nagawa ng West Cover yun dahil ang numero unong tagapagtanggol ng resort noon ay mismo ang Environment Secretary na si Lito Atienza. Ang despalinghado na sagot ni Atienza noon ay, bakit daw West Cove lang ang tinitira ay marami naman diyan sa Boracay ang lumalabag sa batas.
DENR secretary siya. Bakit hindi niya ipahinto at parusahan ang lumalabag sa batas. Ang ginawa niya, dinagdagan pa niya ang umaabuso sa kalikasan.
Bakit malakas ang West Cove kay Atienza? Ang alam doon sa Boracay ang may-ari ng West Cover ay si boxing champ Manny Pacquiao. Front lang daw niya si Crisostomo Aquino na siyang nakalista na may-ari ng resort na naglalambitin sa gilid ng bundok ng Boracay. Matalik na kaibigan ni Pacquiao si Atienza.
Sa Diniwid beach sa barangay Yapak ang West Cove. Sa kabila ito ng barangay Manok-Manok kung saan nandun ang talagang magandang beach. Puno na kasi ang lugar nay yun kaya doon sa walang tao pa sa bandang bundok ng corals pumwesto ang West Cove.
“Dalawang taon na silang nago-operate.Wala silang building permit, wala silang occupancy permit ,” sabi ni Rugen Aguirre, chairman ng Malay municipality committee on laws and ordinances.
Ang pinaglalandakan ni Aquino, ang pumeprente sa West Cove,may hawak daw silang Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAgT) na inisyu ng Department of Environment and National Resources na kanilang nakuha nang si Atienza pa ang secretary.
Ang FLAgT ay pumapayag ng pansamantalang paggamit ng forest land para sa turismo ng 25 na tao at maaring i-renew ng dagdag na 25 na taon.
Una, paano sila nabigyan ng FLAgT at hindi naman forest ang tinutuntungan ng West Cove. Corals. Pangalawa, kahit may FLAgT, wala silang building at occupancy permit.
Kaya dapat kasuhan ang mga tauhan ng DENR na may kinalaman sa pag-isyu ng FLAgT na yun sa West Cove.
Sa order ni Mayor Yap, hindi na maaring tumanggap ng bisita ang West Cove. Sayang at ngayon na tag-ulan lumabas ang order at talagang kukunti na ang pumupunta sa Boracay. Dapat noong kasagsagan ng summer.
Ngunit kailangan tutukan ng husto itong isyu ng West Cove. At baka ayusin lang ang papeles, tuloy ang ligaya.
Gibain ang West Cove!! Fight for Poverty daw, ay naku Pakyaw tumaas ang dugo ko!
“Wala silang building permit, wala silang occupancy permit ,”…pero pinayagan mag-operate! Putragis na Lito Atienza, kasuhan na yan kaagad, bigyan ng leksyon…putulin ang abusong ganito na sumsira sa kalikasan at kapaligiran.
Kasing pangit ni Pakyaw ang monster na mansion nya!
May balita nung isang araw na Pakyaw just boughgt for Jinky a P388M Forbes mansion. Ok lang pera nya ang pinambili, but wow what a display of wealth for someone who leads “Fight for Poverty” cause! Hypocrite!
I think once said in an interview that Atienza was like a father to him. He was the one who supported Pacman when he was still a nobody. Kaya pala. 😉
“I think Paquaio once said…”
“Dapat nga gibain na yun dahil unang-una, bawal tayuan ng istruktura ang corals na iyon ang kinatatayuan ng resort.”
Incredible palakasan sa DENR, alam na corals ang nasa ilalim pinayagang tayuan! Wow, wala akong masabi sa kamao ni Paykaw kung humatak ng lakas!
#4, Mike, e ano naman si Sabit Swingson para kay Pakyaw?
#4, Mike, e ano naman si Sabit Swingson para kay Pakyaw?
———————————–
baka parang “madir”
Bwahahahaha@jug!
Kahit sino’ng bangkero, pag inilibot kayo sa parteng yun ng isla, sasabihing kay Pacquiao iyong resort dahil sila ni Jinky mismo ang nagsupervise nung construction pa lang.
Sira na ang corals sa ilalim niyang cabana at helipad na iyan. Baka pati nga yung overhanging structures sa gilid ng bundok nag concrete pile-driving rin. Kailangang ibaon ang maraming concrete piles kung hindi, lulubog ang buildings sa ilang taon lang.
Nakakangitngit ito lalo na’t ma’y balitang yung mag-asawang Fil-Chinese na illegal traders ng black corals ay nakatakas papuntang China dahil sa kupad ng DOJ prosecutors na kasuhan.
Kaya mahal ang black corals, bukod sa rare ito, ito ay magandang palatandaan na buhay na buhay ang ecology sa pinagkunan nun. Pag puro puti ang corals ay “bleached” na ito na kung hindi malapit nang mamatay ay patay na. Ito ay epekto ng climate change at illegal fishing methods gaya ng cyanide poisoning.
Sinasabing ang dagat ay umiinit ng 2ºC kada libong taon kaya yung mga corals na namatay noong panahon pa ni Jesus ang siya ngayong nagiging pinong white sand beaches.
