Skip to content

Dapat makuha natin ang leksyun bakit lamang ang Thailand sa atin

Enjoying Thailand's floating market
BANGKOK -Nakakabilib talaga ang Thailand pagdating sa turismo. May paraan sila gumawa ng isang ordinariong bagay na kawiling-wili.

Palagi kami nagtatanungan ng aming mga kaibigan na kasama ngayon sa biyahe, kayang-kaya natin ito a. Bakit hindi natin naiisip ito?

Pagdating sa natural na biyaya katulad ng beaches, rivers, hindi nahuhuli ang Pilipinas sa ganda. Para sa akin nga, walang tatalo sa Boracay sa natural na ganda.

Pagdating naman sa pagka-artistic, hindi rin tayo nahuhuli. Bakit hindi natin napapalago ang ating turismo na maaring makapagbigay ng maraming Pilipino.

Ang isang rason ay liderato. Ang ating pamahalaan ay hindi tumitingin ng pangmatagalan. Nandiyan din ang kurakutan. Inu-una ang sariling bulsa. Kese hoda ang sambayanang Pilipino.

Katulad na lang airport. Nakaka-iyak ang NAIA kung ikumpara mo sa airport ng ating mga kapitbahay sa Asia. Huwag na natin isipin sa ibang mundo.

Ang mga Thai, hindi nila hinintay magsikipan ang turista sa kanilang airport para gumawa ng bago. May projection sila kung gaano karami ang bibisita sa Thailand kaya nagpatayo kaagad sila ng modernong airport. Malaki, maliwanag, maaliwalas at hindi mahirap pumunta sa iba’t-ibang parte ng airport.

Sa atin naman, tingnan na lang natin ang sitwasyun sa NAIA1 at maiiyak ka talaga. Ang NAIA3 na sana ay ating pambatong airport ay hindi nagagamit ng husto dahil sa kaso ng grabeng kurakutan.

Nang bumalik ako mula sa Antique noong isang linggo, na atraso ang aming Cebu Pacific flight ng tatlong oras. Kawawa ang mga may connecting flight papuntang labas ng bansa dahil mula sa NAIA 3, pupunta pa sila NAIA1. Sa orihinal na design ng NAIA 3 merong tunnel na nagku-kunekta sa ibang terminal, NAIA 1 at 2 (Centennial Airport na exclusive ngayon sa PAL).

Sa sobrang kurakot, nawala na ang budget para sa tunnel.

Ngayon, merong shuttle bus na nagdadala sa mga pasahero sa tatlong terminal. Ngunit bus yun kaya maghihintay yun ng ibang pasahero. Kung ayaw mo maghintay ng shuttle bus,lalabas ka pa sa NAIA3 , kukuha ng taxi papuntang NAIA 1. Kapag natrapik ka, maiiwanan ka talaga ng iyong eroplano.

Noong mga 1980, halos pareho lang ang dami ng populasyun ng Thailand at Pilipinas. Ngayon tayo ay sobra nang 90 milyon. Ang Thailand naman ay 60 milyon.

Ang dahilan ay seryosong pinapatupad ng pamahalaan ang kanilang population management program. Namimigay sila ng condom sa lahat. Dapat tingnan nito ng mga kumukontra sa Reproductive Health bill.

Sa sobra 60 milyon na populasyun ng Thailand, ang halos kalahati ay nasa Bangkok. Kaya may problema rin sila sa sikip at sa trapik. May joke noon na hindi ma-invade ng Vietnam ang Thailand katulad ng ginawa nila sa Cambodia dahil mata-trapik sila.

Ngunit ginawan ng mga Thai ng pangmatagalan na solusyun ang kanilang problema. Ang kanilang tren, merong underground, merong above ground. Ang kanilang walkway ay parang panibagong highway sa taas.

Malaki rin ang industriya ng Thailand ng mga bulaklak at prutas. Binibigyan nila kasi ng importansya ang agricultural research and development kaya matamis ang kanilang suha, lanzones, sampalok.

Kagagaling lang ni Pangulong Aquino sa Thailand. Pareho tayong Asian kaya may mga problema tayong magkakapareho. Sana nakakuha siya ng leksyun doon kung paano natutugunan ng mga Thai ang kanilang problema na hindi natin nagagawa.

Dapat mainggit tayo sa Thailand. Dapat ang inggit na yan ay gamitin natin para gumawa ng tama at makatulong sa ating pag-unlad.

