Ang isang rason kung bakit mahirap tanggapin ang tinutulak ng Malacañang na pagkansela ng eleksyun sa Autonomous Region for Muslim Mindanao ay ang kanilang kagustuhan mag-appoint si Pangulong Aquino ng mga officers-in-charge (OIC).
Maliban sa mag problema ang legalidad ng ganyang plano, marami na ang hindi tiwala sa kakayahan ni Pnoy na kumilatis ng mga taong ilalagay sa pamahalaan. Sa mga na-appoint ni Aquino ng pagpasok niya sa Malacañang, marami naman ang maayos kasama na doon ang sa kanyang economic team.
Ngunit ang mga na-appoint na ang pinaka-qualification ay kaibigan sila ni PNoy, super ang palpak.
Ang nasa mata ngayon ng kontrobersiya at ang nasuspindi na hepe ng Land Transportation Office na si Virginia Torres, na siyang dahilan kung bakit nag-resign si Secretary Jose “Ping” de Jesus ng Department of Transportation and Communication at apat niyang undersecretaries.
Si Torres ay barkada ni PNoy sa kanyang hilig na pagbabaril (shooting buddy). Nasangkot si Torres sa kontrobersiya ng Stradcom, ang kumpanyang nagku-computerize sa LTO.
Pagkatapos mag-imbestiga ang Department of Justice, nirekomenda ang suspension ni Torres. Kahit na ganun ang nangyari, okay lang kay PNoy na babalik si Torres sa kanyang puwesto pagkatapos ng dalawang buwang suspension sa Hunyo 19.
Alam ni Aquino ang panindigan De Jesus sa kaso ni Torres ngunit mas kampi siya sa kanyang shooting buddy. Kaya minabuti na ni De Jesus, isa sa may kredibilidad na miyembro ng gabinete ni Aquino, na mag-resign na lang.Sumama na rin ang apat niyang undersecretaries.
Hindi lang si Torres ang shooting buddy ni PNoy na nasangkot sa kontrobersya. Noong isang taon, pumalpak rina ng isa niya barkada, si Rico Puno, na linagay niyang undersecretary sa Department of Interior and Local Government. Nasangkot rin si Puno sa jueteng. Hindi rin ginalaw ni Aquino ang barkada.
Ang iba pang mga malapit na kaibigan ni Aquino na kanyang linagay sa importanteng puwesto na sumabit ay ang kaka-resign na hepe ng Bureau of Corrections na si Ernesto Diokno . Dating pulis si Diokno katulad din ng isang pumalpak na kaibigan, ang dating hepe ng Philippine National Police na si Jesus Versoza.
Ang dalawang dating pulis at hinayaang mag-resign na hindi na pinanagot sa kanilang mga palpak. Iba na talaga ang kaibigan ng pangulo.
Ang ating mga kabibigan ay may kanya-kanyang ugali at kakayahan. Bilang lider, dapat alam ni PNoy ang magtimbnag ng pagkaka-ibigan at ang kapakanan ng bayan. May mga tao na hindi maturingan ang kanilang loyalty at pagkakaibigan. Enjoy ka sa kanya sa inyong mga shooting activities. Ngunit magaling bang adminisitrator o manager?
Sa pagkunsinti ni Aquino sa mga kaibigang nasasangkot sa kontrobersya, mukhang hindi na “matuwid na daan” ang kanyang tinatahak. Delikado kung ipaubaya sa kanya ang desisyun kung ang mamumuno sa ARMM, ang pinaka maproblema na rehiyon sa bansa.
Puno,Torres,Diokno etc,all shooting buddies that slowly pulling Pnoy’s credibility to the pit,why not point his gun to these buddies instead?
Palpak, pulpol, walang delicadeza, sila ng mga shooting buddies ni Noynoy! Ano kaya ang hawak ng mga bffs ni Noy sa kanya at naliliko na ang kanyang daan ay gusto pang ibalik sa serbisyo ang mga liabilites na ito? Nagbubulag-bulagan ang pangulo o sadyang ‘just just’ lang sya na lider?
