Nakakagalit ngunit hindi naman masyadong nakakagulat ang desisyun ng Sandiganbayan na aprubahan ang plea bargain agreement ng Ombudsman at ni dating Maj. Gen. Carlos Garcia.
Matagal na itong plantsado ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez. Kaya nga noong Marso, nang pina-follow up noon ni Sen. Franklin Drilon kay Gutierrez sa imbestigasyon ng Senado ang kanyang sianbing ipahinto o bawiin ang plea bargain agreement kay Garcia, sinabi niya na pinag-aaralan pa nila. Mag-isang buwan na pag-aaral na yun at marami nang naibulgar si Col. George Rabusa. Talagang gusto talagang palayain si Garcia. At siyempre, nanggaling sa mas mataas ang kuntsabahan.
May nagsabi sa akin na isang mataas na opisyal sa administrasyun ni Gloria Arroyo ang lumalakad sa Sandiganbayan ng kaso ni Garcia. Ang usap-usapan kasi, malaking pera galing sa budget ng military ang napunta sa kampanya ni Arroyo noong 2004.