Published inAbanteTravel

41 Comments

  1. In our flight back to Manila last night, we were not given arrival cards while on the plane (Thai Airways). No cards, the stewardess said.

    When we arrived at NAIA1, there was a guy who was giving out the arrival cards. So we all had to fill it out, which we should have done while on the plane.

    We heard some foreigners making snide comments about inefficiency in the Philippines. It hurts hearing that from a foreigner but it’s true.

    Today, I called up the Bureau of Immigration to inquire about the arrival cards because I’m going to write about it. I was told by a certain “John” in the press office that they are not in charge of the arrival cards. It’s NAIA’s responsibility, he said.

    I called up a lawyer-friend in the office of the NAIA general manager. He said it’s BI’s concern.

    Medyo inis na ako.

  2. soleil soleil

    hi Ellen…
    matagal na akong inis :-)…yes, the Thais put so much effort na hindi ma-affect ang tourism industry nila. when you talk to the locals, they will tell you that they have to protect their tourism industry bec it is one of their best asset. kahit saan ka magpunta, a tourist will not have any feeling of being threateed. although hindi maiiwasan ang may ilang loko talaga,.,kahit saan gubat may ahas naman di ba.

    In Thailand, pagdating m palang sa airport, hitik sa info, tourist map, kahit na hindi sila magaling mag English (na laging pinagmamalaki natin here), they try to accommodate you and help you na walang inaasahan.

    On the other, it still remains the same Ellen, ang namumuno ang laging dapat untugin..kesehodang sino pa namumuno, it seems ala na tayong pag-asa. by the way, naubos na ba yung arrival card na merong advertisement??!!! yung may discount ???

  3. soleil soleil

    i was fortunate enough to set foot on a regional domestic airport in the south of Thailand…mahihiya ang linis ng ating domestic. oo nga at modermo kuno ang design ng ating airport now here but it doesn’t depict any cultural character…in short alang foresight in whatso ever dito sa atin. puro politically motivaded before anyone moves.
    tama na sana ang sinimulan noon na patanggap ang pagmumukha ng mga trapo sa bandera at tarpaulin kung may project pero seems mahina pa rin ang siste till now…pati libreng tule pinagngangalandakan? my thai friend ask me “whats the purpose to put your face there when boys are to be circumcised?!”..nakakatawa pero…ano nga ba>?

  4. soleil soleil

    no to RH bill? ni mapatule ang sariling anak hindi kya? anong klase yan? mga batang namumulot ng basura para makabili ng lapis papel o may pambaon sa pasukan…hellooooo………nasaan ang mga mapagkawang-gawang mga nagmamalinis…bearing children that you cannot raise responsibly is a mortal sin in itself!!! and this came from the a nun friend of the family…she said some people dont realy know what they are talking about or even thinking. all they think is what they will gain..pulpul-arity contest siguro…just to say that they are “morally informed” is nothing to be proud of..walk the talk…mga tongressman and whoever you are…

  5. jansen jansen

    kasi naman ang mga Pinoy, puro ningas kugon lang pag me mga magagandang project tulad ng sa tourism, tapos pag nag iba ang administrasyon o namumuno, wala di na naipagpapatuloy ang magandang nasimulan na. Nakakainis.

    Sobra namang matatalino pero sobra ring mayayabang.Puro porma at bawat isa dapat me kurakutin.Kaya eto tayo,Laging nahuhuli in all aspects- mapa tourism, mapa agriculture,etc.

    Oks lang naman sa mga pulitiko kasi mayayaman naman sila. Kaya tayong mga nasa middle class at poor ang laging nag sa suffer. Wlang pag unlad. Kakabwisit na.

    Pero tignan mo mayayabang lahat. Lahat gustong magpulitika, mula sa nanay, tatay, asawa, anak. puro nasa pulitika.gusto ng power at wealth. taposgusto ding mag artista. Naron ang fame.

    Kapag pagod na balik uli sa pagpupulitika.Hayun yumaman na ang buong angkan. Pero ang pangkaraniwang juan de la cruz.. heto kayod pa rin ng kayod. Tapos, walang pag unald. Minsan naisip mo kung pwede lang mamili ng nationality eh. O sana di ka na lang pinanganak dito sa ‘Pinas.

    Kelan pa kaya magkakaron ng political will ang namumuno sa atin. Mula sa mababa hanggang mataas na posisyon.