Kung hindi mapipigilan ang gusto ni Pnoy na postponement ng eleksyon sa ARMM ay mabuti na dyan nya ilagay si Mar Roxas na OIC at ng malaman natin ang kanyang kakayahan. Kung magtagumpay si kuya Mar sa rehiyon e di laking tuwa ni Magno. 🙂
Hindi nakakasorpresa na ipinagpalit ni Noynoy si Sec. Ping de Jesus kay Virginia Torres kasi hindi nya makakwentuhan tungkol sa asintahan ang kaibigan ng nanay nya, meron silang community…este communication gap, hehehe!
With friends like these (puno, torres, diokno, et.al.) penoy does not need enemies. madami namang matitino diyan na pwedeng iappoint para sa mga sensitive positions kaya nga lang ang main criteria ata e ang pagiging kapamilya, kapuso, skulmate, classmate, etc. kaya hayan puro mokong at mga kumag ang napipili. onli in di pilipins…haay….
Haaay talaga.
05 June 2011
Cory – kamag-Anak Inc.
Pnoy- Kaklase at Kaibigan Inc
What do you expect? that is the straight path of governance. Basta kaklase at kaibigan ayos na buto-buto, hehehehe….
prans
Nakakapanghinayang si Sec. Ping De Jesus.
Hindi maliit na bagay ang isakripisyo mo ang magandang kita at posisyon sa isa sa mga kumpanyang naghahari sa industriya at komersiyo kapalit ang isang puwestong bukod sa maliit ang kita, kunsumisyon at kakulangan sa pondo lagi ang problema.
Iniwan niya ang pagiging pinuno ng isa sa pinakamalakas kumitang kumpanya ni Manny Pangilinan (NLEX) sa pag-asang matutulungan niyang malinis ang isa sa mga pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno kahit katiting lang ang sweldo’t benepisyo.
Pagkatapos kukunsintihin lang ng amo mo yung mga sumisira sa ahensiya mismo.
Sayang talaga. Paano tutuwid ang biyahe e yung drayber laging kumakabig ng paliko?
From Jorge Balagtas:
Sumulat po ako hindi upang ipagtanggol si LTO Chief Virginia Torres kundi ipaalam sa inyo kung ano ang katotohanan.
Di kaila as inyo na ginto ang LTO at sino man maging Hepe dito ay tiyak na kikita ng malaki. Kung may mga sindikato sa ibang mga ahensiya ng gobyerno, ganoon sa LTO. Pagkaupo pa lamang ni Torres ay inabutan na siya ng lagay pero tinanggihan niya ito. Kung hindi kaya sa lagay ay sisiraan ang isang tapat na hepeng tulad ni Torres gamit ang media.
Tutoong malapit na kaibigan ni Pnoy si Torres at isang shooting buddy. Pero hindi alam ng marami na isang kaanib ng INC si Torres kaya’t maaaring isa itong dahilan kung bakit hindi siya matanggal dahil na din sa utang na loob ni Pnoy sa sekta na sumuporta sa kanya noong halalan.
shooting sports, like target shooting and target competition,and hunting should stay in the range and hunting fields…same thing with golf and other sports…Governance is just soo important a reponsibilty to get mix with emotion and loyalty and personal gratitude…every leader should be aware that your so called “friends” could be your worst enemies in politics…
What can you expect? Eh ang utak nila putok lang ng putok ang alam na gawin! Malamang nayanig na rin ang mga utak nila kapuputok! Kung ang mga beterano ng gera nagkakaroon ng shock isang factor na din ang putok ng bala kasama ng nasaksihan.
Eto lang masasabi ko sa mga nakijpuso at bumoto sa kandidato ng mga elitista:
I told you so….
Paano tutuwid ang biyahe e yung drayber laging kumakabig ng paliko? – Tongue.
Paano nga kaya, hano?
Siguro mas maige kung ‘yung daan mismo ang ating idiretso – walang likong kanan, walang likong kaliwa.
Sa palagay n’yo?
Re # 8. Bakit takot na takot si PNoy sa INC at he will not be running for re-election.
The Aquino presidency is a failure in leadership.