Maraming bansa ang naiinggit sa nagsulputang puting beaches ng Pinas. Sa isang banda, dapat pa nga ay kaawaan dahil senyales ito na paubos na ang “healthy” coral reefs natin. Pag wala nang corals mauubos ang maliliit na isdang nasa ilalim ng food chain. Mamamatay at mawawala na ang malalaking isda, hanggang magugutom ang top predator – ang tao.
Kaya siguro namumuhunan sila ng ganun kalaki, itatanim nila sa kanilang mga dagat yung corals para sa hinaharap, meron na rin silang Boracay, Panglao, at El Nido. Kalokohan yung sinasabing pang-aquarium lang yun. May kinalaman ang bansang pagdadalhan nun dahil walang pribadong tao ang makikinabang sa ganun karaming black corals.
Baket, kasing-laki ba ng Sulu Sea ang aquarium nila?
Nakakabahala talaga ang destruction ng ating kapaligiran.
More alarming is the apathy of the government.
Mr. tongue-twisted. Yes it’s true. Wala na sa bansa at nakalabas na ng Pinas ang illigal trader na Fil-Cinese. But I think you were wrong for saying makupad ang DOJ. Do not forget the saying, blood is thicker than water. You Know what I mean.
Kailangan pa bang ibandera mo sa publico na ikaw ay may bahay worth 300 million pesos. Ang daming hindi na kumakain ng three times a day dahil sa hirap ng buhay. Millions of public school student walang silid aralan, walang upuan. nakasalampak sa basketball court para mag-aral. Tapos isang tao may bahay na 300 million pesos. Then you will say lumaban sa kahirapan. Itong si Manny hindi pa mam nagkakaugat sa lower house ay nakikita na kung magiging ano siya sa hinaharap.
In my opinion, I strongly believed that Pacquiao was ill informed of the environment effects in acquiring this property in West Cove, Boracay.It is not in the character of Pacquiao to just grab a certain land unless theirs a group who have entice him to purchase, invest a certain property. I agree that former DENR Sec. Lito Atienza is somewhat responsible (if this news is true) of tolerating this project even its harmful to the environment & ecosystem already.
This is another classic case of abuse of power from the previous administration cabinet member(s) who tried to please Pacquiao & among others inorder to gain political milage, sacrificing environmental principles.
I think Pacquiao can be naive, especially if approached by high-profile personalities before he was one.
Let’s not begrudge his good fortune he got by risking his life every time he goes in the ring. The news about that Forbes Park house didn’t probably come from him.
Maybe from his mom?
Kaysa lumustay ng daang million at manira ng kalikasan sana pumasyal si Manny sa PGH doon nya makikita ang mga cases of death not because of chronic illness but poverty. In someway I hope he’ll be generous enough to help them.
Manny knows what he’s doing, the politicians use him, he uses them also. He’s smarter than what we give him credit for, there are so many guys with MBAs, but if we judge br the bottomline, he can best them all. He knows how to dance with the powers that be, the church, rich and powerful politicians, businessmen, etc., he’s not just good in the ring.
Tongue is right. I remember Mactan Shangrila when it was just mangroves and muddy seashore the property was owned by the mayor at that time called Marian Shangrila, we used to have our retreats there, at night the trees (duldol) would look like gigantic christmas trees because of the fireflies. The same thing happened to seemingly unsightly mangrove swamps in other areas, they became resorts, with white sandy beaches where I remember were just mud and jagged dark rock formations and mangroves, and they wonder where did all the fish go?
Ang saklap naman ng kwento mo jug. Mas grabe yan sa beach namin na tinayuan ng monster mansion ni Eli Soriano of Ang Dating Daan.
Mam chi,san yang beach nyo?
Hope and my wish, amante!
This resort shows that money cannot buy magandang pag-uugali. Pacman lied when he denied he was the owner.
His disrespect of the environment by building this resort where it should not be shows arrogance. He must be feeling he is so great he can do anything even violate the law.Which was what happened courtesy of Atienza.
It does not add up to an admirable character.
becky,
Remember pacman’s education came mainly from the streets not from a catholic school, he will always look at what he gets out of anything, who to connect with for protection and quid pro quo. He just knows how to play the crowd.
Talagang iba dito sa pinas pag mga sikat at mga ma-influensa ang may ari ng mga establishments. Palakasan system pa rin ang nangingibabaw. That’s exactly the rule of the game pare.
Kelan kaya magkakaroon ng katuparan ang salitang merong pagbabago sa Pinas. Ang mga salitang tuwid na daan ay andyan pa rin at nagiging baluktot.
Kawawa naman talaga ang mga mahihirap dito sa bansang pinas tulad nating mga nakararami. Sila- sila na lang at kami naman ang mga kawawa. Kailangang magkaroon ng tulad sa fransya na tunay na nagkaroon ng pagbabago dahil sa French revolution. Revolution ng mga peasants at farmers ang middle class.
Manny is a prolife advocate, he must be a protector of marine life as well! Environment as a whole is the shelter of life.