  6. soleil soleil

    yes Ellen, inggit talga ako sa Thailand. someone asked me before if given a chance/choice..what citizenship would i choose to be other than being a pinoy…i would choose Thai..i have been going in and out of Thailand for the past 6yrs and one of my best friend is a Thai who owns several university and technical schools around Thailand…she is the most humble person i have even known…and to think they can have anything; but sobrang low profile!…
    they also have their political problems but bec of their King, he is the conduit to every aspect in their country kahit hindi sya nakikialam. the King only hears parties’ concerns out and gives comments or suggestions but never imposes. and ang isa pa, what ever he learns – be it agriculture, science etc, he shares it in the name of progress to their country….

  7. Chatuchak, Phat Pong, Patthaya – mga pamatay na lugar ng Thailand sa mga turista.

    Ikumpara mo sa Divisoria, Malate at Boracay, laban tayo diyan. Pero bakit nanoon sa Thailan ang mga turista?

    Mahina ang DOT. Ang balita lang sa abroad na lumalabas as yung mga turistang kinikidnap ng Abu Sayyaf. Marami pa rin ang alam, kikidnapin sila ng Abu pagdating nila sa Pinas.

    Tapos, ima-masaker kayo, sa tourist bus mismo, ng pulis pa. Sino naman ang matutuwa sa atin niyan?

    Kailangan ibuild-up ang image muli ng Pinas. Ngayon na. Malapit na ang summer holidays sa Kanluran.

    Kilos na.

  8. soleil soleil

    when it comes sa pamumulitika…number one ang mga namumuno natin. sadly, marami man sa ting mga mamamayan ang pagod at sawa na sa sitwasyon nating ganito, kahit magmagandang loob ka man, ikaw pa minsan ang guguluhin..ikaw ang pa ang babaligtarin.

    tama si Tongue, puro nega ang news pagdating sa tin, puro kidnapping, katangahan, mga pinoy na drug mules, mga pinoy na mandurukot or kawatan sa ibang bansa, mga pinay na prosti, etc…may mga disaster mgt, crisis mgt at kung anu anong mgt nga puro naman pulpol.

    Hindi pinaghahandaan at pinag aaralan. One example is the stupid handling of the Luneta hostage taking crisis.

  9. Our original plan was to go to Patthaya on our third day in Bangkok. But our guide discouraged us because she said there’s not much to see there. One also said, compared to Boracay, Patthaya suffers in comparison.

    Even if we didn’t go to Patthaya, I believe that. As I have said many times, Boracay’s natural attributes are the best in the world.

  10. soleil soleil

    i will agree to that!..kahit 1 beses lang ako nakatuntong ng Boracay, i would dream of going back for more visits. a friend who had been to Hawaii and other lovely beaches around the world told me iba pa rin ang Boracay. sayang lang at hinhayaang ma-exploit. it has to control it now or never before its too late.
    sabi ng mga Thais, their Chao Phraya river was once like Pasig River, madumi, mabaho..but through sheer determination ng gov;t pati na ng mga taga Bangkok, talgang ginawa nila ang dapat mapaganda at maisaayos lang ang Chao Phraya River. even the small waterways nila (na parang estero natin, tlagang merong mga bangka na kayang dumaan at isa sa kanilang murang mode of transport.
    calling Bertie Lim!!!! IS your dept doing its homework or do your people dont know what division of labor and research is?
    Dapat ang gawin ng Tourism ay magtalaga sa bawat distrito ng mga maaalam sa kanya kanyang culturang kalinangan..yung talgang tamang tao ang tututok sa nalalaman nya…its like saying pipilitin mo bang magturo o mag research ang isang music teacher ng tungkol sa neurology?

  11. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Just the name Bangkok is so attractive. 😉 You just want to get some. No wonder they embarked on a population program in the 80s. They must have anticipated the influx of tourists. hahaha!

  12. norpil norpil

    there are a lot of cultural differences between pinas and thailand, religion being one. thais are buddhists, pinoys mostly catholic.buddhists must live as monks a certain time of their early life.even their king underwent this.thais are more homogenious also in language.wayback in the 60’s and 70’s, bangkok was the designated rest and recreation city of american soldiers in vietnam thereby getting a lesson in turism.it also became the seat of the seato graduate school of engineering where promising young engineers are sent by member countries to study but because of their proximity, thais that went to this school was always many more than the sum of all the other countries’. indeed i am not surprised that thailand is ahead of us.