Getting Mar Roxas won’t solve the problem. He even bungled his vice presidential bid when he started way ahead of Binay.
Ano na ang nangyayari sa atin?
Former Presidential candidate JC de los Reyes posted this on my FB wall:
Ha! Ha! Ha!. Oo nga naman.Surest way to get an appointment to a government position. You don’t have to be competent.
hahaha@#14!
Muntik ko ng unawain si Pnoy, pero ng makita ko ang piktyur in Virginia Torres na endi singganda at singbata ni Shalani at Uy….ay hinding-hindi ko sya mapapatawad na ipinagpalit nya si Sec. Ping sa babaeng asintada. 🙂 🙂 🙂
True colors are coming out. Nakakadismaya.
How can Pnoy attract trustworthy and able public servants if his choice of key people is based on a “buddy” system?
Oh well…. Alam naman ng mgatiga suporta ni PNoy ang kakayahan niya eh, di ko talaga maintindihan bakit ipinilit. Pure heart, malinis ang konsensya is one factor, but leadership and capability is another thing!
Lumalabas na ang totoo! Buti na lan swerte ni PeNoy at kakampi niya ang mga malalaking meida outfit kaya pinagtatakpan ang kapalpakan at pagiging batugan niya!
As usual, what is essential is not obvious, the former DOTC secretary and his assistants were not really that clean, they had their own agenda, unfortunately it was exposed this early. We only get bits and pieces of the whole situation and its easy to react based on this “scraps” of information. There are political and business agendas at work here guys, each one trying to win over the other, so if there’s not much we can directly do about it, we’ll just have to sit back and enjoy the show.
JC de los Reyes? He and his ilk have shown their true colors on the fascistic way they want to push aside the RH Bill, I had my doubts earlier when they started mouthing off religious fanaticism, too bad, Ang Kapatiran showed some promise, but eventually they’ve shown they were wolves in sheeps’ clothing, the inquisition riding in the belly of the galleons promising salvation.
Pnoy stood by Virginia Torres even if there were so many issues against her which caused the resignation of Ping De Jesus. Its the other way arou d Jug, PNoy protected the LTO head who so many issues!
andres,
ping de jesus resigned for so many other issues, frustration, slowness, lack of support, etc., we don’t know much about it, and what we do know is not enough to make accurate judgments. bottomline, if i were to decide on betting 1 million bucks on ping de jesus being on the right, i wouldn’t bet on it.
Noynoy’s choice of people to help him run the affairs of government is not surprising. The only required qualifications are either you are a friend, a classmate, mga dating alalay ng nanay at mga rekomendado ng mga kapatid and in-laws. He can not aim for those who are considered creams of the crop because his benchmark is his intellectual level which he may consider as excellent, but that depends on how one will rate him.
An old adage aptly apply to the situation:
“First rate people hire first rate people; second rate people hire third rate people; and third rate people dump anyone who disagrees with them”.
Sinibak ni Pnoy si De Jesus. Tama si Jug, hindi pa natin alam ang tunay na dahilan.
whatever dahilan kung anuman was/were behind de jesus’ resignation, bahala na sila du’n. sila sila lang naman ang nagkakaintindihan at hindi ipinapaalam sa madlang pipol.
ang hintayin nila ay kung paano ibagsak nang lumalagapak ang TRUST rating ni PeNoykyo at araw araw ay bulagain siya ng nakakarinding street protests demanding his resignation.
magpipiyesta na naman ang mga mapanggulong nanggugulong magugulong makaliwang grupo!
haaayyy! hanggang asa na lamang ba tayo kung kailan magkakaroon ng maayos at transparens na gobyerno?
Saw you on ANC last night. I enjoyed your answer to Lacierda when he asked what he did during the hsotage crisis at the Rizal park that was bad or illegal (he did not say those words but that was the point he was driving at) and you answered, “Wala ngang ginawa e.”
As to Domingo Lee’s qualification,Lacierda could not cite anything more substantial than “ambassador-at-large” to asia pacific. We all know that that title is just compliments to friends. pabigat pa nga at aasikasuhin pa ng embassy people when he visits the place for personal matters.
But I noticed, you were holding back.