  13. totoy_bato totoy_bato

    Ang mga Thai may disiplina, Kahit gaano sila kayaman, nagpupumilit pa rin silang magtrabaho ng patas hindi kagaya ng karamihan na Pinoy na kumita ng konti, kung makagastos eh parang wala ng bukas.
    Kapag nasa Thailand ka, bihira kang makarinig ng busina ng sasakyan, sila ay nagbibigayan sa kalsada….oo matrapik, pero di ka makakakita ng nagbabangayan sa kalsada. Motorsiklo nga lang yata gumagamit ng busina don eh. Tumatawid mga tao sa tamang tawiran, hindi nagrereklamo kahit maglakad ng malayo papunta sa foot bridge.
    Sa Pinas buhatin lang sandali yung maleta mo papunta sa cart mo, kelangan mo na siyang abutan. Sa Thailand libre yan.
    Kung di lang sana dumami ang kawatan sa kaban ng bayan, mas madami sana tayong napapakinabangan sa ating gobyerno. Pero kahit anung galing ng ating namumuno, kung wala tayong disiplina, wala ring kwenta.

  14. duane duane

    Ang “efficiency” sa airport and dapat simulan baguhin, mula sa pagabot mo nang passport sa BI hangang sa gwardiya sa gate palabas and vice-versa. Noong isang buwan, lumabas na halos lahat ng bagahe sa conveyor sa T3, walang trolley na magamit ang mga pasahero. Ang rason kung bakit walang trolley? Nagkasabay-sabay daw ang dating ng mga eroplano. Para bang isang bagay na nabubulok ang trolley, na hindi pwedeng mag-imbak nang marami para sapat sa sabay-sabay na dating ng mga pasahero.

    Subukan mo din pumasok sa T3 sa rush-hour at mapapanis ka sa haba nang dalawang pila sa dalawang gate dahil sa security inspection pagpasok. Para bang walang silbi ang scanner at body search sa check-in at pre-departure.

    At ano ang silbi nang mga security checks sa taxi at sa mga sasakyang naghahatid nang pasahero sa airport? Kung may bomba ang isang taxi o sasakyan, makakalapit kaya ito sa terminal building o eroplano para doon pasabugin?

    At sinong turista ang matutuwa sumakay nang taxi mula sa airport kung siya ay “tatagain” o hihingan nang tip nang driver?

  15. duane duane

    Ang Thailand, may makataong Hari. Kung magpalit-palit man ang namumuno o prime minister, ang kagustuhan nang Hari para sa ikabubuti nang mga mamamayan ang pinatutupad.

  16. vonjovi2 vonjovi2

    Iisa lag ang sagot diyan, Wala tayong disiplina at lalo ang mga namumuno sa gobyerno natin ay mga mag nanakaw. Hanggang ngayon ay puro salita lang at kulang sa gawa.

    Disiplina lang at mas ma uunlad tayo sa ibang bansa.

  17. srcitizen2000 srcitizen2000

    ang isang bagay na maeenjoy mo sa mga “no frills” na tourist spots sa thailand ay wala kang makikitang mga locals na nanghahasel kaya payapa mong maeenjoy ang mga pangkaraniwang bagay dun. sa atin basta maraming tao marami ring mga nangaasar sa iyo

  18. jawo jawo

    Ewan ko kung si Marcos ang nagsabi nito. Ang sabi (niya), “sa ika-uunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”. To which I totally agree. Wala talaga tayong kadisi-disiplina. Bakit ? Because the overall populace are not afraid of any repercussions from doing wrong. Sample ? Tingnan niyo si GARCIA, nagnakaw na, ibinigay pa sa kaniya ang sobra sa kalahati na ninakaw niya. Habang wala tayong kinatatakutan, everything will be done with impunity.
    Bakit (tayong) mga nasa ibang mga bansa eh napakadaling sumunod sa mga batas ng ating mga host countries ? Kasi TAKOT tayo sa autoridad. Takot tayo dahil ipinatutupad ang batas sa mga nagkakasala. Sa atin ? Kesehoda kung nagnakaw o nakapatay ka ng kulang-kulang sisentang katao sa isang tirahan lang. Kapag ang pamunuan mismo ang lantarang nagpapatupad (o kumu-kupkop) sa kagaguhan at katarantaduhan, papaano mo madidisiplina ang sambayanan ?

  19. humus humus

    Mam Ellen, nadali mo anfg sugat sa article na ito. Mga
    mulat at gising na bloggers ng Ellenville saludo ako sa inyo. Kahit anu ang sabihin ninyo, nakangiti, maligaya pa rin tayo. Hindi kasi marunong sumimangot ang cultura
    natin. Pasasaan ba darating din tayo diyan medio nakukunsumi na ang mga obispo. Know thyself sabi ng isang pilosopo, na siya namang badya ng mga bloggers dito. Kunti pa lang sila halos 100 milyon na tayo. Problema talaga.

  20. humus humus

    Ay mali dapat ganito ang sinabi ko: medio marami na ang nakukusumi sa mga obispo.

    meron bang koneksyon ang mga obispo sa mga nanunungkulan sa atin? Tigna ninyo ang kalakaran sa mga bansang hindi hawak ng mga obispo, ang galing ng mga sinabi ng mga bloggers sa thread na ito. Malinaw pa sa sikat na ng araw.

  21. Airport lang, hindi maiayos-ayos, bakit kaya? Ako’y lubos na nagtataka! Wala na bang naiiwang magalinggaling diyan para gawing manager?!

  22. Kung minsan tuloy, naiisip ko, parang sinasadya natin mismo gawing magulo ang lahat.

  23. As simple as putting order on the airport’s comfort rooms, the manager had to beg for two months hahaha. susmaryosep.

  24. vonjovi2 vonjovi2

    Nasabi ko na sa itaas na ang Problema natin ay “DISIPLINA”.
    Dahil kung ano ang “MALI” ay siya pang nabibigyan ng katarungan. Kung sino ang “TAMA” ay nakukulong pa. Papaano tayo uunlad kung ganito ang patakaran. Mag nakaw ka at ikaw pa ang bida. Mag sumbong ka ikaw ang kulong. May bagong presidente na kulang naman sa gawa at sagana lang sa salita.

    Mga Obispo ay nakikialam sa politika. Di mo mabigyan ng pera at humahangal agad dahil walang pang tustos sa mga kabit nila 🙂

    UUNLAD ba tayo sa ganitong sitwasyon….. Mahihirap ay siya pang maraming anak kesa sa mga may kaya sa buhay.

    Kung buhay lang si APO Lakay Marcos ay siguro ma unlad tayo. Binase ko lang sa mga nakaraan Presidente natin. Saan tayo ma unlad.

  25. vonjovi2 vonjovi2

    Mayroon sana tayong Floating river market sa kalengtong, Mandaluyong kaso “MAITIM:” dahil puno ng tae.

  26. totoy_bato totoy_bato

    Napakaganda sana ng bansa natin at napakayaman, pero lahat ng ito ay nasira lang dahil walang DISIPLINA. Di hamak na mas may disiplina nung panahon ni Marcos.

    Madami sa atin nagrereklamo na walang trabaho. Pero makikita mo sila panay ang inom at nakakapagsugal pa. Alangan naman ang trabaho lalapit sa iyo. Huwag tayong masyadong umasa sa gobyerno, hindi lahat isusubo sa atin.

    Meron nga sa Bangkok, 6 buildings na ang pag-aari niyang apartment. Pero nagtitinda pa din siya ng pagkain during day time. Ganyan sila kapursige sa pag-asenso. OO at may tamad din, pero mas madami sa kanila ang nagsisikap sa buhay. Lumalaban sila ng parehas at di nanlalamang ng kapwa.

    Simulan natin ang pagbabago mula sa sarili natin. Kung nahihirapan kayo jan sa Pinas, MAGPUNTA KAYO DITO SA SAUDI!”

  27. phil phil

    Marami problema ang bansa. Isa lang ang sa tourism. Agree ako kay ricelander at iba pang commenters tungkol sa state ng ating NAIA at other airports. As a frequent traveller, I also consider NAIA the worst airport in Asia. Just recently when I went to Hong Kong, our flight was delayed by more than an hour because the runway was clogged with incoming/outgoing planes. Punta rin kami Bohol, same pathetic condition ng airport. Sobrang liit ng arrival area, at yung departure area kahit passengers lang ng isang flight di na kasya kaya magtiis kang nakatayo for more than an hour. Eh kung delayed pa flight mo, malas lang.

    Pag pauwi ka naman, pa-landing ka pa lang sa NAIA ang bubulaga sa iyong tanawin eh yung mga daan-daang barung-barong na nakalinya sa mga estero, kumpleto with discarded car tyres sa bubong, at mga nakalutang na basura sa estero. Dismayado agad mga turista. Pagpasok mo ng immigration area, mga bulok na immigration desks ang bubulaga sa iyo, kitang-kita ang kalumaan at mumurahing repainting na ginawa. Tapos, nakasulat sa ibaba “service with a smile”, pero behind the desks ay mga may idad nang immigration officers na karamihan nakasimangot. Paglabas mo naman, mga barung-barong pa rin at heavy traffic ang bubungad sa iyo.

    Kahit anong marketing ang gawin natin di uunlad ang tourism natin dahil sa basic requirement pa lang na maayos na airports, bagsak na tayo. Pasalamat pa tayo at marami tayong magagandang beach and diving resorts kaya may mga foreigners pa ring pumupunta.

    Ang problemang ito eh dahil na rin sa kapabayaan ng mga nakaraang administrations. Sana na lang, ang Pnoy administration eh simulan at i-fastrack ang development ng bagong international airport. Ang magandang alternative diyan eh i-upgrade ang facilities ng Clark Airport at iyon ang gawing international. Ang present NAIA plus centennial at NAIA 3 i-connect at gawing domestic airport. Tapos, maglagay ng high-speed train from Clark to NAIA. Hay, alam ko, it’s a dream. Baka sakali lang.

  28. kapatid kapatid

    afety, Travel time, Value for money. Tourists look into this.
    The Philippines has a lot to offer, only if the people behind the tourism industry would get their acts together and work to achieve what Thailand, Vietnam, Cambodia has achieved, and continue to achieve. Tourism industry is bigger than politics as it provide livelihood and opportunity to plenty of locals.

    Air Traffic is getting in the Philippines. You would often experience flying around in circles over Clark,until NAIA is cleared of traffic. Often, it would take 45Minutes at least of circling around before NAIA an aircraft is given the go signal to approach and land. Then from air traffic, travelers have to contend with road traffic. This is a waste of time. You have lost your day on travel, which in my opinion, should not have been the case. The travel time could be improved, most definitely.

    NAIA should be decongested, and yes upgraded, with water in the rest rooms please. Immigration counters should be extended, especially during peak hours and days of arrival. Customs clearance should have adequate staff manning their counters, to increase the flow of traffic of passengers.

    Resort owners should not overprice their services. Food cost is quite high in the Philippines. Though most staff are nice and friendly.

    Thailand is way ahead of the Philippines when it comes to tourism revenue. Vietnam and Cambodia must’ve overtaken us as well. We have to consider that Vietnam and Cambodia were war-torn until 1975, or later even.

    Mongolia and Tibet are getting huge chunks of the tourist dollars nowadays.

    I really hope that the Philippine government would capitalize on the unrealized revenue and livelihood that tourism would give.

    Yeah, sad about the state the of tourism industry in our country, especially when you receive not so good feedbacks from visitors.

  29. balweg balweg

    Ang daming kwento ng Pinoy…kesyo dapat ganito o ganoon…simple solution ang dapat gawin…e promote nating Kapinuyan ang sariling atin, instead going to another country e dapat e promote natin ang turismo sa ating bansa.

    Laging pagkukumpara…a few % of our population lamang ang can afford to travel abroad at karamihan dito lamang sa Pinas…so ngayon pagyamanin natin ang local tourism at sure pagnakita yan ng mga banyaga e maencourage sila to visit our beautiful sceneries di ba.

    Stop ang sobrang pamumulitika at gayundin ang sobrang kalayaan sa pamamahayan kasi nga puro kapangitan ang mababasamo sa halos lahat ng newstand at manood ka namn ng news sa TV e wala nang maibalita kundi patayan at petty crime ang ibabalita.

    So ang alam tuloy ng mga turistang banyaga e ang Pinas e di safe na pasyalan…deputize all our law enforcement agency at LGUs na magkatulungan to implement ang peace and order sa bansa para di matakot ang mga turista na magpuntahan sa ating bansa.

    Lahat ng mga pasaway at kulang sa pansin na Pinoy e turuan ng leksyon ng magsibait at matutong gumalang sa karapatang pangtao…solve ang problema, hapi tayong lahat at sure uunlad ang Pinas.

    Sino makikinabang di ba tayong lahat na mamamayang Pilipino! Tapos ang isyu.

  30. Jojo Jojo

    Soleil,,,,,,nadale mo, Tama lahat ang sinabi mo. Specially you mention sa bandang hulihan. Kaya lang may kulang. You should mention na parang si Tingting C’ Lumaki at tumanda sa Tarlac, pero gustong mamuno sa Mindanao,,,

  31. freddie1120 freddie1120

    speaking of traffic solution. why not extend the mrt/lrt to airport para convenient sa mga travelers/passengers.bakit nga ba hindi ginawa ito noon pa? something fishy?

  32. clearpasig clearpasig

    sa pagunlad kailangan ng positibong pananaw, pangunawa, kolaborasyon sa mga usapin at gawain, at handa sa hinaharap. Mayroon tayong boses kung magkakaisa at hindi titigil ang pagbabago. Mayroong papalit sa atin upang ituloy ang ating simulain. Katulad ng isang mayamang Thailander patuloy ibinibigay ang lakas at kakayahan sa araw-araw na gawain. Ganoon din tayong mga Pilipino. Ngayon pa ba tayo susuko abot kamay na ang mga kagamitan sa paglalathala ng mga nangyayari sa ating kapaligiran. Masarap lumaban sa tama dahil di mo pansin ang simula at katapusan. Ang alam mo lang ay magawa mo nang tama.

  33. ANA MARTINEZ ANA MARTINEZ

    I have lived in Chicago, Illinois for a couple of years now. Chicago is one of the cities in the USA where a lot of Filipinos reside and work.

    It is but understandable why there are several businesses in Chicago targeting the Filipino market — restaurants, grocery stores, remittance centers, etc.

    Of course, these businesses are also owned by Filipinos. Filipino restaurants in Chicago have the trademarks that typify the Filipino restaurant in Chicago — they use paper plates instead of real plates, plastic spoon and fork instead of real ones, filthy tables, poor ventilation, very expensive food, limited food choices, very dirty restrooms, rude servers.

    There are not that many Thais in Chicago, but it is amazing to see that there are so many Thai restaurants in the city. These restaurants have attributes not like I mentioned above — they use real china, real silverware, clean tables, good ventilation, very affordable food, plenty of choices from the menu, clean restrooms, and severs who always wear a welcoming smile.

    I noticed that Filipino businesses in the US are short-sighted. They only target the Filipino market and never strive to improve their product to attract other market segments. You don’t see a lot of non-Filipinos patronizing Filipino establishments here in the US. The one or two non-Filipinos that drop by Filipino restaurants from time to time are usually friends or spouses of Filipinos. These non-Filipinos do not come to Filipino-owned restaurants on their own volition.

    On the other hand, Thai restaurants here in the US are patronized by all races. Their restaurants have such a pleasant atmosphere that you look forward to your next time out in their restaurants. Food is delicious but very affordable. They are not afraid to spend to make their restaurant beautiful and to sacrifice short-term profit so that their business will flourish and be repeatedly patronized not just by Thais, but by all races.

    Most Filipinos think only of short-term gains and do not have the foresight to think of the long term. We are content with the mediocre, not realizing that it is us who will suffer in the long run because of this attitude.

    You are right, Ellen. Somehow, the Thais have developed the knack for making simple things spectacular. Talagang naiinggit ako sa kanila.

  34. @Jake LP (#11)

    Reminds me of Confucius who said:

    The tourist who walks sideways at the airport turnstile … is going to Bangkok.

    Hahaha.

  35. @freddie1120 (#32)

    Useless sa flight passengers yung LRT/MRT papuntang airport. Una, bawal sa MRT/LRT ang malalaking bagahe, balikbayan box o malaking maleta.

    Pangalawa, sino’ng may gustong bulatlatin ng gwardiya ng LRT yung dalahin nila bukod pa sa baka maipit ka lang sa tren at di makababa sa ilang minutong bukas ang pinto dahil sa mga dala mo. Kung handcarry lang naman ang dala mo, pwede kang magbus galing o papuntang Pasay Rotonda, doon ka na lang mag MRT o LRT.

  36. edsa edsa

    Bakit lamang sa atin ang Thailand o ung karatig bansa natin?Kahit sa Turismo. Tanong ko din yan sa sarili ko.

    Nagtratrabaho ako dito sa Middle East. Tinatanong ko ung mga kasamahan ko ditong mga Saudis at mga expat, kung bakit ayaw nilang pumunta sa Pilipinas para magbakasyon? Gusto nilang subukan pero sa bandang huli ayaw na nila. Bakit kako ayaw nyo? Bkit mas gusto ninyong pumunta ng Thailand, Hongkong, Malaysia, Singapore at ibpa., di hamak na mas maganda ang bansa namin, paliwanag ko sa kanila.

    Nakakalungkot isipin, kawawang bansa ko, kaya ayaw nilang pumunta kasi di daw sila SAFE sa atin. (hahaha) Nakakahiya talaga. Kung sabagay kahit ako/tayo di na din safe sa sariling bansa natin, sila pa kaya? hehehe

    To make my opinion short, National security dapat ang una muna nating pagtuunan ng pansin, para ma-convince ntin ang mga turista na bumisita sa ating lugar. May pagkakataon pa tayong mabago ang imahe ng Pilipinas sa paningin ng mga dayuhan.

  37. From Juanito:

    Ang sa aking tingin, may kinalaman ang malaking populasyon

    Ang ating pagdami ay 2%, mataas sa ASEAN (at ang pinakapobre nating rehiyon, ang ARMM ay may growth rate na 6%!)

    Ang ating GDP naman ay hindi lumalampas sa double digits.

    Kahit maghimala at mag 20% gdp year on year rate pa si Pangulong Ninoy, kung ang populasyon ay patuloy na umaarangkada ng 2%, hindi tayo makakahabol.

    Madaling sabihin na tumataas naman ang ating GDP/capita pero kumpara sa ginawa ng SoKor at Thailand, di hamak na mas mataas ang antas na nakamit nila.

    At madali ring abusuhin ang GDP per capita na basehan ng pag-unlad dahil hindi naman ito talaga applicable sa Pilipinas kung saan malaki ang agwat ng top 5% sa bottom 95%.

  38. Golberg Golberg

    Sa Thailand kasi may disiplina ang mga tao.

    Kung “populasyon” ay may kinalaman sa kahirapan ng Pilipinas, samakatuwid “kahirapan” talaga ang problema.
    Granted na may kinalaman nga ang populasyon, bukod sa kawalan ng disiplina ng maraming Pilipino, katangahan dulot ng kawalan ng pakialam sa kanyang paligid, korapsyon kahit ng mga pribadong tao o manggagawa di lang sa pamahalaan, pagiging gahaman ng marami sa atin at katangahan ng mga mambabatas at mga autoridad ito ang mga tanong:
    Kung susupilin ni Juan Dela Cruz at Maria Klara (kuno) ang populasyon (15 or 25 years ang pagsupil) ang problema ba sa kawalan ng trabaho ay matutugunan? Yung mga walang maayos na tirahan, magkakaroon na ng tirahan na matatawag nilang tahanan? Kung magsisibalik ang mga OFW’s, may trabaho bang naghihintay sa kanila? Ang Problema ba sa kakulangan ng mga silid aralan at mga guro mabibigyan ba ng pansin? Tataas ba naman ang sahod ng mga manggagawa? Ang mga insidente ng snactching at holdup mababawasan ba kundi man tuluyang mawala?

  39. Golberg Golberg

    Continuation:
    Magagawa na kaya ng Gobyerno natin na makabili ng mga modernong kagamitang pandigma para naman sa National Security nating lahat? In other words, mayroon ba talagang “improvement of the quality of life?
    Kailan lang, napabalitang pumasok na naman sa teritoryo ng Plipinas ang mga barko ng China para sa kung ano man ang mga itinatayo nila sa spratleys. Ilang buwan lang ang nakakaraan, kinasuhan ng China ang Pinas ng invasion (nakasakay yata kasi sa barko sina Son Gokou, Vegetta, Piccolo, Gohan at Trunks). Kung magkaroon ng aberya at lalong sumingkit ang mga mata ng mga beho na iyan, ano gagawin natin? Gumamit ng condom ang laman ay pills?
    Meron pa. Problema natin sa droga. Mawawala ba ito o mananatili dito? Imporvement of the quality of life daw e sabi ni Rep. Garin.
    Kailan kaya magiging utak kapitalista ang buong Pinas para talagang umunlad. Yun bang tayo ang gagawa ng market at tayo ang hahanapin para sa mga mineral natin dito. Yun bang 3 major oil firms ay mayroon ng kakumpetensiya. Para kahit magsibalik lahat ng OFW may trabaho talagang naghihintay sa kanila.

  40. Golberg Golberg

    Kung susupilin ang populasyon dahil mayroon ng RH bill, ano kaya ang magiging kaisipan ng mga Pinoy sa loob ng 15 to 25 o 30 years?
    Yung “pagsupil” di lang sa mga bagay na nahahawakan o nakikita iyan. Kasama diyan yung isip na nagdidikta ng nararamdaman. Kaya kung di talaga gagamitin ang isip, huwag na nating asahan na ang mga Pilipino ay magkakaroon pa ng disiplina.

Comments are closed.